Chapter 17
Chapter 17
All I ask
I saw her again, this time I can see in her eyes that she's okay and happy. I don't see any pain on her, siya pa nga mismo ang lumapit sa akin at kinamusta ako. She really moved on from me pero ito ako, nanatiling inaalis ang mga alaala niya sa isipan ko. Ginagawa ko naman ang lahat para kalimutan siya pero paano ko gagawin 'yon kung muli siyang bumabalik? I know she never wanted me again, our lovestory ended at kahit sino man ay hindi na kayang dugtungan iyon.
It ended as the moment she left me. Noon umaasa ako n asana bumalik pa siya, na magkikita kaming muli pero bakit ngayon mas masakit pa sa parte kong nakikita ko siyang masaya. Siguro dahil mag-isa siya? O siguro dahil nami-miss ko lang talaga siya?
Ang daming pagkakataon na magkikita kami, ngayon pa talaga.
Nakamove-on na siya, ang mga ngiti niya ang patunay doon. She'd been on a painful relationships and so she did was to forget and ease the pain. Iyon naman kasi talaga ang kailangan, ang kalimutan at magsimula muli.
I want her to be happy again just like the old times but I don't want to ruin what Ara and I had.
"Hello, Kareem!" bumalik naman ako sa katinuan ko ng pumasok si Olisha sa kwarto namin. We're having dinner, mabuti na lang din ay nagkasama-sama muli kaming tatlo.
May binulong naman si Ara kay Olisha at tatango-tango naman ito. Napataas naman ako ng kilay sa kanila. Kung ano ano rin talaga 'tong pinagsasabi ni Ara eh.
"Anong sinabi niyan sayo Olisha?" tanong ko.
She just smiled, "wala naman." Aniya, "better to get ready yourself, dinner na tayo."
Tumango naman ako sa kanilang dalawa. Pumasok muna ako ng cr at naghilamos doon. Napahinga naman ako ng malalim habang tinitingnan ko ang sarili ko. Wala namang mali sayo, Kareem. Bakit naman siya magsasawa sayo? Bakit ba siya bumitaw? Pinili mo naman ang puso mo, hindi ikaw ang talunan Kareem...
Pinunasan ko naman ang mukha ko ng towel saka lumabas na rin. Sabay na rin naman kami bumaba papunta sa restaurant ng hotel. Naupo naman kami sa table doon at may lumapit na waiter at binigay sa amin ang menu.
"Anong sa inyo?" tanong naman ni Ara.
"I like the tempura," ani Olisha, "and iced tea for the drink."
"Gusto ko rin 'yan!" ani Ara, "Tempura rin ako tapos iced tea." Nilingon naman ako ni Ara, "how about you babe, anong gusto mo?"
"Wait, babe?!" gulat na usal ni Olisha. "Does anyone not telling me what's happening here?"
"Oh, not what you think of!" depensa naman ni Ara. "Gusto ko lang siyang tawaging babe, wala namang deeper meaning iyon, Ol. Siguro sa susunod, meron na."
She chuckles, "bakit wala pa? The two of you are good in couple, why?"
Napatingin naman si Ara sa akin, I heaved. "I'm going to take, the beef caldereta." Aniko. "What?" tanong ko dahil tinitigan lang nila ako na parang may sinabi akong mali.
"I know what does that food mean to her, Kareem." Ani Olisha.
Napangisi naman ako, "does anyone care?" aniko. Tinawag na naman namin iyong waiter at binigay na namin ang order namin.
Nanahimik lamang ako habang silang dalawa ay panay ang pag-uusap. Naririnig ko pang they need to catch up things daw, bakasyan grande naman daw sa susunod kapag may free time. Sumisingit naman ako na busy sa trabaho pero umaapela naman si Olisha na pwede naman daw ako magfile ng leave.
"'Wag ka nang kj, Kareem, have some fun naman."
Tumango naman ako, "okay, I'll check my schedule for that."
Mayamaya ay dumating na rin naman ang orders namin. Tahimik lang naman ako habang kumakain at pinapanood ko lang din naman sila. Habang kinakain ko ang caldereta ay naaalala ko na naman si Eda. Sa tuwing magluluto ako nito ay hindi niya talaga papalampasin dahil mas gusto niya daw ang luto ko kaysa sa mga restaurant, iyon nga lang ay madalang na ako nakakapagluto sa bahay dahil na rin busy sa trabaho.
"Kib, kinakain ang pagkain, hindi tinititigan." Ani Ara. Natawa na lang din naman silang dalawa ni Olisha. "'Wag ka na mag-isip na kung ano ano diyan, kumain ka na lang."
"Alam niyo na-miss ko talaga kayo, sa halos isang linggo na pagsasama natin, na-miss ko 'yong trip natin noon." aniya. "Ayusin niyo sched niyo ha? Para matuloy naman tayo, pinadala lang naman kasi ako ni dad dito dahil busy siya sa manila."
"Don't worry, si Kib na ang maga-adjust sa atin." Ani Ara.
Nang matapos naman akong kumain ay nag-excuse muna ako sa kanilang dalawa at dumiretsyo ng cr. Umihi naman ako pagkatapos ay naghugas ng kamay. Huminga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung paano mag-focus sa mga bagay na kailangan kong gawin kung ang nakaraan ay pilit na pumapasok sa isipan ko ngayon.
Masyado ko na siyang iniisip ngayon. Masyado na akong ginugulo nang presensya na dapat ay hindi na. Dapat wala na siya sa puso't isipan ko pero nanatili siyang nakakapit sa puso ko, gusto ko nang bitawan ang mga alaala pero bakit parang hirap na hirap na naman akong gawin iyon.
Bumalik naman ako sa table at sakto namang patapos na rin silang kumain. Panay naman ang tingin ni Olisha sa akin pero iniiwas ko na lang din naman ang tingin ko sa kanya. Nang matapos sila kumain ay nag-excuse sila at pumunta ng cr. Hindi ko alam pero dinala na naman ako ng mga paa ko palabas ng restaurant, sinalubong pa ako ng ilang turista na kakain din.
Nakalabas naman ako ng hotel at binati ako ng lamig ng paligid. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong pamilyar na mukha sa akin. May kausap naman itong isang lalaki, mukhang manager ata. Nakayuko lamang siya habang pinagsasabihan ng lalaking iyon. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit mas pinili kong lumapit sa kanila.
"Ahm, sir, what's the problem here? Can I help?" tanong ko naman.
Tumingin naman silang dalawa sa akin. Gulat pa si Eda nang makita ako.
"Oh, sir, wala naman po, I'm just making some lessons to my employee." Aniya, muli niyang hinarap si Eda. "Mag-uusap muli tayo."
"Opo sir." Nakayukong tugon ni Eda.
Umalis naman ang kanyang manager at naiwan kaming dalawa doon. Habang tinitingnan ko naman siya ay parang dati lang ang lahat. Naalala ko na naman kung paano ko siya yakapin ng mahigpit noon kapag may problema siya. Nasa tabi niya lang ako para pagaanin ang loob niya. I always do everything for her. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit niya ako iniwan.
"What happened?" I asked.
"Ah, wala naman, napagsabihan lang ako kasi late ko nang naidala ang mga turista dito sa hotel. For pete's sake, fifteen minutes lang naman kami late. Screw that traffic, may nagkasigaan kasing sasakyan sa highway."
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "atleast you brought them here safe."
"Nga naman," aniya. "Mas malalagot ako kapag sila ang sasakyan namin ang nadawit sa aksidenteng iyon." Aniya.
Nang marinig ko sa bibig niya iyon bigla kong naalala ang aksidente noon.
"Ah, Eda, can we talk in private?"
"Like, right now?" tanong pa nito sa akin.
Tumango naman ako, "if you're still working maybe later." Aniko.
"No, tapos na naman ang duty ko. Sure ako, saan tayo?"
We headed to some bistro. We ordered some drinks, not too high on alcohol. Hindi pwedeng uminom ng marami dahil may event bukas at may trabago rin si Eda. May nachos naman na makakain para naman hindi lang kami inom ng inom.
"Anong pag-uusapan natin, Kib?" oh fuck, the feel of what she calls, it gives chills to me.
"Ahm," umayos naman ako ng pagkakaupo at uminom sa baso ko. "I wanna know three months ago, I just wanna know why did you left me?"
Napayuko naman siya sa sinabi ko. "I'm sorry it happened, Kib. I'm sorry I left you but what I just said before wasn't true. Hindi ako nagsawa sayo, sinabi ko lang 'yon para lumayo ka na rin sa akin."
"Why? Bakit mo naman gagawin 'yon?"
Nang iangat naman nito ang kanyang ulo ay namumula na ang kanyang mga mata. "I never wanted to tell you how much I'm hurt that your parents don't want me for you. Iniisip nilang hindi naman ako magiging deserving para sayo. Kinausap nila ako, hindi mo iyon alam dahil hindi ko sinabi sayo at hindi rin nila pinaalam sayo. They want me gone on your life kaya nangyari 'yon. I left you because your parents wants another woman for you."
Namilog ang kamao ko. Hindi ko alam na iyon pala ang magiging rason sa lahat ng ito.
"Bakit hindi mo pinaglaban?" tanong ko sa kanya. "You know how much I love you kaya kahit anong mangyari ay ikaw pa rin ang pipiliin ko."
"That's the problem Kareem, lahat gagawin mo para lang sa akin. Kapag pinaglaban kita, lalo nila tayong ilalayo kaya mismo ako na ang gumawa ng paraan para lumayo ka sa akin. Naisip kong umalis na lang dahil iyon lang ang naiisip kong paraan para kalimutan mo ako and the accident happen, hindi ko inakala na hinahanap mo pala ako. Kung hindi sinasabi ni Arkie ang mga nangyayari noon na hinahanap niyo ako ay akala ko tuluyan niyo na akong kinalimutan pero sa huli pinagtabuyan ko lang kayo kasi iyon lang ang paraan na naiisip ko."
"There's many way Eda, bakit mo ginawa iyon? And Arkie, naging kayo diba and why did you stay here in Palawan?"
She wiped her tears, "I tried to forget you by getting him as my boyfriend at nang lumipad kami dito sa Palawan ay naalala kita, ang mga plano natin noon. Doon ko naisip na hindi pala tama na gamitin ko si Arkie para lamang kalimutan ka. Kung iniisip niyo rin noon na tinatago niya ako, no. It's my decision. Nanatili ako sa puder ni Arkie kasi sa paraang iyon ay makakalimutan kita, hindi ko inakala na hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko."
"Eda..." I reach for her hand pero agad naman niyang nilayo ang kamay niya.
"No, Kareem, your happy now with Ara, just forget all about me... hanggang ngayon naman kinakalimutan pa rin kita..."
And all of a sudden, I kissed her. For the nth time, ngayon ko lang muli naramdaman ito. Agad naman niya akong tinulak palayo.
"This is wrong, Kareem..." aniya. "Please... forget me, that's all I ask." She said and leaves me alone.
And now I know all of the reasons why she left me, there's a reason to stay the woman I love, unleashing the man out of me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top