Chapter 10

Chapter 10

New home


I didn't understand why she keeps on ignoring me. Kanina pa kaming dalawa ganito simula nang umalis kami sa restaurant. I asked her why pero hindi naman niya ako sinasagot. Lagi siyang nauunang maglakad sa akin, kapag sumasabay ako sa paglalakad niya at hahawakan ko ang kanyang kamay ay aalisin naman niya iyon bigla. Hinatid ko siya pauwi, ni isang salita ay wala man lang siya binitawan sa akin.

Pagkauwi ko sa apartment ay hinid naman ako mapanatag dahil hindi naman niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Ano bang nagawa kong mali? Nag-usap lang naman kaming dalawa kanina at bigla bigla na lang siyang hindi namamansin at tumahimik.

Eda:

Please answer my call or you wouldn't like what I'm gonna do.

And still no replies from her, alam naman niya kasing hindi ko gagawin ang mga ganyang banta ko.

I called her bestfriend, Barbara. Mabilis naman nitong sinagot ang tawag ko, sinabi ko sa kanya na tawagan niya ang kanyang bestfriend dahil nga hindi ako pinapansin nito. Mabuti na lang ay pumayag siyang gawin iyon para sa akin.

Naghintay naman ako ng ilang minuto bago muli tumawag si Ara sa akin.

"Anong sabi?" tanong ko.

"Ang babaw naman pala eh, 'wag kang mag-alala nawalan lang daw siya ng gana kaya hindi na namamansin. Minsan gano'n lang talaga 'yong babaeng 'yon! Alam mo naman siguro kapag may red days ano?"

"Pero hindi naman niya red days eh?" taka ko pa. "Wala bang ibang dahilan na sinabi?"

"Hmhm, wala." Aniya. "Ang tanong ko kasi is anong nangyari sa date niyong dalawa, ang cold nga ng sagot niya sa akin. Ayos lang daw tapos pinasok ko na 'yong tanong mo na kung bakit hindi ka niya pinapansin ayun ang sabi nga niya ay nawalan lang daw siya ng gana."

"'Yon na 'yon?"

"Oo nga, huwag kang mag-alala, hindi naman big deal 'yon. Lilipas din 'yan, bigyan mo na lang ng something 'yan si Eda, matutuwa 'yon."

"Ano namang ibibigay ko?"

"Katawan mo!" halakhak pa nito sa kabilang linya. "Hahaha!"

Napailing na lang din naman ako, "seryoso nga, Ara?"

"Teka lang!" napabuntong hininga na lang din naman ako at hinintay naman siya kumalma sa kakatawa niya. "Pero seryoso, give her what she didn't expect."

"Ha?"

"The thing." What thing?

"What is that?"

"Argh, sex... just give her that."

"Ara, that's not a solution to the problem." Sabi ko naman sa kanya. "Thank you Ara, you helped a lot." I said sarcastic.

I hung up the phone. Napahiga na lang din naman ako at napatitig sa kisame. Pero hindi ko kailangan patagalin ito. I called her time to time pero kahit anong gawin ko ay hindi naman nito sinasagot. Wala na ba akong kwenta sa kanya? Bakit niya ginagawa sa akin 'to?

Kinabukasan ay maaga akong nagising, isa lang naman ang lugar na pupuntahan ko at iyon ang bahay ni Eda. Pagkadating ko sa kanila ay sarado ang gate. Nakailang doorbell ako nang lumabas siya ng may backpack. Nagtaka naman ako kung bakit. Pinayagan na ba siyang lumipat kasama ako sa apartment?

"Anong ginagawa mo dito?" iyon kaagad ang bungad niyang tanong sa akin.

Nasira naman kaagad ang mood ko dahil sa tanong niyang iyon.

"Sa tingin mo, anong ginagawa ko ngayon dito?"

"Nakatayo, obviously." Ngisi pa nito.

"Magseryoso nga tayo ngayon Eda, ano bang ginawa ko para hindi mo pansinin? Okay naman tayo kahapon ah? Tapos bigla bigla ka lang nagiging cold sa akin. Nahihirapan akong manghula kung anong nagawa ko, please sabihin mo naman sa akin kung may problema."

"Wala naman." Aniya.

"'Yong totoo, Eda. Hindi ako nagbibiro ngayon."

"Siguro sinabi naman sayo ni Ara diba? Wala lang akong ganang makipag-usap."

"Bakit naman gano'n? Hindi mo ba naisip na ako 'tong nahihirapan sa tuwing nagkakaganyan ka. Ako na lang ba lagi mag-a-adjust sa ating dalawa? Hindi na nakakatuwa, Eda. Ayoko nang ganito."

"Ayoko na rin naman ng ganito Kib eh, siguro... basta, wala lang talaga akong gana makipag-usap."

"Eda naman, ang hirap sa sitwasyon kong makikitang laging ganito ang relasyon natin. Lagi ka na lang ganyan, iniintindi naman kita pero kagabi hindi ko na nagustuhan eh."

"Anong pinapalabas mo dito, Kib?" tanong nito sa akin

"Na sana hindi mo na gagawin iyon sa akin, nahihirapan na akong ganyan lagi ang pakikitungo mo sa akin."

"Mas may alam kong paraan para tumigil ako sa pagiging ganyan ko."

"Ano?"

"Maghiwalay muna tayo." Walang preno nitong mga salita. "I also need space from you Kareem, hindi na rin ako nasisiyahan sa kung anong meron tayong dalawa. And so, you see naman na may backpack ako. May outing kami ng friends ko, I have to be on my own from now..."

"Don't do it, Eda..."

She just smiled and called a taxi, "kuya, pakidala ako sa bus station." Muli naman niya akong nilingon. "See you soon..."

"And that's it, Eda?"

And then she left. Hindi naman ako mapakali at mapanatag dahil hindi ko gusto ang huli naming pag-uusap. Bakit hindi ko nga ba siya pinigilan? Bakit ko ba siya hinayaang umalis na lang? Bakit gano'n gano'n na lang ang rason niya sa akin? Hindi naman sapat iyon para hiwalayan niya ako.

Hindi ako papayag sa ganito.

Dumaan ako sa bahay nila papa dahil pinapatawag din ako ni mama. Sumabay ako sa lunch nila. Tinatanong nila kung bakit hindi ko daw kasama si Eda, sinabi ko naman ang dahilan kaya naintindihan nila iyon.

"Sa tingin ko Kareem, mas mabuti nga iyong magtrabaho ka muna sa kumpanya natin bago mo asikasuhin ang ibang tao, diba?"

Napangisi naman ako sa sinabi ni papa. "Hayaan niyo na ako pa, babalik naman si Eda sa akin."

"Bahala ka, Kareem. Basta tandaan mo, nandito lang kami ng mom mo kung may kailangan ka."

Pagkauwi ko sa bahay ay muli ko namang tinatawagan si Eda hanggat sa nakatulog na lang ako. Nagising na lang ang diwa ko sa balitang napanood ko sa tv. It's a bus accident and Eda is on that bus.

"Kareem, huminahon ka. Baka kung mapaano tayo sa pagmamadali mo." ani Olisha.

Bumaba din naman ako ng sasakyan ng makita kong sa puno puno pumasok ang motor. Nang tahakin koi yon ay hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang motor sa labas ng isang cabin house doon. Sinundan ako ng dalawa pero patuloy lang ako sa pagtakbo papunta mismo sa cabin house na iyon.

Malalakas na katok ang binigay ko para lamang pagbuksan nila ako. Kumuha ako ng bato at inihagis koi yon sa bintana.

"Kib! Tama na 'yan!" ani Bruno at pinigilan akong ihagis pa ang isang bato.

"Eda! Lumabas ka diyan at harapin mo ako!" sigaw ko, hindi ko na rin napigilang ibuhos ang damdamin ko. Ngayong nagkita na kaming dalawa, sasayangin ko pa ba ang pagkakataon?

Lumabas din naman si Eda ng pinto pero nasa likod niya ang lalaking iyon. Agad naman akong sumugod pero pilit na hinaharangan ni Eda.

"Umalis ka, Eda! Hindi ako makakapayag na hindi makaganti sa lalaking ito!"

Pero tinulak lamang ako palayo ni Eda, "ano ba! Tumigil ka nga Kareem! Ano bang ginagawa mo dito?!" napatingin naman ito sa mga kasama ko sa likod.

"Perdita, ano na nangyayari sayo?" ani Ara.

"Umalis na kayo please."

Umiling akong, "hindi ako aalis! Kung aalis man ako isasama kita!"

"Hindi mo siya isamama." Sabi naman ng lalaking iyon.

"'Wag ka ngang makisabat dito!" pananamba ko pa. "Lumayo ka sa girlfriend ko."

"Kareem!" sigaw nito sa akin. "Hindi mo na ako girlfriend. Kaya hindi ako sasama sayo, please lang hindi ko na kayo kailangan."

"Ano?! Ano bang nagawa sayo ng lalaking 'to para hindi ka na sumama sa akin?"

"He was there when I needed you the most!"

"What?!"

"You won't understand it, Kareem. For all the times I needed you, you're gone. I was alone, and then here you are pretending that were okay. Kareem, sometimes, love wouldn't last as we know..."

"What are you talking about, Eda?"

"We're over before the accident happen Kareem, please be gone."

"Why? Why you decided to end our relationship?"

"Because it doesn't feel like the same anymore, nakakawalang gana ka na kasama. Hindi na ako nagiging komportable kasama ka. I needed space kaya gusto kong lumayo sayo."

"You needed space but you want us to break up, ano sa tingin ang ginagawa mo, Eda?"

"You should go home, Kareem..."

"What? After all the things I did to find you, papaalisin mo lang ako ng gano'n gano'n lang? What about the years we have been? Itatapon mo lang?"

"Kareem, first of all, sino ba nagsabi sayong hanapin mo ako? Sino ba nagsabing sayangin mo ang oras sa akin? Saka salamat na lang sa mga memories mo kasi ngayon, alam kong may magbabago na no'n."

"Siya ba? Siya ba ang ipapalit mo sa akin? Tinulungan ka lang niya tapos inlove ka na kaagad?"

"You don't understand—"

"I do understand, Perdita! Pinagpalit mo ako sa lalaking nakilala mo lang! Sa isang araw na nakilala mo siya, inalis mo ang ilang taon na pinagsamahan natin. Eda, hindi ako ang nagbago sa relasyong ito. Pinili mong lumayo sa akin dahil iyon ang gusto mo. Sawa ka na diba, dapat noon pa lang sinabi mo na at hindi na natin pinahaba kung anong meron tayo."

"Umalis ka na lang Kareem..."

Ang sunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Sumugod si Ara para sampalin ang kaibigan. Nang malaman kasi nilang nahanap na namin ay sumunod silang dalawa ni Leide.

"Ang kapal din pala ng mukha mo Eda!" bulyaw pa nito. "Hindi mo alam kung anong nangyari kay Kareem mahanap ka lang. Hindi mo inisip ang mga pinagsamahan niyo ng ilang taon at ipapalit mo lahat iyon sa isang tao na ngayon mo lang nakilala? Nasaan ang delikadesa mo, babaeng hayop ka!"

"Huwag mo akong pinagsasalitaan ng ganyan Ara, wala kang alam."

"Walang alam? Sino ginawa mong tanga? Alam mo naman siguro na ako talaga ang may gusto kay Kareem pero ikaw ang niligawan. Binigay ko siya sayo kasi alam kong sasaya siya sayo pero hindi ko naman akalain na sasayangin mo ang pinagsamahan niyo. Wala kang kwenta."

"Ang sakit mong magsalita, mabuti pa si Arkie, naiintindihan ako."

"So, Arkie pala ang pangalan niya, baduy." Ngisi pa ni Ara. "Magpakasaya kayo ha?"

Umalis si Ara sa harapan nilang dalawa. Hahatakin na sana niya ako paalis pero hindi ako nagpatinag.

"Kung hindi na madadaan sa usapan 'to, mas mabuting ibalik mo na lang sa akin iyong singsing na binigay ko sayo noon Eda..."

Napatingin naman siya sa kanyang kamay at suot suot pa nga niya iyon.

"Naghihintay ako..."

Dahan dahan naman niya iyong inalis at binigay sa akin.

"Salamat..."

Pagkatalikod ko sa kanya ay doon lang ako nakahinga ng malalim.

I found her but she doesn't need me. I should've listen to them that no matter what efforts you take, there's no definite thing what you can have in return. I have nothing. I did my best I guess, she doesn't need to be with me again.

She founds new home. Found a new guy, she hopes that will love her like I do.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top