ANG TEMPLO NG TUBIG AT ANG TAONG BATO (2)

Chapter 6

Part 2

KRYSTAL POV

Matapos mapatigil ni Cross ang kalaban namin ng sandaling oras ay dali dali akong tumakbo papunta doon sa portal.

Halos magkanda dapa dapa pa ako sa pagtakbo makapasok lamang sa loob ng portal patungo sa templo na kinalalagyan ng espirito ng hayop na hindi ko alam kung among klase ito.

Nang makapasok na ako sa loob ng portal nagulat ako sa aking nakita nakakamangha ang lugar na ito.

Isang templo na napapalibutan ng tubig.

Dali dali kong nilakad ang tulay na kumokonekta patungo doon sa templo.

Habang naglalakad ako napansin ko ang mga tubig sa aking gilid na tila ba nagsasayaw, napakaganda sanang panoorin ang sumasayaw na tubig pero dahil nagmamadali ako kailangan kong bilisan dahil kailangan ako ng aking mga kaibigan para tulungan silang talunin ang ikalawang alagad ni Mala.

Medyo natagalan din akong marating ang pintuan ng templo dahil na rin sa sobrang haba ng tunay na aking dinadaanan.

Nang marating ko ang pintuan ng templo dali dali akong pumasok sa loob, kung nakakamangha na ang labas ng templo mas nakakamangha ang pinakaloob nito ang lahat ng mga gamit sa loob ng templo sa halos gawa sa tubig.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa pinakagitna ng bulwagan ng templo nang mapansin ko ang isang estatwa ng balyena na may lumalabas ng tubig sa itaas nito habang may isang babaeng may hawak na violin na nakaupo sa may bibig ng estatwa ng balyena.

Maligayang pagdating sa aking templo unang mandirigma ng liwanag, Ako nga pala Si Leana ang isa sa limang espirito ng hayop na magbibigay sa inyo ng karagdagang kapangyarihan at dahil ikaw ang may hawak sa kapangyarihan ng tubig ako ang nakatalagang magbibigay sa iyo ng pagsusulit para sa karagdagang kapangyarihan.

Halos mapatulala ako sa angking kagandahan ni Leana para siyang isang diwata sa suot niyang bra na kulay asul, may suot din siyang suot na manggas sa kanyang dalawang braso na nakahiwalay sa suot niyang bra, ang kanyang buhok ay nakaside one ponytail ang pang ibaba niyang suot ay isang see-through na pajama na may slit sa dalawang gilid nito ang kanyang sapin sa paa naman ay isang flat na sandals at hawak niyang ang isang violin bilang sandata.

Alam kong nagmamadali ka Kaya naman simulan na natin ang iyong pagsusulit kung karapat dapat ka para sa aking kapangyarihan sabi ni Leana.

Madali lang naman ang ibibigay ko sa iyong pagsusulit sagutin mo lamang ito ng taos sa puso dagdag na sabi ni Leana.

Eto na ang aking tanong.

Saan mo gagamitin ang aking kapangyarihan kung sakaling mapapasaiyo ito??

Kung sakaling mapapasaakin ang iyong kapangyarihan gagamitin ko ito sa kabutihan sa pagligtas sa mga tao, sa aking pamilya at sa aking kaibigan, gagamitin ko din ito upang wakasan ang ginagawang kasamaan ni Reyna Mala kasama ang aking mga kaibigan upang maging tahimik at maayos ng muli ang aming mundo.

Magaling, bukal sa puso ang ginawa mong paggsagot sa aking tanong kaya naman karapat-dapat na mapasaiyo ang aking kapangyarihan.

Magagamit mo ang aking kapangyarihan sa pamamagitan ng salitang ito.

SECUNDUM ORIGINEM AQUA BALEANA RELEASE.

Matapos sabihin ni Leana ang salitang gagamitin para sa pagpapalit ng anyo ay unti unti siyang naglaho at lumabas sa aking kanang pulso ang tila ba isang tattoo na balyena.

Matapos ko makuha ang karagdagang kapangyarihan na galing kay Leana ay agad agad akong tumakbo palabas ng portal para tulungan ang mga kaibigan kong talunin ang alagad ni Mala na si Reggie ang taong bato.

Eksaktong paglabas ko ng portal napansin ko ang mga kaibigan ko na hindi na makatayo sa sobrang dami ng kanilang sugat na natamo kay Reggie.

Ngayon, subukan natin ang bagong kapangyarihang nakuha ko galing sa espirito ng hayop.

TRANSFORMATIO AQUA VASA PRETIOSA sigaw ko.

Nang makapagpalit na ako ng anyo oras na para mambulaga.

Hinawakan ko ang tila ba tattoo ng balyena sa aking pulso sabay bigkas ng.......

SECUNDUM ORIGINEM AQUA BALEANA RELEASE

Matapos kong bigkasin ang salitang makakapagpalit ng aking anyo sa ikalawang pagkakataon ay biglang may lumabas na dalawang malaking alon sa aking gilid na tila ba mag-uumpugan.

Nang magdikit ang dalawang alon na nagkulong sa akin sa loob at doon na nagsimula ang aking pagpapalit ng anyo sa ikalawang pagkakataon.

Matapos kong makapagpalit ng anyo lumabas ako na suot na ang damit ni Leana ng una ko siyang nakita sa loob ng templo.

Simulan na natin ang tunay na laban alagad ni Mala.

Sa pagtugtog ko ng hawak Kong violin ginamit ko na ang isa sa bagong kapangyarihan ko.

WATER RECOVERY.... sigaw ko kaya naman bigla na lang umulan sa tapat mismo ng aking mga kaibigan at unti unting ibinabalik ng aking kapangyarihan ang kanilang lakas at pagalingin ang kanilang sugat na natamo kay Reggie.

Ngayong maayos na ang kalagayan ng mga kaibigan ko oras na para ikaw naman ang asikasuhin ko.

Kaya humanda ka na.

Hahahahaha,  kung kanina nung una tayong nagkaharap ay Hindi kayo nanalo ngayon pa kaya sambit ni Reggie.

Tignan na lang natin sabay bigay ng isang nakakainsultong ngiti.

ROCK THROW sigaw ni Reggie sabay hagis ng bato patungo sa akin.

WATER BODY sigaw ko naman.

Halos matawa na lang ako dahil sa tumatagos lang ang mga batong inihahagis ni Reggie sa aking katawan.

Tapos ka na???  Pwes ako naman etong tikman mo.

WATER BLUE NOTE DESTRUCTION.... sabay patugtog sa hawak kong violin.

Habang patuloy ako sa pagtugtog sa aking hawak na sandata nagpapalabas naman ito ng kulay asul na musical note na dali daling sumasabog sa bawat dikit sa katawan ni Reggie.

Halos hindi na makakilos si Reggie sa sobrang panghihina dahil sa ginamit kong kapangyarihan.

Handa ka na bang mawala dito sa mundong ibabaw alagad ni Mala?  tanong ko dito.

Hindi sumasagot si Reggie.

Gagamitin ko na sana ang pinakamalakas kong kapangyarihan ng biglang tumayo si Reggie sabay sigaw ng DIG...

Unti unting lumubog ang katawan ni Reggie sa ilalim ng lupa.

Tiyak na tutungo na siya kay Mala para magpalakas ng todo at makaganti sa aking lima.

TO BE CONTINUED......

*************************

PASENSYA NA PO YAN LANG ANG AKING NAKAYANAN.

HAHAHAHA

MIDNIGHT0019






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top