Chapter 5
Chapter 5
Six hours
"I'm here, I won't let your hand go." She held my hand, I know this girl would be the girl whom I will shared my forever. "Look at me." she lit up my face and for a moment, we stared on each other. A second after, she kissed me full of love.
When she let herself go, "I love you my beautiful man."
I can't explain the feeling inside, "don't ever leave me again, please..."
Her face suddenly comes into blurred, "what are you talking about?"
"Eda..." she let her hand off of me, "why are you doing this?"
"You always find me, Kareem... you do."
I woke up in the middle of the night. Napahilamos na lamang ang palad ko sa mukha ko. Alam kong hindi naman iyon totoong nangyari but it feels she's saying something na gusto niyang iparating. Is that her sign? Sign that she might be around here, na magkikita na kaming dalawa.
I wouldn't waste my time for that to happen. Kailangan ko na siyang makita.
"Kareem? Can't sleep?' napatingin naman ako sa nagsalita, it's Olisha. Naupo naman ito sa sofa habang yakap yakap ang unan. "Hindi rin ako makatulog eh, namamahay talaga ako."
Napangiti naman ako sa sinabi niya, "I just had a dream kaya nagising ako."
"That might be a nightmare kaya nagising ka?" aniya.
Umiling naman ako sa sinabi niya. "No, it's Eda. I just saw her, sending some message or what."
Napataas naman siya ng kilay, "what did she say?"
"She said that I always find her," napakibit balikat na lang din naman ako. "She's in my head for a week kaya napapaginipan ko na siya. I'm sure that she's in a safe hands but I must find her as soon as I can."
"I know you will, your love on her prove that." Ngiti pa niya sa akin. "I'll go back to sleep, sure you have to sleep also, tomorrow might be a big day for you." tumayo naman siya sa sofa at bumalik sa kama, katabi si Ara.
Napahinga na lang din naman ako ng malalim, hindi ko naman makalimutan ang panaginip ko. Alam kong hindi naman iyong masamang pangitain dahil mukhang pinapahiwatig niyang magkikita muli kaming dalawa. Merong rason sa bawat pagkakataong nangyayari sa amin ngayon.
Hindi ko lang makita kung ano iyong sa amin.
Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakabalik na ako sa pagtulog. Nagising na lang din ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napabalikwas naman kaagad ako sa pagkakahiga ko ng maalala kong ngayon ang simula ng paghahanap namin kay Eda.
"Gising ka na, yuhoo!" nabigla naman ako sa bungad ni Bruno sa akin saka ako tinalunan sa kama. "Mag-ayos ka na boy!"
"Alis nga! Ang bigat mo!" pagtulak ko naman sa kanya.
Natawa na lang din naman itong si Bruno.
"Hindi niyo man lang ako ginising?" salubong na kilay kong tingin sa kanilang apat. Una namang umiwas ng tingin si Leide, pansin ko naman ang tawa ni Olisha sa tabi na umiinom ng kape.
"Sabi kasi niya," ani Ara na may matalas pang tingin kay Olisha. "Gising ka daw kaninang madaling araw kaya hinayaan ka muna namin na matulog. Masyado ka naman kasing nag-aalala, ito na nga tayo diba? Hinahanap na natin si Eda?"
Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Huwag mo masyadong isipin 'yon bro, magkakasakit ka niyan." Ani Bruno.
"Wow, bromance?" ani Leide.
"Teka, babe? Masama na bang mag-care sa kaibigan ko?"
Napasinghap na lang din naman si Leide na pumunta sa kusina. Napakunot noo na lang din naman siya dahil sa inakto ng girlfriend. Natawa na lang din ako ng bahagya sa kanilang dalawa. Nang tingnan ko naman si Olisha ay nakangiti ito. I like the way she was. Siguro kasi iniisip kong si Eda siya? Parang mali naman iyon.
"Kumain ka na?" I asked her.
"No, I better like coffee's in the morning." Aniya. "Ikaw, take some breakfast. Ayaw namin na magbreakdown ka na lang bigla lalo na dahil sa pag-aalala mo."
"Sorry Kareem, hindi nakapagluto, remember wala naman tayong pagkain na dala."
Nasapul naman ako doon. Wala namang choice kundi ang kumain sa labas. Nag-ayos din naman ako at paniguradong may carinderia malapit dito. Hindi na kami lalayo dahil baka nasa paligid lang ngayon si Eda. Saglit lang din ng matapos akong maligo at mag-ayos ay niyaya ko na silang apat na kumain muna sa labas.
They urge me to treat them, wala naman akong choice dahil ako rin naman ang nagdala sa kanila dito. I don't care about my money, I can work for that pero kung si Eda na ang usapan dito, kailangan kong gawan ng paraan lahat para mabalik lang siya sa akin.
No one can replace her. Perdita is one of a kind.
Nakakita naman kami ng isang goto house kaya dali dali naman kaming pumunta doon. Agad na pumirmi sa kani-kanilang mga upuan ang apat at ako naman ang pina-order nila, as usual ako kasi ang magbabayad. Tinulungan naman ako ni Bruno sa pagdala ng tray sa mesa namin.
Nang aabutin ko ang chili ay nagkasabay pa kami ni Olisha. Ako na ang nagpresentang lagyan siya sa kanyang bowl pero nanlaki na lamang ang mata ko ng bigla kong nabuhos ang laman no'n. Pansin ko ang pagpigil ng tawa ni Ara pero hindi koi yon pinansin.
Nataranta naman ako bigla dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya naman ng mapatingin ako sa bowl ko ay ipinagpalit ko naman iyon.
"You don't have to do that, Kareem. I can order another one naman." Aniya.
Pinagpawisan naman ako bigla. Hindi ko alam kung bakit. "Hindi okay lang, I can carry this. Sige, kumain ka na."
Napatingin naman ako kila Bruno at Leide na natatawa na lang din. Inalis ko naman ang chili sa bowl ko pero alam kong hindi pa rin mababawasan ang anghang no'n. Sa unang pagsubo ko ay nag-init kaagad ang bibig ko. Naubo naman ako bigla kaya inabot nila kaagad sa akin ang baso ng tubig.
Humagalpak naman sa kakatawa si Bruno. "Look at your face, bro. Nakakatawa!"
Muli naman akong nagsalin ng tubig at ininom iyon ng mabilisan.
"Kasi, hindi ka na lang umorder ulit!" usal pa ni Ara.
"Kaya nga, Kareem." Hagikgik pa ni Olisha.
In the end ay umorder na lang din ulit ako ng bago pero hindi ko rin naubos dahil ramdam ko pa rin 'yong anghang sa bibig.
"Ang adik mo kasi! Pa-gentleman pa uy!" pangangantyaw pa ni Bruno.
Hindi ko pinansin ang pinagsasabi ni Bruno dahil naagaw ng dalawang tao ang atensyon ko. Sinundan ko naman sila ng tingin, hindi naman siguro ako nagkakamali sa pagkakadinig kong isa siya sa mga biktima no'ng aksidente 'no? Siguro patunay iyon sa semento sa kanyang braso.
"Saglit lang." aniko sa kanila.
Iniwan ko naman muna sila sa mesa at tumuloy sa mesa nilang dalawa. Nagulat pa silang dalawa ng makita nilang naupo ako sa table nila.
"Sino ka?" agad namang tanong no'ng babae sa akin.
"Ahm, hindi ako masamang tao," siguro iyon ang tingin nila base sa mga mapanuring mata nila sa akin. "May itatanong lang sana ako..." saka ako humarap sa lalaking may semento sa kanyang braso. "Sayo." Aniko.
"Sa akin?" aniya.
Tumango naman ako, "oo, tungkol lang sa aksidente noong nakaraang linggo. May gusto lang akong alamin..." bakit hindi ko pa diretsuhin? "May babae ka bang nakita sa bus?"
"Babae? Maraming babae 'don." Pamimilosopo pa nito.
"Ah, iyon nga, kung may nakita kang babae na maputi, hanggang balikat ang buhok, brown ang mga mata. 5'3 ang tangkad. Medyo payat siya pero may hulma naman."
Nagkatinginan naman silang dalawa sa akin, nang tingnan ako ng lalaki ay kunot noo lamang ang pinakita nito sa akin.
"Wala akong matandaan eh, sorry..."
Napabuntong hininga na lang din naman ako. Alam kong malabong makilala niya dahil hindi naman niya kilala si Eda pero hindi naman masama magbakasali diba?
"Sige, salamat..." aniko saka tumayo sa kanilang mesa.
Pero agad naman akong napalingon muli sa kanya ng tawagin muli ako nito. "Teka, teka lang..." tila parang nabuhayan naman ako sa pag-iisip niyang iyon. Lumapit naman ang apat sa akin.
"Anong meron?" tanong ni Ara.
"Kung hindi ako nagkakamali, may isa kasing babae doon na binastos. Di ko sure kung siya iyon ha? Naagaw kasi nila 'yong atensyon namin, kahit nga 'yong mga natutulog nagising na eh." Namintig ang tenga ko sa kwento niya, paano na lang kaya kung si Eda nga iyon? "Ang dinig ko kasi noon, hinahawakan daw no'ng manyak 'yong legs no'ng babaeng umiiyak kaya no'ng mangyari 'yon nagsisigaw daw 'yong babae kaya gano'n."
Napamura na lang din ako sa isipan ko. Kung totoo ngang si Eda iyon ay hindi ko mapapalampas kung sinong gumawa no'n sa kanya.
"Sige salamat, bro..." aniko.
"Teka, ilang oras 'yan bago mangyari ang aksidente?" tanong naman ni Ara.
"Six hours, umaga pa 'yon eh."
"Sige salamat kuya."
Bumalik naman kami sa mesa namin at hindi naman kami makapaniwala sa kinuwento no'ng lalaki. Kung sana kasi hindi na lang nangyari iyon ay sana walang mangyayaring ganito ngayon.
"Bakit mo kasi hinayaang umalis Kib?" taas pa ng kilay ni Ara sa akin.
"I did everything pero nagmatigas siya."
"So it's just that? Hinayaan mo na lang din?" dagdag pa nito.
Napahinga na lang din naman ako ng malalim sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano sasagutin. I give what she want at hindi ko man lang inisip ang mga possibilities na mangyari dahil sa ginawa kong iyon. Kasalanan ko bang hinayaan ko siyang lumayo sa akin?
"I'm sorry Ara okay..." I said as I leave the four of them.
I just need to find her, I want her to make me complete again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top