ANG PAGSUSULIT NG TATLONG ALAGAD NI LIONE PART 2
Part 2
Chapter 18
Cross POV
Matapos kong sagutin ang tanong ni Rance sa akin ay dali dali niya akong inilipad papunta kay Aria.
Nakakamangha ang ganda ng lugar na pinagdalhan sa akin ni Rance para isa itong lumulutang na isla subalit gawa lamang ito sa napakanipis na sinulid na kasing tibay ng bakal.
Magandang umaga sa inyo mga.............
Oh! Rance ikaw pala yan wika ng isang napakagandang babae, babaeng gagamba.
Bago natin pag-usapan ang pakay ninyo sa akin magpapakilala muna ako wika nung babaeng gagamba.
Ako si Aria ang manghahabi pakilala nito sa amin.
Ako ang lumikha ng baluti (armor) ni Master Lione gamit ang aking napakanipis na sapot subalit kasing tibay naman ng bakal.
Kaya kami napadpad dito sa teritoryo mo upang humingi ng isang pabor wika ni Rance.
Pabor???? Anong klaseng pabor naman ang hihingin ninyo sa akin tanong ni Aria.
Bago ang lahat ipapakilala ko muna sa iyo itong kasama ko siya nga pala si Cross isa sa limang mandirigma ng liwanag na may kakayahang wakasan ang paghahari ng kadiliman saad ni Rance.
Kaya kami pumunta dito para humingi ng pabor sa iyo na kung maaari ay igawa mo siyang balutibg kapareho ng suot ni Master Lione saad ni Rance.
Hindi!!!!! sigaw ni Aria.
Bakit naman muling tanong ni Rance.
Dahil ang baluting suot ni Master Lione ay gawa sa espesyal na gamit, ito ay ang mga gintong sapot na sa akin mismo nanggagaling, ang metallic butterfly dust nagmula naman doon sa pinakamalaking paruparo na makikita lamang sa trono ni Master Lione na nakadapo at ang pinaka espesyal ay ang hamog na galing sa rainbow rose subalit wala na sa akin ito saad ni Aria.
Di ba ikaw ang tagapag-ingat ng Rainbow Rose tanong ni Rance.
Oo! Ako nga ang nag-iingat dun subalit dalawang linggo na ang nakakalipas ng nakawin ito ni Vanny.
Si Vanny ang tusong mantis tanong ni Rance.
Oo! Siya nga malungkot na sagot ni Aria.
Kung ganun hindi mo siya maigagawa ng baluti muling tanong ni Rance.
Oo! Tama ka diyan hindi ko siya maigagawa ng baluti maliban na lang kung mababawi ang Rainbow Rose na nasa teritoryo ni Vanny sagot ni Aria.
Kung babawiin ko ba ang Rainbow Rose kay Vanny maipapangako mo bang igagawa mo ako ng baluti na kapareho ng suot ni Master Lione.
Oo! Ipinapangako ko sagot ni Aria.
Kung ganun ang ikalawa mong pagsusulit ay ang maibalik sa tagapag-ingat ang ninakaw na Rainbow Rose saad ni Rance.
Kung talagang handa kang ibuwis ang iyong buhay kapalit ng paggawa ko sa kaparehong baluti ni Master Lione sundan mo lamang yang pulang sapot, iyan ang magtuturo sa iyo patungo sa pinagtataguan ni Vanny saad ni Aria.
Tandaan mo ikatlong mandirigma mayroon ka lamang isang oras at dalawampung minuto para tapusin ang ikalawang pagsusulit wika ni Rance.
Dali dali kong sinundan ang pulang sapot patungo sa teritoryo ni Vanny para bawiin ang Rainbow Rose.
Nang marating ko ang dulo ng pulang sapot nagulat na lang ako ng may nakita akong isang babaeng green na tila naghihintay sa pagdating ko.
Sino ka at anong kailangan mo sa aking teritoryo tanong nung babaeng green.
Para sa una mong tanong ako si Cross ang ikatlong mandirigma at isa sa limang kabataan na may kakayahang wakasan ang paghahari ng reyna ng kadiliman na si Mala sagot ko dun sa babaeng green.
At para sa ikalawa mong tanong na kung bakit ako narito sa iyong teritoryo.
Narito ako para bawiin ang Rainbow Rose na ninakaw mo kay Aria dalawang linggo na ang nakakalipas.
Wala akong ninanakaw kay Aria sigaw nung babaeng green.
Talaga??? Sure ka na ba??? It's that your final answer tanong ko doon sa babaeng green.
Oo! Final answer sagot nung babaeng green.
Pwes ano ang tawag dun sa bulaklak na iyon sabay turo ko.
Ah! Yun ba? Yun ang bahagharing rosas sagot nung babaeng green.
Sa english bigla kong tanong.
Rainbow Rose sagot nung babaeng green.
Kung ganon kukunin ko na ang rainbow rose para maibalik na ako kay Rance.
At sinong may sabi na maaari mong kuhanin basta basta ang Rainbow Rose sa akin tanong nung babaeng green.
Ako, kaya kung ako sa iyo ibigay mo na ang kailangan ko at ng wala ng masaktan pa.
Bakit ko naman ibibigay sa iyo ang Rainbow Rose na pinaghirapan kong nakawin kay Aria tapus bigla kang puounta dito at kukuhanin sa akin tong Rainbow Rose.
Hinding hindi mo makukuha sa akin tong Rainbow Rose dadaan ka muna sa aking bangkay bago mo makuha ang Rainbow Rose sigaw nung babaeng green.
Ok! Sabi mo eh! Sagot ko naman sabay labas ng aking sandata.
Tandaan mo hinding hindi ako mangingiming tadtarin ka ng bonggang bongga kung magmamatigas ka pa rin.
Tatadtarin mo ako ng bonggang bongga tanong sa akin nung babaeng green na nagpakilalang Vanny.
Oo sagot ko naman.
Pwes! Nagkamali ka ng binangga mo dahil hinding hindi mo ako matatalo ngayong nandito tayo sa aking teritoryo, ang buong damuhan na ito ay ang aking teritoryo kaya wala kang laban dahil kakulay ko ang mga damo dito sagot ni Vanny.
Bilang panimula paglalaruan muna kita EXTREME SPEED sigaw ni Vanny sabay kilos ng napakabilis SPINNING SLASH sabay hiwa sa aking braso damang dama ko ang hapdi nung sugat na natamo ko dahil sa atakeng ginawa ni Vanny sa akin.
Hahahaha! Ano masakit ba simula pa lang yan kaya kung ako sa iyo sumuko ka na lang sambit ni Vanny.
Pasensya ka na ha babaeng berde pero wala akong balak sumuko ipinangako ko ito kay Aria na babawiin ko ang Rainbow Rose dun sa nagnakaw nito.
Kaya gagawin ko ang lahat matalo ka lang.
Talagang pinapabilib mo ako pero hinding hindi mo ako magagalusan kahit kapiraso lang sigaw ni Vanny.
Ganun! Pwes tikman mo itong atake ko HEAVENLY SCYTHE EXECUTION sabay hagis ng aking sandata paitaas at hinintay na lang bumagsak ang aking ginawang pag-atake.
Hahahaha! Anung ginagawa mo tanong ni Vanny sa akin.
Anong ginagawa ko? Ah wala umatake lang naman ako sagot ko kay Vanny.
Umatake ka na sa lagay na yun ha wala namang nangyari dun sa ginawa mong pag-atake sabay tawa ni Vanny.
Sige! Tumawa ka lang ng tumawa hanggang malagutan ka ng hininga wika ko.
Habang tumatawa si Vanny bigla na lang dumilim sabay pag-ulan ng maliliit na karit hindi magkandamayaw sa pag-ilag si Vanny nang biglang nahagip ng isa sa mga karit ang kanyang braso at ito ay naputol.
Tampalasan ka sigaw ni Vanny pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking braso.
Hahahaha..... Simula pa lang yan hintayin mo pa yung susunod kong pag-atake sigaw ko.
CLONE IN THE GREEN FIELD sigaw ni Vanny.
Nagulat na lang ako ng makita ko si Vanny na naging walo hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang technique na iyon.
EXTREME SPEED sigaw ni Vanny sabay kilos nito ng napakabilis.
Katapusan mo na ikatlong mandirigma MULTIPLE SPINNING SLASH sigaw ni Vanny.
To Be Continued
*************************
Midnight0019's Note
Abangan ang ikatlong part ng pagsusulit ng ikatlong mandirigma na si Cross laban sa tatlong alagad ni Lione
Matalo kaya ni Cross ang babaeng green na si Vanny at tuluyang makuha ang Rainbow Rose o siya ang mapapahamak sa kamay ni Vanny.
Abangan
Pagsusulit ng tatlong alagad ni Lione Part 3
Midnight0019
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top