ANG KAPANGYARIHAN NG LIMANG ELEMENTO PART 1

CHAPTER TWO

PART ONE

JAMES POV

Matapos kaming ibalik ni Dyosa Gandako sa aming mundo at nagulat kami sa itsura into ngayon.

Ang dating maayos na lugar naming noon ay para na isang sementeryo ngayon halos lahat ng mga gusali dito at gumuho na nagkalat din ang mga patay na tao.

Sa di kalayuan at may nakita akong tao na nakatayo at tila ba nakamasid sa aming lima.

Napagdesisyunan naming lima na lapitan yung tao  para tanungin kung ano ang nangyari sa aming mundo pero sa di inaasahan ng papalapit na kami at bigla na lamang sumama ang simoy ng hangin na para bang may nabubulok na kung ano.

Maya maya pa ay  bigla na lang tumili si Krystal na tila ba may nakita siyang nakakatakot sabay turo dun sa taong nakatayo.

Inaninag mabuti ni Cross ang itsura nung itinuturo ni Krystal at hindi nga siya nagkamali ng tingin ng sabihin niya sa amin na naaagnas na ang itsura nito at tila ba may masama siyang balak gawin sa aming lima.

Maligayang pagdating sa aking teritoryo ako nga pala si Jobeth ang isa sa limang alagad ni Reyna Mala at sa tingin ko alam na ninyo kung anong klaseng nilalang ako.

Oo, isa akong zombie at tiyak matutuwa na naman ang aking mga alagad dahil may makakain na naman silang sariwang karne hahahaha.t

Aking mga alagad magsibangon na kayo dahil oras na ng pagkain.

Naglabas si Jobeth ng itim na usok kung saan dahan dahang tumayo ang kanyang mga alagad at naghihintay ng utos na kaming lima ay atakihin.

James,  anung gagawin natin tanong sa akin ni Aivee.

Siguro kailangan na nating gamitin ang kapangyarihang ipinagkaloob sa atin ni Dyosa Gandako para hindi tayo dehado sa kanila sagot ko.

Sige!  Simulan mo na Aivee sigaw ko.

Oo eto na sagot ni Aivee sabay gamit sa kanyang kapangyarihan.

TRANSFORMATIO TERRA VASA PRETIOSA.....

Pagkatapos banggitin ni Aivee ang salitang iyon at bigla na lamang siyang nabalutan ng lupa at maliliit na bato at until unting iniangat sa ere.

Hindi ako makapaniwala sa itsura ni Aivee pagkatapos niyang magpalit ng anyo.

Ang kanyang buhok na tuwid at nagkaroon ng kulot at highlights na kulay brown,  naka contact lens din siyang kulay brown, ang damit niya at isang turtle neck na brown, mayroon din siyang suot na gwantes, ang kanyang pang-ibaba ay isang mini skirt na kulay brown at isang pares ng gladiator sandals na may taas na five inches at hawak naman niya ang isang spear bilang sandata niya.

Nagandahan ako sa kanyang itsura na tila ba isang cosplayer.

Ano kaya ang magiging itsura naming apat kapag nagpalit na din kami ng anyo.

TO BE CONTINUE

******************************

ABANGAN ANG PART TWO NG KANILANG GINAGAWANG PAGPAPALIT NG ANYO GAMIT ANG KAPANGYARIHANG IPINAGKALOOB SA KANILA NI DYOSA GANDAKO.

MAGAPI KAYA NILANG LIMA ANG UNANG ALAGAD NI REYNA MALA NA SI JOBETH O SILA ANG MAGAGAPI NITO.

ABANGAN

...MIDNIGHT0019...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top