Chapter 31
Chapter 31
"Are you really sure about this?" Pablo asked.
"Yeah," I replied as I was making the last minute decision about which of my clothes will make the final cut. I mean, pwede ko naman silang dalhin, but then again ayoko na magdala nang marami. Been there, done that. It's such a pain na magtravel na maraming dalang gamit. But the downside ay kapag may kailangan ka tapos biglang hindi mo pala dala.
Napatingin ako sa kanya. "Why?" I asked.
He shook his head. "Nothing."
"Okay..." sabi ko habang nakatingin sa kanya.
It had been a year since the day I talked to Therese and decided to cut all ties with her and my family.
And what a year it had been.
Nakalabas si Papa sa hospital. I asked him what he wanted to happen kasi syempre iyong gusto niya naman iyong pinaka-importante. Kasi kung ako lang ang masusunod, I would bring him with me to Manila at doon niya na lang gawin iyong therapy niya at kung anuman iyong kailangan niya medically speaking. But of course hindi ko naman siya masisisi na gusto niya na sa Bataan mag-stay. So, he did. I just go pick him up every other weekend and we'd do the things on his list.
And one of my biggest regret in life was not making it an every weekend thing... because we didn't get to finish his list. He was the one who convinced me na 'wag na kada linggo dahil nakita niya ako isang beses na nase-stress sa deadlines. I was hesitant, but I agreed with him. Syempre kailangan ko rin ng pera para sa mga gagastusin namin sa lakad namin.
Ngayon ko lang na-realize na totoo iyong sinabi nila na iyong pera, mababawi mo. Pero iyong oras? Sa oras na lumipas na siya, wala ka nang magagawa pa para bawiin 'yon kasi tapos na.
Wala lang.
Nakakahinayang.
"Why?" I asked Pablo. "Did you change your mind?"
"No," mabilis na sagot niya.
"Okay... You're acting weird," I replied. Natawa siya tapos lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko. "Ano nga kasi?"
"Nothing," he said and then planted a kiss on top of my head.
"Do you want to get married here na lang?" tanong ko sa kanya.
I have met his family and they're very lowkey and very chill. Medyo nanibago nga ako nung una akong pinakilala ni Pablo sa kanila kasi wala silang comment tungkol sa timbang ko, sa edad ko, sa kung magpapakasal na ba ako, sa kung magkakaanak pa ba ako.
It was... weird.
Siguro kasi nasanay na ako na kapag sinabi na 'pamilya,' automatic na may unwarranted comment na 'yan sa bawat aspeto ng buhay mo. Kaya nga ayaw na ayaw kong umaattend ng reunion kasi goal ata nila ipoint out lahat ng pakiramdam nila ay mali sa buhay ko.
"Did your family say something?" I asked kasi baka naman biglang nagbago iyong isip nila at gusto na nilang umattend sa kasal. We told them about our plan to get civilly married here and then married again abroad tapos diretso honeymoon na. Akala ko sasabihin nila na rito na lang sa Pinas para makaattend sila, pero wala akong narinig na ganon. Kung saan daw kami masaya, sige lang. Sobrang nakakapanibago. Pwede pala iyong supportive na pamilya. Ganon pala ang feeling. Akala ko puro sama ng loob lang pwede kong makuha, e.
"No," he replied.
"Okay... Then why are you being weird?"
"Your sister contacted me."
Agad akong napatigil sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Agad na kumunot ang noo ko.
"And you told her to get lost, right?" I asked kasi hindi naman joke iyong sinabi ko sa kanya before na tapos na ako sa kanya. Mas lalo na ngayon na wala na si Papa. Mas wala na akong dahilan para bumalik pa ng Bataan at para makita pa siya.
Hindi sumagot si Pablo.
I gave him a disappointed look.
"I wanted to," sabi niya. "I really tried to, but it seemed like she's changed already."
I rolled my eyes. "That's how she operates," sabi ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na pati si Pablo ay mabibiktima ng kapatid ko. Pambihira. It must be some kind of super power.
Tumalikod ako dahil naiirita ako kay Pablo ngayon. Alam naman niya kung ano iyong history namin ng kapatid ko tapos biglang ganito rin siya ngayon. Akala ko safe na dahil one year na akong walang naririnig mula sa kapatid ko tapos biglang ito na naman. Parang back from the beginning.
"Are you mad?" tanong niya habang biglang nakayakap na mula sa likuran ko. He was tightening the hug. I was just standing there, doing nothing, saying nothing.
"No."
"Disappointed?"
"Yes."
"Because I talked to your sister?"
"No," I said. "Because I think you gave her the impression that I am willing to talk to her and you clearly know my position in this matter."
Imbes na magsalita ay mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap sa akin at saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Okay," he replied. "I'm sorry. If she ever contacts me again, I'll make it clear that no talk's gonna happen."
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Are we now good?"
He made me face him.
It's so hard to be mad when he looked like that!
"Cerise?" he called my name in such a way na parang gusto ko na lang siyang itulak sa kama at magpractice na lang kami gumawa ng baby. Lecheng mukha 'yan!
"Yeah, we're good," I said, rolling my eyes dahil sa itsura niya pa lang, tapos na ang laban.
"Wedding's still on?"
"Well, the flights and hotels are nonrefundable."
Humalakhak siya. "Really? Those are the only reason?"
I arched my brow. "Ano pa ba?"
He smugly shrugged. "Because... you love me? And can't wait to marry me?"
Muli akong umirap. "I think that's supposed to be my line."
He laughed and then cupped my face and kissed me on the lips. "Yes, you're right," he said. "I do love you and I can't wait to marry you."
I wrinkled my nose. It's not the first time that he told me he loved me, but the effect was just the same. I was really glad I waited for him to come into my life. I was glad that after Leo, I didn't rush into doing anything too serious just because I felt like time was running out. Kasi kung nakinig ako sa mga tao sa paligid ko at napressure na maghanap ng boyfriend dahil mapapagiwanan na daw ako ng panahon, I would have missed out on someone great.
I would have missed out on the love of my life.
So, I was glad that I waited.
I was glad that I focused on work and just held on to the hope that maybe... just maybe... when the time is right, the right guy will come along.
And I was glad that I was right.
Because truth be told, he came at the perfect time.
* * *
Three days before the flight, naka-leave na ako from work. Tapos na ako sa mga dadalhin kong gamit. Nasa mall ako ngayon to buy some last minute stuff para matanggal na 'to sa to do list ko. Nasa bar si Pablo at may inaasikaso dahil two weeks din kaming mawawala.
I was in the middle of choosing which lingerie to buy para sa honeymoon namin ni Pablo nang mapahugot ako ng malalim na hininga nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Hindi ko lang alam kung paano ka makakausap, Ate..." sabi niya. "Sabi ni Kuya Pablo na ayaw mo akong makausap..."
Nasaan iyong sales lady na laging nakabuntot sa 'yo kapag kailangan mo siya? Bakit parang kaming dalawa lang ang tao rito sa tindahan na 'to?
Hindi ako nagsalita.
After all these years, I have learned that Therese didn't listen to me not because she doesn't want to but because she didn't respect me. Kasi kung may respeto siya sa akin, kahit papaano, susundin niya iyong gusto kong mangyari.
Hawak niya ang mga kamay niya. Nakatingin siya sa akin. Bakas iyong kaba sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit nakatayo lang ako doon kahit alam ko na pwede naman akong umalis na. Pwede akong umiwas kagaya ng ginawa ko nitong nakaraang taon.
But... I was tired.
"Kahit ako na lang iyong magsalita, Ate. Kahit makinig ka na lang. Kahit iyon lang," mahinang sambit niya. Kita ko iyong lalim ng paghinga niya. "Six months ago, nagsimula akong umattend ng therapy, Ate... Ayaw ni Mama pumayag kasi sabi niya para lang daw sa mga baliw 'yon. Pati mga kamaganak natin iniisip na baliw na ako... Pero pinilit ko kasi sabi ni Leo hindi siya babalik hanggang hindi ko tinutulungan iyong sarili ko. Kasi sabi niya ako lang daw iyong makakatulong sa sarili ko," dugtong niya habang unti-unting nagtutubig ang mga mata niya. "Ayoko rin nung una kasi... bakit ako magpapa-therapy? May mali ba sa akin? Wala naman... Pakiramdam ko ikaw iyong kontrabida sa kwento ko. Ikaw iyong matalino. Ikaw iyong mabait. Ikaw iyong successful. Ikaw lahat. Hindi kita sinisisi, Ate, pero tuwing may salu-salo sa atin, ikaw iyong laging usapan kasi iyong iyong may magandang trabaho, nakakasama mo iyong mga sikat na tao. Nasa 'yo 'yung buhay na gusto ko...
"Galit ako sa 'yo, Ate. Naiinggit ako. Gusto kong sabihin na hindi na ako galit, pero magsisinungaling ako kapag sinabi ko na hindi... Kasi pakiramdam ko wala na akong kasama. Galit sa akin si Mama. Galit sa akin si Leo. Wala na si Papa. Wala na akong kasama..."
Mabilis iyong pagtulo ng mga luha niya—kasing bilis ng pagpunas niya sa mga iyon.
"Pero sana mawala rin 'to... Kasi gusto ko ring maging masaya... Iyong totoo... Kasi nakakapagod mainggit sa kung ano iyong meron ang iba... Kasi alam ko na ma-swerte rin ako... Na kailangan kong mahalin kung ano iyong meron ako hanggang nandyan pa sila... Hanggang hindi pa nila ako tuluyang sinusukuan..."
Huminga siya nang malalim at muling pinunasan iyong luha niya.
"Salamat sa pakikinig, Ate..." sabi niya at tipid na ngumiti sa akin. "Alam ko ang selfish na pinilit kitang makinig sa akin pero gusto ko lang kasi na malaman mo na sinusubukan ko namang magbago... Na sana sa future... maging okay tayo... kahit papano... na alam ko na hindi na mababalik iyong gaya nung dati pero sana kahit magkasalubong tayo, tignan mo man lang ako—hindi iyong parang hindi tayo magkakilala..."
Nakatingin siya sa akin at muling ngumiti.
"Hindi na kita aabalahin pa lalo, Ate... Salamat ulit... Ingat kayo ni Kuya Pablo palagi..." sabi niya bago naglakad paalis.
I hated that I didn't want to call after her. Because she seemed genuine in her apologies. Kaya siguro nahirapan si Pablo na hindian siya nung pinuntahan siya ni Therese.
But that's the thing with apologies—it should be given without any expectation of being forgiven. Kasi hindi naman ikaw iyong nasaktan. Hindi mo pwedeng diktahan kung kailan at paano ka papatawarin ng taong nasaktan mo.
And maybe she's right.
Maybe one day we'll be fine.
But for now, the wound's still healing.
**
This story is already completed on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can email [email protected] for assistance if you want to pay via GCASH. As of the moment, credit and debit cards can be used directly when paying in the site :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top