ANG WEAPON SUMMONER NA SI JC.
CHAPTER 14
Aivee POV
Matapos bumagsak si Jobeth sa lupa na parang ibong binalatik nagtawanan kaming apat para lalong inisin ang mga alagad ni Mala.
Paano ba yan 1 down 2 to go sambit ni James sabay tawa ng nakakaloko.
Anong one down two to go yang pinagsasabi mo ha galit na tanong ni Ramil kay James.
Bulag ka ba ha at hindi mo nakikita yang kakampi mong bumagsak galing sa langit una mukha ha sagot ni James na may halong pang-iinis.
Nakikita ko pero hindi naman siya kasali sa bilang eh, kahit na alagad siya ni Reyna Mala apat lamang kaming tunay na malalakas at itong basurang ito ay hindi kasali sa aming pangkat itong kasama kong nakapikit ay ang pangalawa sa pinakamalakas na mandirigma ni Reyna Mala.
Oras na JC para magpakitang gilas ka wag na wag mong bibigyan ng kahihiyan si Reyna Mala tulad ng ginagawa ng basurang to na si Jobeth.
Ilang segundo pa lang ang nakakalipas matapos magmonolouge si Ramil bigla na lang idinilat nung JC ang kanyang mga mata at saka biglang na lang itong nagsalita para sagutin ang pagmomonolouge ni Ramil.
Oo na! Tama na ang satsat, kung ako sa iyo puntahan mo na ang basurang si Jobeth at simulan mo na siyang gamutin gamit ang iyong kapangyarihan para may dagdag katulong tayo sa pag papabagsak diyan sa mga kalaban natin.
Wag na! Kaya naman nating dalawa yang mga kalaban natin eh sagot ni Ramil.
Hahahaha! Oo nga naman kayang-kaya na nating dalawa na pagbagsakin yang mga kalaban natin sambit ni JC.
Ganun! Kung kaya ninyo kami pabagsakin, kaya din namin kayo pabagsakin lalo na't mas marami kami kesa sa inyo sigaw ni Aivee.
Hahahaha nagpapatawa ba kayo? Pwes hindi nakakatawa yang mga sinasabi ninyo na pababagsakin ninyo kami sambit ni JC.
Kung sa tingin mo na nagpapatawa kami pwes hindi kami nagpapatawa dahil seryoso kami sa sinabi namin na pababagsakin namin kayo lalong lalo na ang inyong nagmamagandang reyna na si Mala sagot ni Cross.
Kung ganon mas mabuti pa lang tinatapos na kayo para hindi ninyo na mapuntahan / makita ang aming Reyna para saktan sambit ni JC.
Katapusan ninyo na dagdag na sigaw ni JC.
"SUMMON THOUSAND SWORD" malakas na sigaw ni JC.
Dali daling nagsipaglitawan ang napakaraming espada sa aming paligid hanggang sa buong lugar na ang nasasakop nito.
Nagulat kayo no!!! Panimula pa lamang yan ng aking kapangyarihan, paano pa kaya kung paatakihin ko ang mga sandatang iyan eh tapus na kaagad ang laban.
Ginagawa iyan hindi yung puro ka daldal dinaig mo pa yung inahing manok na putak ng putak sigaw ni Cross.
Ganun??? Talagang sinusubukan ninyo talaga ako pwes mamatay na kayo at damhin ninyo ang aking kapangyarihan hanggang sa impyerno "THOUSAND SWORD EXTINCTION" hiyaw ni JC.
Agad agad nagsipag-galawan ang mga espadang nakalutang kanina at nagsimula itong umatake sa iba't ibang direksyon.
Napakabilis ng paggalaw ng mga espadang pinapaatake ni JC halos hindi na naming magawang makaatake at ang tanging nagawa lang namin ay ang dumipensa.
Wala na ba kayong alam kundi ang pagdepensa lang, akala ko pa naman malalakas kayo at masisiyahan ako sa pakikipaglaban sa inyo pero dahil sa mga mahihina kayong nilalang tanging pagdepensa lang ang kaya ninyong gawin sigaw ni JC.
Nagsisimula ng pumusisyon si Cross para sa gagawin niyang pag-atake nang biglang nagkaroon ng isang napakalakas na pagsabog.
Halos mapuno ng usok at alikabok ang buong lugar ng pinaglalaban namin
Kasabay ng pagkawala ng usok at alikabok bumungad sa amin ang mga sandatang pinaatake ni JC na nagkalat sa lupa.
Hindi maaari sigaw ni JC.
Muli sanang aatake ulit si JC ng biglang sumulopot ang isang portal sabay sa pag-ilaw ng sandatang hawak ni Cross.
Cross!!!! Biglang sigaw ni Krystal.
Bakit sagot naman ni Cross
Oras na para kuhanin mo ang pinakabago mong kapangyarihan.
Kami na muna ang bahala dito angkinin mo ang bago mong kapangyarihan para magapi na natin ang kanilang pinakamamahal at pinagamagandang reyna sigaw ni Adrian.
Dali - daling tumakbo si Cross dun sa portal at pumasok.
Kasabay ng pagkawala ni Cross para kuhanin ang bago niyang kapangyarihan, nagpatuloy ang labanan namin ng mga alagad ni Mala.
Abangan sa susunod na kabanata....
Hahahaha
*************************
MIDNIGHT0019'S
Ayan na!! nagpakita ang ikatlong portal magawa kayang makuha ni Cross ang naghihintay na bagong kapangyarihan??
Sino kaya ang tagapagbantay ng ikatlong templo.
Magawa kayang talunin ni Cross ang tagapagbantay o siya ang tatalunin nito.
Abangan.....
Ha ha ha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top