Chapter 8
Chapter 8
Namumukhaan
"You seemed so good na Mr. Barron, I'm glad na sinunod mo naman ang payo ko sayo. You can go home na basta, 'wag mo lang kakalimutan ang mga gamot na nireseta ko sayo ah."
Tumango naman ako, "yes, doc, thank you so much."
"My please to help you Mr. Barron." Ani ng doctor saka umalis na ito.
Nag-ayos naman si Olisha sa mga gamit ko. Tinapon na rin niya 'yong mga pinagkainan namin. Natutuwa talaga ako dahil hindi nila ako pinabayaan. Inisiip kong nagiging pabigat lang ako sa kanila pero hindi ko nakita sa mukha nila na nahihirapan sila o nababagot. Gusto nilang tumulong kaya mas hindi ko makakalimutan ang mga taong 'to.
Ang sabi na rin ng doctor sa akin na huwag ko daw papagurin ang sarili ko. Na huwag muna daw ako magkikilos masyado dahil kakagaling ko lang din sa sakit. Pero nang sabihin ko naman ang rason kung bakit ako nagkasakit ay naiintindihan naman niya daw ang sitwasyon ko pero huwag ko daw kakalimutan ang sarili ko.
"Iniisip mo ang kalagayan ng ibang tao pero ang sarili mo, kinakalimutan mo na."
Tumatak iyon sa isipan ko kaya ngayon ay hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa paghahanap kay Eda.
"Guys, tanong kaya natin kung dinala dito si Eda?" suhestyon ko.
Nagkatinginan naman ang dalawa. Pumayag din sila dahil wala naman daw masama kung magtatanong sa mga nurses kung dito nga siya idinala. Nang tanungin namin sa receiving area, hinahanap naman nila sa documents nila kung meron ba. Pinaghintay pa kami saglit para hanapin iyon.
"Is it Perdita Aldair?"
Halos manlaki naman ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Eda. "Yes, she is, is she's still here?"
Umiling naman ang nurse, "no sir, last week pa nag out ang patient. Kaano-ano niyo pa ba sila?"
"Girlfriend ko." diretsyo kong sabi. "Any details kung saan siya ngayon?"
Muli naman akong inilingan ng nurse, "sorry sir pero hindi na po namin alam. Actually isang gabi lang siya dito at umalis kaagad. May kasama siyang lalaki, sigurado po ba kayo sir kayo ang girlfriend?" taas kila pa nitong tanong akin.
I smirked, "of course, I am. Why would you ask questions like that?"
Napayuko naman ang nurse, "sorry sir, hindi ko sinasadya."
"No, no, I'm sorry... thank you for the information."
Atleast kahit papaano ay napanatag naman akong ligtas siya at nasa maayos na kalagayan niya. So the guy who helped her must be the guy whom Olisha sees, right? Paalis na kami ng biglang lumapit sa amin ang nurse.
"Sir, nandito 'yong lalaki ngayon." Nang ituro naman ng nurse ang lalaki nakatalikod at kausap ang isang nurse sa receiving area. "Siya po iyon."
Nang mapalingon naman sa direksyon namin ang lalaki ay natigil pa ito ng ilang segundo at mabilis na umalis sa kinatatayuan niya. Hahabulin ko sana pero agad naman akong pinigilan ni Bruno. Siya naman ang nagpresentang habulin iyon dahil bawal nga daw ako mapagod. Tumuloy na lang kami ni Olisha sa sasakyan.
Pansin ko rin naman ang pagkatulala niya.
"Olisha wait, namumukhaan mo ba 'yon?"
Nang tingnan naman niya ako ay mukhang isang kompirmasyon din ang nakuha ko sa kanya. "Kung hindi rin ako nagkakamali, mukhang iyong lalaki nga iyon ang tumulong sa girlfriend mo."
"Bakit siya tumakbo palayo?" tanong ko.
"Natatakot siguro?" ani Olisha.
Napangisi naman ako, "wala naman dapat siyang ikatakot. Nagpapasalamat pa nga ako dahil tinulungan niya si Eda pero kung ganito ang mangyayari, iba na ang kutob ko."
Mayamaya lamang ay bumalik na si Bruno at hingal na hingal.
"Ano, nahabol mo ba?" tanong ko.
Umiling naman si Bruno at humugot ng malalim na hininga. "Hindi na, nagpasikot sikot kaya hindi ko na nasundan." Aniya. "Saka, siya rin 'yong kumausap sa akin kagabi. Mukhang nakwento ka na ni Eda sa kanya. Hayaan mo bro, hahanapin natin siya."
"Teka, nakuha mo ba ang pangalan no'n? Tanungin natin sa receptionist." Ani Olisha.
"Hindi binigay ang pangalan pero dahil kilala na natin sa mukha, mapapadali na ang paghahanap natin kay Eda." Ani Bruno.
Hanggat sa pag-uwi ay hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Akala ko tsansa na iyon para magkita kaming dalawa ni Eda. Pero mukhang may paraan pa rin pala na hindi kami pagtatagpuin. Pero mas napanatag ako sa balitang maayos ang kanyang kalagayan.
Niyakap naman kaagad ako ni Ara pagkababa ko pa lamang ng sasakyan. Agad siyang nagtaka dahil tulala lang ako. Kinuwento naman nila Olisha at Bruno ang nangyari sa hospital. Hindi naman sila makapaniwala na mangyayari iyon. Ang daming kuda ni Ara pero hindi ko na lang din pinansin. Mas mapapagod lang ako sa ganito.
Pasado alas ocho nang magising ako sa alarm para uminom na nang gamot. Si Olisha naman ang nag-aasikaso sa akin, habang si Ara naman ay abala sa pagluluto niya nang makakain namin. Bago bumalik sa pagtulog ay pinainom muna nila ako ng maiinit na sabaw at lugaw. Nakakasawa pero kailangan kong kumain para bumalik ang lakas ko.
"Kung ako siguro 'yong nandoon sa hospital, nahabol siguro natin 'yong lalaki!" ani Ara saka niya nilapag ang tray sa lamesa sa gilid ng kama. "Hayaan mo Kareem, malapit na kayo magkita ng bestfriend ko."
Napangiti na lang din naman ako sa sinabi niya.
"At dahil diyan, ako ang magpapakain sayo! Bawal kang umangal!" aniya.
Nag-give way naman si Olisha at naupo naman si Ara at siya ang nagsusubo sa akin ng pagkain ko. Nahihiya ako dahil ginagawa nila akong bata, kaya ko naman pero dahil mapilit sila ay wala na akong nagawa. 22 years old na ako pero hindi ko akalain na may mga ganito pa rin akong kaibigan na hindi ako iniiwan.
"Anong gagawin mo kapag nakita mo na si Eda?" tanong ni Ara sa akin.
"I will apologize, hindi naman siya aalis kung hindi kami nagkatampuhan eh." Aniko.
Napanguso naman siya sa sinabi ko, "alam mo minsan kasi may dala nang kaartehan 'yan si Eda, lahat ng gusto niya nasusunod. Minsan mag-aamok kapag hindi niya nakukuha ang gusto kaya minsan siya ang sinusunod ko. Wala naman akong problema pero minsan kasi nag-oover acting na siya."
"What does that mean, Ara?"
"Kung naging maintindihan lang sana siya, hindi rin sana siya maaaksidente at mawawala."
"Alam mo kapag nagkasama na kaming dalawa, hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon..."
"Na ano?"
"I will give her my name." napataas naman siya ng kilay sa sinabi ko, "oh, I'm ready." Aniko at binuka ang bibig pero nilapag na lang niya sa mesa ang bowl. "Oh saan ka pupunta?"
"Mag-cr lang, saglit." Nagmamadali naman itong umalis at pumalit naman sa kanya si Eda—no, Olisha pala.
Napataas naman ako ng kilay dahil nakangiti siya at sinubuan niya ako ng pagkain. "What's with the smile?"
She chuckles, "I know what she's up to."
Napakunot noo naman ako, "ano 'yon?"
Inilingan naman niya ako. "Better not to find out. So eat, Mr. Barron."
Kung ano man iyon ay bahala na sila. Ang nasa isip ko na lamang ngayon ay may daan na kami para mahanap si Eda. Kapag nahanap namin ang lalaking iyon ay siya ang magtuturo sa amin kung nasaan si Eda. At kapag nagkita na kaming dalawa, magkakasama na kami.
Hindi ko na ulit siya papakawalan.
Hinding hindi na.
Ayoko na muling mawalan ng minamahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top