16 Mark

Amara's POV

"Xander, bagay ba sakin?" Tanong ni Shen habang itinatapat yung dress sa katawan niya. Akala ko ba stuffs for the ranking test? Naging shopping na eh! Nasa likod lang ako kasabay si Ella.


Si Ate Rein, ayun nawawala. Patigil-tigil kasi siya kapag may nakikitang kakilala. Eh lahat ng ata ng nandito kilala niya. Para siyang nangangampanya. Sabi ni Ella, ganoon daw talaga siya. Sobrang friendly. Sa sobrang friendly, friend niya halos lahat sa academy. Nagkukumustahan pa sila kaya naiwan na siya.


Si Gail naman, syempre kasama si Josh. May sarili silang mundo eh kaya napahiwalay na din sa'min. While sina Jen, Vinn, at Phil ay hindi na sumama. Wala pa kaming nabibili ni Ella dahil nasa Dress' Section kami.


Nakalingkis siya ngayon kay Blaz. Mabuti na yon, kesa mailang ako diba. Hindi pa ako nakakarecover dun sa pinagsasabi niya sa'kin kahapon jusko po.


"Ella, familiar ka naman dito sa shop diba?" tanong ko.


"Oo naman. Bakit?" takang tanong niya.


"Alis muna tayo, mukha tayong alalay nina Shen at Blaz eh. Punta tayo sa Accessories' Section," suhestion ko.


"Sige, sige. Naaalibarbaran ako sa mga paghawak-hawak nung babaeng yun kay Xander eh. Feeling girlfriend tsk. Alis muna nga tayo."


Pumasok na kami sa weapon's section at nagtingin-tingin. Si Ella ay pumunta sa Telarian area, yun ata yung mga weapons na specified para sa mga Land elemental.


Ako naman dun sa mga accessory weapons. Magaganda silang lahat pero walang nakakaagaw ng atensyon ko. Pupuntahan ko na sana si Ella pero may nahagip ang mata ako, a pair of earrings. Kinuha ko ito at pinagmasdang mabuti. It was an elegant and unique gold earring. The one is a star, and the other one is a crescent moon.


May lumapit sa akin na saleslady. "Miss, do you want to try it?" tanong nito at tumango naman ako sa kanya. Tinulungan niya akong isuot ang earings sa magkabilang tenga ko. Nang maisuot ko na ngumiti siya sa akin. "Bagay na bagay sa iyo," papuri niya.


"Ano po ang kapangyarihan ng earrings na'to?" tanong ko.


"The golden star will let you know the weakness of a person, while the golden crescent moon will let you know their strengths." Napa-ohh na lang ako dahil sa pagkamangha. It was a unique ability.


Tatanggalin ko na sana uli yung earings para ibalik kaso hindi ko na matanggal jusko. "Pwede niyo po ba akong tulungang tanggalin to? Hindi ko naman po bibilihin," pakiusap ko pero ngumiti lang siya sa akin.


"Hindi mo na ito matatanggal. Ikaw na ang nagmamay ari ngayon ng mahiwagang hikaw na iyan," pahayag nito na ikinagulat ko.


"Po? Pero wala po akong pambayad." She chuckled slightly because of what I said.


"Nakakatuwa ka talagang bata ka. Regalo ko iyan sa'yo." saad niya.


"Ibinibigay niyo po sa akin?" gulat na tanong ko dahilan para tumango siya.


"Salamat po, pero bakit po sa'kin?"


"Sapagkat iyan ay natatakdang mapasaiyo. Iyan ay isa sa mga pambihirang kagamitan dito sa ating lupain, kaya dapat lamang itong makasakamay ng isang pambihirang nilalang," sabi niya na ikinangiti ko ng bahagya. Nahihiya na talaga ako.


"Maraming salamat po talaga, sana po magamit ko ang hikaw na ito ng tama. Pwede ko po bang malaman ang pangalan niyo?" tanong ko.


"Cita." She smiled before disappearing ni my sight.


Pinuntahan ko na si Ella pag alis ni Cita. "Ella, nakabili ka na ba?" Tumango naman siya at itinaas ang isang bag na puno ng mga seeds.


"Bumili lang ako ng seed bomb haha, trip ko lang." She chuckled. "Ikaw? Anong sayo? Para mabayaran na natin," tanong niya at akmang hihilahin na ako papunta sa counter pero pinigilan ko ito.


"El, may nagbigay sa akin kaya hindi na kailangang bayaran," sabi ko.


"Huh? Binigay sa yo? Sana all! Patingin! Baka fake yan ha."


Hinawi ko naman ang buhok ko at ipinakita ang earrings. Tiningnan niya ito at napahawak siya sa bibig niya at nanlalaki ang mata ng makita ito.


"What the hell!" sigaw niya. "You-you-you're w-wearing t-the Earrings of Strength and Weakness!"


"Oh my ghad! Sinong nagbigay sayo?!" tanong pa niya.


"Cita, Cita daw pangalan niya." Lalo naman siyang nagulat at nalaglag ang panga niya. Ano bang meron dun? "Bakit?" tanong ko.


"Th-the le-legendary C-cita??!!" Tumango naman ako.


"Oh my ghad! Nandito siya kanina?"


"Yes, ano bang meron?"


"Hindi mo kilala si Legendary Cita? Siya ang pinakamatandang Allarian na nabubuhay, makapangyarihan siya at walang nakaka alam kung nasaan siya o saan siya nakatira." Ancestor nila yun? Akala ko kaedad ko lang jusko. Ang ganda kaya niya, sobra.


"Sa mga special na tao lang siya nagpapakita at sobrang swerte mo kung mabigyan ka niya ng ancient items," she said with her hopeful eyes. "Ang swerte swerte mo talaga Ara Girl! Dapat pala simamahan kita para nakita ko rin si Legendary Cita!"


"Pati yung Legendary Earings, binigay sayo! Alam mo bang isa yan sa mga pinakamalakas at pambihirang accessory dito sa Allaria kasama ng Legendary anklet, braclet, neklace at ring!" Legendary anklet at bracelet?


Pinakita ko sa kanya yung bracelet at anklet ko sa may paa. May binigay si Tita Zelle sa'kin na gold bracelet sa'kin nung nagtra-training pa kami, sabi niya, hindi daw ako basta-basta mapapagod kapag suot ko yun.


"Ito ba?" Tanong ko at napagsinghap naman siya. "Na-na s-sayo rin yung dalawa pa?!" gulat na tanong niya at tumango na lang ako. Hindi ko naman alam na Legendary pala tong mga suot ko! Bigay lang naman to!


"Bakit ang swerte mo?!" Nag-shrug na lang ako.


"Ella, tara na! Baka hinahanap na nila tayo," hinatak ko siya, at nagpahatak naman siya. "Alam mo bang pangarap ng lahat ng babae sa Allaria na mapasakanila kahit isa sa ng Legendary accessories na yon! Tapos ikaw tatlo!"


"El! Ang bigat mo! Tara na!"


"Lady Ella, Amara!" Nagulat ako ng may bumati. Nabitawan ko tuloy siya, buti nasalo siya nung lalaking bumati. Umayos naman si Ella ng tayo at tumabi sa akin.


"Hi!" sagot ko naman.


"Jom! Thanks nga pala!" Sabi naman ni Ella.


"Wala yun! Nakita ko kayo sa loob ng accessory area kaya pupunta sana ako para bumati kaso lumabas na kayo. Pabalik na ba kayo sa academy? Want a ride?" Ang bait naman niya.


"Ah, oo pabalik na kami, kaso may kasama pa kami kaya hihintayin muna namin sila, pero salamat sa offer," nakangiting saad niya.


"Sayang naman. Next time! Sige una na ako," paalam ni Jom.


"Bye!" paalam ko. Ngumiti naman siya at kumaway kaway sa amin.


"Tara na sa dress section! Baka tapos na sina Shen." Naglakad na kami pabalik at nangunot ang noo ko ng makita ko na hindi mapakali si Blaz, samantalang si Shen naman ay irita.


Nagawi ang tingin niya sa akin and I saw relief in his face. Malalaki ang hakbang niya papalapit sa'kin at nagulat ako ng bilga niya akong yakapin. "Where the hell did you go?! I thought you left. Fvck!"


"Ugh! Stop that drama! She is no longer a child para mag alala ka," singit ni Shen dahilan para bumalik ako sa ulirat at mabilis na humiwalay kay Blaz.


"Tapos na ba kayong mamili? Uwi na tayo," sabi ni Ella.


"No! I'm not done yet! Hindi pa ako nakakabili ng accessories!" pigil ni Shen. Alam ko namang gusto lang niyang makasama pa si Blaz ng matagal.


"Galing na kami dun ni Ella kanina, kaya kayo na lang," sabi ko.


"Okay!" she said tapos inilingkis nya nanaman ang braso niya kay Blaz.


"Get off me," he commanded.


"Ayaw nga niyang sumama, kaya tayo na lang!" pilit ni Shen habang hinahatak si Blaz.


"I said no! If you want to go, go alone," Blaz said with his intimidating face kaya iritang umalis si Shen at padabog na naglakad papunta sa Accessories' Section.


"Guys, hahanapin ko lang si Reina ha? Kita na lang uli tayo dito," sabi naman ni Ella. Si Ate Rein naman kasi eh, hindi na namin alam kung saang lupalop na napunta.


"Sana sinamahan mo na," saad ko.


"I did not come here to accompany her. I came here because of you," sagot niya na ikinatahimik ko.


"Saan tayo ngayon?" tanong ko na lang at hindi ipinahalata ang kilig ko. Hinawakan na lang niya ang kamay ko at hindi na ako sinagot. Sanay na naman ako na hinahawakan niya ang kamay ko. Normal na yun sa amin. Pumasok kami sa isang section. Tingnan ko yung taas at nagulat ako sa nakita.


COUPLE'S SECTION


Anong ginagawa namin dito? Maraming mga couple's item na nakadisplay, pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang couple tattoo. 


Nakita naman ni Blaz yung tinitingnan ko kaya tumigil siya. Hinatak niya ako dun sa Tattoo Corner at humingi ng kopya ng mga samples. "Do you want to have a tatoo?" tanong niya pero umiling lang ako sa kanya.


"Huy, ano ba! Wala naman akong boyfriend, pang couples lang to diba?" natatawang saad ko pero hindi niya ako pinakinggan at hinila sa may couch. Umupo kami ng magkatabi habang nagtitingin siya ng magandang design.


"Blaz, ikaw ba ang magpapalagay?" tanong ko at tumango naman siya habang nagtitingin pa rin.


Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa samples at nagtingin-tingin na din. May nakita akong flaming heart tatoo. Maliit lang siya, siguro ay kasing laki lang ng thumb ko, pero ang ganda sobra. "Ito na lang Blaz! Bagay to sa'yo," turo ko dun sa tatoo.


"Put that mark on me," he said to the tattoo artist.


"I'm sorry Prince, but our service is for couples only. Unless your girlfriend will mark herself as yours too," he answered making my eyes wide. Mukha ba kaming magjowa?!


Namula ang mukha ko bago siya samaan ng tingin. Hindi ako natutuwa. He, on the other hand, is smiling widely while looking at me with an amused face. "She will."


Nanlaki ang mata ko bago siya paghahampasin. "No! Ayoko! Masakit yan eh!" Natatawang hinuli niya ang dalawang kamay ko bago ako ilapit dun sa tattoo artist at iupo sa isang stool.


"Blaz naman eh! Wag n---" natigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong halikan sa noo.


"Now you're quiet huh. Tatahimik ka rin pala, gusto mo pang magpahalik," he said making my lips parted. A-ano daw?


"Ang sweet niyo naman! Ang swerte niyo sa isa't isa! Prince, I don't mind her being our queen, wag mo ng pakawalan," sabi nung babaeng artist na ikinakurap ko na lang. Queen daw?! Nilingon ko si Blaz at nakangisi lang siya. Parang baliw.


"Miss, permanent ba o temporary lang?"


"Make it permanent," Blaz interrupted. Hindi naman siya ang tinanong ah.


"Hoy Alexander Blaz! Anong permanent ka diyan?! Paano kapag nagkaboyfriend ako? Tapos nakita niya to? I don't want him to be hurt." I said, "Kaya temporary lang po," baling ko dun sa artist.


"He will be happy. Trust me," he smirked.


"At bakit naman? Hindi yun nakakatuwa da---"


"Bakit naman ako magagalit ha? I will be the happiest if I saw my girl marking herself as mine," he interrupted. "So, make it permanent."


Nakatulala lang ako sa kanya habang nakaawang ang labi. Hindi ko nga namalayan na tapos na pala akong lagyan ng tatoo eh. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasando at may tatoo na sa may bandang puso ko. Walanghiya talaga.


Isinuot ko na uli yung damit ko at tumayo na. Umupo naman si Blaz sa stool na pinag-alisan ko. "Prince, permanent or temporary?" the artist asked.


"Isn't it obvious?" he asked sarcastically.


"Sorry prince, I'll make it perman---"


"Temporary, make it temporary," he said making my eyes wide. Pinaghahampas ko uli siya dahil sa inis habang siya ay walang kasinlakas sa pagtawa. Walanghiyang lalaki to! Ng hindi ako makontento ay sinabunutan ko pa siya at kinurot sa pisngi.


"Aw! It hurts! Hahaha!" 


"Ayusin mo," banta ko sa kanya.


"What? Paano kapag nagkagirlfriend ako? Tapos nakita niya to? I don't want her to be hurt," he said imitating what I've said a while ago.


"WALA AKONG PAKIALAM!" sigaw ko na ikinatawa niyang muli. 


"Just kidding." He smiled. "Make it permanent, no erase, no removal, just like my love for her." Nangunot ang noo ko ng marinig ang huli niyang sinabi kahit pa pabulong lang yun. Ano daw?!


______mistyrhynn______

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top