11 Return
Amara's POV
"Excellent!" papuri ni Kuya Aestus ng matapos ko ang training ng isang buwan lang.
"I can say that you are now ready to go back to Allaria," saad niya dahilan para manlaki ang mata ko. My Ghad! Makakabalik na din ako!
Kasama kong bumalik si Kuya Aestus sa Elium, ang tirahan nila, or should I say, isang napakalaking palasyo.
Nalaman kong mga diyos pala sila. Nagulat nga ako na ganun pala katas ang posisyon nila. Kaya naman pala napaka perpekto ng anyo nila eh. Muntik pa nga akong lumuhod sa kanila nung nalaman ko. Kaso wag na daw dahil parehas lang naman daw kami. Eh? Gulo nila no?
"Kuya, bakit nga pala Audrey ang itinatawag niyo sa akin?" tanong ko dahil curious na curious talaga ako.
"You'll know soon," ngiting sabi niya.
Pagkarating namin ay nagulat ako ng sumigaw sila kuya. "AUDREY! CONGRATS!" Napangiti na lang ako. Ang swerte ko talaga sa kanila. Kahit konting panahon pa lang kami nagkakasama, tinuring na nila akong parang totoong kapatid.
"Salamat mga kuya!" Nag-group hug sila at ako ang nasa gitna.
"Hahahaha! Mga kuya, ang cute niyo!" humiwalay naman sila at umiling iling si Kuya Aeolus.
"Aud, hindi cute, GWAPO!" Sabat niya dahilan para mapatawa ako ng mahina.
"Pfft. Oo nga, GWAPO." pagsakay ko sa trip nila.
"Diyan tayo magkakasundo! Kaya lab na lab kita eh!" sagot niya.
"Syempre mahal ko din kayo! Muah!" nakangiting sagot ko sa kanila.
"Tara kain tayo!" Sabat ni Kuya Cean. Napasimangot naman yung tatlo.
"Bakit?" Inosenteng tanong niya.
"Moment wrecker," inis na sabi ni Kuya Volos bago ito batukan ng malakas.
"Aray!" angal ni Kuya Cean bago ambahan ng suntok si Kuya Volos na ikinatawa ko. Ang sarap nilang kasama.
Ng mapagod sila sa paghaharutan ay dumiretso na kami ng dining at nagsimula nang kumain. Hindi na sila nagulat dahil sanay na naman sila sa pagkain ko. Pinagtawanan na lang nila ako at inasar.
"Aud! Baka tumaba ka!" sermon ni Kuya Aestus. Nagpout naman ako at nagpaawa. Sinadya ko talagang palakihin ang mata ko at pinilit maging teary eyes. I heard him hissed in defeat. Hindi talaga nila ako matanggihan. Kaya mahal na mahal ko yang mga yan.
Pagkatapos naming kumain ay nagsalita si Kuya Aeolus. "You can go to Allaria now that you are ready, Audrey," saad niya. I suddenly felt excited pero nawala yun ng makita ko ang malungkot nilang mukha.
"Mga Kuya, mamimiss ko kayo," I said sadly.
"Kami rin lil' sis. Wag ka ng malungkot, pwede ka namang pumunta dito kahit kelan mo gusto," he sid making me smile.
"Aud, Sleep. Bukas nandoon ka na sa Allaria," sabi na lang ni Kuya Aestus.
"Pwede ko bang makita muna si Master?" Tumango naman siya at ikinumpas ang kamay. Lumabas ang mukha ni Master at nagulat nang makita ako.
"Master!" masayang sabi ko habang kumakaway kaway.
"Ara," she whispered.
"Master! Magaling na ako!" Nag exhibition pa ako ng mga natutunan ko para magpakitang gilas sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Napakalaki na nga ng iyong ipinagbago sa Ara na aking unang nakita. Napakalakas mo na," papuri niya.
"Isang pribiliheyo para sa akin ang turuan ka, Ara," dagdag pa niya.
"Salamat Master, sa pagtuturo sa akin. Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa iyo," pasasalamat ko.
"Walang anuman. Nawa'y magtagumpay ka sa lahat ng iyong gagawain at palagi mong tatandaan na nandito lang ako. Hanggang sa muli." nakangiting saad niya.
"I'll come back Tita. Wait for me," paalam ko bago nawala na ang hologram niya.
"Matulog ka na muna para nandoon ka na bukas, paggising mo," saad ni Kuya Aestus. Ayoko matulog eh.
"Kuya, may iba pa bang paraan? Hindi naman kasi ako inaantok," saad ko dahilan para magkatinginan sila at mapangisi sa isa't isa.
"As you wish," nakangising sabi ni kuya Cean bago hinawakan ang magkabilang sintido ko, kaya pumikit ako. Tapos parang nahuhulog ako sa isang mapakataas na lugar. Pagmulat ko, nanlaki ang mata ko ng makitang nasa langit ako at bumubulusok pababa.
"KKYYAAAAAAHHHHHH"
Sabi ko ibang way papunta sa Allaria, hindi way pa kamatayan!
"AYOKOOOO PANG MAMATAYYY!"
Nangyari na ito sa akin noon eh. Pero doon may seatbelt! Dito wala jusko po! Wag niyo akong papabayaan!
"KKYYAAAAAHHH"
Nakikita ko na ang lupa. Hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari dahil nahimatay na ako dahil sa pagod at takot. Kapag ako namatay, mumultohin ko silang lahat! Humanda sila saken!
Reina's POV
Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Xan na nilampasan ang isang babaeng tumangkang kausapin siya. Ang bastos talaga ng lalaking yun. Nilihis ko ang lakad ko at sumunod na lang kay Xan. Mabagal ang lakad niya at parang may iniisip kaya mabilis akong nakalapit sa kanya. Nasa likod na niya ako pero natigil ako ng marinig ang sigaw ng isang pamilyar na boses.
"KKYYAAAAAAHHHHHH"
Where do I hear that beautiful voice? It's really familiar to me.
Xander continued walking na para bang hindi niya naririnig ang sigaw at hindi rin niya napapansin na nasa likod niya ako kaya sumunod na lang uli ako sa kanya.
"AYOKOOOO PANG MAMATAYYY!"
OMG! Is that Ara?! Nanlaki ang mata ko ng marealize na si Ara nga! Napalingon ako kay Xander pero balewala sa kanya ang sigaw ni Ara. Was she lost again? Gosh! I'm so happy!
Nakarating kami sa field and I was surprised because the students were gathering on the field as if they saw something unusual. Gossips were also around the air.
"KYAAAHHHHHH"
Natigil si Xander and shock registered on his face when he saw her falling from the sky. I was shocked too and scared as well. She'll get hurt!
I saw Xander panicked and quickly went to the middle of the field para makagawa ng paraan para hindi siya tuluyang mahulog.
He wrapped her in a flame sphere to slow her down. Ng malapit na si Ara sa lupa ay sinalo niya ito. When he saw her face, it was obvious that he was mesmerized, but he immediately returned to his senses when he heard the gossips of some students.
"Pre, ang ganda!"
"Oo nga pre, liligawan ko yan!"
"She's familiar. I think I saw her before."
"Siya yung magandang babae two years ago! Si Amara!"
I saw Xander creased his forehead na parang hindi nagugustuhan ang mga naririnig. He hid Ara's face on his chest so no one could see it. Napangiti na lang ako habang naiiling. May tama na ang batang ito. Nambabakod na.
Mabilis itong pumunta sa Royal Dorm at dinala si Ara sa kwarto niya. He's so focused on Ara Baby na hindi niya napapansin na sinusundan ko siya kanina pa. He's so funny hahaha. Kung normal na araw ito, ay sigurado akong malayo pa lang ako ay mararamdaman niya agad ang presensya ko. Malakas ang pakiramdam ng lalaking yan eh. Pero distracted siya ngayon dahil kay Ara hahaha. Maasar nga sa ibang araw.
He didn't bother closing the door kaya kita kong maingat niya itong ihiniga sa malaki niyang kama. He fixed some strands of hair covering her face. He then caressed her face and looked at her for God knows how long. Alam na.
Wala yatang balak sabihin sa amin kaya ako na ang gumawa ng paraan. I mind link the princes and the ladies at sinabing nandito na uli si Ara. Nung una ay hindi pa sila naniwala at sinabing baka daw prank lang pero naniwala din ng sinabi kong kasama ni Xander.
Nakita ko si Josh at Gail na tumatakbo papalapit sa direksyon ko. Si Josh patawa. May hydroportation naman siya, kisali pa sa pagtakbo! Hahaha.
Papasok na sana sila ng makita nila si Xander na nakatitig lang kay Ara. Gail's lips formed an O samantalang si Josh naman ay napangisi ng makita ang istura ni Xan.
Nakakatawa naman talaga siya hahaha. Parang hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi nga ata siya kumukurap eh. Natatakot siguro na mawala bigla si Ara.
Xander's eyes widen ng makitang bumukas ang mata ni Ara. She looked at him and raised her hand to touch his cheek as well. "Blaz," she whispered.
He smiled because of what she said. HE SMILED?! HE DID RIGHT?! O TO THE M TO THE G!
"Oh my gosh, he smiled," Gail whispered bago magtakip ng bibig at walang tunog na tumili. I can't believe. Naiiyak na ako. I'm so happy for him.
Ara smiled a little and forced herself to sit. Tinulungan naman siya ni Xander, and I saw how he was caught off guard when she hugged him. "I missed you," she whispered again.
I saw emotions in his eyes na mas ikinasaya ko. He's happy. He has been sad for almost half his life, and it makes me happy to see him smiling now. I really do.
Ng makarecover siya sa sinabi ni Ara ay mas hinigpitan pa niya ang yakap sa kanya. "Me too," he replied. I can see Gail having a hard time preventing herself from screaming loudly dahil sa kilig.
After a while, humiwalay na siya at iniikot ang paningin sa kwarto ni Xander. "How did I get here?" she asked.
Hindi na nakasagot si Xan ng walang pasabing pumasok si Phil sa kwarto. Dumating na din pala sila. Kita ko ang hingal na itsura ni Jen, Vinn, Ella, at Phil. Tamo! Pati si Vinn kisali sa pagtakbo! Nalimutan na ata nilang may kapangyarihan sila.
"Baby girl!" masayang sigaw ni Phil bago mabilis na lumapit at yakapin si Ara. "Namiss kita!"
"Ako rin. Miss na miss din kita." Ara smiled. Xander creased his brows dahil sa narinig. His aura suddenly changed. His glowing eyes changed to a dangerous ones. It was his famous death glare. At kay Phil siya nakatingin. He was freakin' jealous! Siguro dahil siya 'miss' lang, pero si Phil 'miss na miss' no? Acckk! Kilig!
Alam kong napansin din yun ng iba kaya mabilis silang lumapit kay Ara. "Ara! Welcome back!" nakangiting saad ni Ella bago hilahin si Phil papalayo at siya naman ang yumakap kay Ara.
"Hi Girl! Do you remember us pa?" tanong naman ni Gail at tumango naman si Ara bilang sagot.
"Ara, ang ganda-ganda mo pa din," Jen said na ikinapula ng bahagya ni Ara. Ang cute niya talaga. I saw how Xander gulped after seeing Ara blushing. Hay nako.
"Amara, kumusta ka?" Vinn asked bago akbayan si Jen.
"I'm doing fine. Kayo ba? Kasal na ba kayo ni Jen?" tanong ni Ara na ikinapula nilang dalawa.
"Syempre hindi pa hahaha! Mahina kasi si Vinn the Air Prince eh," pag-aasar ni Josh na ikinasama ng tingin ni Vinn.
"Nahiya ako sa'yo ha. Atleast ako girlfriend ko na, eh ikaw?" banat naman nito na ikinasinghal ni Josh.
"Ay hindi pa ba?" tanong ni Ara. "Dalawang taon na boy! Bakit ang tagal?"
"Who are you talking about ba?" inosenteng tanong ni Gail.
"W-wala ano ba kayo!" utal na saad ni Josh. Pfft. Ang torpe talaga ng lalaking ito. Alam naman ng lahat na may gusto siya kay Gail eh. Well, si Gail na lang ang hindi.
"Baby girl sobrang namiss talaga kita," Phil said again making me stifle a smile. Malapit-lapit na. Baka umulan ng apoy dito.
He held Ara's hand and kissed it. Ella looked away, kabaligtaran ni Xander na ngayon ay sobrang sama na ng tingin kay Philippe. The rest of us are trying hard to prevent ourselves from laughing out loud. Jealousy is around the air.
"Ang gwapo mo talaga," Ara shake Phil's hair making him smiled widely using his signature killer smile.
Nawala naman ang ngiti naming lahat ng maramdamang uminit ang paligid. I looked at Xander with wide eyes at kita kong nagsisimula ng umapoy ang kanyang nakasarang kamao. He looked very pissed. Uh-oh.
"Get out," he commanded with his cold chilly icy voice.
Napapunta sa kanya ang atensyon ni Ara at tiningnan niya ito ng may lungkot. She stood up and walked barefooted towards the door.
"I'm sorry, I'll go now." She opened the door at maglalakad na sana papalabas ng hilahin siya ni Xander pabalik.
"Damn it! Not you, it's them!"
_______mistyrhynn_______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top