SIMULA NG PAGHAHANAP SA IKATLONG TEMPLO

Midnight0019 Notes

It's a very very very short chapter lang to bawi ako sa next chapter hehehe...





Chapter 12

James POV

Gulat na gulat ang aking mga kaibigan ng bumaba ako sa itaas, hindi sila makapaniwala na nakuha ko ang aking bagong kapangyarihan.

Nang maitapak ko na ang aking mga paa sa lupa ay muli akong bumalik sa normal kong anyo para muling magsimula sa paghahanap ng natitira pang templo na magbibigay ng panibagong kapangyarihan  sa tatlo ko pang kaibigan.





Cross POV

Tatlong linggo na akong balisa dahil sa isang panaginip na palaging pumapasok sa aking isip kada matutulog ako.

Simula nang makuha ni Krystal ang kanyang bagong kapangyarihan hindi na ako tinantanan ng panaginip ko
na hindi ko naman alam ang kahulagan nito.




Eto yung palagi kong napapanaginipan.




Nasa isang malawak na hardin daw ako ng iba't ibang kulay ng bulaklak at napapalibutan ng mga paru parong tila may pakpak na bakal subalit nakakalipad naman sila ng mataas sa kabilang dako ng hardin ay mayroong isang lalaki na nakaupo sa isang trono ay nakangiti sa aming lima.

Dahan dahan kaming lumakad papunta dun sa lalaking nakangiti sa aming lima pero sa kasamaang palad bigla na  lang natumba ang apat kong kaibigan ng dahil sa pollen ng mga bulaklak na kayang magparalisa ng katawan nang makalapit na ako sa lalaking nakangiti.




Magtatanong na sana ako dun sa lalaking nakaupo sa kanyang trono ng biglang natigil ang panaginip ko dahil sa biglang pagprenong ginawa ni Adrian.



Nang maiayos ko na ang aking sarili ikinuwento ko sa aking mga kaibigan ang napapanaginipan kona matagal ng bumabagabag sa akin.




Nang matapos kong maikwento yung buong panaginip ko dali daling inilabas ni James ang Flower Origami at saka nagsimula siyang magtanong dito.




Flower Origami saang lugar kami makakakita ng maraming makukulay na bulaklak at napapaligiran ng maraming paru-paro tanong ni James.




Matapos makapagtanong ni James agad agad nagpalit ng anyo ang flower origami na parang isang normal na typewrtting paper at saka doob nagsimulang sagutin ang itinanong ni James




Sa isang napakalamig na lugar na kung saan maraming puno ang nakatanim at kada bakasyon maraming turista ang bumibisita dito.




Matapos ipakita ng flower origami ang kanyang sagot dali dali itong nagbalik sa dati nitong anyo.




Lugar na napakalamig , maraming puno at maraming turistang bumibisita kapag bakasyon wika ni Krystal.




Isang lugar lang ang alam ko na may ganyang klima sabat naman ni Adrian.




Sa Baguio sabay sabay naming sigaw.




Baguio here we go eksaheradang sigaw ni Aivee.





*************************

Midnight0019 Notes

Ayan pupunta na sila ng baguio ano ang madadatnan nila doon?

Makita kaya nila ang kanilang hinahanap sa lugar na yon?


Magparamdam kaya ang mga alagad ni Mala sa lugar na pupuntahan ng ating mga bida?



Subaybayan sa susunod na kabanata.....



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top