IKATLONG MANDIRIGMA
Chapter 16
Cross POV
Nang makapasok na ako sa loob ng portal namangha ako sa sobrang ganda ng kapaligiran para akong nasa isang set ng pelikula na may temang love story kung saan parang nagdedate ang bidang babae at lalaki.
Nakakabighani ang taglay na kagandahan ng templong ito iba't ibang uri ng bulaklak ang makikita dito napakarami ring uri ng paru-paro ang makikita mula sa pinaka maliit hanggang sa pinakamalaki.
Nagsimula na akong maglakad hanggang sa marating ko ang isang arko na punong puno ng bulaklak.
Pumasok ako sa loob ng arko at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang upuan na tila isang trono ng hari napapalamutian ito ng iba't ibang kulay ng bulaklak at napapalibutan ng mga makukulay na paru-paro.
Magandang umaga sa iyo ikatlong mandirigma bati sa akin nung lalaking nakaupo dun sa may upuan.
Magandang umaga din po sagot ko dun sa lalaking nakaupo.
Bago ang lahat magpapakilala muna ako sa iyo.
Ako nga pala si Lione ang ikatlong espiritong magbibigay sa iyo ng pagsusulit para sa bago mong kapangyarihan na magagamit mo para matulungan ang iyong mga kaibigan na sugpuin ang reyna ng kadiliman na si Mala.
Ganon po ba? Sagot ko naman.
Oo ganun na nga pero wag na wag kang magpapakampante dahil ang tatlo kong pinakamalakas ang magbibigay sa iyo ng pagsusulit makikit mo sila sa likod ng aking kinauupuan kung saan meron dung isang malawak ba hardin kung saan sila nageensayo sa pakikipaglaban.
Kailangan mo lang matapos ang bawat pagsusulit na ibibigay ng tatlo kong alagad para makamit mo ang bawat piraso ng tattoo na magpapatunay na natapos mo na ang ibinigay nilang pagsusulit.
Lalabas ang bawat piraso ng tattoo sa likod ng palad mo at kung sakaling hindi mo matapos ang isa sa mga pagsusulit na ibinigay ng aking alagad maaari mo itong balikan kung may oras ka pang natitira.
Bibigyan lamang kita ng apat na oras para makumpleto ang bagong kapangyarihan na nakalaan para sa iyo.
At kung nag-aalala ka dahil sa sinabi kong apat na oras para sa pagsusulit wag kang mangamba dahil sa loob ng templong ito ang apat na oras na iyon ay katumbas lamang ng dalawang oras sa inyong mundo.
Kaya kung ako sa iyo bilisan mo ang pagtapos sa bawat pagsusulit na ibibigay sa iyo dahil kapag naubusan ka ng oras pasensyahan na lamang tayo dahil hinding hindi ka na makakaalis pa dito sa templong ito.
Nagkakaintindihan ba tayo? Tanong sa akin ni Lione.
Oo! Naiintindihan ko.
Hinding hindi ako magpapatalo sa iyong matatapat na alagad, marami pa akong dapat asikasuhin sa aming mundo at isa na dun ay ang wakasan ang ginagawang paghahari ng reyna kadiliman na si Mala sagot ko kay Lione.
Kung ganon humayo ka na at simulan mo na ang iyong pagsusulit diretsuhin mo lamang ang daanang iyan para makita mo ang alagad kong triplets.
*************************
Midnight0019's Note
Yown!!!! Nagkaharap na sina Cross at Lione dun sa loob ng templo/hardin subalit hindi na si Lione ang magbibigay ng pagsusulit para sa bagong kapangyarihan kundi ang tatlo niyang tapat na alagad.
Sino-sino kaya ang tatlong alagad ni Lione na magbibigay ng pagsusulit ka Cross?
Matapos kaya ni Cross ang pagsusulit ng ibibigay ng tapat na alagad ni Lione sa loob ng apat na oras??
Abangan sa susunod na kabanata.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top