Prologue (updated)
A year ago
Dylan
"Let's break up." Iyon ang huling salitang sinabi sa akin ni Peter na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.
***********************************************************************************************
Kapanabiknabik ang araw na ito dahil graduation day na namin mula sa SHS. Hindi ko maiwasang ma-excite dahil nagkataon na 4th Anniversary namin ng boyfriend ko.
Isang linggo bago ang graduation, inaya ko sina Kathleen at Annen na pumunta sa mall para bumili ng damit na gagamitin namin sa graduation. Nagkita kami sa Jollibee bandang alas-11 ng tanghali. Kumain muna kami ng pananghalian bago kami nag-ikot sa mga clothes store. Matapos pumili, pumunta naman kami sa jewelry store para bumili ng singsing. Ito ang planong sorpresa ko sa boyfriend ko. Balak ko itong ibigay pagkatapos ng graduation.
Sa jewelry store, nakadungaw kaming tatlo sa display. Makikita dito ang iba't-ibang disenyo ng kwintas, hikaw at singsing. Yari ang mga ito sa iba't-ibang klaseng mineral: mayroong diamonds, emeralds, ruby, lapis lazuli. Maya maya ay nilapitan ko ang saleslady at tinanong kung dumating na ang inorder ko.
"Yes sir. Upo muna kayo sa lounge namin. Kukunin ko lang po sandali," nakangiting sabi ng saleslady bago ito tumalikod para kunin ang inorder kong singsing. Samantala, pumunta naman kami sa lounge at nag-usap tungkol sa mga pangyayari noong mga nakaraang buwan. Habang nag-uusap kami, bingyan kami ng champagne ng isang server. Kinuha naman namin at uminom. Hindi gaanong katapang, pero may bahid ng tamis.
Maya't-maya, lumabas ang saleslady na may dala-dalang kahon. Nilipag niya ito sa mesa at binuksan ang kahon. Agad naman bumungad sa aming tatlo ang mamahaling singsing. Sumipol si Annen sa sobrang ganda ng mga singsing.
"Wow! Ibang klase ka talaga kung mamili Dylan!" sabi ni Annen habang nanghihinayang sa ganda nito.
"Oo nga Dylan. Ang mahal niyan!" dagdag naman ni Kathleen.
Ngumiti naman ang saleslady bago siya nagsalita.
"Tama po sila sir. This is one of our bestsellers. I'm sure magugustuhan ito ng boyfriend mo."
Pasimple lang akong ngumiti matapos marinig ang mga katagang iyon. Maya't-maya'y pinabalot ko sa kanila ang kahon at binayaran ko na ito. Nagpunta naman kami sa Starbucks para magpalamig. Ipinagpatuloy namin ang napag-usapan namin kanina sa jewelry store. Tawanan lang kami nang tawanan habang inaalala yung mga kalokohang ginawa ng mga kaklase namin. Naiba ang usapan nung tinanong ako ni Annen.
"Dylan. Pano ng aba kayo nagkakilala ni Peter?" tanong nito. Alam kong naikwento ko na ito sa kanila. At alam kong alam nila kung paano naging kami dahil sa kung tutuusin, sila na ang witness sa pagmamahalan naming dalawa. Pero walang sawa kong kinukwento iyon.
***********************************************************************************************
Flashback
Higit limang taon mula noong nagkakilala kami ni Peter sa isang Leadership Training na inorgisa ng school council ng Hillside Academy. Ang taunang programa ito ay kilala sa pagpapalakas ng samahan ang pagkakaibigan ng mga estudyante. Dahil isang likas na lider, sumali ako upang mapabuti ang aking mga kakayahan sa pagmumuno.
Ilang araw ang lumipas, dumating ang araw ng leadership training. Maaga akong pumunta sa meeting place. Pagdating doon, may iilang estudyante na rin ang naghihintay. Dahil maaga pa naman, pumunta muna ako sa coffee shop sa tapat ng school namin para mag-breakfast.
Pagkatapos kong mag-breakfast, bumalik ulit ako sa meeting place. Mas marami na ang estudyanteng naghihintay na makasakay sa shuttle bus ng school. Maya't-maya, isang lalaking may dalang megaphone ang lumapit sa isa sa mga shuttle.
"Good morning guys! May I have your attention please," sabi nito. "Hawak ko ngayon ang mga pangalan ninyo. All your names have been sorted into groups of 10 and have already assigned your team leaders. Each bus can accommodate 20 people, therefore 2 groups per bus."
Tumigil muna ito nang sandali habang binubuklat nito ang hawak na papel.
"Okay. So isa-isa kong tatawagin ang mga pangalan ninyo. Group 1 team leader..."
Isa-isa nitong binasa ang mga pangalan na nakalagay sa papel habang isa-isang nagsipasukan ang mga estudyante sa shuttle.
"Okay for shuttle number 3. Group 5 team leader, Peter Takahashi."
Nagtilian ang mga babae matapos marinig ang pangalang iyon. Tila mabibingi ako sa lakas ng mga hiyawan at sigawan na ikinainis ko naman. Sino kaya itong mokong na ito? Itinuon ko na lang ang atnsyon ko sa lalaking may hawak ng megaphone, umaasang hindi ako mapabilang sa group niya.
Isa-isa nang binasa ng lalaki ang listahan, hanggang sa-
"Dylan Harrignton."
Bakas sa mukha ko ang pagkadismaya matapos kong marinig ang pangalan ko. Kinuha ko ang mga bagahe ko at marahan akong naglakad papunta sa shuttle habang patuloy na binabasa ng lalaki ang iba pang pangalan.
"Hi Dylan! I'm Peter," pagpapakilala ng lalaki sabay abot ng kamay nito. Inabot ko ito nang hindi tumitingin sa kanya.
"Dylan," tipid kong sagot sa kanya at tsaka umakyat ng shuttle. Umupo ako sa bandang likuran ng shuttle dahil iyon na lamang ang bakante. Matapos sumakay ang lahat, pumasok naman ang aming team leader para i-orient kami sa rules and regulations. Di pa rin maalis sa isip ko na ka grupo ko pa rin ang lalaking pinagtitilian ng mga babae kanina. Sa sobrang pag-iisip, di ko namalayang may tumabi sa akin na lalaki. Lalo akong nadismaya nang malaman ko kung sino ito.
Tinitigan ko ito, nagbabaka-sakaling maglaho ang mokong ito. Sa kasamaang palad, hindi nangyari ito. Sa halip, binalingan ako ng tingin at tsaka ngumiti. Dinedma ko lang siya at itinuon ang atensyon sa binatana. Pagka-alis sa campus, inilabas ko ang wireless headset ko at pinatugtog ang paborito kong kanta, All Too Well.
Habang nasa second verse ng kanta, nagulat ako nang may humugot sa isang earpiece.
"Ano ba yang pinapakinggan mo?" sabay suot ng earpiece sa kanyang kaliwang tainga. Maya't-maya ngumiti siya na tila'y nagiging pamilyar sa kanya ang tugtog. Sumandal siya at nakangiting pinapakinggan sa lumalabas na tugtog. Nakasara ang mga mata niya habang dinadamdam ang bawat liriko. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang kanyang chinitong mukha. Maputi ang kanyang kutis. Ang kanyang mata ay tila hugis almond, matangos ang kanyang ilong, mapupula ang kanyang mga labi. Hindi ko alam kung ilang oras ko nang pinagmamasdan ang kanyang magandang mukha. Nabigla na lang ako nang isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Nakatulog pala ang mokong. Dahil medyo gumaan ang loob ko, hinayaan ko na lang siyang matulog. Pinagpatuloy ko ang pakikining sa kanta hanggang sa nakatulog na rin ako.
Makalipas ang dalawang oras, nagising ako na wala nang tao sa loob ng shuttle. Tatayo sana ako nang maramdaman kong may nakasandal na ulo sa balikat ko. Tulog pa pala si Peter. Pinagmasdan ko ulit ang kanyang napakagwapong mukha, mula sa kanyang nakapikit na mata hanggang sa bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. Oh god those lips! Kasing pula ng cherry. Ano kaya ang lasa nito? Umiling ako para mawala iyon sa isip ko. Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas.
Makikita sa paligid ang iba't-ibang uri ng halaman at puno. Puno pa ito ng iba't-ibang garden sets. May isang gazebo sa ginta ng isang maliit na lawa. Sa distansya makikita ang bughaw na dagat. Sa bandang kaliwa, sa harap ng shuttle, may isang magarbong gusali na gawa sa kahoy. Nakarating na kami sa venue. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Peter na mahimbing pa ring natutulog.
"Peter?" mahinahong sabi ko sa kanya. Hindi ito kumibo kaya nilakasan ko nang bahagya ang pagtawag ko sa pangalan niya.
"Peter."
Gumalaw siya na parang sanggol na natutulog pero hindi pa rin niya idinidilat ang kanyang mata.
"Peter," sabi ko habang marahan kong ginalaw ang aking balikat para maalog ang kanyang ulo.
Maya't-maya ay kumibo na rin si Peter at tuluyang nagising. Uminat siya at binaling ang tingin niya sa akin. Gods, that face. He's cute kapag bagong gising siya. Para siyang sanggol na bagong gising. I want to pinch those puffy cheeks of his. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko habang minamasdan ko siya. Umiwas ako ng tingin nang imulat niya ang kanyang mata. Ikinalat niya ang kanyang tingin sa shuttle. Lumapit siya sa bintana para dumungaw sa labas. Nahagip ko naman ang pabango niya, lavender. Nang maamoy ko ito, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ibinaling ko naman ang tingin sa kanyang mukha. Gosh! Mukha siyang anghel kapag tumatama ang sinag ng araw sa kanyang maamong mukha. Natauhan ako nang magsalita siya.
"Andtio na pala tayo!" sabi niya. Umiwas ulit ako ng tingin at tumikhim nang bahagya.
"Ahh oo. Sorry kung hindi muna kita ginising. Ang himbing kasi ng tulog mo."
Bumalik siya sa pagkaka-upo.
"Okay lang! Ilang oras na rin akong walang tulog," nakangiting sagot nito sa akin.
Umiwas ulit ako ng tingin nang makita ko ang magandang ngiti nito. Nginitian ko rin siya bago ako nag salita.
"Tayo na. Baka nag-aantay na sila sa atin doon," sabi ko.
Tumango siya at tumayo. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at naglakad palabras ng shuttle. Tumayo ako at kinuha ko rin ang aking mga gamit. Susundan ko sana siya nang may nakita akong bracelet. Nahulog niya ata. Pinulot ko lamang iyon at sumunod sa kanya.
Bago ako makababa, nakita ko si Peter sa may pintuan ng shuttle na para bang may inaantay. Nakatalikod siya sa akin habang nagmamasid sa paligid. Pagbaba ko ng shuttle, ibinaling niya ang tingin sa akin at ngumiti.
"Here. Ako na magbibitbit ng gamit mo." Inilahad niya ang kamay niya para kunin ang gamit ko, pero umiling ako bilang pagtanggi.
"Okay lang. Kaya ko naman," nakangiting sabi ko.
Pero kinuha pa rin ni Peter ang isang bag ko at binitbit iyon. Sa pagkakataong ito, bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Not once in my life na may nag-offer sa akin na bitbitin ang aking gamit.
I wonder what these next few days will bring.
Lumipas ang unang dalawang araw ng leadership training na may saya at galak. Inenjoy na mga participants ang mga palaro. Habang nagsasaya, hindi ko maiwasang titigan si Peter na masayang nakikipaglaro sa ibang kalahok. Naging saksi naman ako sa mga kakayahan niya bilang isang lider. Nakita ko ang kanyang dedikasyon para maitawid ang aming grupo, at hindi ko maitatanggi na isa ito sa mga gusto ko.
Sa nakaraang dalawang araw, napapansin ko ang kanyang mga galaw. Nung unang aktibidad namin sa unang araw, lumapit siya sa akin at inabutan ng sunscreen.
"Ito, sunscreen. Para hindi ka ma-sun burn,"
Nag-aalangan akong inabot iyon. Nginitian ko siya at tsaka naglagay nang kaunti.
Sa isa pang pagkakataon, dinalhan niya ako ng tubig at bimpo pagkatapos ng isang palaro.
"Dylan oh. Baka nauuhaw ka?" pag-offer ng tubig sa akin. Kinuha ko naman iyon at tinungga. Maya't-maya naramdaman kong may nagpunas sa aking likod gamit ang bimpo. Ibinaling ko ang tingin ko sa nagpupunas.
"Pawisan ka na naman. Mamaya nyan magka-sakit ka," pag-aalala nito sa akin.
Kani-kanilang umaga lang, sa breakfast, kukuha sana ako ng tray nang tawagin ako ni Peter.
"Dylan. Dito ka na! Ready na breakfast mo." Ibinaba ko ang hawak kong tray at tsaka naglakad papunta sa kanya. Sa mesa, nakahain na ang breakfast: may hotdog, egg, garlic fried rice. Marahan akong umupo sa harapan niya at sinimulan ang pagkain. Nakakailang subo na ako, pero hindi pa rin ginagalaw ni Peter ang pagkain niya. Nakangti pa rin itong nakatitig sa akin.
"Kumain ka na jan," sabi ko.
"Okay lang. Makita ko lang na kumakain, busog na ako," pagbabanat niya.
Nanlaki naman ang mga ko at umiwas ng tingin. Unti-unti kong nararamdaman ang init sa mukha ko. Narinig kong ngumisi siya. Binalewala ko iyon at itinuon ang atensyon sa pagkain.
Pagkatapos kumain, pumunta naman kami sa function hall ng resort kung saan gaganapin ang huling seminar bago matapos ang leadership training. Ikinalat ko ang tingin ko, nagbabakasakaling may bakante pang upuan, nang maaninag ko ang kumakaway na kamay ni Peter.
"James! Dito oh!" Itinuro ni Peter ang bakanteng upuan sa tabi niya na nasa bandang unahan. Ikinalat ko pa ang aking paningin, pero sadyang okupado na ang mga upuan. No choice ako. Umupo ako sa tabi ni Peter. Habang nasa kalagitnaan ng seminar, naramdaman kong ipinatong niya ang kanyang braso sa aking balikat. Nung una'y medyo nailang ako, pero kalauna'y naging komportable ako sa piling niya kaya't hinayaan ko na lang ito. Kahit hindi ko tignan, nararamdaman kong nakangiti si Peter nang hindi ko inalis sa aking balikat ang kanyang braso. Nasa ganoong posisyon kami hanggang matapos ang seminar.
Pagkatapos ng seminar ay nagtipon-tipon kami sa open ground ng resort dala ang mga gamit namin pauwi. Pinasalamatan kaming lahat na dumalo at isinara na ang programa. Matapos noon ay sumakay kami sa shuttle. Magkatabi kami ulit ni Peter sa likod ng shuttle. Hindi ako nailang na katabi ko siya. Kung tutuusin, mas naging komportable ako sa kanya.
Pagdating namin sa campus, isa-isa kaming nagsibabaan. Bago pa man ako nakalayo sa shuttle, hinawakan ako ni Peter sa braso. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Halatang kinakabahan siya sa kanyang sasabihin sa akin.
"Yes, Peter?" tanong ko sa kanya.
"A-ahmm. P-pwe..de k-k-ko ba ma-mahingi ang n-nu-number mo?" nauutal nitong sabi.
Tinignan ko siya ng ilang Segundo bago ko siya sagutin.
"Sure! Why not?" Nilabas ko ang aking cellphone at nagpalitan kami ng contact information.
Mula noon, di nakukumpleto ang araw na hindi nagkakausap sa call o text. Doon ko napagtantong nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Matapos ang dalawang linggong pag-uusap, pinayagan ko siyang ligawan ako. At lumipas nga ang dalawang buwan ay sinagot ko siya. Magmula noon, naging metatag an gaming pagsasama. Botong-boto naman ang pamilya namin sa aming relasyon kung kaya't hindi namin ikinakahiya an gaming pagsasama.
End of flashback
***********************************************************************************************
Back to the present.
Narito ako ngayon sa rooftop ng Business Management building para sa sorpresang inihanda ko para sa aming 4th anniversary. Suot ko pa ang graduation gown ko habang hinihintay siyang dumating.
Habang naghihintay, ikinalat ko ang tingin ko sa open ground sa baba. Bagama't tapos na ang seremonya, may iilang estudyante at magulang pa rin ang naiwan para kumuha ng litrato. Bumalik naman sa aking isip ang mga ala-ala noong estudyante pa kami. Ngayong graduate na kami, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang haharain namin sa darating na kinabukasan.
Habang iniisip iyon, bumukas naman ang pinto at iniluwa nito ang lalaking pinaka-aantay ko. Even if we're together for 4 years, I still can't believe na I'm dating this handsome man. I feel so lucky to have him in my life. Humarap ako sa kanya at nginitian ko siya at humalik sa kanyang mga labi.
"Hello hon! Happy graduation and happy 4th anniversary!" pag-bati ko sa kanya.
"Happy graduation and happy 4th anniversary din hon!" pag-bati naman nito sa akin, pero halata sa kanyang mukha ang bahid ng kalungkutan. Binalewala ko lang ito.
"Uhmm hon. Ito pala, anniversary gift ko para sa'yo," sabi ko habang kinukuha ko ang regalo ko sa aking bulsa. Bago ko pa man iyon nilibas ay nagsalita na si Peter.
"Uhmm hon. Pwede mamaya na muna yan?" sabi niya sa akin.
"Okay hon!" ibinalik ko ulit ang regalo sa bulsa at itinuon ang atensyon sa kanya. Nabalot kami ng sandaling katahimikan. Magsisimula sana akong magsalita, ngunit naunahan niya ako.
"Hon may sasabihin akong importante sayo," mapurol niyang sabi.
Pinalipas niya ang ilang oras na katahimikan bago siya nagsalitang muli.
"Matapos ng matagal na pag-iisip, napagpasyahan ko na magmimigra sa ibang bansa. Ito ay isang malaking oportunidad para sa akin, ngunit alam kong magkakaroon ito ng epekto sa ating relasyon," diretsong sabi niya.
Nabalot ulit kami ng panandaliang katahimikan. Sa totoo niyan, ilang linggo na rin niya itong pinag-isipan mula nung inalok ito kanyang ina na mag-aral at magtrabaho sa kumpanya nila sa ibang bansa. Walang kaso ito sa akin, lalo na't maganda oportunidad ito para sa kanya.
"Okay lang hon. Kung sa tingin mong magandang oportunidad ito para sayo, hindi kita pipigilan. Makakaya natin tong long distance relationship," pagbibigay katiyakan ko sa kanya.
Pinalipas niya ulit ang ilang segundong katahimikan bago magsalita.
"Let's break up."
Tatlong salita. Tatlong salita lamang ang kinakailangan para tuluyang gumuho ang mundo ko.
Tama ba ng naririnig ko? Baka nagbibiro lang siya. Baka prank niya lang ito para sa anniversary? At kung ano-ano pang mga katanungan na umiikot sa isip ko.
"Hon. Wag ka namang magbiro ng ganyan! Di ka nakakatawa," patawang sabi ko na may halong kaba at paghihinayang.
Ngunit bakas sa mukha niya na seryoso siya sa kanyang sinabi. Isa-isang pumatak ang mga luha ko hanggang sa dumami ito. Tila nabingi ako sa mga sinabi niya. Halos di ko marinig ang tunog ng aking kapaligiran. Napabuntong-hininga siya bago magsalita. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan sa mata.
"I'm sorry Dylan. Hindi to madali para sa atin. Pero alam kong alam mo na mahirap ang LDR, kaya nakapag-desisyon akong makipaghiwalay sayo. Alam nating dalawa na hindi natin kayang panatilihin ang matatag nating relasyon, lalo na't magkaiba tayo ng oras. Mawawalan ako ng oras para sayo, para sa atin," malungkot na sabi ni Peter.
Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko. Binitawang tuluyan ni Peter ang aking mga kamay at tumayo. Naglakad siya papalayo. Habang ako ay nakatingin sa walang hanggan, pinoproseso pa rin ang nangyari. Hindi ko akalaing matatapos ang apat na taong relasyon namin sa loob ng apat na minuto.
"Let's break up."
"Let's break up."
"Let's break up."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top