Chapter 3: Sparks Fly
A week later
Cameron
Isang linggo na ang lumipas, pero hindi ko pa rin lubos maisip na pumayag siya sa aking alok na mamasyal sa Museo de Legazpi.
Nandito ako ngayon sa aking kwarto, pumipili ng magandang suotin sa lakad namin. Hinalungkat ko na ang buong aparador ko para lang makahanap ng maayos na damit, ngunit wala akong mapili ni isa. Habang abala ako sa pagpili ng aking masusuot, may kumatok sa aking pintuan. Pinagbuksan ko iyon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha mama.
"Oh mukhang pinagkakaabalahan ka diyan?" masayang pagbati ntio sa akin.
Napakamot ako sa batok at napangiti kay mama.
"Ah eh opo ma," nahihiyang kong sabi.
Pinapasok ko siya sa aking kwarto. Tumambad naman sa kanya ang mga nagkalat na mga damit. Mahaba ang pasensya ni mama kaya balewala sa kanya ang ginawa kong kalat, pero nahihiya pa rin ako sa kanya. Ngumiti lamang ito at tiningnan ako.
"May date ka ba mamaya?"
Nataranta ako at nabigla sa naging tanong ni mama.
"Ah-eh, -a-ano, n-" pautal-utal kong sabi. Naramdaman ko namang uminit ang aking mukha.
Tumawa nang bahagya si mama at saka binaling tingin niya sa mga damit ko. Naupo siya sa kama at masayang pinagmamasdan ako habang abala sa paghahanap ng babagay sa akin na damit. Napabungtong-hininga siya bago mag-salita
"Alam mo, naalala ko tuloy ang papa mo," malungkot nitong sabi. Napatingin naman ako sa kanya at kita ko sa mga mata nito na miss na niya ang yumaong asawa.
Naupo ako sa kanyang tabi at niyakap ito. Niyakap niya rin at at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Hindi man siya umiyak pero ramdam ko ang lungkot na dala-dala niya. Mahigit dalawanmpung taon na ang nakakalipas mula noong namatay ang aking ama mula sa pagkaka-atake sa puso. Mag mula noon, mag-isa na akong itinaguyod ni mama.
"Hay! Ano ba yan!" Kumalas siya sa pagkakayakap at pinahid ang mga tumulong luha sabay ngiti sa akin.
"Di ba may date ka pa?" pangangantyaw ni mama sa akin.
Agad namang nanlaki ang aking mata at pautal-utal akong nagprotesta.
"Ikaw naman! Binibiro lang kita," sabay tawa.
Tumayo si mama at lumabas sa kwarto ko. Maya't maya bumalik siya na may bitbit na tela. Iniabot niya ito sa akin at napagtantong kulay cream na polo ang hawak ko.
"Iyang hawak mo ay yung sinuot ng tatay mo noong unang date namin," nakangiting saad ni mama.
Isinuot ko iyon at tinignan ang sarili sa salamin. Semi-fit ang polo, kaya saktong-sakto sa akin. Bumagay naman siya sa denim pants na kakabili ko lang noong nakaraang buwan.
"Magugustuhan kaya ni Dylan ang porma ko ngayon?" bulong ko sa sarili ko.
"Aba! Syempre naman! Pogi mo kaya!" biglang sabi ni mama na ikinagulat ko naman.
"Ma!"
Buong akala ko'y lumabas si nanay, pero kanina pa pala siya naka-upo sa kama habang nagtutupi ng mga damit.
Tumawa naman si nanay at saka lumabas ng kwarto.
Kinuha ko ang aking pabango at kinuha ang aking bag. Tinignan ko ulit ang aking sarili sa salamin at inayos ang buhok. Lumabas ako ng kwarto at saka lumapit kay mama.
"Alis na po ako ma," sabi ko.
Ngumiti siya at niyakap ako.
"Sige anak. Mag-iingat ka. Good luck sa date niyo!" pangangatyaw ni mama
Ngumuso ako na siyang ikinatawa ni mama.
"Hindi nga siya date maaaa!!!"
Bago pa man ako makarinig ng pangangantyaw mula sa kanya, agad akong umalis ng bahay. Pumara ako ng tricycle at pumunta sa tagpuan namin ni Dylan.
Makalipas ang limang minuto, narating ko ang coffee shop na pinagtratrabahunan ko. Pumasok ako at bumungad sa akin ang nakingitng mukha ni Thalia, ang aking katrabaho.
"Uyy Cameron! Mukhang may lakad tayo ah?"
Lumapit ako sa kanya at nginitian ito.
"Ah oo, hehe," nahihya kong sagot.
"Kayong dalawa lang ni Dylan?" tanong nito na may halong kilig sa kanyang boses.
Kinunutan ko naman siya ng noo na siyang ikinatawa niya. Naikwento ko sa kanya ang pamamasyal namin sa Ligñon Hill. Pinakita ko pa ang mga pictures naming dalawa. Magmula noon, hindi na niya ako tinigilan sa pangangatyaw sa amin. Bagay daw kami, sabi niya. Ikinabahala ko iyon dahil—una, alam kong wala akong pag-asa sa kanya; pangalawa, isa akong torpeng lalaki, hindi ko kayang ihayag ang aking damdamin; at pangatlo, malabong maging kami. Kaibigan lamang ang tingin niya sa akin. Palagi ko iyon tinatatak sa isip ko kapag nagka-gusto ako sa isang tao. Kung kaya't hanggang ngayon ay single pa rin ako.
Bumili na lang ako ng dalawang coffee: Spanish latte para sa akin at iced latte para kay Dylan. Nagpipigil ng ngiti at kilig si Thalia habang kinukuha ang aking order. Nagkibi-balikat ako at nag-message ako sa kanya para alam niyang nag-aantay ako sa coffee shop.
Pumunta ako sa bookshelf para kumuha ng libro habang hinihintay si Dylan. Ang kinuha kong libro ay isa sa pinakapaborito ko: Ark and Apple: The Time Traveler's Boyfriend Book 1. Nagustuhan koi to dahil sa kakaibang plot nito. Tungkol ito sa isang lalaki na may abilidad na mag-time travel. Dahil sa kanyang abilidad ay nakilala niya ang isang lalaking nakatadhanang mahalin siya. And because of his ability, he made sure that their love story begins.
Just thinking about the plot makes me happy and gives me that "kilig" vibes, but at the same time, envious. Envious because how come he has a boyfriend who can time travel and ensure that their love story begins? But even though I read their story countless times, hindi pa rin mawawala sa akin ang kilig. I just love them so much I wish they were real.
Habang abala ako sa pagbabasa, hindi ko napansing may pumasok na pala sa coffee shop. At dahil masyado na akong malalim sa aking binabasa, hindi ko alintalang may tao na pala sa likuran ko. Kasing bilis ng kidlat, may humawak bigla sa aking balikat.
"BULAGA!" sigaw nito.
"AY ADAMBUHALA!" sigaw ko naman.
Humalakhak nang malakas ang lalaki habang bumabalik ako sa wisyo. Nang ma-proseso ko lahat nang pangyayari, agad ko siyang hinampas-hampas gamit ang librong hawak ko. Tawa pa rin siya nang tawa habang hinahampas ko siya.
"IIKAW TALAGA DYLAN! WAG MO NGA AKONG GULATIN NANG GANYAN!" sunod-sunod na bulyaw ko.
Nang mahimasmasan ako, padabog akong naupo at pinagpatuloy ang pagbabasa. Naupo siya sa tabi ko at ipinatong ang kanyang pisngi sa kanyang kanang kamao. Ngumuso siya at tinignan ako gamit ang kanyang mala-asong tingin, pero binalewala ko ito at tutok pa rin ako sa aking binabasa. Medyo kumunot ang kanyang ulo at lumapit pa lalo sa akin. Sumulyap ako sa kanya at panandalian kong nakita ang mala-asong tingin nito sa akin. Medyo nanlaki ang aking mga mata at agad umiwas ng tingin.
Oh my god! Kalian pa naging cute ito? Tanong ko sa sarili ko.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nagulat nang malapit ang mukha ko sa kanya. Lalo pa siyang nag pout na lalong nagpahulog sa akin. Nakita ko nang malapitan ang kanyang itim na mga mata na kasing-kulay ng kalawakan. Kung maihahambing ito sa isang bagay, para itong black hole, may kakayahang hugutin ang titig ng isang tao.
Di ko namalayang may tumikhim sa likuran namin, agad namang akong humiwalay sa titig ni Dylan at tinignan si Thalia na nagpipigil ng kilig habang hawak ang kapeng binili ko para sa amin.
Lumapit ito sa amin at iniabot ang plastic bag. Kinuha naman ito ni Dylan at kinindatan si Thalia na halos mamula ang mukha sa sobrang kilig.
Tumikhim ako at sinamaan ang tingin sa kanya. Nagpigil naman siya ng ngiti at agad bumalik sa counter. Itinuon ko naman ang atensyon ko kay Dylan bago nagsalita.
"Tayo na?" tanong ko sa kanya.
"Sige tayo na," sagot niya na tila ba'y may double meaning ang sinabi nito pero binalewala ko na lang ito.
Nag-paalam kami kay Thalia na tuloy pa rin ang pag-ngiti. Nilisan namin ang coffee shop at nag-abang ng masasakyan na jeep. Lumipas ang sampung minute ay narating na namin ang San Gregorio Magno Cathedral sa Albay. Inaya ko muna si Dylan na libutin ang simbahan bago kami pumunta sa museo na nasa tapat nito.
Matapos naming maglibot sa simbahan, sinimulan naming tahakin ang daan papuntang museo. Nasa ikalawang palapag ito ng Gregorian Mall. Pagpasok namin, agad naman kaming binati ng mga empleyado roon.
Matapos mag-register, sinimulan naman naming akyatin ang hagdan sa ikatlong palapag. Dito makikita ang buong kasaysayan ng siyudad ng Legazpi mula sa kanyang pagkatatag, pagtahak patungo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang industriyalisasyon, at pati na rin ang mga pangyayari sa kasalukuyan. Sa ibabang palapag, matutunghayan naman ang mga retrato ng mga dating alkalde ng Legazpi. Naroroon din ang mga kuwento ni St. John Paul II at mga alaala mula nang bumisita siya sa Legazpi. Ito ay puno ng mga lumang larawan na kinuhanan ng iba't ibang mga tao.
Naglakad-lakad kami nina Dylan sa loob ng museo, tahimik na nagmamasid sa mga kasaysayan at alaala ng Legazpi. Sa bawat eksibit, tila ba nagigising ang mga pahina ng nakaraan at binubuklat ang mga kuwento ng mga tao na nagbigay buhay sa siyudad. Ipinamalas naming dalawa ang interes sa makulay na kasaysayan ng Legazpi, at sa bawat kuwento na aming natutunan, mas lumalim ang aming pag-unawa sa lugar na ito.
Matapos mag-ikot sa museo, pumunta kami sa isang fastfood na matatagpuan rin sa parehong building. Habang hinihintay na dumating ang aming order, kinumusta ko si Dylan sa naging lakad namin.
"Kumusta naman yung pag-iikot natin sa museo?" tanong ko sa kanya.
"Okay naman. Inenjoy ko siya. And nabigyan pa ako ng deeper understanding about sa Legazpi," sagot niya.
Tumango-tango lang ako sa naging sagot niya. Nabalot ulit kami ng katahimikan. Naging awkward naman ang atmosphere hanggang sa dumating ang aming order. Hanggang sa pagkain ay hindi nawala ang katahimikan. Para mawala ang awkwardness sa pagitan namin, nag-isip ako ng pwede naming gawin pagkatapos kumain.
"Uhmm Dylan? Gusto mo bang mag arcade mamaya?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
Nag-isip nang ilang sandali bago sumagot.
"Sige ba!" nasasabik na tugon nito.
Ngumiti ako sa naging tugon nito. Pagkatapos kumain, sumakay kami ng jeep papunta sa mall. Nag-ikot-ikot muna kami bago kami pumunta sa arcade.
Sabik na sabik si Dylan nang makarating kami sa arcade. Halos lahat ng laro ay nilaro namin, mula sa claw machine, baril-barilan, basketball. Pareho naming inenjoy ang araw na ito. Ngunit alam ko, sa kailalim-laliman ng aking puso, mas higit pa ang dahilan ng aking kasiyahan.
***********************************************************************************************
Author's Note:
Hi sa mga readers ko! Sorry for the late updates on this story. Kumakalap pa ako ng inspiration to continue writing. Mahirap man pero nakakayanan.
I would like to ask for a suggestion for the next chapter's title. If you get the concept of the chapter titles based on the previous chapters, you might know where I'm going with it.
I'll try my best to write the next chapter. Until then!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top