22 Empty

Amara's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng palasyo ng Saphirius ng may narining akong sigaw. Sinundan ko ito at nakita ko si Queen Iness na kausap si Josh.


"Josh naman! Are you really that weak, huh?! Pati babae natalo ka! Isang bagong saltang babae?! How can you be king of this kingdom if you are defeated by a woman? You can't beat the other princes before, tapos ngayon pati babae natatalo ka?" she shouted while pointing her index finger to Josh. "That is probably the reason why our kingdom is the lowest of all the kingdoms here in Allaria. You are such a disappointment!" Nagmamadaling umalis is Queen Iness at naiwan si Josh na nakatungo.


The pain was visible in his eyes. I can feel his sadness. He was longing for the care and attention of his mother. Guilt suddenly struck me. Probably because I was one of the reasons why he is feeling that way. Lalapitan ko na sana si Josh pero naglakad na siya papalayo.


Josh is powerful. I witnessed it during the leveling test. Ano pa ba ang gusto ng mga magulang niya? Hindi ko alam na may ganito pala siyang pinagdadaanan. Akala ko pagkain lang ang problema niya kasi palagi siyang naka ngiti at carefree. Looks can be deceiving nga talaga.


Dumeretso na ako sa room ni Gail at nakita ko siyang nagsusuklay. "Girl! Where do you wanna go? Do you want to go to the beach? Tara?" Bigla akong napahawak sa ulo ko ng marinig ang huling sinabi ni Gail. Tara? Napailing na lang ako at umupo sa kama.


"Are you okay girl?" Gail asked and I nodded in response. Medyo napagod lang siguro kanina sa swimming. Nag-Indian seat ako at naghalumbaba.


"Ayos lang kaya si Josh?" I mumbled.


"Why? Anong nangyari sa kanya?" Bumuntong hininga ako at napagpasyahang sabihin ang narinig ko. Lumungkot ang itsura ni Gail matapos kong ikwento sa kanya ang narinig ko.


"It happened again," she whispered.


"Again?" I asked, and she nodded sadly. Does that mean, hindi yun ang una? Hindi pala biro ang nangyayari kay Josh.


"Alam mo bang ayaw talagang umuwi ni Josh dito sa palace. Kasi tuwing uuwi siya dito ang sumasalubong sa kanya ay ang mga sumbat at masasakit na salita galing sa Queen. Noong una tungkol sa pagiging rank 4 niya. Siya kasi ang huli sa lahat ng prince kaya palagi siyang nasasabihan ng mahina tapos ngayon mas bumaba pa ang rank niya kaya ganoon na nga ang nangyari," she said, "He may be bubbly and joyful on the outside, pero ang totoo, he's hurting."


Lumungkot na din ako dahil sa narinig. "Sana ayos lang siya," bulong ko.


"He will be alright. Malakas yun eh!" She smiled. "So, where do you wanna go?"


"Saan ba maganda? Ikaw ang tour guide ko diba?" I smiled making her giggle.


"Oo nga pala, peace!" She made a peace sign making me laugh a little. "Pero Ara girl, ang haba ng hair mo ha! Ayiee! Blaz, Kiss me Kyahhh! Nakakakilig!" tili niya na ikinapula ng mukha ko. That is the most embarrassing thing I ever did in my whole life! Kahihiyannnn! Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko kay Blaz. Naman eh!


"Pero Ara, in fairness, bagay talaga kayo!" dagdag pa niya na ikinangiti ko na lang. "Ayiee, kinikilig siyaaa!" pang-aasar pa niya habang sinusudot ang tagiliran ko dahilan para hamapsin ko siya ng unan. "Arouch!" Natawa na lang ako sa reaction niya.


"Wag ako Gailyn ha! Gusto mo sabihin ko kay Josh na may crush ka sa kanya?!" banta ko na ikinalaki ng mata niya. "JOSHHH!" sigaw ko dahilan para dali-daling takpan ni Gail ang bibig ko.


"ARAAA! WAGGG!" sigaw niya na ikinatawa ko.


"So, totoong may crush ka nga sa kanya?" I asked while smiling evilly. She looks so pale as ice now.


"A-ano, ahm, s-slight?" she stuttered making my laugh louder. Ang cute ng babaeng to. "Ara girl naman eh! Don't tell it to him ha!"


I crossed my arms. "Well, it depends on your attitude," I said making her stomp her feet. Nagtantrums pa eh.


"Amaraaaa! I love you so so so muchhh! Mwah!" she said dahilan para mapaiyak ako sa katatawa. Trying hard si girl hahaha.


"Oo na, hindi ko na sasabihin kay Jo---"


Natigil ako sa pagsasalita ng biglang pumasok si Josh sa kwarto kaya hindi mapakali ang babaeng nasa tabi ko. Namamawis na nga ang kamay eh. Hahaha.


"P-prince! W-what brings you here?" kinakabahang tanong ni Gail.


"We need to go to the Allarian Palace right now. The Empress is in critical condition," Josh said. Napaseryoso naman kami at agad humawak sa balikat ni Josh para pumunta sa palasyo.


Sa pagkakaalam ko, that Allarian Palace is the largest palace here in Allaria dahil doon nakatira ang Emperor. His name is Lloyd, Emperor Lloyd of Allaria. The four kingdoms here are under his rule. Kaya mas mataas ang kapangyarihan niya kaysa sa mga hari.


Pagdating namin sa palasyo ay namangha ako sa laki at ganda ng palasyo. It was massive, huge, enormous, gigantic, mega at lahat ng iba pang synonyms ng malaki. It was very elegant at parang nakakahiyang tumapak sa red-carpet ng palasyo. Kung maganda na ang ibang palasyo ay sampung beses na mas maganda ang palasyong ito.


Kung hindi pa ako hinila ni Gail ay hindi ako babalik sa ulirat. We walked towards the other Masters na ngayon ay nasa labas ng isang silid. Worry is visible on their faces lalong-lalo na si Ate Rein.


"Anong nangyari?" Josh asked making their attention shift on us.


"Inatake si Empress Nathalie noong isang araw, pero nagawan ko naman ng paraan. Pero kanina, inatake uli siya, it's more fatal dahil hindi pa siya nakakarecover sa last attack niya," Ate Rein said.


"Ate, akala ko nagamot siya ni Tita Zelle two years ago?" takang tanong ko pero umiling lang siya.


"The cure she made two years ago is just temporary. It lacks a very crucial ingredient, a very impossible component to have. Her condition worsened guys, and I don't know what to do anymore," she answered while wiping her tears.


"What is it? Maybe we can find it," I said but she shakes her head again.


"Ara, imposibleng makita iyon, how can we have her daughter's blood if she's already dead?" Jen said making my lips parted. Now I know.


"We tried giving her the temporary cure, but it's not effective anymore. Maswerte tayo dahil nakakuha ng dugo si Healer sa damit ng prinsesa noon, pero alam niyong kulang na kulang iyon. Kaya bumalik ang sakit niya. The cure needs a glass full of blood from the princess, but how can we make it now kung wala na siya?" Ate Rein said.


Mayamaya ay may lumabas na healer sa kwarto ng Empress. "We found a way," she said giving us hope.


"Tell us what it is," Blaz commanded. He is very serious and has this unapproachable aura right now.


"We can add the princess's ash instead of her blood," she answered making him nod.


Napaayos naman sila ng tayo ng lumabas sa silid ang Emperador. He emits a very strong and authoritative aura. Yung mapapayuko ka na lang dahil sa takot.


"Come with me, Masters," he said before walking towards the hallway. Tumigil siya sa isang malaking silid na walang pinto. Instead, it has a force field acting as security in the room. The inside is visible kaya kitang-kita ko ang laman nito. May isang malaking larawan ng isang batang babae ang nakadikit sa pader. Sa tapat nito ay may nakapatong na puting banga. It was full of flowers and candles.


Pagtapak ng Emperor ay nawala din ang barrier sa may pinto kaya Malaya kaming nakapasok lahat. Naging malinaw ang mukha ng bata sa akin at umawang ang labi ko dahil sa taglay niyang kakaibang ganda, especially her gold hair. She looks very angelic and fragile. Her smile is very pure.


Nagawi ang tingin ko kay Blaz at nakita ko ang sari-saring emosyon sa mga mata niya. He really misses her badly. Itinuon ko na lang ang paningin ko sa unahan. Lumapit ang Emperor sa urn at kinuha ito. I can see the sadness in his eyes while looking at it.


I don't know how hard it is for him to live knowing that he can't be with her daughter anymore. Tapos ngayon, may sakit pa ang asawa niya. It must be really tough for him.


He opened it slowly at nanlaki ang mata niya sa nakita. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. He faced us and I was taken aback when I saw a tear from his eyes.


Lumapit si Blaz at natigil din siya ng makita ang nasa loob ng banga. Ano bang meron dun? His lips parted and I saw a glint of hope from his eyes.


"Your Royal Highness, what happened?" The Healer asked.


"The urn was empty," he said making us all gasp in surprise.


"There are just two possibilities for its disappearance," he added, "It is stolen."


"Or she is still alive."


______mistyrhynn______

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top