Chapter 2: Enchanted
Dylan
Tatlong araw ang nakalipas, nahulog naman ang loob ko sa probinsya. Marahil dito na rin ako lumaki.
Matapos mag-agahan, inaya ako ng pinsan ko na mamalengke sa bayan. Dahil na rin sa sobrang bagot ko sa bahay, sumama na ako sa kanya.
Maya't-maya, narating na namin ang pamilihang bayan ng Daraga. Umagang-umaga pa lang ay maraming nang namimili dito. Makikita sa bawat tabi ang iba't-ibang klase ng gulay at prutas. Marami ri'ng nagtitinda ng karne, manok, at isda.
Habang namimili si James, napatuon naman ang mga mata ko sa isang napakalaking establismyento. May disenyo ng kape sa bintana nito. Sa loob, makikita ang mga upuan at mesa. Walang katao-tao sa loob. Pero may something na umaakit sa akin na parang gustong sabihin na pumasok ako. Sa sobrang curious ko, pumasok ako sa café.
Pagpasok ko, agad ako'ng sinalubong ng mahinang amoy ng sariwang kape at kaaya-ayang musika na nagbibigay ng mainit na pagtanggap. Ang ambiance ay kombinasyon ng mga klasikong kahoy na palamuti, malambot na ilaw, at mga puno na nagbibigay ng pakiramdam ng pakikipag-ugnayan sa kalikasan.
Sa counter may isang barista. Nakaupo siya habang ang ulo ay nakapatong sa counter. Halatang nakatulog ang barista sa sobrang pagkabagot. Dahil na rin sigurong wala masyadong customer.
Nilapitan ko ang counter nang dahan-dahan para hindi ko magulat ang natutulog na barista. Habang ito'y natutulog, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mala-anghel nitong mukha. Matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata. Ang labi niya ay manipis at medyo pink. Madamdamin ang paghinga niya. May kakulutan din ang kanyang dark blonde na buhok. Medyo makapal ang kanyang kilay.
Matagal kong pinagmasdan ang mukha ng barista. Maya't-maya, biglang tumunog nang malakas ang aking cellphone na ikinagulat ko naman. Shit! Tumatawag si James. Bumangon naman ang barista sa kan'yang pagkakatulog. Nag-inat-inat muna siya bago imulat ang kan'yang mga mata. Nang makita niya ako, nataranta naman siya at dali-daling tumayo.
"Ay. Good mo-Aray!" sabi niya habang nakahawak sa kan'yang tuhod. Nauntog pala ang kanyang tuhod habang nagmamadaling tumayo. Ang cute niyang tignan habang bakas sa mukha ang sakit ng tuhod.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya, na may kaunting pagngisi.
"Okay lang po sir. Sorry po. Nakatulog ako," pagpapahayag niya.
Agad naman niyang inayos ang sarili habang nagsasalita. "Anong order niyo po sir?" nakangiting tanong nito sa akin.
Nahagilap ko ang ngiti nito. Ang kanyang ngiti ay hindi lamang sa labi, kundi pati na rin sa kanyang mga mata. Ang kanyang mga mata ay tila kumikislap sa tuwa at kabaitan, nagpapahayag ng kasiyahan sa tuwing may kaharap na customer. Ang kanyang mga labi ay bahagyang nakangiti, hindi sobra ngunit sapat para ipakita ang kanyang positibong damdamin at pagtanggap sa mga taong kanyang pinaglilingkuran. Kapansin-pansin din ang likas na pagiging maalaga at mainit na pagtanggap sa pamamagitan ng ngiti niya. Kung siya ay tumutok sa iyo, maaari mong mapansin ang pagpapakita niya ng personal na interes at atensyon sa iyo bilang isang customer. Ito'y nagbibigay ng kakaibang karanasan, na nagpaparamdam sa iyo na ikaw ay tunay na tinatanggap at pinapahalagahan bilang bisita ng kanilang cafe.
"Uhmm sir? Okay lang po ba kayo? May dumi po ba sa mukha ko?" sunod-sunod na tanong nito.
Yinugyog ko ang ulo ko. Tinignan ko ang kanilang menu na puno ng iba't ibang uri ng kape mula sa iba't ibang bansa, mula sa matamis na espresso hanggang sa malinamnam na brewed coffee. Hindi lamang iyon, ang kanilang mga pastry at meryenda ay sariwa at tila gawa sa natural na sangkap na tiyak na magpapakilig sa aking panlasa.
Matapos kong pag-isipan ang aking order, tinignan ko siya sa mata at sinabi ang aking order.
"Dalawang Iced Latte tapos dalawang glazed donuts," sabi ko sa kanya.
Agad namang tinipa ng barista ang order ko sa monitor.
"120 pesos po lahat sir!" nakangiting sabi nito. "Pwede ko po bang mahingi ang name niyo para sa order niyo?"
"Dylan," nakangting sabi ko sa kanya.
"Hello po sir Dylan! Ako nga po pala si Cameron," sabay abot sa kanyang kamay.
Nang marinig ko iyon, medyo naging pamilyar siya sa akin. Pero hindi ko mailugar sa isip ko kung sino iyon. Kinamayan ko siya at nakangiti akong tumango. Matapos iyon ay nagtungo ako sa isang mesang malapit sa bintana. Tinawagan ko na rin ang pinsan ko na dito na lang kami magkita.
***********************************************************************************************
Lumipas ang ilang araw, napagtanto ko'ng bisitahin muna ang Ligñon Hill na matatagpuan sa Bogtong, Legazpi City. Ngunit sa tagal ko nang hindi naka-uwi dito, hindi ko na maalala kung paano makakapunta roon.
Tama! Magpapasama ako kina lola. Tutal, matagal ko na silang hindi nakaka-bonding. Dali-dali akong tumayo at lumabas sa aking kwarto para mag-agahan.
Ngunit paglabas ko roon, wala akong naaninag na tao.Pinuntahan ko ang kusina, ang salas, ang harap ng bahay, ngunit wala akong naaninag ni isang tao. Sinilip ko naman ang kani-kanilang kwarto, ngunit maayos naman ang mga kama na tila'y walang natulog na tao.
Bumalik ulit ako sa kusina at naupo. Iginala ko naman ang aking mata sa isang pirasong papel na nakapaskil sa refrigerator. Nilapitan ko iyon at binasa:
Dylan,
Pasensya na apo kung naiwan ka naming mag-isa riyan. May lakad kasi kami ng tito mo. Sa James naman ay nasa basketball court para makapag-pratice sa nalalapit nilang liga. May pagkain diyan sa ref, painitin mo na lang.
- Lola
Binuksan ko naman ang ref para kuhain ang inilaang pagkain sa akin ni lola. Pina-init ko iyon at kumain nang may ngiti sa aking labi.
Pagkatapos kong kumain, naligo ako at napagdesisyunang maglakad-lakad sa bayan para hindi ako lalong mabagot sa bahay. Napagpasyahan kong maglakad na lang dahil malapit lang ito ng ilang metro. Maya't-maya, narating ko na ang parke. Malaki at marami ang nagbago sa parkeng ito. Sementado na ang gitnang parte ng parke, may mauupuan na rin sa gilid nito, napapalibutan naman ito ng mga puno bilang shade para sa mga dumadayo dito. Sa gitna ng parke, makikita ang gym na bagong renovate. May mga kabataang naglalaro dito. Balita ko, may liga daw mamayang gabi, pero wala akong balak manood.
Naupo ako sa isang lilim at iginala ang aking tingin habang minamasdan ko ang parke. Sa palibot ng parke, may mga nagtitinda ng mga bulaklak. Sa gawing kanan ko may isang munting stall na nagtitinda ng iba't-ibang flavor ng shake. May mga nagkukumpulang mga estudyante doon para makabili ng shake para mapawi ang mainit na panahon. Speaking of mainit na panahon, bigla akong nag-crave sa iced coffee. Kaya napag isipan ko'ng pumunta sa coffee shop na napuntahan ko noon sa palengke.
Pagdating na pagdating ko roon, naabutan ko'ng sarado pa ang shop.
Hays. Sayang naman! Nagki-crave ako sa iced coffee. Sabi ko sa sarili ko.
Paalis na sana ako nang may mahagilap akong isang pamilyar na mukha. Hindi ko makakalimutan ang makulot na buhok at mala-anghel na itsura nito. Agad ko naman nginitian si Cameron nang makarating siya. Halatang hingal na hingal siya mula sa pagtakbo.
"Good morning po sir Dylan!" hingal niyang sabi.
Hindi ko mapigilang ngumisi.
"Good morning Cameron! And Dylan na lang. Sa tingin ko magka-edad lang tayo." nakangting sabi ko sa kanya. "Magbubukas pa lang kayo?"
"Opo si-, I mean, Dylan," nakangitng sagot naman nito.
Agad namang binuksan ni Cameron ang coffee shop at pumasok kaming dalawa.
"Okay lang po kung mag-hintay kayo ng ilang oras? Kailangan ko pang mag-prepare bago kami mag open for business," tanong niya sa akin.
"No worries! Take your time!" sagot ko naman.
Nakangiting tumango si Cameron at dumiretso sa kusina para mag-ayos. Tumungo naman ako sa mesa na malapit sa bintana. Binaling ko ang tingin sa labas ng coffee shop. Marami na ang pinagbago ng bayan ng Daraga mula noong umalis ako limang taon ang nakakaraan. Hindi pa rin mawawala traffic tuwing sasapit ang rush hour. Marami-rami na ring estudyante at manggagawa ang nag-aantay ng jeep na masasakyan. Kada Segundo ay lalo pang nadaragdagan ang mga jeep na bumibyahe para magsakay ng pasahero at mga sasakyan ng mga empleyadong papaasok sa kani-kanilang opisina. Nagsisimula na ring magising ang palengke sa pagdagsa ng mga mamimili.
Ibinaling ko naman ang atensyon sa loob ng coffee shop. Tahimik ito, maliban sa tunog na nanggagaling sa kusina. Kahit kabubukas pa lamang ng coffee shop, nariyan pa rin ang amoy ng kape na nagpapaganda ng araw ko. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa akin si Cameron, may hawak na pad paper at ballpen.
"Good morning ulit. Sorry kung natagalan. Anong order mo po?" nakangiting tanong nito sa akin.
Sinabi ko sa kanya ang order ko at bumalik siya sa kusina para ihanda ang mga ito.
Di nagtagal ay lumabas si Cameron sa kusina, dala-dala ang aking inorder. Tumayo ako para abutin ang tray nang mahawakan ko ang kanyang kamay.
Lub dub
Ano itong kakaibang sensasyon itong nararamdaman ko? Tila tumigil ang oras sa mga sandaling iyon.
Biglang tumikhim si Cameron. Hindi ko namalayan na kanina pa kami sa ganoong posisyon. Nagsimulang namula ang aming mukha. Agad namang binitawan ni Cameron ang tray pagkabigay nito sa akin.
"I-ito na p-po yung order niyo," pautal-utal niyang sinabi. Agad siyang tumalikod at tumakbo papunta sa kusina na parang nahihiyang bata. Nataranta naman siya noong nabundol niya ang upuan.
"A-aray!" sabi niya. Inayos nito ang natumbang upuan. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa makatago ito sa kusina. Ako naman ay ngumungisi sa kanyang naging reaksyon.
Magdamag akong nakaupo sa coffee shop hanggang sa di ko namalayang alas-2 na pala nang hapon. Naalala ko pala na pupunta ako sa Lignon Hill, ngunit hindi ko alam kung paano makakapunta roon.
Itinuon ko naman ang atensyon sa halos tahimik na coffee shop. Tanging ang jazz music lamang ang bumabasag sa katahimikan. May iilan ring customer dito. Ang iba sa kanila ay tutok sa kani-kanilang mga laptop, abala sa trabaho o projects. Ang iba ay tahimik na nagbabasa ng libro na kinuha nila sa bookshelf. Si Cameron naman ay abala sa pag-lilinis ng mesa matapos umalis ng isang customer.
Sa loob ng ilang minuto, isa-isang nagsi-alisan ang mga customer hanggang sa kaming dalawa na lang ni Cameron ang natira. Tinignan ko ang aking orasan: alas-3 na nang hapon. Tumingala ako at tinignan ko si Cameron na abala sa paglilinis sa counter. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko noong oras na iyon. Hindi ko namalayang tumayo na ako at pumunta sa counter.
Abala pa rin si Cameron sa kanyang ginagawa. Natigil lamang ito nang tumkhim ako. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkabigla. Kumurap siya nang ilang beses at umiling bago nagsalita.
"Yes po Dylan? May additional order k-ka pa po ba?" Hindi man halata, ngunit rinig ko ang kanyang kaba sa kanyang boses. Kahit ako man din ay kabado sa aking susunod na hakbang.
"Ah-hmm"
Tumaas ang dalawang kilay ni Cameron habang hinihintay niya ang susunod kong sasabihin. Sinara ko ang aking mata at tumikhim.
"Pwede mo ba akong samahan sa Ligñon Hill?" Dire-diretso kong sabi sa kanya.
Tanging ang jazz music lang ang bumabasag sa katahimikan habang hinihintay ko ang sagot ni Cameron. This is awkward. Marahan kong idinilat ang aking kaliwang mata kasunod ng kanan. Kita ko sa kanyang mukha ang pagkabigla. Nanlaki ang kanyang mata na tila'y nakatingin sa walang hanggan habang ang bunganga ay nakabuka. Halos magkulay presa ang kanyang mukha.
Medyo kumunot ang aking noo habang inuusisa ang reaksyon ni Cameron. Kinaway ako ang aking kamay sa kanyang mukha.
"Umm Cameron? Hello?" Wala pa rin itong kibo.
Pinitk ko ang aking daliri sa ilalim ng kanyang ilong. Natauhan naman ito at kumurap ng ilang beses hanggang sa naibaling nito ang atensyon sa akin.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Ahh o-oo! Okay lang ako! Ano nga ulit yung sinabi mo?"
"Ha? Ah eh." Sa pagkakataong iyon ay lalo akong kinabahan. Iniisip kung uulitin ko ba sa kanya ang aking alok. Pinikit ko ulit ang aking mga mata at huminga nang malalim. Idinilat ko ang aking mga mata at tinignan ko siya sa kanyang mga mata.
"Pwede ba kitang maimbitahang samahan ako sa Ligñon Hill ngayong hapon?"
Cameron
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang marinig ko ang mga katagang iyon. Ngunit pinagtibay kong huwag itong bigyan ng malalim na kahulugan.
Sa kabila nito, pumayag naman ako sa imbitasyon ni Dylan.
"Talaga? Naku salamat! Hindi ko kasi alam kung paano pumunta doon."
Nginitian koi to bago ako nagsalita.
"Okay po. Uhmm, give me 15 minutes to clean up and close. In the meantime, you can check our collection of books," sabi ko sabay turo sa bookshelf.
Tumango siya at pumunta sa bookshelf. Ilang sandal ay nakakuha na siya ng aklat at bumalik sa kanyang pwesto.
Samantala, sinimulan ko naman ang paglilinis at pag-aayos. Natapos ko lahat nang wala pang 15 minuto. Hinubad ko ang aking apron at pinuntahan si Dylan sa kanyang pwesto. Tinapik ko ang kanyang balikat.
"Tara na?" sabi ko.
Tumango siya. Ibinalik niya ang aklat at sumabay sa akin palabas ng pintuan. Isinara ko ito at nilisan namin ang coffee shop at nag-abang ng masasakyang jeep papunta roon.
Makalipas ang ilang minuto, bumaba kami ng jeep at sinimulang tahakin ang daan papunta sa entrance ng burol. Bago pa man makarating sa main entrance ng burol ay madadaanan muna ang tennis court. May iilang tao ang naglalaro rito. Katabi nito ang Schools Division Office ng DepEd Albay. Sa puntong ito ay magsisimula nang umakyat ang kalsada na magdadala naman sa amin papuntang tuktok. Ilang saglit ay narating na namin ang main entrance. Kahilera nito ay mga tindahan. Bumili muna kami ni Dylan ng tubig at pumunta sa tourist hub para mag-register. Matapos nito ay sinimulan na namin ang pagtahak sa daan papuntang tuktok.
Habang paakayat kami ay pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Maraming makikita dito na iba't-ibang klase ng halaman at puno. Walang maririnig dito na ingay, maliban sa huni ng mga ibon at ihip ng hangin. Napakapresko! Sabi ko sa sarili. Kumuha naman ako ng mga litrato bilang souvenir. Pagod and pawisan naming narating ang tuktok ng burol. Pagdating doon ay agad naman kami naupo sa bakanteng upuan.
Pagkatapos naming mag-pahinga ay nag-ikot ikot kami. Bago marating ang tuktok ay may parking space para sa mga sasakyan kung sakaling ayaw ng turista maglakad paakyat. Sa di kalayuan ay may guasli na mala-korona ang disenyo. May mga nagtitinda dito ng mga souvenirs, kakanin at drinks sa mga booths na-nakapaloob sa gusaling ito. Sa bandang kaliwa ay may view deck. Matatanaw mula rito ang siyudad ng Legazpi at ang Legazpi Bay. Sa baba ng view ay matatanaw rito ang lumang paliparan ng Legazpi, at sa bandang baba nito, malapit sa paanan ng burol, ay makikita ang Albay Wildlife Park. Sa kabilang banda naman ng burol ay matatanaw ang kayamanan ng Albay, ang bulkang Mayon, kilala sa pagkakaroon nito ng perpektong hugis ng apa.
Naglakad-lakad kaming dalawa sa paligid ng burol habang kumukuha ng litrato si Dylan.
Habang si Dylan ay abala sa pagmamasid ng mga tanawin, hindi ko maiwasang tingnan ito. Pinagmasdan ko ang maputi at makinis na balat ni Dylan. Mahinahong ngiti nito na tila nagbibigay liwanag sa araw, at ang mga mata nito ay nagpapahiwatig ng kasiyahan. Bawat beses na makakakita ko ang ngiti ni Dylan, ay hindi ko maiwasang ngumiti rin. Dahil sa lalim ng aking pagmumuni sa kanyang mukha, hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ni Dyaln. Natauhan lamang ako nang bigla akong nilapitan ni Dylan.
"Huy Cameron!"
Umiling ako mula sa aking pagmumuni at tinignan si Dylan.
"Bakit Dylan?"
"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong nito.
Sa hindi malamang dahilan, biglang kumalam ang sikmura ko. Natawa naman kaming dalawa ni Dylan.
Pumunta naman kami si tindahan roon at bumili ng makakain. Tig-isa kami ng softdrinks at hotdogs. Naupo kami sa isang mesa at kumain. Bumili na rin kami ng Sili Ice Cream na siyang patok sa mga dumadayo dito sa Albay.
Habang kumakain, ibinaling ko ang atensyon ko sa kanluran at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda. Pinukaw ko ang atensyon ni Dylan at tinuro sa kanya ang napakagandang tanawin.
Ngumiti ako at pinagmasdan ang napakagandang sunset. Ang siluet ng kapaligiran ay nagiging mas makulay, habang ang langit ay naglalabas ng mga natatanging anyo ng liwanag. Ang mga alon ng liwanag ay sumasalamin sa alapaap, nagbibigay buhay sa mga kulay tulad ng pula, kulay kahel, dilaw, at violet. Ang pag-aambon ng init ng araw ay naglilikha ng romantikong at payak na atmospera na nagbibigay saya sa mga nakakakita.
Tumingin naman ako sa aking katabi at bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha. Hindi ko baa lam kung bakit, pero sa tuwing tinitignan ko ang mukha ni Dylan ay gumagaan ang aking pakiramdan na tila ba'y nawala sa aking likuran ang napakabigat na bagay na palagi kong pasan.
Habang iniisip ko iyon, biglang pumatak ang isang luha mula sa aking mata. Pinunasan ko iyon agad bago makita ni Dylan.
"Ang ganda ng sunset!" sabi ni Dylan, habang naglalakad kami pababa. Padilim na noong mga sandaling iyon, habang patuloy na lumulubog ang araw na tila'y sumasabay rin sa amin sa pagbaba. Ang kaninang mga matitingkad na kulay ay naglaho na. Ang mga huni ng ibon ay unti-unting napapalitan ng huni ng mga tipaklong. Malamig ang simoy ng hangin kung kaya't medyo gininaw ako.
"Oo nga ehh," nakangiti kong sagot.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa narating namin ang highway. Habang naghihintay ng jeep, tinignan ko naman si Dylan. Hindi ko makakaila na may itsura siya. Siguro swerte ng magiging karelasyon nito, sabi ko sa sarili ko.
Bago pa man ako nakaiwas ng tingin, nilingon ako ni Dylan at tumawa nang bahagya.
"Alam mo, kanina pa kita napapansin ahh. May sasabihin kaba sa akin?" tanong nito.
Tumalikod ako para itago sa kanya ang namumula kong mukha. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago humarap sa kanya.
Nakangiti pa rin ito habang inuusisa niya ang aking susunod na sasabihin. Tumikhim ako at nagsalita.
"May mga plano ka ba para sa susunod na linggo?" tanong ko kay Dylan.
Tumingin si Dylan sa akin. "Wala pa akong plano. Bakit?"
Nag-atubiling akong sumagot, hindi sigurado kung paano ko sisimulan. Ngunit sabi ko sa sarili, "Bahala na."
"Ah, eh, gusto ko sanang imbitahan ka," sambit ko, isang kurap ang inilapat sa mga mata ni Dylan.
"Imbitahin? Saan?" tanong ni Dylan sa akin.
Tumiklop ako ng mga minuto, pinipilit na magsalita. Hindi ko alam kung paano ipararating ang aking naiisip.
"Nais kong imbitahan ka... mag-ikot tayo sa Museo de Legazpi," natapos ko nang may bahid ng pag-aalinlangan.
Inabot ng isang minuto bago sumagot si Dylan.
"Sige,ba!" ang masayang tugon ni Dylan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top