17 Examination
Amara's POV
"The last to undergo the leveling examination, Miss Amara of the Mortal World!" HM Jaycee announced. Gasps erupted on the whole auditorium when they learned that I am a mortal.
"Gosh, she is a mortal being!"
"I never thought that I would see a mortal in my life, it's amazing."
"Lahat ba ng mortal magaganda?! Tara pre, dun na lang tayo tumira."
"She's weak. Paano yan nakapasok dito?"
Napangiwi na lang ako dahil sa mga naririnig. Kasalukuyang nagkakaroon ng leveling test at ako na ang panghuli. Tapos na ang lahat, and the current highest level is Blaz. Level 82 na siya, and I am really so proud, at the same time amazed at how strong he is.
"Please come on stage Amara," tawag uli sa akin ni HM.
"Ate, kaya mo yan! Good luck!" sabi ni Chay na ikinangiti ko na lang. Huminga ako ng malalim at umakyat na sa stage.
"GO AMARA!"
"ARA MY LOVES GOOD LUCK!"
"ANG GANDA GANDA MO TALAGA BABY KO!"
Napangiti na lang ako sa sigaw ng mga estudyante. They are lessening my nervousness. I mouthed thank you and smiled making the crowd go wild. Nagawi ang tingin ko sa master's Lounge at kita ko ang ngiti sa mga labi nila, maliban sa dalawa.
Phil was, I think in a bad mood pero ng makita niyang nakatingin ako ay ngumiti na rin ito. "GOOD LUCK BABY GIRL!" sigaw niya.
Blaz on the other hand has this dark expression, at mas lalo pang dumilim ng marinig ang isinigaw ni Phil. He stared at me with his piercing eyes. 'I'm jealous, damn. Don't smile on them, if you don't want to rain of fire." He mind-linked me making my smile wider. "Don't get hurt."
Tumalikod na ako at humarap na sa platform. Nakita ko ang isang nilalang na binubuo ng mga bato na nakatitig sa akin. Kailangan kong mapatumba ang nilalang na iyon. Blaz defeated that rock man in 10 seconds. Mukhang madali lang para sa kanya, pero ng makita ko kung gaano nahirapan ang ibang estudyante, ay kinabahan ako bigla. Umabot nga ng isang oras yun isa eh, pero may ibang hindi talaga kinaya, kaya ayun, lagpak ang level.
"Miss Amara, please step on the platform."
Kasabay ng pagtapak ko sa platform ay ang paglakas ng mga bulung-bulungan at singhap na nanggaling sa mga tao sa paligid. Umawang din ang labi ko dahil sa nangyari. I saw HM and I saw how his eyes widen because of shock.
Gumuho yung taong bato.
Awkward na humarap ako kay HM. "T-tapos na po ba?"
"W-what technique did you do?" he stuttered. He was really shocked, obviously. Eh kung shocked siya, papano pa ako?
"Wala pa po," I answered truthfully. He lifted his hands to form the rock man again like what he did after every student, but he creased his brows when he failed to do it.
"Can you step out of the platform?" he asked, and I nodded before stepping out. He then lifted his arms and tried forming it again, and this time, it worked.
"Now, step in again," he commanded, and I did what he asked. And just like what happened earlier, it shattered into pieces.
Tiningnan ako ni HM ng may pagkamangha at kyursyosidad. "You are one of a kind," he mumbled. I awkwardly smiled before returning to my position.
Tumabi uli ako kay Chacey na ngayon ay nakatingin lang sa akin at tulala. "Uy, Chay anyare sa'yo?" tanong ko na ikinabalik niya sa ulirat.
"Ate, ang galing mo!"
"Tumapak nga lang ako dun sa platform eh. Wala nga akong ginawa," nakangiwing sabi ko.
"Yun na nga Ate! Ang astig-astig mo! Hindi mo naman sinabi na sobrang lakas mo pala!" puri niya na ikinangiti ko na lang.
"Graduate ka na Ate! Ikaw ang una-una sa generation na ito, goodness! I'm so proud! Mwahahaha!" saad niya na ikinalaki ng mata ko.
"Ako? Graduate?"
"Oo Ate, tingnan mo yun oh." She pointed the screen in front. "Ay, namalikmata lang ba ako? Kita ko kasi kanina 101 eh, bakit naging 90 na lang?" She creased her brows. "Pero okay lang yun, swerte pa rin, mag-aadvance ka na sa 3rd Degree Ate, Master ka na ngayon! Yiee! I'm so happy! May kaibigan na akong Master," tili niya.
Nakita kong pababa si Blaz ng stage. Kinausap ata niya si HM. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit sobrang seryoso ng mukha niya. Mukhang may hindi nagustuhan sa nangyari. Is it because of me? Dahil ba mas mataas ang level ko kaysa sa kanya? Galit ba siya sa akin?
Inilihis ko na lang ang paningin ko at nagfocus sa unahan. "Allarians, the leveling test had officially ended! Remember that we only have one last test before the school year ends. If you want to graduate, then make yourself stronger and reach level 101," HM said. Tumayo na ang mga estudyante ngunit natigilan ang lahat ng magsalita muli si HM.
"We are not yet done Allarians. As requested by the emperor, we will hold the first ranking examination in Allarian Academy!" he said making the crowd go wild once again. "And because this is the first ranking test, only two students will have a duel, para malaman natin kung dapat bang ipagpatuloy ang ganitong klase ng pagsusulit o hindi," dagdag pa nito.
Wag niyong sabihing... erase, syempre hindi ako yan. Bakit naman ako ang mapipili diba?
"And of course, these two students will be the ones with the highest levels, Miss Amara and Prince Alexander Blaz!"
Or not.
Napapikit ako ng marinig ang pangalan ko. At ang mas nagpalala pa ay ang pangalan ng makakalaban ko. Saklap.
"The two of you, please come on stage," tawag ni HM.
"Ate, mag-ingat ka! Pero hindi ka naman sasaktan siguro ni Prince ng malala," sabi ni Chay na mas ikinasimangot ko. Pag-apak ko sa platform ay hinarap ko si Blaz na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin.
"Let the ranking test begin!" HM said before making a force field around the stage. Siguro para hindi maapektuhan ang mga nanunuod sa labas. Nawala lahat ng ingay sa paligid, tanging paghinga ko lang ang naririnig ko. It was so awkward.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa at walang nagtatangkang gumawa ng atake. We stayed like that for a couple of minutes, kaya hindi na ako nakatiis at nagsalita na.
"Galit ka ba?"
"Yes."
"Sorry na, hindi ko naman alam na mangyayar---"
"Who the fvck told you to wear that fvcking overexposed clothes, huh?" Umawang ang labi ko at tiningnan ang suot ko. I'm wearing a white sports bra with black leggings. This is the perfect outfit for training and duels diba? Anong problema sa suot ko?
"Maayos naman ah," sagot ko na ikinakuyom ng kamao niya.
"Maayos? Look at yourself! You are exposing too much skin! And those fvcking bastards out here are drooling over you! Sa tingin mo maayos yun?!" nagulat ako sa biglang pagsigaw niya.
"Bakit ba? Ganito rin naman ang suot ng iba ah, and you didn't complain," sagot ko.
"Bakit? Ikaw ba sila?"
"Pero---"
"Excuse me, we asked for a duel of magic, not a lover's quarrel," HM interrupted. I look at him and my eyes widen when I saw him smiling from ear to ear. The crowd on the other hand is going crazy right now, wala lang sounds. May nagtatalon pa at nagtititili sa pwesto nila. Namula ang mukha ko ng mapagtanto ang nangyayari. Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya! Ayoko na! Ayoko na talaga! Mama! Uuwi na ako!
I looked at Alexander Blaz and I saw him smirking. Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa kahihiyan. Nakakainis siya! Walang pasabing inatake ko siya pero mabils niya itong naiwasan. I punched him consecutively. Walang tigil. But he managed to dodge it all. Sinabayan niya ang bilis ko at iniiwasan lahat ng suntok na pinapakawalan ko, pero hindi siya umaatake. We stayed like that for a while at napapikit na lang ako sa inis ng may marealize.
He is studying my moves!
"Nice technique," he said. Mayamaya ay nagsimula na rin siyang umatake. Just like what he did earlier, I also dodged all his attacks kahit medyo nahirapan ako dahil sobrang bilis niyang gumalaw.
"Use your fire, Prince," I heard HM said pero parang walang narinig si Blaz dahil patuloy lang siya sa pag-atake. He aimed to punch me, but it stopped when I held his clenched fist.
"Use it Blaz," I said making his brows creased.
"No, your trauma will be triggered," he said sternly but I smiled.
"I will overcome it." That became his cue. Nagpalabas siya ng fire balls at pinabulusok ang mga ito sa direksyon ko. I closed my eyes and concentrate my mind.
I then opened my eyes and dodged the fireballs swiftly. I even backflipped para makaiwas. Sa tingin ko mag iisang oras na kaming naglalaban pero wala pa ring sumusuko. Nagpalabas siya ng apoy sa kamay niya kaya sinalubong ko ito ng kapangyarihan ko. I can't easily make his fire disappear. Malakas siya. Pero nakakaya ko naman.
Tumilapon si Blaz at napaurong ako dahil sa lakas ng impact. Ngumiti ako sa kanya ng napakatamis. "Why don't you stop fighting me cause I'm sure you don't want to hurt me," nang-aasar na saad ko dahilan para kumunot ang noo niya.
Nagpalabas na siya ng fire bolts at napangisi ako ng may kalokohang maisip. Umiwas ako sa mga pinapadala niyang apoy pero sinadya kong hindi umiwas sa isa. Tingnan natin ang tatag mo. Nagkunwari akong nahimatay. Nakahiga ngayon ako sa sahig at nakapikit.
"Fvck!" rinig kong mura ni Blaz. I smiled mentally. Ramdam kong ihiniga niya ako sa hita niya at hinawakan ang mukha ko. Pinatigil ko ang tibok ng puso ko ng pansamantala, pero gising ako.
"Damn it! Hey, Amara, wake up, will you? This is all my fault!" Hinawakan niya ang pulso ko at ramdam ko ang takot niya ng wala siyang maramdamang pulso.
He caressed my face while kissing my forehead continuously. "Fvck! Fvck! Don't die! Don't die! Plea-se," he begged at pumiyok pa siya sa huling sinabi niya. I opened my eyes and made a dagger out of my power. I triumphantly smiled and pointed it at his neck.
"You lose, Fire Prince."
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top