Chapter 2
All I Want Is You
Chapter 2
-Ken Imperial-
"pare sigurado ka ba talagang babantayan mo yung babaeng yun? E mas matigas pa yata sa bato bungo nun e"
"alam mo naming wala akong choice"
"hahaha nako pare ngayon pa lang sinasabihan na kita ng goodluck"
Binaba ko ang cellphone ko nahiga sa kahoy naming sofa. Mukhang di magiging madali ang trabaho ko bukas. Di lang kasi ako makahindi kay Mr. Montalvan
"Ken can you do me a favour?" sabi ni mr. Montalvan mula sa kabilang linya matapos kong ibalita sa kanya ang ginawa ng kanyang apo
"anything mr. Montalvan basta kaya ko"
Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila dahil nakakapag aral ako ng libre sa mamahaling eskwelahang ito
"Maari mo bang tulungang mapatino ang apo ko.. kahit bantayan mo lang at ilayo mo sa gulo. Baka kasi sa kalokohan ng batang yan mapahamak na!"
Kumawala sa akin ang isang malalim na buntong hininga. Medyo mahirap ang pinapagawa ni mr. Montalvan dahil bukod sa napaka busy ko sa pag sasaayos ng campus na to bilang isang ssg president eh nahihirapan pa akong pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho
"okay sir babantayan ko sya"
"maraming salamat iho. Don't worry I'll give you extra income for that"
"Wag na po Mr. Montalvan masyado ng malaki ang naitulong nyo sa akin."
"I insist iho alam ko namang marami ka ng ginagawa"
"then ...okay sir thank you po"
"thanks din iho PEASE lang sana magtino sya"
"gagawin ko ang lahat para magtino sya sir. Dont worry"
Binaba ko na ang cellphone ko at pumasok sa detention room kung nasaan sya.
Napahinto ako sa pag iisip ng marinig ang pag iyak ng bata kong kapatid.
"why are you crying again baby?" kinarga ko sya at ihinele upang bumalik sa pagtulog
Napatitig ako sa mala anghel na mukha nya. Sana bata na lang din ako para wala akong problema. Maya maya pa ay binaba ko ito sa crib nya
Sakto namang may kumatok. Binuksan ko ang pinto at nakita ang pagod na pagod kong ina galing sa trabaho
"nay mano ho"
Kinuha ko ang bag nito at binigyan sya ng tubig
"salamat anak"
"nay ayos lang po ba kayo?"
Ngumiti si nanay bago sumagot
"malakas kasi ang benta ngayon kaya medyo nahapit ang katawan ko"
Kaya pala gabi na tong si nanay
"Nay naman baka naman magkasakit kayo nyan sana ho maaga na lang kayo umuwi at ako ang tinawagan nyo para magbenta"
"eh anak alam ko namang busy ka sa pag aaral at wag kang mag alala pagod lang naman ako pero malakas pa" ani nanay
"sige nay magpahinga na po kayo ako na lang muna bahala sa maiit na bata" patukoy sa aking baby na kapatid
"hindi nak ako na ang bahala sa kanya. Ikaw ang mamahinga"
"nay wag ng makulit pagod na nga po kayo eh"
"miss ko na rin kasi yang kapatid mo anak hayaan mo na ako"
"nanay talaga oh sya sige ho mauna na kong magpahinga"
Pumasok ako sa kwarto ko at humiga hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mga mata at di ko namalayang nakatulog na pala ako
-Rose-
maaga ako ngayon. Medyo excited hehehe
"Good morning lo" bati ko kay lolo na humihigop ang black cofee
"What's with you? You look so happy"
"Bakit lo lagi naman akong happy ah" Sagot ko sa kanya habang kumukuha ng hotdog at bacon
Nagkibit lang si lolo at ipinagpatuloy na ang pagkain ng matapos ako ay nagpahatid na ako kay mang Ben
Ng makarating kami ay agad akong bumaba sa sasakyan ngunit kung anong ikinaganda ng mood ko ay sya namang ikinapangit ng unang HAYOP na nakita ko
Nak ng tupa hindi ko pa naidedevelop yung picture nya na nakikipaglaro sa ipis. Ang aga aga naiimbyerna ako
Nagpamulsa ako at inayos ang soot kong nike cap na itim. Dahan dahan naglakad habang sumisipol sipol pa. Napansin yata ako ni girl ipis na pino ng pantalang katawan.
"you crazy lady! How dare you to that to me. Walangya ka! Bakit nandito ka pa ha? Diba dapat ka nang ma expel after all the things ypuve done to me"
Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa walang kwenta nyang pinagsasasabi
"excuse me? Do I know you?"
Nagtitinginan na sa amin ang estudyante at nagbubulungan. Actually sya ang nararapat na mapatalsik e kayang kaya ko yumg gawin isang utos lang pero di ko ginawa dahil ayokong pag aksayahan ng oras amg mga walang kwentang bagay. Wala ring nakaka alam na ako ang may ari ng campus na to para saan pa? Di ko naman ikayayaman kung malalaman nila
"YOU SL*T" alam na alam kong ang susunod nyang kilos. Itinaas nya ang kamay nya at ready na akong sampalin sasalagin ko naman sana e pero may naka una sa akin
Hawak hawak nya ang kamay ni girl ipis. Nakakainis anong karapatan nyang salagin yun? Dapat ako lang ang magtatanggol sa sarili ko. Mamaya magkautamg na loob pa ko sa kanya. Ng mamasdan ko ang may ari ng kamay na yun
Ay
Tila
Huminto
Ang
Mundo
Ko
"Wag kayong gumawa ng gulo dito. Miss Bell Serna kindly go to your respective room" ani nya sabay bitiw sa kamay ni girl ipis
Humarap naman sya sa akin na iiling iling sabay hila sa kamay ko.
Nag umpisa syang maglakad at nagpadala na lang ako sa galaw nya. Pucha kahit sa wrist ko lang sya nakahawak pakiramdam ko nakukuryente na ako
Waahh bakit mo to ginagawa sa akim Ken Ipmerial?
di nagtagal ay bumitiw rin sya. "bakit ka bumitaw?" pabulong na sabi ko
Nasa likod nya ako ngayon at sinusundan sya
"MISS ILAAAG---" sigaw ng isang player ng soccer mula sa ground
Lilingunin ko pa lang ay agad na may humila sa waist ko naramdaman ko ang bola at dumaan malapit sa tenga ko
Napalunok ako sa kaba at gulat ma naramdaman ko. Tila nanlambot ang tuhod ko sa mga nakakabiglang pangyayari kaya naman muntik na akong mapaluhod at sa pangalawang pagkakataon ay inalalayan na naman nya ang likod ko dahil muntik na akong ma out balance
Napatitig ako sa mga mata nya.
Teka imahinasyon ko lang to o talagang unti unti syang lalapit sa akin. WTF? Kusang pumikit ang mga mata ko!
Ngunit lumampas ang bibig nya at tumapay sa tenga ko
"Wag kang lalayo sa kin" bulong nya
***
blackamiewp19
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top