25 Share Your Pain
Amara's POV
"Uy! Ate! Nakikinig ka ba?" sigaw ni Chacey. Nakahalumbaba ako na nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga ako.
"Ano nga uli?"
"Sabi ko balitang-balita ngayon na ikakasal na si Prinsesa Natara sa isa sa mga prinsipe," she said.
Ikakasal? Hindi naman pwede kay Vinn dahil girlfriend na niya si Jen. Si Phil naman narealize na niya na may gusto siya kay Ella kaya alam kong hindi siya papayag. Lalo-lalo naman si Josh dahil alam na naman ng lahat na may gusto siya kay Gail. Isa lang ang posibleng ikasal sa kanya. At nanghihina ako sa isiping iyon.
"Sino sa kanila?" I asked. I mentally slapped myself because of my question. Seryoso Amara? Itatanong mo pa talaga yun? Eh alam mo naman talaga kung sino diba? But still, I want to confirm it. Malay mo naman diba?
"Ang prinsesa daw ang bahalang pumili ng gusto niya, pero halatang halata naman kung sino diba?"
"Sino nga?" tanong ko dahilan para bigyan niya ako ng 'hindi ba obvious look'.
"Edi ang Fire Prince, si Prince Alexander. Bagay na bagay naman kasi talaga sila eh," she said kasabay ng pagtahimik ng buong Dining Hall. Napalingon ako sa entrance at doon ko nakita ang pagpasok na mga Masters. Nasa harap nila si Natara na nakakapit ngayon sa braso ni Blaz.
"Yieee! Kinikilig ako!" Chacey squealed. I smiled sadly. Bagay nga sila. Blaz looked better than before. He has this glow that he only got when he saw the princess again. Wala na ang malamig at nakakatakot na aura sa kanya. I'm happy for him, really.
I'm just sad. It hurts to see them happy without me. It hurts to know that they already forgotten my existence in just a blink of an eye, but we need to accept that nothing is permanent in this world. We are all replaceable. That is the reality.
Nilihis ko na lang ang tingin ko at nagfocus na lang sa pagkain. Chay continued to talk and tell me things about the wedding of the princess. Kung gaano siya kaganda, kung gaano siya kabait, at kung ganno sila kabagay ni Blaz. She even asked me how their children look like in the future. And all of that hit me big time.
Napaub-ob ako sa mesa dahil ramdam ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak. My heart is in pain right now. Too much pain to handle. I can't really understand men. Bakit ganon na lang kadali sa kanilang magpalit? They would make a girl feel special, then they will leave and act like it's all nothing.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Kaya mo to Amara! Walang magagawa ang pagmumukmok mo. Kapag ba umiyak ka may mangyayari? Mastre-stress ka lang lalo. Kaya wag ka ng umiyak.
Itinaas ko ang mukha ko at nakita ko si Chay na malungkot na nakatingin sa akin. Her eyes are full of guilt and regret. "Ate, sorry," bulong niya. "Sorry kung insensitive ako. Nalimutan ko kasi na may something kayo ni Prince Xander bago dumating yung prinsesa. Sorry kung nasaktan kita."
"Ano ka ba! Ayos lang ako. Nandito ka naman kaya ayos lang ako," pagkumbinsi ko sa kanya, pati na rin sa sarili ko.
"Wag kang mag-alala ate. Kung sila, kaya ka nilang iwan, ako hindi. You can lean on me kapag pagod ka. I will listen kapag may problema ka kaya don't hesitate to come to me ha?" she said, "Ikaw lang kasi ang naglakas loob na lumapit sa akin kahit nobody lang ako dito sa academy. Ikaw lang rin ang kaunaunahang kaibigan ko kaya thank you ate."
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Thank you din," bulong ko.
"Ano ba yan Ate! Wag ka ngang magdrama!" she said making me laugh.
"Kapatid! Paupo ako ha?" Mayamaya ay may umupong dalawang lalaki sa table namin. The one who talked has a bright smile on his face at ang isa naman ay mukhang mahiyain.
"Kuya! Ngayon ka lang nagparamdam sa akin ah," Chay said to the guy. Hindi ko alam na kay kapatid pala si Chacey dahil wala naman siyang nababanggit sa akin, pero in fairness ha, gwapo ang kuya niya.
"Ano ka ba kapatid, busy ang kuya mo," he said at ng mapalingon siya sa akin ay mas lumawak ang ngiti niya. "Hi Amara, Chris nga pala." He offered his hand and I immediately take it and do shake hands with him.
I saw him last time during the ranking test. Sa pagkakatanda ko, he is already a Master pero hindi lang siya ganoon kaclose sa grupo nina Blaz.
"Crushhh! Kamusta ka na?! Miss na kita eh," Napataas ang kilay ko marinig ang sinabi ni Chay. Nakita ko naman ang pamumula ng kasamang lalaki ni Chris. Ang cute na bata. I think he is at the same age as Chacey.
"Hoy wag ka ngang ganyan. Ipagmakahiya mo naman ako!" angal ni Chris na ikinatawa ko na lang. Napakamot naman ng ulo yung lalaki bago umiwas ng tingin.
"Ate Ara! Nga pala, siya nga pala si Lester my loves, future boyfriend ko hihihi," malanding sambit ni Chay na ikinailing ko na lang habang natatawa ng mahina.
"Hi, Lester!" I waved my hand to him making him blush a little.
"Aba naman Amara, mukhang aagawan mo pa ako ah." Natawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi ni Chay. Naiiyak na ako sa katatawa hahaha. Nakakatawa yung mukha niya talaga.
"May nakakatawa ha?" she raised her brows making me laugh harder. Ng makarecover ako ay umiling ako sa kanya.
"Pfft. Ano ka ba hahaha. Lester is just a little brother to me. Sa'yong-sa'yo na siya," I said making her nod.
"Buti naman at nagkakalinawan tayo," she said making me stifle a smile. She is very possessive ha. Paano pa kaya kapag sila na in Les? Awan ko na lang hahaha.
"Les, call me Ate Ara, okay?" I said and he nodded shyly making me laugh a little. "Ang cute mong bata ka." Pinanggigilan ko ang pisngi niya dahilan para mas lalong mamula ito.
"Tama na yan! Ano ba! Kumain na tayo," Chay interrupted na ikinangiti ko na lang. Batang to talaga, sobrang mambakod ha.
Natawa na lang ako sa tuwing nilalagyan niya ng pagkain si Les sa plato, kung ano-ano pang ikinwekwento tungkol daw sa future nila jusko. Pulang-pula na nga ang mukha ni Lester. Sino ba naman ang hindi, eh kung kayo kaya ang tanungin kung ilan ang gusto mong anak hahaha.
"Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko ha? Talagang obsessed talaga siya kay Lester," rinig kong sabi ni Chris. I looked at him and smiled.
"Sanay na ako hahaha," I said, "Nga pala Chris, diba Master ka na? Bakit hindi ka kasama sa grupo nila?"
"Wala lang hahaha. Ayaw ko lang na nirerespeto ako ng sobra ng mga tao katulad nila. Gusto ko pantay-pantay lang kami at kaya nilang makisama sa akin ng walang takot," he said making me nod. He's humble.
We eat happily after that. Kwentuhan, tawanan, at asaran. It was fun laughing and smiling again. I'm happy to find new friends like them.
***
"Long live Princess Natara!"
"Long live Prince Alexander!"
I tried stopping my tears from falling, but I just can't. It was continually streaming down my face and no matter how I wipe them off, it doesn't stop. My heart is aching so bad.
Guess what.
The princess really chose Blaz to be her husband. They announce it to the whole land, and everyone is happy about it. Well, except me. I think. They were clapping and screaming their congratulations to both of them.
I turn around and run away because I might break down kapag patuloy ko pa silang panuooring masaya kasama ang isa't-isa. Sobrang sakit na kasi.
I ended up being in a hallway at napatigil ako ng makita si Josh at si Queen Iness. "Wala kang kwenta! Alam mo ba ang sinayang mong pagkakataon?! Kung sana mas malakas ka at mas makapangyarihan, ikaw sana ang pipiliin ng prinsesa!" dinuro-duro niya ang anak niya.
"Pero dahil napakahina mo at napakawalang silbi hindi nangyari ang plano kong ikaw ang maging emperador ng ating lupain at yun ay dahil sa katangahan mo!" umalis na ang reyna at iniwan niyang nakatungo si Josh. I can feel his pain at alam kong hirap na hirap na din siya.
Mayamaya ay napaupo na lang siya sa sahig. Sumandal siya sa pader at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga palad. Rinig ko ang mahihinang hikbi niya kaya hindi ko napigilan na lumapit sa kanya. I sat beside him and embraced him. He flinched when I hugged him pero ibinalik din niya ang yakap ng magtagal.
"Cry all you want. Nandito lang ako, hindi kita iiwan."
I realized that we have different pain and heartaches. Some are about love, while others are about family. And when things get rough, don't be afraid to share your pain with others. It will feel better.
You will feel better.
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top