Chapter 18

Chapter 18

healed


Maaga naman akong nagising dahil ngayong araw na magsisimula ang event. Mabuti na lang din ay hindi ako uminom ng marami kagabi dahil kung hindi ay hindi ako makakapunta ngayong unang araw ng event dahil sa hang-over. Sino rin ba kasi ang hindi makakalimot sa nangyari kagabi diba? Ang dami kong nalaman sa mga sagot na binigay niya sa akin. Ang daming tanong na gusto kong itanong sa magulang ko.

Bakit nila ginawa iyon kay Eda? Kailangan nilang piliin ang taong mamahalin ko?

Ginising ko na rin naman si Ara para maghanda, nagising din naman kaagad siya at naupo siya saglit at dumiretsyo na nang banyo. Inayos ko naman ang necktie ko, kanina pa ako nababanas dito dahil hindi ko maayos. Ngayon lang ako natagalan sa pag-aayos ng necktie na 'to.

Mayamaya lamang ay tumawag si papa. Agad ko naman iyong sinagot, alam ko naman kung anong itatanong niya sa akin.

"Good morning son," bati ni papa sa akin sa kabilang linya. "Are you ready, tandaan mo mga businessman ang mga makakaharap mo doon. Don't try to fail at something that I'll regret sending you there." Aniya.

Napangisi na lang din naman ako. "Promise, you won't regret."

"Good luck, Kareem, I hope you'll learn something from it."

"Thanks, dad." Then I hung up the phone.

Naupo naman ako sa sofa at hinihintay ko na lang din naman si Ara na matapos. She left the room with her red dress, natulala na lang din naman ako dahil ang perfect niya sa dress na iyon. With her porcelain skin, naniningkad ang kulay ng kanyang suot. Ang ikipinagtataka ko lang din ay iniwas nito ang tingin sa akin.

Pinansin lang din ako nito ng matapos siyang mag-ayos sa sarili niya.

Pinuntahan naman namin si Olisha sa kanyang room at isang katok lang din naman namin ay lumabas na ito. Natulala rin naman ako sa kanya, naka white dress siya at may suot pa siyang black blazer. Hindi ko naman magawang hindi siya i-compliment, she's always pretty amazing. Hindi ko lang talaga na-realize noon na siya pala ang anak ni Mr. Tolosa, ibigsabihin ay matagal na palang may koneksyon ang pamilya namin.

Pagkalabas namin ng hotel ay may naghihintay na sa aming sasakyan. Natatawa lang ako dahil napakalapit lang din naman ng convention center pero nakakapagod din ang maglakad. Naupo si Ara sa tabi ng driver habang nasa likod naman kaming dalawa Olisha. Walang pang limang minuto ay narating na namin ang convention. Inalalayan ng chauffer sina Olisha at Ara na makababa ng sasakyan.

Sabay sabay naman kaming pumasok sa loob ng hall. Idinala naman kami ng staff kung saan naroon ang lahat ng guests. They assisted us to our tables, nakita ko ang pangalan namin doon kaya naupo na rin kami doon.

Until now ay hindi pa rin ako pinapansin ni Ara. Don't know why.

Nakilala naman namin ang ilang businessmen, nagtataka sila kung bakit hindi nakarating si papa at sinabi ko naman ang dahilan. Gusto pa naman daw nila makita si papa dahil minsan lang naman daw sa isang taon nangyayari ang ganitong event para sa mga kilalang businessmen.

Ten sharp ng magsimula ang talks, isang guest speaker from England ang nagsimula at pinag-usapan lamang nito ang naging ups and down ng business niya throughout the years. Marami naman akong na-acquire sa mga sinasabi niya, hindi nga lang ako makapag-focus dahil katabi ko si Ara na naririnig ko ang pag-type niya sa kanyang phone.

Nang tingnan ko naman siya ay tinigil niya iyon at nilagay sa handbag niya ang phone niya.

"What?" aniya dahil hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

Umiling naman ako at inalis na ang tingin sa kanya.

Mayamaya lamang ipinapakilala ang bawat businessman sa bawat table. Ang iba sa mga pangalan ko lang kilala ay nakita ko na rin sa personal. Ang iba kasi ay madalas mabanggit ni papa, nandito rin ang ilan sa mga investors namin at syempre, mawawala pa ba ang mga rivals ng company namin?

"And on the eighth table, please give him a warm welcome, son of Kovard Barron, Barron Enterprises, Kareem Invencio Barron." I stood in front and wave.

"Kib!" napatingin naman ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko naman si Bruno na kumakaway sa di kalayuan.

Hindi ko naman akalain na nandito siya ngayon, teka nasa states dapat siya ngayon diba? Anong ginagawa niya dito?

"And from the Tolosa State Company, daughter of Runo Tolosa, Olisha Tolosa." Olisha stood up and gave a wave.

Bigla naman akong na-excite dahil nakita ko muli si Bruno. Ilang buwan din kaming hindi na nagkita. Matapos kasi no'ng mahanap namin si Eda noon ay nagbakasyon silang dalawa ni Leide sa boracay at diretsyo na silang bumalik ng states kaya hindi na kami nagkasama ulit.

Umabot ng thirty minutes ang pagpapakilala ng sa mga businessmen, ang mga kasama ko naman sa table ay tinatanong ako kung girlfriend ko daw ba si Ara pero agad namang sumasagot si Ara na hindi at secretary lang ko lang daw siya. Hindi na rin naman ako sumasabat dahil baka lalo akong hindi pansinin ni Ara.

Nang matapos ang sumptuous lunch ay tumuloy naman si Ara sa cr.

"Alam mo ba kung bakit hindi ako pinapansin no'n?" tanong ko kay Olisha.

Napailing naman ito at napangiti, "nagseselos lang 'yon, huwag kang mag-aalala." Sagot naman nito sa akin.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, "kanino naman?"

"Kagabi, Kib, nawala ka bigla sa table natin kaya no'ng lumabas kami nakita namin kayong dalawa ni Eda na magkausap. Nagulat nga ako dahil ang laki ng pinagbago niya kaya hinid ko kaagad siya nakilala. Sinundan namin kayo ng umalis kayo and the last thing na nakita ni Ara ay ang hinalikan mo si Eda."

Napa-anga naman ako sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ko naman sa kanya.

Napakibit balikat naman ito, "wala rin naman akong magagawa kahit pigilan ko siya dahil susundan pa rin niya kayo."

"She shouldn't seen that."

"I wanna ask you something Kib..."

"Ano naman 'yon?"

"Do you still like her—I mean, love her? Kasi sa nakikita ko sa ngayon, mahal mo pa eh. Just say it with a yes or no..."

"I—"

"Just a yes or no..." aniya.

I sighed, "I really wanted to forget her but when I know the truth why she left me, hindi naman pala ako ang may mali dito. And yes, Olisha... I still love her."

Doon ko lang din napansin bumalik na pala si Ara.

"Glad to hear those words from you, Kareem... atleast hindi na ako aasa." Aniya, "excuse me, lalabas lang ako."

Tinalikuran naman kaagad kami ni Ara. Sinundan naman siya ni Olisha, ayaw kong lumala ang ganito sa amin ni Ara. Nasaktan ko siya iyon ang dahilan, hindi ko rin naman itinatanggi ko sa sarili ko na meron na rin akong gusto kay Barbara pero hindi pa no'n natutumbasan kung anong binigay ko kay Eda noon.

Kailangan ko na talagang ayusin 'to.

I excuse myself from the other businessmen. Agad naman akong lumabas para sundan sila, nakita ko naman si Ara na yakap yakap ni Olisha. Lumapit naman ako sa kanila, nang makita ako ni Ara ay agad naman itong lumapit sa akin at sinampal ako.

"You hurt me too much, Kareem. Akala ko okay ka na pero hindi ka pa rin pala nakakamove-on sa kanya. Eda is my bestfriend, I know that. Siya talaga ang mahal mo at hindi ako. Siya ang pinili mo in the first place at hindi ako. I wanna know, did you love me?"

I nodded, "yes, Ara..."

"And so I do, Kareem... before you and Eda came to relationship. Ako ang unang nagmahal sayo pero nabalewala ako, iniwan ka pero ako ang nanatili pero nabalewala lang ulit ako."

"Ara..." hahawakan ko sana ang kanyang braso pero umatras na siya.

"Don't touch me, I thought I've healed you Kareem... your heart was still for Eda." She look me straight in the eyes, "I wanna be alone for now, don't worry I won't leave you hanging tomorrow..." she said as she left us.

Dumating naman si Bruno at nagtanong kung anong nangyari pero bumalik na lang din naman kami sa loob ng hall.

I hate myself, I hate why love did this to me. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa susunod but I want to stop from any pain we face. I have to face something that could fix everything, that love could make heal everything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top