Move
Michelangelo's POV
Ano bang matibay na basehan para masabing totoong nagmamahal ka na? It is the very first time that I felt this... strange feeling. Unang kita ko palang sa kaniya, bumilis agad tibok ng puso ko. Pakiramdam ko huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Siya lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o kung may sakit na ba ako pero iisa lang ang alam ko, I wanna get close to her and hopefully...I can make her to be mine.
Gustong-gusto ko na talaga si Jasmine pero pakiramdam ko ay hindi ako makakalapit sa kaniya kung agad-agad ay iyon ang habol ko sa kaniya. Base sa obserbasyon ko sa kaniya, romantic relationship is not on her vocabulary. Mas mabuting maging magkaibigan muna kami nang sa gayon ay mabantayan ko rin kung may susubok bang kunin siya sa akin.
Jasmine is not as pretty as the other girls out there. Hindi siya kagandahan pero siya lang ang bumihag sa pihikan kong puso. Maybe I'm a bit playful but I am really serious when it comes to being loyal to someone who got me so interested and invested.
Naglalakad ako mag-isa papunta sa room namin after kong magpunta sa banyo nang maramdaman ko ang tapik sa kanan kong balikat.
"Saan ka galing, pre?" Halos sapakin ko na dahil sa gulat si Fred na siyang nasa gilid ko na at kasabay kong naglalakad.
"Galing akong CR." Maiksing sagot ko lang.
"Anong ginawa mo roon?" nakangisi niyang tanong.
Ano bang gustong palabasin ng siraulong 'to?
"Malamang umihi!" May bahid na nang pagkainis ang tono ng boses ko.
"Weh?" Kinutusan ko nga ang likod ng ulo niya.
"Huwag mo akong igaya sa'yo na gumagawa ng milagro," pang-aasar ko sa kaniya dahilan para mapangiwi siya.
"Ang ganda ni Jasmine, noh?" Bigla ay tanong niya dahilan para bumagal ang lakad ko. Ano ngayon kung maganda si Jasmine? Saka bakit Jasmine tawag niya? Dapat Eli!
"Anong Jasmine? Eli dapat. Eli ang dapat na itawag mo sa kaniya," may diin sa bawat salitang binibitawan ko.
Hindi ko alam pero gustong-gusto kong ipinagdadamot si Jasmine.
"Pangalan niya rin naman iyong Jasmine, ah," tinitigan ko Fred at walang salitang itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko at nanahimik nalang.
Malapit na ako sa room namin nang bigla niya akong tapikin sa kaliwa kong balikat at mabilis ding umatras.
"Liligawan ko si Jasmine kapag ayaw mo pang kumilos!"
Did he know something? Wala akong pinagsabihan na gusto ko si Jasmine and the audicity of this man! How dare he call her Jasmine! Ako lang may karapatang tawagin siya sa pangalan niyang iyon.
Malayo-layo at papasok na sa room niya si Fred nang itaas ko ang kaliwa kong kamay na nakataas ang gitnang daliri. Tinawanan lang ako ni Fred at pumasok na sa room nila.
"Mr. Calapanza, sinong pinapakyu mo riyan?!" Napapasok ako agad sa room namin at nasalubong ko ang matalim na tingin ng guro namin para sa asignaturang Komunikasyon.
"Ma'am, may itinuro lang po akong direksyon," palusot ko. Pahamak si Fred potek.
"Itinuturo? Bakit gitnang daliri mo ang nakataas?" Nakataas na ang kilay niya sa akin at lumalaki na rin ang bilugan niyang mga mata. Shet!
"Ma'am...ano po kasi...nagkamali lang ako ng naitaas...hehe," siyempre kunwari good boy. Kapag sinagot ko siya ng walang galang malamang na mas magagalit siya.
"Go back to your sit!"
Umupo ako agad dahil baka magbago pa ang isip niya.
Pagkaupo ko sa upuan ko sa gitna ay hindi ko magawang i-tungkod ang kamay braso ko para pagpatungan ng baba ko dahil baka mabeast-mode si ma'am at sabihin na naboboryo ako sa klase niya kaya't tahimik nalang akong sumandal sa upuan ko at tumitig sa blackboard na animo'y nakikinig iyon pala ay may ibang iniisip.
Totoo kayang gustong ligawan ni Fred si Jasmine? Kung ganoon dapat kumilos na ako dahil baka maunahan niya ako. Hindi puwede iyon! Ako ang nauna kay Jasmine. Ang tagal ko na siyang binabakuran at walang puwedeng umagaw sa kaniya mula sa akin. Hindi ako papayag.
Naalala ko tuloy na mayroon akong nakitang dalawang magkaibigan yata na mga lalaki na nasa ika-siyam na baitang siguro. Nahuli ko silang sumisilay sa mare ko! Hindi lang iyon, pinag-uusapan pa nila kaya lumapit ako para gisingin sila sa mga panaginip nila.
"Sinong tinitingnan niyo?" Maangas na tanong ko.
"Si Ate Jasmine po," halos madama ko ang mga kaba nila dahil nakayuko silang dalawa at bahagyang nagsisikuhan.
"Wala kayong pag-asa sa kaniya. Ayaw niya sa mga bata, mas gusto niya iyong kaedad niya o kaya ay mas matanda ng kaunti sa kaniya. Saka baka ayawan niyo rin siya dahil masungit siya at hindi laging ngumingiti." Mahabang sambit ko sa kanila.
"Tara na sa room natin," niyaya na ng isa ang kasama niya na para bang natulala.
Ganyan nga, magisip muna kayong maigi o kaya ay maghanap kayo ng iba, akin lang si Jasmine. Akin lang ang kumare ko.
Napangiti ako ng tagumpay na mapaalis sila. Pumasok ako sa room nila Jasmine at tumabi sa kaniya para kulitin siya.
Sa pakikipaglapit ko sa kaniya ay marami akong nalaman sa kaniya kahit hindi siya magkuwento ng maigi sa akin. Kuntento na ako sa sinasabi ng kilos niya.
May mga kaibigan siya pero hindi niya hilig ang oras-oras na makasama ang mga ito. Madalas na tahimik siya pero maingay naman ang isip niya. Paano ko nasabi? Iyon ay dahil madalas ko siyang titigan sa tuwing nakatulala siya sa hangin at maraming emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. She love to think deeply. Her alone time is her comfort zone that's why I am kinda confused sometimes... gustong-gusto niya ang katahimikan pero hinahayaan niya ako na laging nasa tabi niya, kung sa tutuusin? Parang ako ang babae sa aming dalawa, madalas ay parang hangin ang kausap ko. Hindi rin siya marunong manuyo.
Maraming mga babaeng nagpapakita ng interes sa akin ngunit alinman sa kanila ay wala akong gustong pakialaman o maski pagtuunan ng pansin. Gusto ko si Jasmine lang, kahit hindi sweet at kahit madalas ay parang walang pakialam sa akin, siya lang ang gusto ko kahit katiting lang ng atensyon niya ang nakukuha ko, kahit minsan pakiramdam ko'y ayaw niyang nasa tabi niya ako.
Ngayon na sinabi sa akin ni Fred na plano niyang ligawan sa Jasmine, tingin ko'y kailangan ko nang gumawa ng paraan. Hindi naman siguro sasabihin sa akin iyon ni Fred kung hindi siya seryuso, hindi ba?
Nang mga sumunod na araw ay parang umiiwas sa akin si Jasmine at madalas ay kausap niya ang mga kaibigan niya pati na rin ang mga tropa ko kasama na si Fred. Kapag ganoon siya ay parang napanghihinaan akong lumapit sa kaniya dahil natatakot ako na marinig ko mismo sa kaniya na ayaw niya sa akin.
Dahil hindi ako makalapit agad sa kaniya ay nag-isip ako ng paraan para magparamdam sa kaniya. Nakikita ko noon na madalas na naggugupit ng mga may kulay na papel si Khaizer at mayroong nilalagay na mga sulat na siya mismo ang nagsusulat. Naisip kong gawin iyon at palihim na ibibigay kay Jasmine.
Ilang bundle ng colored paper ang binili ko para supply sa paggawa ng mga letters at notes para sa kaniya pati iba't ibang kulay ng ballpens ay binili ko. Kailangan ay makita niya ang efforts ko.
"Ano ba kasing ilalagay ko? Kailangan maayos ang mga salita, kailangan halatang pinag-isipang mabuti," kagat-kagat ko ang dulo ng ballpen na hawak ko habang nag-iisip ng isusulat.
Mas mabuti siguro kung hindi mahaba at simpleng mga salita muna ang ilagay ko, noh? Baka kasi mabigla siya...aiishh! Hindi ko alam na ganito pala ito kahirap, bakit kasi naisipan ko pang gayahin ang ginagawa ni Khaizer?
Nasa salas ako ng bahay namin ngayon at nakaupo sa sahig habang nag-iisip ng isusulat. Nakakalat na sa sahig ng salas namin ang crumpled papers na may mga design na.
"Kuya Gelo, si tita Amy po? Bakit ang daming kalat?" Bahagya akong nabuhayan ng loob nang makita ko si Margaret na pinsan ko.
"Margaret, may tanong ako," panimula ko. Bakas naman sa kaniya na mas naguluhan siya.
Lumapit siya sa akin, "ano iyon, kuya?"
"Anong magandang sabihin sa babaeng gusto mo?"
"Kuya, lalaki ang gusto ko, hindi babae," nakangiwing aniya.
Kinamot ko ang batok ko, "sa tingin mo, ano'ng magandang sabihin o way para maisabi ko thru words ang gusto kong sabihin sa babaeng gusto ko?"
"Aba, malay ko. Bakit? Mahilig ba magbasa iyang gusto mong babae?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin.
"Oo, mahilig siyang magbasa," sagot ko habang iniisip na madalas ko ngang nakikitang nagbabasa si Jasmine, minsan ay hindi lang sa school kundi maging sa bahay nila, hindi ko nakikita sa bahay nila pero alam ko dahil minsan niya nang nakuwento na mayroon siyang tinatapos na binabasa kapag chinachat ko siya sa messenger.
"Hmm...mas maganda kung pa-tula ang mga mensahe mo, para maganda nang basahin ay maayos pa ang pagkakasulat," tatango-tango pa niyang sabi.
"Sige, salamat. Si mommy pala umalis kanina, nagpunta ng salon," pasasalamat ko sa kaniya at sinagot ko na rin ang tanong niya kanina.
"Hmp! Napagod lang ako magpunta rito, wala pala si tita. Yayayain sana siya ni mama na pumunta sa bagong bukas na café," aniya at umalis na nang hindi nagpapaalam sa akin.
Ganado akong nag-isip ng mga isusulat, sinikap na gawin itong pa-tula o 'di kaya'y rhyme ang mga dulo ng salita. Ang akala ko'y aabutin pa ako ng buong araw sa pagsusulat ngunit sa loob lang ng tatlong oras ay mayroon na akong lampas sampung naisulat. Tingin ko'y ayos na ito para sa loob ng isang linggo.
Vitamin notes ni Gelo twice a day is enough to make her fall in love with me, humanda ka nang mahulog sa akin Jasmine. Hindi ko hahayaang kay Fred ka mapunta. Hindi kayo bagay na dalawa, tayong dalawa lang ang bagay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top