15 Space
Amara's POV
"Baby girl dito ka na kasi maupo!" pamimilit ni Phil sa akin. Dalawang linggo na niya akong pinipilit na sumama sa kanila dito sa center table, pero palagi ko siyang tinatanggihan dahil nga ayaw kong maiwan si Chacey, at isa pa, dumi-distansya rin ako sa kanila.
"Maiiwan nga si Chay."
"Edi dito na lang rin siya, problema ba yun?"
Napabuntong hininga na lang ako. "Fine," pagpayag ko para naman matahimik na siya. Napa-yes naman siya bago ako ipaghila ng upuan na ikinakunot ng noo ko. Ginagawa niya? Parang nag-iba ata siya ngayon.
Ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay siya na mismo ang humila sa kamay ko at nagpa-upo sa'kin sa tabi niya. "Kain ka na, Ara," aya niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. I swear, he is weird.
"Ara, bakit hindi ka pa kumakain? Gusto mo bang subuan kita?" sabi niya na ikina-ubo ko. Ano daw? Subuan? Ako? Jusko.
"Phil, anong nangyayari sa'yo? May sakit ka ba?" tanong ni Ate Rein.
"Oo nga bro, nakulam ka siguro," natatawang dagdag naman ni Josh.
"Bakit?" takang tanong ni Phil.
"You are acting weird right now, Prince," Gail said with a matter-of-fact tone.
"Naku Felipe, sinasabi ko sa'yo, wag mong pinaglalaruan si Ara, kilala kita," Ella warned him.
"Hindi, I really like Ara," he said making my eyes wide. Napasinghap naman sila habang hindi makapaniwalang tumingin kay Phil.
"Ate, sabi ko na nga ba eh, may gusto talaga si Prince sa'yo, yiee," kinikilig na bulong sa'kin ni Chay.
"You like her?!" Jen asked.
"Yes," sagot niya ng walang pagdadalawang-isip. Napaiwas naman ng tingin si Ella dahil dun, at kita ang sakit sa mga mata niya. Napatingin ako sa harap ko at napakurap ako ng makita ang walang emosyong tingin si Blaz sa'kin. "I like her as my friend, anong problema dun?" dagdag ni Phil na ikinahinga ko ng maluwag. Akala ko kung ano na eh.
"Hey, guys!" I looked in the direction where the voice is coming, and I saw Shen walking gracefully in our direction. Umupo siya sa tabi ni Blaz at ikinawit ang braso niya dito.
"How are you? Hindi tayo masiyadong nakapag usap nitong mga nakaraang araw." She smiled. "Xander! Did you miss me?"
"Tss." She pouted her lips because of his answer. She is really beautiful and authoritative. Kung hindi ko siya kilala, mapapagkamalan ko siyang prinsesa.
"By the way, gusto niyo bang sumama sa mall. I'm gonna buy some stuff for the ranking test on Friday," aya niya. Oo nga pala, ranking test na sa Friday, at Wednesday na ngayon.
"I'll go if Ara will," sabi ni Ate Rein na ikinagulat ko.
"Ako rin," dagdag ni Gail.
"Whose Ara?" nakangiting tanong niya. Itinuro ako ni Josh kaya napalingon siya sa akin. Nawala ng ngiti niya at napalitan ng pagkairita. "So, your name is Ara pala." Tumango naman ako.
"Gusto mo bang sumama sa shopping?" pag-aaya niya. Tumango na lang ako kahit alam kong napipilitan lang siya. Baka may masabi akong masama at lalo pa siyang mairita sa akin. "Okay! Then its settled! Tomorrow, after class!"
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nagusap usap pa sila tungkol sa mga bibilihin nila kaya hindi ako makarelate. Hindi pa naman ako nakakapunta dun.
"Ate, tayo na? OP tayo dito eh," bulong sa'kin ni Chay at tumango naman ako bilang sagot. Para talaga kaming sampid dito. Kaya ayaw ko talagang pumayag eh.
"Guys, una na kami ha? May class pa kami eh," paalam ko bago tumayo at naglakad na papalabas ng Dining Hall kasunod si Chay. Rinig kong pinipigilan pa kami ni Phil pero hindi na ako lumingon pa.
Nasa may hallway na kami ng may humawak sa braso ko dahilan para matigilan ako sa paglalakad. Nilingon ko ito at nakita ang seryosong mukha ni Alexander Blaz. Napapansin ko, palagi na lang niyang hinahawakan ang braso ko. Ano yun hobby niya?
"Ahm, Ate, una na ako sa'yo ha? Sunod ka na lang sa room," paalam ni Chay, bago dali-daling tumakbo papalayo.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Let's talk," he said seriously while looking at me with that piercing eyes of him.
"May class pa ako, mamaya na lang," tanggi ko bago tanggalin ang braso ko sa pagkakahawak niya, pero mas lalong humigpit ito.
"Why do you keep on ignoring me?" he asked frustratedly.
"I'm not," sagot ko at bago hilahin ang braso ko para makawala sa hawak niya.
"See! You're treating me coldly! What did I do wrong?"
Napaiwas na lang ako ng tingin. I thought he wouldn't notice. Totoong iniiwasan ko sila, lalong-lalo na siya. Dumidistansya lang naman kasi ako. Narealize ko kasi na hindi naman ako nababagay sa grupo nila. They are Masters. They have royal blood. Ako? Isa lang namang mortal.
"Tell me. What's the problem?" Ng lingunin ko siya uli ay nakita kong matiim siyang nakatingin sa akin.
"I'm just giving you space," sagot ko dahilan para kumunot ang noo niya.
"Why the hell would you give me space?"
"I realized that I'm being too feeling close to all of you. You don't even consider me as a friend, right? So, I'm sorry for being too FC. I'll not bother you anymore, and I promise to keep my distance from you from now on," I said sternly.
"You will never do that." He gritted his teeth.
"I will," matapang na saad ko bago tumalikod at magsimula na uling humakbang papalayo, pero natigil ako ng yakapin niya ako patalikod. I flinched because of his touch. "Blaz, ano ba?"
"You don't know how I wish to see you again, and now that you're here, do you seriously think that I will let you go again?"
Nilingon ko siya ng may masamang tingin. "Sandali lang Alexander Blaz, nilalandi mo ba ako?" prangkang tanong ko. What confused me even more is the fact that he smirked. HE SMIRKED!!! Baliw na siya.
"Anong ibig sabihin ng ngising yan ha?" I raised my brows. He snaked his arms on my waist and pulled me closer to him.
"Nilalandi kita, may problema?" he said while looking at me intensely na ikinakurap ko ng ilang beses. Ng magsink-in sa akin ang sinabi niya ay dali-dali ko siyang itinulak.
"Ayoko!" I shouted making his eyes darkened.
"Is it Phil?" he clenched his jaw.
"Anong is it Phil?! May girlfriend ka na diba?! Ano ako gagawin mong mistress?! No thanks! Salamat na lang sa lahat!" I crossed my arms while shaking my head.
"Why would I make you my mistress, if I could make you my wife instead?" he said making my eyes widen.
"And girlfriend? Are you pertaining to yourself?"
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top