All Of Us Are Undead!

Paano kung magkaroon ng zombie apocalypse—habang naka-online class kayo?

8:00 a.m.

Same boring routines. Pagkatapos kong mag-almusal, hindi na ako nag-abala pang maligo at nagsuot na lang ng pinaglumaan kong polo shirt. In fact, 'di na rin ako nagpalit ng pang-ibaba. Isang "advantage" ng online classes ay less hassle sa pagbibihis. Legit na kahit naka-boxer shorts ka lang, wala namang makakapansin dahil half-body lang naman ang makikita sa Zoom.

"Good morning, Ma'am Liz!"

Sabay-sabay (yata) naming bati nang makumpleto na kami sa meeting room. Hindi ko talaga sigurado kasi 'yong iba yata mahina ang internet connection kaya na-delay sa "Good morning, ma'am" script namin. 'Yong isa nga, nag-freeze pa ang camera habang nakanganga.

Oo, mas marami pa rin yatang disadvantages sa setup na 'to.

As usual, mukhang bagong-ligo at  bagong make-up si Ma'am Liz. She's actually one of the nicest teachers in our school, despite handling one of the most boring subjects on earth: Mathematics.

"Okay, class..."

Napasandal na lang ako sa upuan at nag-off cam na. Pasimple kong kinuha ang pandesal na kahapon ko pa tinabi sa laptop ko. Advantages plus one: pwede mong isingit ang almusal, lalo kung pinapayagan naman kayong mag-off ng camera.

"For today, we will be discussing... d-discussing...."

Hinintay namin si Ma'am Riz. Baka bumagal lang ang wi-fi nila. Pero sa ilang linggo na naming pag-aaral, ngayon lang 'to nangyari. She looked like she was having some difficulties, though.

"...d-d-discussing..."

"Uh, ma'am? Okay ka lang po?"

Syempre na-unmute na ang kaklase naming bida-bida, ang class president. 'Yong mga tipong ipapaalala ang deadline ng submission ng assignment para lang magkaroon ng bragging rights na tapos na 'yong kanya. That type of heartless person.

Dahil wala akong planong makialam, sumulyap na lang ako sa chat box.

Michi : maam ok ka lang po?

Ben : ako lang ba o bat parang nagbe-break dance si maam HAHAHA

Gaston : gagu ka ben di mo ba nakikitang nagiging zombie na sya??

Doon na ako parang binuhusan ng malamig na tubig. Zombie? Ano bang pinagsasasabi...

"GRAAAAAAAAAAHHHH!"

Muntik ko na yatang mabalibag ang headphones ko nang biglang sumigaw ang teacher namin. No, it was almost like a growl! What the hell? When I turned back to the screen, Ma'am Liz was already trying to eat the camera. Napasigaw ang mga kaklase ko nang makita namin ang mantsa ng dugo. Shit. Blood oozed out of her mouth!

Sinubukang magsalita ng Vice President a.k.a. Top 2 namin.

Wala kaming marinig.

"Umm, naka-mute ka," I said.

He unmuted himself, take two sa pagda-drama.

"Rinig na ba? Ay, okay. NAGING ZOMBIE SI MA'AM LIZ! P-PAANO NA 'TO? KAILANGAN NA NATIN I-END ANG ZOOM MEETING BAGO PA—!"

To everyone's horror, he suddenly leaned backwards until his bones crack. Maya-maya pa, siya naman ang nanggugulo at sinusubukan kaming kagatin via camera.

Sa nga naka-unmute, naririnig kong umiiyak na ang ilan sa kanila.

"A-Ano nang gagawin natin? Should we leave this meeting? Huhuhu..."

"Baby, nandito lang ako. Zombie, how dare you make my girl cry! Grrr... Tahan na, baby."

Gusto kong masuka. Tangina, magkaka-zombie apocalypse na yata dito sa Zoom meeting namin, pero ipinapamukha pa ng mag-jowa na 'to na single kami. And yes, they're "that" type of couple who wears couple shirts, couple rings, couple DP's, writes "🔒 (insert date of monthsary here) ❤️❤️❤️" on their social media bio's, and screenshots their heart signs during zoom meetings.

"WAAAAAHHH! G-Guys, i-infected na rin yata ako... Rawr!"

Nabigla kami nang ang varsity player naman namin ang naging zombie. Unti-unti, dumarami na sila. Kung paano sila nahahawaan habang naka-Zoom meeting, wala na akong balak pang alamin. At dahil kokonti na lang kaming natira, nagplano na kami sa class GC sa Messenger.

Pres : guys tumawag na ako sa pulis :< kailangan natin silang i-isolate huhu para makatakas tayo

Me : pano naman natin sila i-isolate? Di tayo makagawa ng Breakout rooms sa zoom...

Ben : oo nga no... Teka na-remove na ba sila dito sa gc??

Pres : *removes all the infected people from the group chat*

Selene : gagi eh di naman nakakabasa ang zombies ah

Ben : lols 🤣

Nag-angry react na lang ako sa message niya. Bakit ba buhay pa si Ben? Baka naman pwedeng i-offer ko na 'tong lokong ito sa mga zombies? Tsk.

"Kung magli-leave tayong lahat dito sa meeting, baka kung saan pa magpunta ang zombies.... 'Di natin alam kung paano sila nanghahawa, pero dahil may 9:00 a.m. class pa si Ma'am Liz, baka sila naman madamay kung aalis tayo nang ganito," our president explained. "Iisa lang ang meeting link, kaya mas malaking problema kung papasok pa sila rito."

Hindi ko talaga alam kung paano ang approach ng ibang class presidents sa ibang TV shows, but ours is talking nonsense! What is she trying to say?

Nag-unmute at open cam na ako.

"I have a plan."

Hindi ko alam kung bakit nagpapaka-hero na naman ako, pero siguro dahil sa dami ng mga zombie movies na napanood ko at zombie online games na nalaro ko, dealing with an unexpected zombie outbreak during a Math class is second nature to me.

Unti-unting kumalat ang Zoom zombie virus (kahit na wala kaming ideya kung paano). Now, almost two-thirds of the class transformed into loud and ugly zombies. Sa kamalas-malasan pa, 'yong mag-jowa ligtas pa rin.

Time pressured, we all waited until the clock on the screen struck to 8:30.

It's now or never...

Unmute.

"ZOOMFIIIIIIIIEEEEEE!"

Dahil sa lakas ng pagsigaw ko, nabulabog ang mga zombies at tinitigan ako na para bang ako 'yong nawawala sa katinuan. This gave enough time for the others to leave the meeting zoom without any of our zombified participants noticed.

'Bilisan niyo!'

Napuno ng tensyon ang meeting room habang pilit kong dini-distract ang mga zombies. Kumanta at nag-magic tricks na nga ako. From student to virtual zombie entertainter! Cool. May course kayang ganun sa college?

"Baby! Baby! H-Humihina ang signal ko..."

"Hala, baby! T-Teka, 'wag kang gagalaw. Papa-load-an kita—"

Pero hindi na natapos ni lover boi ang pagpapakitang-gilas niya nang siya naman ang naging zombie. He dropped his phone and gauged his own eye out, growling like an animal. Blood covered half his face. Walang-tigil naman sa pag-iyak ang kanyang naiwang kasintahan na naging dahilan para magkaroon sila ng dramatic farewell na mas nakakairita pa kaysa sa mga napapanood sa mga telenovela.

'A zombie and a human love story? Well, that's a book I'd surely read.'

Nang ako at ang mga zombies na lang ang natira sa Zoom meeting, tinanggap ko na ang kapalaran ko. Maya-maya pa, tumunog ang notifications sa phone ko habang sunod-sunod naman ang pag-chat nina Pres.

Pres : hoy teka magsa-sacrifice ka ba?? Ito na yung plano mo nung una pa lang?? 😭

Me : yes lods. Paalam pu 👉👈

*leaves GC*

I turned off my phone and stared back at the screen. A lone human in a gallery of zombies. Nang unti-unti ko nang naramdaman ang pagbabago ng pakiramdam ko, doon ko na namalayang malapit na akong maging isa sa kanila. My skin rotted away and a lump formed in my throat. Nag-iba rin ang pang-amoy ko (o baka dahil 'di pa kasi ako naliligo) at tumalas ang senses ko.

But just as a growl was about to escape my lips, my zombie teacher suddenly called out.

"MR. MANAHAN, HINDI KA PA BA AALIS SA ZOOM MEETING NA 'TO?"

Napabalikwas ako ng upo, at doon ko lang na-realize na nakatulog pala ako. I blinked and stared at Ma'am Liz on the screen. Tapos na ang klase? Tae, kami na lang dalawa ang nasa Zoom meet! Napalunok ako at kabadong nag-unmute.

"H-Hehe... Sorry, ma'am."

Napapailing na lang ang Math teacher namin, pero buti na lang hindi ako naka-on cam kundi baka mas masira ang araw niya 'pag nakita niya ang panis na laway sa gilid ng mukha ko.

Finally leaving the meeting, I stood up and stretched. Back pain lang yata ang napala ko sa online classes namin.

'That was a crazy dream.'

I yawned and glanced at a nearby mirror. Doon ko na lang nakita ang hitsura ko. Damn. Buti na lang pala naka-off cam ako, kundi baka sa'kin sila natakot! Sa puyat ko kagabi, nagmukha na akong zombie!

Napahikab ulit ako.

"Heto ang napapala ng pag-marathon ng 'All of Us Are Dead', eh."

Literal na pati tuloy ako, nagmukhang undead.

THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top