ANG BAGONG ANYO NG MGA ALAGAD NI MALA
Chapter 21
MALA POV
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng aking nakikita ng matalo ni Cross sa isang tirahan lamang si Ramil at saka dinamay pa niya si JC sa ginawa niyang pag-atake.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang kuhanin silang tatlo gamit ang aking kapangyarihan nagpalabas ako ng isang portal para higupin ang lahat ng aking alagad patungo sa aking palasyo.
Hindi sa naduduwag akong harapin silang lima dahil merong tamang oras at lugar para muli kaming magkita at muling iparanas ang sakit na ipinaranas ko sa kanila ng kitilin ko ang kanilang buhay noon.
Nang makuha ko na ang aking mga alagad isa isa ko silang pinuwesto para pagalingin ang mga natamo nilang sugat sa pakikipaglaban sa mga mandirigma ng liwanag.
Matapos kong mapagaling ang mga sugat nila Jobeth, Ramil at JC ay dali dali ko silang itineleport dun sa kwarto para landiin este para bigyan ng panibagong kapangyarihan at muling ibalik ang dati nilang anyo nung hindi pa sila mga alagad ng reyna ng kadiliman.
Inuna ko munang ibinalik ang anyo ni Jobeth nang matapos ko ng maibalik ang katawang tao ni Jobeth ay agad agad kong isinunod si Ramil katulad ng kay Jobeth ibinalik ko din ang katawang tao ni Ramil wala namang babaguhin kay JC dahil hindi ko naman ito ginamitan ng aking kapangyarihan para magpalit ng anyo kaya isinunod ko agad agad si Reggie para matapos ko na ang oplan balik alindog program sa aking mga pinakamamahal na alagad.
Nang matapos ko nang maibalik ang dati nilang anyo sinimulan ko ng lumikha ng bagong kapangyarihan para sa natatangi kong alagad na tutulong sa akin na pabagsakin ang mga mandirigma ng liwanag.
Matapos kong likhain ang limang bagong malalakas na kapangyarihan isa isa kong inayos ang nga katawan ng aking mga alagad at ito ay aking inilagay sa dark circle para simulan ang makalaglag pangang orasyon sa paglalagay ng kani kanilang bagong kapangyarihan.
Inuna kong inilagay ang bagong kapangyarihan ni Jobeth, DARK PULSE ang aking ginawang kapangyarihan para sa kanya isa itong atake na naglalabas ng sampung maliliit na bilog na apoy na kulay itim at bigla na lang sumasabog sa kahit anong madikitan nito.
Matapos kong mailagay ang kapangyarihan ni Jobeth binigyan ko siya ng sandata at ito ay isang pares ng CLAW.
Pagkatapos kay Jobeth isinunod ko naman si Ramil katulad ng ginawa ko kay Jobeth inilagay ko sa katawan ni Ramil ang bago niyang kapangyarihan at ito ay ang WATER BLADE TORNADO isang atake na nagpapalabas ng isang malaking ipoipo na gawa sa tubig na kayang hiwain ang lahat ng madadaanan nito.
Kagaya ni Jobeth binigyan ko rin ng sandata si Ramil at ito ay isang DAGGER.
Si Reggie ang pangatlo kong binigyan ng kapangyarihan at ang ibinigay ko sa kanya ay ang STONE SHOWER kung saan kaya niyang paulanin ng iba't ibang laki ng bato malaki man o maliit basta bigla na lang itong babagsak na tila ba umuulan.
TWIN BLADE AXE ang sandatang ibinigay ko kay Reggie para nakakatakot ang kanyang itsura kapag hinarap na namin ang aming mga kalaban.
Si JC ang pang apat kong nilagyan ng kapangyarihan at ang inilagay ko ay ang SWORD OF DARKNESS isa itong atake na magsasummon ng isang higanteng espada ng kadiliman at ititira ito ng isang bagsakan lamang.
Espada ang ibinigay kong sandata kay JC dahil ito ang nababagay para sa kanya.
Matapos kong mailagay ang kapangyarihan ng apat kong alagad bigla na lang nagkaroon ng isang malakas na pagsabog.
Mukhang dumating na ang pinakamalakas kong alagad at ito ay si Dennis.
Siya ang pinuno ng aking mga alagad dahil nababagay sa kanya iyon dahil sa pagiging seryoso niya.
Mahal na Reyna nandirito na po ako at handang handa na akong makipaglaban sa mga mandirigma ng liwanag wika ni Dennis.
Kung ganon lumapit ka na dito at ng mailagay ko na sa iyo ang pinakabago mong kapangyarihan na pwede mong ipantapat sa nga kapangyarihan ng mandirigma ng liwanag.
Lumapit sa akin si Dennis at dali daling pumuwesto sa dark circle para naisalin ko na ang kanyang bagong kapangyarihan.
FLARE DUST ang bago mong kapangyarihan ito ay isang uri ng alikabok na gawa sa apoy na kayang sunugin ang kahit anong bagay.
Hindi ko nabibigyan pa ng sandata si Dennis dahil pagbato lamang ng apoy ang kanyang gagawing pag-atake.
Matapos kong mailagay ang lahat ng bagong kapangyarihan sa aking mga alagad muli akong bumalik sa aking trono para muling magconcentrate para lalo ko pang mapalakas ang aking kapangyarihan para sa nalalapit na pagsasalpukan ng liwanag at dilim.
**********
MIDNIGHT'S NOTE
YOWN! TAPUS NA DIN LANDIIN NI MALA ANG KANYANG MGA ALAGAD ESTE ILAGAY ANG KANILANG BAGONG KAPANGYARIHAN HAHAHA.
SA CHAPTER 22 ALAMIN NATIN KUNG MAKUKUHA NA NG NATITIRANG MANDIRIGMA NG LIWANAG ANG KANILANG BAGONG KAPANGYARIHAN O MATATAGALAN PA HEHEHE.
P.S.
PESENSYA NA PO IF NOW LANG NAKAPAGUPDATE MASYADO PO KASI AKONG BUSY EH HAHAHA (BUSY SA PAGLALARO NG ONLINE GAMES AT SA PAGGAWA NG REPORT NG MGA KAGAWAD DITO SA BARANGAY NAMIN HAHAHAHA)
MULI MARAMING SALAMAT PO YOUR AUTHOR MIDNIGHT0019.
AND I THANK YOU!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top