ANG PAGSUSULIT NG TATLONG ALAGAD NI LIONE (HULING BAHAGI)
Chapter 19
Cross POV
Halos mapuno na ng sugat ang katawan ko dahil sa ginagawang pag-atake ni Vanny hindi ko magawang makaatake ng maayos dahil sa sobrang bilis niya kumilos.
Dahan dahan akong nag-isip ng isa sa mga kapangyarihan ko na tiyak na tatapos sa kanyang buhay kapag nahagip siya nito.
Pinilit kong tumayo ng tuwid sabay nagconcentrate para sa gagawin kong pangwakas na atake habang si Vanny naman ay patuloy lang sa ginagawa niyang pagatake.
Sumuko ka na ikatlong mandirigma sigaw ni Vanny dahil hinding hindi ka mananalo sa akin dagdag pa niya.
Matapos kong makapagconcentrate dali dali kong inihanda ang aking sandata para sa gagawin kong pagatake.
Hinintay ko lang muli si Vanny na umatake at ito ay aking sasabayan para magkaalamanan na kung kaninong kapangyarihan ang pinakamalakas.
Magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay MULTIPLE SPINNING SLASH sigaw ni Vanny sabay sugod.
SUPREME SKILL.......
SHADOW CHAIN PHANTOM SLASH.......
Kasabay ng aking pagsigaw bigla na lang dumilim ang buong lugar na pinaglalabanan namin ni Vanny at tila ba sa kaloob-looban ng kadilimang yon ay may hinihiwa na kung ano.
Matapos ang kulang dalawang minuto natapos din ang ginawa kong pagatake nagkalat ang mga kadena na kung saan saan nakadikit at sa gitna ng dalawang puno nandoon si Vanny na puro dugo at nababalutan pa ang buong katawan nito ng kadena.
Dahan dahan akong lumapit para siyasatin kung buhay pa ba ito o talagang patay na.
Matapos kong matalo si Vanny agad agad akong naglakad patungo sa kinilalagyan ng rainbow rose para kuhanin ito.
Nang makuha ko na ang rainbow rose dali dali kong tinungo ang pulang sapot pabalik sa kinaroroonan nina Rance at Aria at para maibalik na rin ito sa tunay na tagapagingat nito.
Nang makarating na ako sa kabilang dulo ng sapot dali dali kong ibinigay kay Rance ang raibow rose at saka napasalampak nalang upo kasabay ng hingang malalim.
Binabati kita ikatlong mandirigma napagtagumpayan mo ang pagsusulit na aking ibinigay sa iyo wika ni Rance.
Sa pagsusulit na ito may natira kang limang minuto nagamit mo na rin ang natirang labitatlong minuto sa unang pagsusulit mona ibinigay sa iyo ni Vance.
Maaari ka nang tumungo kay Lance para sa huling pagsusulit mo.
At saka wag kang mag-alala makakamit mo ang baluting ipinangako sa iyo ni Aria, muli binabati kita ikatlong mandirigma saad ni Rance.
Dali dali akong ibinalik ni Rance sa tapat mismo ni Lance maligayang pagbabalik ikatlong mandirigma hayaan mong pagalingin ko muna ang mga sugat mong natamo sa iyong pagsusulit saad ni Lance.
Matapos akong pagalingin ni Lance ang mga natamo kong sugat dali dali akong tumayo para masimulan na ang pinakahuling pagsusulit na si Lance mismo ang magbibigay.
Para sa huling pagsusulit mo ikatlong mandirigma hindi ko na ito hihirapan pa dahil napatunayan mo na karapat dapat mong gamitin ang sandata at baluti ni Master Lione.
Ngayon kapag nasagot mo ang aking tanong makakamit mo ang kapangyarihang pang-atake na ginagamit ni Master Lione para matalo mo at ng mga kaibigan mo ang mga alagad ni Mala at siya rin mismo.
Eto na ang aking tanong.
Ano ang tawag sa ginagawang pagpapalit ng anyo ng isang uod para maging isang ganap na paruparo?
Hindi ko inaasahan ang pagsusulit ibinigay sa akin ni Lance dali dali kong inisip ang mga napagaralan ko halos walang pumapasok sa isip ko dahil gustong gusto ko na magpahinga ng bigla kong maalala ang mga kaibigan kong patuloy na lumalaban sa mga alagad ni Mala kaya dali dali akong pumikit at nagconcentrate para marefresh pansamantala ang aking isip hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang album ni yeng constantino na may titulong METHAMORPHOSIS.
Dali dali akong dumilat at lumapit kay Lance dahil handa na akong sumagot sa pagsusulit na ibinigay sa akin ni Lance.
Handa ka na bang sumagot ikatlong mandirigma tanong sa akin ni Lance.
Oo! Sagot ko naman.
Kung ganon ano ang iyong kasagutan sa aking katanungan wika ni Lance.
METHAMORPHOSIS sagot ko.
Sigurado ka na ba sa iyong sagot tanong ni Lance.
Oo! Siguradong sigurado sagot ko naman.
Kung ganun binabati kita ikatlong mandirigma dahil tama ang iyong sagot maaari mo nang magamit ang buong kapangyarihan ni Master Lione kalakip ng bago mong sandata at baluti narito ang mga kapangyarihan na maaari mong gamitin para talunin ang mga alagad ni Mala pati siya na rin mismo.
SEVERE RAINSTORM
BLAZING GEAR
SOARING STRIKE
OCTAGON SHOT
ARROW BURIAL
Bigkasin mo lamang ang mga sumusunod na salita para magamit mo ang bago mong kapangyarihan.
SECUNDUM ORIGINEM METALLUM PAPILIONEM RELEASE.
Agad agad kong binanggit ang mga katagang iyon para makapagpalit ng anyo.
SECUNDUM ORIGINEM METALLUM PAPILIONEM RELEASE sabay hawak ko sa tattoo na nasa kaliwang pulso ko.
Agad agad akong pinalibutan ng maliliit na bakal at iba't ibang kulay ng paruparo hanggang sa matakpan na ang aking buong katawan.
Matapos ang pagpapalit ko ng anyo lumabas ako sa isang cacoon na bago na ang aking kasuotan ang aking buhok ay naging kulay itim na may highlight na gray at may nakataas na tila ba antenna ng isang paruparo ang pang itaas ko ay naman ay isang polo na fitted na kukay puti at may nakapatong na tsaleko na kulay gray ang pangibaba ko naman ay isang kulay itim na pantalon na may lining na kulay gray wala ako suot na sapin sa paa subalit may dalawang paruparo sa aking sakong meron din akong pakpak ng isang paruparo na tulad ng kay Master Lione at ang aking sandata ay isang pana na galing mismo sa sungay ni Helark na pinanday mismo ni Vance.
Dali dali kong ipinagaspas ang aking mga pakpak at lumipad palabas ng portal para matulungan na ang aking mga kaibigan laban sa mga alagad ni Mala.
*************************
Midnight0019's Note
Grabe grabe grabe ansakit ng ulo ko hahahaha pero worth it naman dahil natapos ko na ang part 1, part 2, at part 3 ng pagsusulit ng ikatlong mandirigma na si Cross .
Sa uulitin po ulit kita kits tayo sa mga susunod pang mga kabanata.
P.S
Pasensya na po kung now lang nakapagupdate nirevised ko muna kasi ito eh then bigla akong trinangkaso o na engkanto hahahaha.
Abangan
Chapter 20
ANG BAGONG KAPANGYARIHAN
XIAO XIAO.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top