13 Allarian Academy
Amara's POV
"Never."
Napamaang ako sa kanilang dalawa. Pinagaagawan ba nila ako? Kita ko ring pabalik-balik ang tingin nina Ate Rein kay Phil at Blaz. Their mouths are slightly open because of shock.
"Blaz," I called. I heard them gasp because of what I said pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin. "Bitaw ka na," I said making him creased his brows.
"Are you choosing him over me? I can accompany you to Headmaster instead." He clenched his jaw.
"No, of course not," I said, "It's just that... I don't want to disturb you."
"But you can disturb him, huh?" he spatted.
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. "O-oo, k-kasi alam kong hindi siya naiirita sa'kin," I mumbled while looking down.
"When am I annoyed with you?"
"Kanina, noon," I whispered. When I looked up, I saw him staring at me intently. "Kasi, nararamdaman ko na naiirita ka sa'kin palagi. Ayoko naman na mas lalo ka pang mainis sa akin kapag nagpasama pa ako sa'yo. Sorry na."
"Ara, tayo na," Phil called.
"Blaz," I removed my hands to his grasp. He closed his fist before looking away.
"Huy, wag ka ng magtampo, babalik naman ako eh," sabi ko pero hindi siya sumagot kaya lumabas na lang kami ni Phil at naglakad na papunta sa office ni Headmaster.
Nagalit ata siya sa akin. Kasi naman eh!
"Ara, bakit ka nga pala biglang nawala kanina? May teleportation ka rin ba?" tanong ni Phil.
"Ahh, yun ba? I was summoned kasi by someone," sagot ko na lang. Tinawag kasi ako ni Kuya Aeolus kanina kaya bigla na lang akong nawala.
Flashback:
"Audrey, may nakalimutan pala akong sabihin sa'yo," Kuya Aeolus said. He's the Deity of Air by the way.
"Ano yun kuya? Pwede mo naman akong i-mind-link diba?" takang tanong ko.
"Basta. Mas maganda kung personal."
"Wag kang maniwala diyan Aud, namiss ka lang niyan kaya ka tinawag," natatawang saad naman ni Kuya Volos, Deity of Land.
I narrowed my eyes to them when I remembered something. "Bakit niyo ako hinulog sa langit ha? Tapos pababalikin niyo ako dito? Pwede naman palang magteleport lang!" angal ko sa kanila.
"Sorry na lil' sis hahaha. Happy lang tayo," Kuya Oceanus, Deity of water said. Malamang water, alangan namang fire diba?
"So ano ngang meron?"
"We just want to inform you that you can't tell anybody about your training with us. Anybody Audrey, even that Fire prince," Kuya Aestus, Deity of Fire, said. Sobra siya ha. Mukha bang sasabihin ko kay Blaz yun at kailangan pa niyang diinan ang pagsasabi.
"Oo na kuya, pero tanong lang, hindi naman sa ayaw kong pumunta sa Allaria ha. Pero bakit ko pa kailangang pumunta dun kung nakapagtraining na naman ako kasama kayo at si Master? I've mastered my power already, ano pang gagawin ko dun?" takang tanong ko pero nagkatinginan lang sila.
"You'll know Audrianna. There is a purpose in everything. All you have to do is find it."
End of Flashback
Tapos pagbalik ko, nagulat na lang ako ng may apoy na bumubulusok sa pagmumukha ko! Ilang minuto lang akong nawala! Talaga naman.
Ng makarating kami sa tapat ng pinto ni HM ay kumatok muna si Phil bago buksan ang pinto at pumasok ng office. "Good afternoon HM," bati ni Phil.
"Good afternoon din Philippe. What brings you here?" tanong ni HM.
"Someone wants to enroll in our academy, pwede pa po ba?" magalang na tanong niya.
"The school year is already ending. Dalawang leveling test na lang at magtatapos na ito. Masyado ng late, I'm sorry," he said making me feel disappointed.
"You'll change your mind if you see who she is," sabi ni Phil bago ako sinenyasan na pumasok na. Pagpasok ko, nakita kong walang pagbabago sa lugar, ito pa rin yung HMO na iniwan ko noon.
"Amara," he whispered.
"Good afternoon po, Headmaster Jaycee," I greeted.
"Philippe, can you leave us for a moment?" saad ni HM at tumango na lang si Philippe bilang pagsang-ayon.
"Hihintayin kita sa labas," Phil informed, and I nodded in response.
"Amara, what a surprise. I never thought that we would see each other again," he said, "Nevertheless, it was nice seeing you again. Have a seat."
"It's nice to see you again HM," sagot ko naman pagkaupo sa lounge.
"What brings you here? Are you lost again? Kailangan mo ba uli ng tulong?" he asked, and I shake my head in response.
"I'm here to enroll po. I recently discovered that I have powers just like you. Sabi rin po sa'kin ni Healer Gerzelle na pumunta ako dito para makapagtraining," sagot ko. Well, that is really my reason kaya ako pumunta dito, but they already trained me! At hindi ko alam kung bakit nga ba ako nandito.
"I knew it. The first time I saw you, I can tell that you were special. I can sense that you really are a mortal being kaya hindi na kita pinigilang bumalik sa inyo, ngunit dahil ikaw ay nandito na muli, walang rason upang ikaw ay aking hindi tanggapin," he said.
"Welcome to Allarian Academy. You can stay as long as you like. Be a student here and learn to control your power," nakangiting saad niya.
"Thank you, HM."
May binigay siyang susi, isang papel at uniform sa akin. "Your room is 402, Girl's Dormitory, and that is your schedule," Tumango na lang ako at tangkang aalis na pero natigilan ako ng magtanong siya.
"May I know your power? Is it the photographic memory?"
"Nullification po HM," sagot ko na ikinalaki ng mata niya.
"Are you sure Amara?"
"Opo. Bakit po?" takang tanong ko pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay tininitigan niya ako. I can feel him trying to enter my mind, so I build a strong defense on my mind preventing him to enter. Hindi niya pwedeng mabasa ang utak ko. Baka malaman niya yung tungkol kina Kuya Aeolus eh.
"You are really one of a kind, Amara," manghang sabi niya. "Ikaw lang ang nag-iisang tao na hindi ko mapasok ang isipan."
May kinuha siya na kanyang drawer at nakita ko ang isang infinity gold anklet. It was very simple but elegant.
"This anklet is a special type of medallion, and this can take you anywhere you wanted. Kahit hindi mo pa napupuntahan, basta alam mo ang pangalan ng lugar na iyon. You just have to say its name and in just a snap, nandoon ka na," he said making my eyes shined in amusement.
"Makapangyarihan po pala ang anklet niyo HM. Ibig sabihin kaya niyo pumunta kahit saan?" manghang tanong ko.
"Hindi ito sa akin Amara, ipinagkatiwala lang ng isang makapangyarihang nilalang. Sabi niya, ibigay ko daw ito sa isang tao na espesyal at pambihira. Matagal na itong nasa akin, ngunit sa tingin ko ay panahon na upang ipagkaloob ko ito sa nararapat," saad niya na ikinatango ko na lang. Ang swerte naman ng magmamay-ari niyan.
"Sige po HM, mauuna na po ako," paalam ko pero nagulat ako bigla itong tumawa ng malakas. "Bakit po?" takang tanong ko. Ang weird niya ha.
"Ikaw ang napili ko Amara," nakangiting sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Po? Saan po?" I'm literally clueless. Ano ba yun?
Napailing na lang siya habang tumatawa ng mahina. "Nakakatuwa ka talaga hija," sabi niya bago iabot sa akin yung anklet na ikinagulat ko.
"Ibibigay niyo po sa'kin yan?!" gulat na tanong ko. Seryoso ba?
"Oo naman hija. Ayaw mo ba?"
"Ay hindi naman po! Salamat po talaga! Pwede ko na pong dalawin ang mga magulang ko sa mortal world kaya thank you po ng marami," masayang pasasalamat ko bago tanggapin ang anklet.
"Walang anuman hija. Ikaw talaga ang aking napupusuan na magmay-ari niyan. Wala ni isa sa mga dugong bughaw o ibang estudyante ang nakapagpakita sa akin na sila ay karapatdapat, ngunit unang kita ko pa lamang sa'yo ay napahanga mo na agad ako."
Nahiya naman ako jusko. "Salamat po uli HM, sige po, mauuna na po ako," paalam kong muli.
Paglabas ko sa office, nakita kong nakasandal si Phil sa pader habang naghihintay. "Phil!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at ngumiti ng makita ako. Itinaas ko ang susi ng room ko. "Pinayagan ako!" Lalo namang lumaki ang ngiti niya.
"Great! Welcome to the Allarian Academy, baby girl," masayang sabi niya.
"Salamat."
"Tara, I'll tour you to the academy, utos ni HM." Hinila niya ako papunta sa field at tumigil siya ng nasa ginta na kami. Inikot ko ang paningin ko at namangha ako ng makita ang iba't-ibang gusali na nakapalibot samin ngayon.
"Allaria, also known as the land of light, is the land where magic and happiness are abundant. Allarians ang tawag sa'min and our land is considered as the most sacred land in all the magical lands. We pray to the Deity of Light, God Kyros," he said.
"Unang-una, ang Student Dorm. This is located on the south. Nahahati sa tatlo ang Dorms dito. The one in the middle is the Royal Dorm kung saan ka unang napadpad," panimula niya na ikinatawa ko ng mahina. Sobra yung word niyang napadpad ha. "Girl's Dorm on the left and sa Boy's naman yung nasa kanan."
"That place on the west is the Allarian Shop. You can buy anything in that shop, clothes, weapons, foods, essentials, anything."
"Katabi ng shop ay ang Allarian Hospital. Dun dinadala ang mga students na injured during training or kapag may ranking test. Ang mga healers na ang bahalang magpagaling sa kanila. By the way, si Reina ang top student diyan," he proudly said.
"Tapos yung pinakamalaking building na yun," turo niya sa malapalasyong gusaling nasa norte, "That's the Campus. The ground floor is for the professors, the left-wing is for the Tyros, the right-wing for the Seniors, and the middle for the Masters. Sa loob niyan, nandoon din ang training area, ang auditorium, ang grand hall kung saan ginaganap ang Lumiere Night, ang Headmaster's office, at ang Dining Hall."
" So, that's it! Ngayon naman, hatid na kita sa room mo," saad niya at tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Habang naglalakad kami ay tuloy pa rin siya sa page-explain.
"Tulad ng nabanggit ko kanina, may tatlong degree dito. 1st degree are those students who are in level 1 to 30, they are called Tyros, beginners sila at mga bago pa lang sa academy. Dito ka mapapabilang simula ngayon," he said.
"2nd degree are those from level 31 up to 60, they are called Seniors, and lastly the 3rd degree, those who are from 61 to 100, they are called Masters, kabilang kaming mga prinsipe sa degree na 'to." It means malakas talaga silang apat. Sabagay, prinsipe nga pala sila.
"Kapag narating mo ang level 101 or above, ang ibig sabihin non, graduate ka na and you need to leave the academy and go back to your kingdom," paliwanag niya at napatango na lang ako bilang pagintindi.
"Hi Prince, let's eat?" napabaling ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babae na nakangiti kay Phil. Pero kakaiba yung ngiti eh. Alam niyo yung medyo flirty? Actually, sobrang flirty pala.
"Hi babes, later, I'll see you in the Dining hall," he said while wearing his killer smile. He even winked at the girl dahilan para mamula ito ng todo bago ito lampasan at magpatuloy sa paglalakad.
"Galing din, playboy talaga," puna ko.
"Hindi ako playboy baby girl. Sila ang lumalapit sa akin, hindi mo ba nakita?" mayabang sa sabi niya na ikinailing ko na lang.
"At isa pa kasalanan to ng mga magulang ko kaya wag ako ang sisihin mo," natatawang saad niya na ikinakunot ng noo ko. Dinamay pa talaga ang magulang niya sa kalokohan niya.
"At bakit naman?"
"Kasi pinanganak nila akong gwa-po."
"No comment." Inunahan ko na siyang maglakad at baka mas lalo pang lumakas ang hangin sa paligid. Bakit hindi kaya magpalit sila ni Vinn ng kapangyarihan no? Parang mas bagay kasi sa kanya yung hangin eh.
"Naman Ara!" Hinabol niya ako at tatawa-tawang naglakad.
"So, back to topic, magbabago ang degree mo during Leveling test. Pwedeng tumaas ito kapag nagimprove ka or pwede ring bumaba kapag humina ang kapangyarihan mo. The type of test depends on the Headmaster. Last time it was to break a barrier, the number of minutes will be the basis for your level, hindi ko lang alam kung ano naman ang susunod."
"At para prepared ka, the next leveling test will be two weeks from now," he said, and I nodded in response.
"Kaya ko yan syempre. Ako pa ba?" I joked making him laugh.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng room ko. Pagkarating namin, pumasok na ako at umupo sa kama. Sumunod naman siya sa akin at umupo naman sa upuan.
The room looks nice by the way. It was clean and organized. Hindi siya malaki at saktong-sakto lang para sa'kin.
Binaliktad niya ang upuan at ipinatong ang kanyang braso sa sandalan. "Baby girl, I'm really happy to see you again," he said sincerely.
"Ako din naman. Don't worry, matagal pa tayong magkakasama." I smiled. He is intently looking at me with his wide smile making me laugh a little.
"Bakit ka ba nakatitig?" natatawang tanong ko.
"Ang ganda-ganda mo kasi. Kahit ilang beses na kitang nakita, hindi ako magsasawang tingnan ka," he said making me burst out laughing.
"Gandang-ganda ka talaga sa'kin eh, no?"
"Sobra," he said before holding my hand. Hahalikan sana niya ang likod ng palad ko ng may humila kay Phil papalayo sa akin.
"Oh Bro, bakit ka nandito?"
"We have a meeting at the Royal Dorm, so fvcking go in there now," Blaz said.
Napakamot na lang si Phil ng ulo bago magpaalam at lumabas na ng kwarto ko kasama si Blaz. Ang pinagtataka ko lang ay bakit parang nagtatagis ata ang bagang ni Alexander Blaz. Galit ba siya?
Ng mapagtanto ko ang dahilan ng inis niya ay napangiti na lang ako. Selos na siya sa lagay na yan? Cutie.
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top