1 Lost

<Amara>

Naalimpungatan ako ng tamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Pikit matang hinanap ko ang unan ko at ng mahawakan ko ito ay hinila ko ito papalapit at binaon doon ang mukha ko. I inhaled it and I smiled because of its manly scent.


I heard someone groan, at mayamaya naramdaman ko na lang na may pumulupot sa aking baywang. I'm too comfortable in my position that I didn't even bother opening my eyes just to look at it. I even hugged it more tight, pero bakit parang matigas ang unan ko? 


Nagulat ako ng mayamaya ay may tumalon papaalis sa kama ko. Tumalon yung unan?! I crinkled my nose because of irritation bago tumalikod. Inaantok pa talaga ako. "Fvcking sh1t!" I groaned because of the noise. 


"Get out of my bed or I will turn you to ashes!" sigaw pa niya dahilan para iritang bumangon ako sa kama at hinanap ang maingay na yun. May pa-burn-burn pang nalalaman. Napaitlag naman ako ng makita ang isang galit na gwapong lalaki na nakatayo sa tabi ng kama ko.


"Who the fvck are y—" natigil ang sinasabi niya ng makita ang mukha ko. Kumunot ang noo niya at napasandal ako sa head board ng mabilis siyang lumapit sa akin at marahas niyang ilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. 


"Who are you?" mapanganib na saad niya dahilan para manlaki ang mata ko. His voice is too deep, dagdag mo pa yung matalim na tingin niya sa akin. Rinig ko rin ang malalim niyang paghinga dahilan para matulala ako at hindi makapagsalita. 


"Answer me. Sino ka?" madiing tanong uli niya na halatang nagtitimpi. Napatitig ako sa mukha niya at namangha ako sa kagwapuhan niya. His deep brown eyes that scream authority and danger at the same time, were just too mesmerizing to look at. His black messy hair was too attractive, isama mo pa yung nakakunot niyang kilay. He licked his lower lip in annoyance and bring his face closer to mine. 


"Are you a spy huh?" nangaakusang tanong niya. 


"Anong spy na pinagsasasabi mo?! Ikaw nga dapat ang tinatanong ko eh! Bakit nasa kwarto kita ha?!" sigaw ko na ikinataas ng kilay niya. 


"Kwarto mo? This is my room for your information," madiin niyang saad. Inilibot ko ang paningin ko at nanlaki ang mata ko ng makitang hindi nga ito ang kwarto ko. OMG. Nasaan ako?! Gulat akong napatingin sa lalaki at paulit-ulit na sinuntok ang dibdib niya.


"Kidnapper! Kidnapper ka! I'll sue you! Tulong!" sigaw ko bago tumakbo papaalis sa kama pero natigilan ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko. Gulat na hinarap ko siya at muntik pa akong mapaitlag ng makitang ang sama ng tingin niya sa akin. Bakit parang siya pa ang galit?!


"I am not a kidnapper and just so you know, I'm the one who will sue you, trespasser," he said that sent shivers to my spine. 


 Trespasser?! Ako?! Hindi pa ako nakakabawi ng gulat ng bigla niya akong hinila papalabas ng kwarto. "Wait lang kuya! Ano ba?! Sandali!" angal ko at tumigil naman siya bago irita akong tiningnan.


"Will you fvcking stop calling me kuya?! Anong akala mo sa akin matanda?!" sigaw niya dahilan para mapaitlag ako. Nakakagulat naman siya. 


"Okay, sorry naman! Saan ba tayo pupu—KYAHHH!" napatili ako ng may bumulusok na tubig sa direksyon namin. Agad ko siyang hinila sa harap ko upang ipangsangga sa tubig, at napamura naman siyang tamaan siya sa mukha. Sapul. Ang aga-aga may naglalaro na kaagad ng tubig jusko!


Masama niya akong tiningnan at sobra ang pagpipigil kong wag tumawa ng malakas. Mukha siyang inapi. Pero natigil ako ng sinuklay niya ang kanyang basang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Umawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Ang gwapo niya. Sobra.


"Alexander Blaz, the Fire Prince! Tara na! Kahit kailan talaga pahuli-huli ka! Kanina ka pa naming hinhintay," I heard someone said. 


 "I don't ask you to wait for me. I'm not in the mood to come with you. Just leave," inis na sabi niya habang patuloy na ginugulo ang buhok niya para patuyuin. Shocks. Nakakatulala. 


 Napailing ako at iniiwas ang tingin sa kanya. Napatingin naman ako sa kausap niya at napakunot ang noo ko ng makita ang suot niya. Is that a prince outfit?


Nagwave ako dun sa lalaking kausap niya bago awkward na ngumiti. Nanlaki ang mata nito at nagpabalik-balik ang tingin sa akin at kay Alexander Blaz, well base sa tinawag sa kanya nung kausap niya. "Girlfriend mo?!" gulat na tanong niya.


"No," malamig na sagot niya.


"Pero bakit magkasunod kayong lumabas sa kwarto mo? Anong ginawa niyo sa loob? Wag mong sabihing magkatabi kayong natulog?! Pare, binata ka na!" Tinapik pa nito ang balikat ni Blaz at malaki ang ngiti sa labi.


"She's just one of the girls who are obsessed with me. Tsk," buryong saad niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Obsessed?! Ako?!


Dahil sa inis ay hinampas ko ang ulo niya dahilan para mapamura muli siya. Pinaningkitan ko siya ng mata at dinuro. "Hoy! Hindi ako obsessed sa'yo ha! Sino ka ba?! Hindi nga kita kilala eh! Andami mong alam!" sigaw ko na ikinagulat niya pati na rin nung lalaki. Umawang pa ang labi nung kasama niya habang siya ay kunot noong nakatingin sa akin.


"Hindi mo siya kilala?" gulat na tanong nung lalaking kasama niya. 


"Bakit? Sino ba ang walanghiyang lalaking yan?" inis na tanong ko. 


"Walanghiya? Hah," hindi makapaniwalang saad ni Alexander Blaz. "Gusto mong sunugin kita?" Namangha uli ako ng marinig ang pagtatagalog niya. Nawala na ata lahat ng inis ko sa katawan. Hindi ko na nga pinansin ang pagbabanta niya sa akin. As if naman kaya niya akong sunugin. May kapangyarihan ba siya? 


"Ang gwapo mong magtagalog," manghang saad ko na ikinatigil niya. "You should speak Tagalog more often. Alam mo you are really handsome, masungit ka nga lang. Type na sana kita." Marahas niya akong nilingon at sinamaan ng tingin bago tumalikod at maglakad papalayo. Nakakatuwa talaga siya. Namumula-mula na ang tenga niya na ikinangiti ko.


"Xander! May lovelife ka na! Congrats!" Natatawang sigaw nung lalaking kausap niya kanina dahilan para mas lumakas ang tawa ko.


Pero napa-igtad ako ng biglang may bumulusok na bolang apoy sa direksyon namin. "Shut up!" inis na sigaw niya pero hindi natinag yung lalaki at mas lumakas ang tawa niya, samantalang ako ay hindi makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Do they really have some kind of power? o baka namalikmata lang ako?


Ng mawala siya sa paningin ko ay napahawak na lang ako sa noo ko. Paano na ako ngayon? Saang lupalop ba ako napunta? Nababaliw na yata ako.


"Miss?" tawag nung lalaki kaya nilingon ko ito. 


"Hi!" masayang bati ko bago lumapit sa kanya. Siya ang solusyon!


"Pasenya ka na kay Xander. Ganun lang talaga yun." He laughed. 


"Anong lugar ba ito? Bakit may apoy sa palad niya? At yung tubig? Saan yun galing?" sunod-sunod na tanong ko.


"Let me introduce myself first, okay? Dahil mukhang hindi mo yata ako kilala, na weird, kasi lahat ng tao dito ay kilala ako," saad niya bago kamutin ang batok niya. Cute. Ilang taon na kaya ang batang ito? He has this friendly smile and bright face making me comfortable with him. "I'm Prince Josh of Saphirius, the water prince," pagpapakilala niya. Ibinuka niya ang palad niya at nanlaki ang mata ko ng may lumabas doon na bughaw na bolang tubig. Ibig sabihin sa kanya galing yung tubig kanina?! At totoong may kapangyarihan sila?! 


"You have magic?" nakailang kurap na ako sa pag-aakalang imagination ko lang ang bolang-tubig sa kamay niya pero hindi siya nawawala. Natawa naman siya ng mahina sa reaksyon ko pero bakas ang pagtataka sa mga mata niya.


"Oo, lahat ng mga Saphirian ay may kakayahang kontrolin ang tubig, pero dahil isa akong prinsipe ay kaya kong magpalabas ng tubig sa sarili kong katawan hindi tulad ng mga ordinaryong mamamayan," paliwanag niya. "Bakit parang ngayon ka lang nakakita ng mahika? Para namang hindi ka taga-dito ah." 


Napalunok ako ng ilang beses ng mapagtanto na wala ako sa Earth. Nasa ibang dimensyon ako at may kapangyarihan ang mga tao dito! Ano na lang mangyayari sa akin? Makakauwi pa ba ako? Sino ba kasing nagdala sa akin dito! Kagabi naman payapa akong natulog sa bahay namin, at nasa Pilipinas pa ako. Tapos paggising ko nasa ibang mundo na ako?! Anong kahangalan ito?! Napasabunot na lang ako sa buhok ko at nagpapadyak sa pwesto ko. Baka alipinin ako dito! 


"Miss, ayos ka lang ba?" Nanlulumong napatingin ako kay kuya at wala na akong pake kahit mapagkamalan pa niya akong baliw. Hiawakan ko ang magkabila niyang balikat na ikinalaki ng mata niya.


"Nasaan ba ako? Gusto ko ng umuwi. Please. Tulungan mo ako."


"You are here at Allarian Academy, Land of Allaria," saad niya na ikinakunot ng noo ko. Allaria? Saulo ko ang lahat ng bansa sa Earth, at wala pa akong bansang Allaria na naririnig. Ibig sabihin wala na nga ako sa mundo ko! Help me Lord!


"You're not a student here dahil kung estudyante ka, pinagpyepyestahan ka na ng mga kalalakihan dahil sa ganda mo. Kung wala lang akong Gail, baka maging crush kita hahaha. Pero sorry, taken," malokong sabi niya. "Saang kaharian ka ba galing? Ihahatid na kita," saad niya na ikinangiwi ko. 


"Kingdom Animalia?" patanong na saad ko na ikinakunot muli ng noo niya. Kasi sabi nung teacher namin sa science humans belong to the animal kingdom daw! 


"Hayop ka?" kunot noong tanong din niya na ikinasama ng tingin ko.


"Minumura mo ba ako?!" sigaw ko kaya mabilis siyang umiling-iling at ipinag-cross ang kanyang dalawang index finger. "Seryoso Josh, pwede mo ba akong ihatid sa amin?" tanong ko na ikinatango niya. 


"Syempre naman! Basta wag sa ibang mundo dahil hindi yun kaya ng hydroportation ko," natatawang biro niya na ikinakunot ng noo ko. "So, saan ka ba nakatira?"


"Sa Earth," nakangiwing saad ko. I crossed my fingers. Sana pwede. Sana pwede.


"Holy water!" sigaw niya. "Isa kang mortal?!"


"Oo nga! Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito! Please, tulungan mo akong makauwi," sabi ko.


"Hindi na sakop ng kapangyarihan ko kapag ibang mundo ang pinag-uusapan. Dadalhin na lang kita sa headmaster namin dahil alam kong nasa kanya ang medalyon na nagbubukas ng portal papunta sa mortal world," saad niya na ikinaginhawa ng pakiramdam ko. Akala ko maiistuck ako sa lugar na ito. "So, for now, sumama ka muna sa akin. Let's have fun!" masyang saad niya.


Hinatak niya ako papalabas ng dorm at napanganga ako sa sumalubong sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa kapaligiran at napakurap-kurap ako dahil sa pagkamangha. The whole place looks very lively and magical. Kumikinang ang buong lugar at may isang malaking kastilyo sa harap ko. 


May mga makukulay na banderitas na nakapalibot sa lugar. There were also banners and balloons that make the vibe colorful and alive. The students are having a fun time with their friends while going in and out of different booths in the area. There's also loud and alive music banging in the air. Now, I realized that today was their school festival. 


Napangiti naman ako. Nawala na kasi ang takot ko dahil alam kong mababait ang mga tao dito, at makakabalik naman pala ako sa earth. Sa tingin ko naman walang masamang mag-enjoy muna diba?


But then, my smile faded away and my lips parted because of shock when I remembered something. "I-ibig sabihin, ibig sabihin totoong Fire Prince ang masungit na yun?!" Natigil naman ni Josh at natawa sa gulat na reaksyon ko.


"Oo, at siya ang pinakamalakas na fire-user ng Phyrania. Kaya wag mo siyang gagalitin ha? Dahil kayang-kaya ka talaga niyang gawing abo sa isang iglap lang. Maikli pa naman ang pasensya nun."


Napalunok na lang ako. Patay tayo diyan.


______mistyrhynn______


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top