Chapter 4
Chapter 4
lost
When you can't find some way to see her again, then make one. I don't lose any hopes for her, sa ngayong may rason na para magkita kaming dalawa muli. I know it's hard for her to recover what has been done but I'll make her to move on. I'll be her shoulder, the one who'll keep her safe.
Siguro nga naging pabaya ako sa relasyon naming dalawa at hinayaan ko siya umalis na lang at hindi ko man lang siya pinigilan na umalis. Sana ngayon ay walang problema na nangyari. I hope she's in good hands, iyong inaalagan din siya at hindi pinapabayaan. Having the scenario in my head, just like what Olisha said, it breaks my heart.
She needed help that time and I wasn't there.
Mayamaya lamang ay may kumatok na sa pinto. Agad ko namang dinaluhan iyon at pinagbuksan ng pinto. Bumungad naman sa akin si Bruno, pansin ko kaagad ang lapad ng ngiti nito. Agad naman akong niyakap nito at tinapik ang likuran ko.
Napansin ko naman ang babaeng mukhang kasama niya. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin.
"Mind you, Kareem, if I bring my girl?" he asked.
Natawa naman ako sa sinabi niya, "of course, you can."
"Okay! That's good!" aniya na parang tuwang tuwa rin naman. "Oh, anyway, Leide, meet Kareem and Kareem, meet my girl, Leide." As he make us introduced to each other ay inabot ko naman ang kamay ko sa kanya gayon din siya.
"Nice to meet you, Kareem." She said, smiling.
"I'm glad, Leide." Aniko. "Oh, lagay muna natin 'yong bags niyo sa sasakyan.
"I thought you don't have one, Kib?" he asked, raising his brow.
Napangisi naman ako sa sinabi niya. "My dad gave it back to me, he said it can help for me to find Eda."
Napatango na lang din naman ito. "We will find her, Kib."
"We will." Ngisi ko pa. "Tara na 'don."
Lumapit naman kami sa sasakyan at nilagay sa likuran ng sasakyan ang mga bag nila.
"Kareem?"
Natigil naman kami sa pag-aayos ng biglang may nagsalitang babae. Nang silipin naman namin kung sino ay napangiti na lang din ako ng makita ko siya.
"Glad you decided." Lumapit naman ako sa kanya. "But it's okay if you had to back out or—"
Pinahinto naman niya ako sa pagsasalita ko, "it's okay, Kareem, I just wanted to help also."
"Thank you." hindi ko naman magawang alisin ang mga tingin ko sa kanya. Nang dahil sa sinabi ni Ara ay hindi naman gano'n ang magiging tingin ko sa kanya eh. Siguro, hay naku. Hindi dapat ganito. I shook my head out of the thought. I should look at her as friend, don't make it hard on yourself Kareem.
"Wait!" mas nakuha ang atensyon namin sa sumigaw na babae. "Am I late?" aniya nang makarating sa amin. Napatukod na lamang siya sa kanyang tuhod at hingal na hingal sa kakatakbo.
"Saan ka ba galing, Barbara?" tanong ko sa kanya pero sinimangutan lang ako nito dahil siguro sa pagtawag ko sa kanya ng buo niyang pangalan. "Okay, akala ko ba hindi ka papayagan?"
Napahalukipkip naman ito sabay singhap. "My boss fired me." irap pa nito. "And good thing iyon dahil sasama na ako sa'yo!" napalitan naman ng ngiti iyong mukha niya at mukhang hindi natanggal sa trabaho ang lagay niya. Napataas din naman ito ng kilay ng mapansin ang mga tao sa likod ko. "I thought were just the two of us?"
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya, "who said that, Barbara?" ngisi ko pa sa kanya. Inirapan naman ako nito. "Guys, I prepared some dinner before we go, kain muna tayo?"
Hindi naman nagpa-awat ang apat kundi nauna pang pumasok sa akin sa loob ng bahay. Hinanda ko rin naman ang specialty na niluto. Actually favorite ni Eda ang caldereta ko kaya sa tuwing magluluto ako niya ay nag-uuwi pa talaga siya sa bahay nila.
I was once thought of living in one apartment, here on my apartment pero may pipigil sa kanya na gawin iyon. Ang magulang niya. We are in a relationship for about three years, they weren't opposed of what we have pero iyong tumira sa iisang bahay ay hindi talaga pwede. Sometimes, I wonder to marry her para nasa iisang bubong na lang kaming dalawa.
But I know that time doesn't come yet.
"Where do we go, Kareem? Alam mo na ba kung saan hahanapin si Perdita?" tanong naman ni Bruno sa akin.
Napakibit balikat naman ako, "not sure though but I know some places near the accident, baka nandoon lang talaga siya."
"Kanino ka naman naniwala?" ngisi pa ni Bruno.
"She saw it." Aniko sabay turo ko kay Olisha. "She saw her on the accident, someone might help her kaya hindi alam ng mga medics kung nandoon nga ba talaga siya."
"Oh, that's why she's here." ani Ara, napatingin naman kami sa kanya. Maging si Olisha ay napakunot noo sa pagkasabi niya no'n. "Bakit mo naman hindi tinulungan kung nakita mo naman pala?"
"Ara, please, stop." Aniko sa kanya. Alam kong hindi magiging maganda ang takbo ng usapan kung lagi na lang napangungunahan ng inis. "Olisha helps the other victim, iyon nga lang ay hindi nasama si Eda."
She rolled her eyes, "whatever."
"This is going to be an adventure." Ani Bruno, "diba, hon?" hinalikan naman nito sa pisngi si Leide.
"Hon?" taka ko pang tanong.
"Oh, that's just an endearment." Aniya pa, "but soon, boy, best man kita ah?"
"Whatever you want, Bruno. You did me a favor, so I will."
Pagkatapos naman namin kumain ay sinigurado ko naman na walang maiiwang mahalagang bagay dito sa bahay kaya naman isinafety ko na rin ang iba. I doubled check the appliances. Pagkalabas ko ay ako na lamang ang hinihintay ng apat.
Binaba naman ni Bruno ang bintana sa side niya, "c'mon, Kib! This going to be a hell of a ride!"
Natahimik naman kami sa sinabi ni Bruno, parang may dumaang anghel sa sinabi niya. I took the drivers seat. Nagulat naman ako ng si Ara ang katabi ko, tinaasan pa niya ako ng kilay dahil alam niyang magsasalita ako kaya naman hindi ko na lang din iyon pinansin. Nasa gitna naman si Leide at kaliwa nito si Olisha, na nasa likuran ko lamang at si Bruno na nasa tabi ng pinto.
We drove the highway. Hindi pa naman gaanong malalim ang gabi saka hindi naman madilim gawa ng mga streetlights. Sa normal na pagpunta ko doon ay mabilis lang naman ang biyahe ko, nagtataka lang ako dahil parang kanina nasa biyahe at hindi pa nararating ang accident area.
"Daan muna kaya tayo sa mini stop?" ani Ara.
"Kakain mo lang no'ng umalis diba, gutom ka na naman?"
Umiling naman agad ito, depensa sa sarili. "bawal mag-cr?"
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Linawin mo kasi."
"Ewan ko sayo, Kib." Aniya pa.
Nang may madaanan naman kaming gasoline station ay saglit na huminto muna kami doon. Nagpakarga na rin naman ako dahil baka walang gasolinahan sa mga dadaanan namin, delikado. Bumaba naman sina Bruno at girlfriend nito para bumili sa store. Nag-crave daw kasi sa chocolate.
Naiwan naman kaming dalawa ni Olisha sa sasakyan. Nakahilig siya sa bintana at tinatanaw ang labas. Hindi ko maalis ang tingin sa rearview mirror, kaya nang mapatingin siya at ngumiti at ngumiti na lang din ako dahil nahuli niya pa akong nakatingin sa kanya.
"Uy, sorry nga pala kanina kay Ara ah? Gano'n lang talaga magsalita 'yon, saka bestfriend niya kasi si Eda kaya gano'n."
Imbis na inis ang makita ko sa kanya ay hindi iyon ang inaasahan kong makikita sa kanya. Ngumiti naman ito sabay iling, "wala iyon, alam ko namang mabigat din sa kanya 'yon. I get her, siguro may part din sa akin na pinagsisisihan ko dahil hindi ko siya tinulungan."
"Don't be, Olisha. Wala ka namang kasalanan na tulungan din ang ibang tao eh."
Napabuntong hininga na lang din naman ito sabay napayuko. Sakto din naman ang pagbalik ni Ara kaya nabali ang malungkot na atmosphere. Nang tingnan naman niya ako ng halong may pagtataka ay inilingan ko na lang din naman siya. Ilang saglit lang din naman ay bumalik na ang couple, inabutan naman nila kami ng chocolate at bumalik na ulit sa biyahe.
Pasado alas diyes na nang madaanan namin ang area kung saan nangyari ang aksidente. Natigil ako dahil hindi ko inaasahan na dito sa lugar na ito mawawala ang babaeng minamahal ko.
"Kib!" nagulat naman ako sa sigaw ni Ara. Nataranta naman ako ng biglang may papasalubong na sasakyan din sa amin. Nasilaw ako sa headlights nito kaya naman tinapakan ko na lang din ang preno sa kung ano pang mangyari.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko sa nangyari.
May humawak naman sa balikat ko, "okay ka lang ba, Kareem?" si Bruno. "Magpahinga ka muna, ako muna magmamaneho."
Hindi na rin naman ako nakapalag dahil sila na ang may gusto dahil kung ano pa daw ang mangyaring masama. Hinayaan din naman nila ako na matulog din dahil ilang araw na ring hindi kumpleto ang tulog ko. Masyado na akong kulang. Hindi ko alam kung paano ko muling bubuohin ang sarili ko.
Nagising na lang din ako sa kalabit ni Olisha.
"Nandito na tayo," aniya. "Okay ka lang ba?" tanong pa nito sa akin.
Tumango na lang din naman ako. "Okay na naman."
Bumaba naman sila ng sasakyan saka ako sumunod. Narating naman namin ang barangay na kalapit ng aksidenteng nangyari. Nagstay naman kami sa isang motel malapit doon. Wala kaming choice dahil hindi naman kami makakatulog ng maayos sa sasakyan lang.
Naiwan akong mag-isa sasakyan. Iniisip ang muntik na mangyari sa amin kanina.
"Kareem." Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.
"Olisha."
"Hindi ka pa ba matutulog? Bukas sisimulan na nating hanapin siya."
Tumango naman ako, "susunod na lang ako, nawala na 'yong antok ko."
"'Wag ka kasing masyadong mag-alala, Kareem. Kung iisipin mo lang na ayos ang lahat ay iyon ang magiging kakalabasan pero kung hahayaan mong kainin ka ng mga pag-aalala mo, mawawala ka rin. Isipin mong si Eda ang nawawala dito, hindi ikaw."
Napaisip din naman ako sa sinabi niya. "I didn't think of that, thank you Olisha..."
"My pleasure to help." ngiti pa nito. "Matulog ka na, you need strengths to find her. Hindi dapat ikaw nanghihina kapag nagharap na kayong dalawa."
Sometimes, when you think you deprive yourself from the moment that everyone thinks there's always a way to find. And somehow, the people who stood by my side never think that everything ends here.
Eda, my Perdita, you shouldn't be lost, you shouldn't be in that place.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top