Chapter 29
Chapter 29
Pablo had to go back to Manila for some reason. I tried to listen when he was explaining kung bakit kailangan niyang umalis, but seriously, he's not expected to stay here with me. We're together, yes, but we still have separate lives. Besides, okay naman na si Papa. He's still in recovery, but he's already out of the woods.
"Sabihin mo, Pa, kapag gusto mong makita sila Mama," sabi ko sa kanya habang pinagbabalat ko siya ng prutas. Ako kasi iyong nakabantay sa kanya ngayon. Alam ko naman na hindi pupunta rito sila Mama o iyong mga tita ko kapag nandito ako. Ang tataas kaya ng pride ng mga 'yon. Iyon bang alam naman nila na sila ang mali pero sila pa rin ang magmamalaki.
"Talaga bang 'di ako nakaka-istorbo sa trabaho mo?" he asked instead.
Umiling ako. "Naka-leave nga ako," sagot ko sa kanya. "Pagbalik ni Pablo dito, papakita ko sa 'yo 'yung anniversary issue namin," dugtong ko. Syempre proud ako sa pinagpaguran ko. Gusto ko lang din na makita ni Papa iyon. Alam ko na alam niya na mahal ko iyong trabaho ko kaya gusto ko rin na makita niya iyong output. Medyo hindi niya rin kasi maintindihan iyong trabaho ko kapag pinapaliwanag ko sa kanya kaya mas maganda na ipakita ko na lang.
Tumingin sa akin si Papa. I knew he wanted to ask about the video. Hindi niya lang alam kung paano sisimulan sa akin. Ayoko rin naman i-bring up dahil mas concerned ako sa health niya. Besides, it's a non-issue naman na. Therese already learned her lesson—I hope.
"May sasabihin ka ba, Pa?" I managed to ask nang ilang segundo na siya na nakatingin sa akin.
I waited for him to tell me something, anything, but he only smiled at me and asked me to hand him the fruit platter. Nagkwentuhan kami tungkol sa ibang bagay. We made a new list. Hindi na lang restaurant na gusto niyang puntahan kung hindi mga lugar na rin. Hindi kasi siya masyadong nakapagbakasyon dahil busy siya sa pagta-trabaho para makapagprovide sa amin. I didn't like taking leaves because I used to think that it would hinder me from fast-tracking my career. Pero ngayon na alam ko na iyong pakiramdam na pwede siyang mawala anytime? I would take all the leaves that I could get and spend time with my dad.
We ended up with quite a list. I was already plotting in my head kung paanong hati sa vacation ko ang gagawin ko. I'd just have to work faster and compromise with my employer, I guess? Bahala na. I'd just have to discuss it with them pagbalik ko.
"Cerise," pagtawag ni Papa.
"Yes?"
"Masaya ka naman, 'di ba?" he asked instead.
For some reason, I was extremely happy that he didn't ask me about the video. It made me feel na wala siyang pakielam—not in the sense na wala siyang pakielam sa akin but in the sense that he loves me and respects me enough to know that I am an adult and I do my own thing. And that there's nothing wrong with what I did dahil wala naman akong tinatapakan na tao. And kung may disappointing man sa mga anak niya, si Therese 'yon at hindi ako.
I looked at him and nodded. "Masayang-masaya," I replied because at the moment, I truly was happy.
* * *
Umaalis ako kapag hapon na para naman magkaroon ng oras sila Mama na pumunta kapag gabi. Babalik ako kapag umaga na and may dala ako na prutas o kung anuman para kay Papa. Minsan kapag gabi at hindi ako makatulog, pupunta rin ako doon tapos doon ako matutulog sa upuan kahit sobrang uncomfortable.
Ewan ko ba. Nagkaroon na ako ng paranoia na baka biglang magkaroon ng complications iyong operasyon.
Tonight, though, I was getting ready dahil pupuntahan ako ni Pablo sa hotel. He just finished fixing some things and he said that he'd stay with me for a few days. May dala rin siya na mga gamit ko from my condo and the magazine that I requested.
While waiting, I was trying to catch up with some work. Naka-leave ako but I still asked to be updated para pagdating ko, walang masyadong backlog.
Pablo's last message mentioned that he was 20 minutes away and he asked if I was in the mood to go out for dinner or if gusto ko na magdala na lang siya ng food. I told him na wala ako sa mood lumabas and I'd rather stay in with him. It's been a few days since we saw each other. I never told him I missed him, but damn, I missed him already! I never thought na clingy pala ako as a girlfriend. Although I would never tell him that. Still felt a bit weird to be showy. At least for me. At least for now.
Nang may marinig akong katot sa pintuan, agad akong tumayo. I almost ran to the door because I was that excited to see him again kahit na okay, drive safely lang ang reply ko sa kanya kanina.
"Hey—"
Agad akong natigilan nang si Mama ang makita ko nang buksan ko ang pinto. Hindi ako nakapagsalita agad. I didn't know what I would tell her. I was already resigned to the idea that we'd never see eye to eye. Ayoko siya bastusin but at the same time, I'd rather not be in the same room as her. I mean, it's been three decades. She's been treating me horribly for as long as I could remember kaya bakit ako magiisip na may chance pa na magbago 'yon?
Sabi nga, if people show you who they are, believe them.
And she's been showing me who she is for as long as I can rememeber.
Walang nagsasalita sa amin.
Nakahawak lang ako sa may pinto habang seryoso si Mama na nakatingin sa akin. I bet nandito siya dahil nagsumbong iyong paborito niyang anak. Ano pa ba ang posibleng dahilan bukod don?
"Ano ba ang sinabi niyong dalawa kay Therese?" she asked after a few minutes that honestly began to feel like forever.
Kumunot ang noo ko. "Wala naman po," I replied.
Wala naman talaga. Pablo was only bluffing nung sinabi niya na ipapakulong niya si Therese. I mean, sure that's quite scary. But then again, she brought it on herself. She's an adult—may asawa na nga. Surely alam niya dapat na may paglalagyan 'yung kagagahan niya.
"Hindi kumakain. Hindi lumalabas sa kwarto. Kapag may nangyaring masama sa kapatid mo!" galit na sabi niya sa akin.
Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko. "Bakit kasalanan ko na naman, Ma?" I asked. "Ang ginagawa ko lang dito sa Bataan, bantayan si Papa. Bakit kasalanan ko kapag may nangyari kay Therese?"
"Wala ka talagang pakielam sa kapatid mo!"
"Ano ba'ng walang pakielam? Matagal na kaming hindi naguusap, Ma. Alam mo naman 'yan. 'Di ka naman siguro bulag. Alam mo naman iyong nangyari dati. Alam mo rin sigurado iyong nangyayari ngayon. Kung hindi kami close, siguro kasalanan mo rin 'yon kasi masyado mong pinapahalata na may paborito ka sa aming dalawa. Ngayon, tanggap na tanggap ko na 'yon. Okay na ako. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kasalanan ko pa rin hanggang ngayon kahit wala naman na akong ginagawa?" diretsong sabi ko sa kanya habang may lakas ng loob pa ako na sabihin iyong mga gusto kong sabihin.
Hindi siya nagsalita.
Alam kaya niya na si Therese iyong kumuha nung video at nag-send? Sana hindi niya alam. Parang mas nakakagago lang kasi kung alam niya pero kahit na ganoon, siya pa rin ang kakampihan.
"Puro ka panunumbat! Pinagaral ka naman. Sa tingin mo ba mararating mo 'yang narating mo kung hindi dahil sa amin ng Papa mo?"
Saglit akong napapikit at napahinga nang malalim.
Why was I here again?
Why did I keep on ending up here?
"Wala akong ginawa kay Therese, Mama," I said instead because this was the reason why she's here anyway. "Kung hindi siya lumalabas o kumakain, dalhin niyo sa doctor."
Nakatingin lang siya sa akin.
"Wala ka talagang pakielam sa kapatid mo," sabi niya.
"Baka siya ang walang pakielam sa akin," sagot ko.
Walang nagsasalita sa aming dalawa.
"Hindi ko alam kung saan kami nagkulang sa 'yo at nagkaganyan ka. Nakatuntong ka lang sa Maynila, naging mapagmalaki ka na!"
Pilit akong huminga nang malalim at humigpit ang pagkakahawak ko sa pinto. "Kung wala na kayong sasabihin, Ma, papunta na kasi dito si Pablo. Ayoko lang na magabot kayo dahil alam ko naman na ayaw niyo sa kanya."
"At talagang mas pinipili mo na 'yang lalaking 'yan kaysa sa pamilya mo."
Tumango ako. "Mas pinipili ko lang 'yung tao na mahal ako at may pakielam sa akin. 'Di naman mahirap pumili kung sino 'yon," diretsong sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.
Ang dami ko pang gustong sabihin pero hindi ko masabi. Kahit papaano ay nanay ko pa rin siya. Ayoko na dalawa sila ni Papa sa hospital. Ang pwede ko na lang gawin ay umiwas na sa kanya, sa kanila ni Therese. Sa ganon, lahat kami ay magiging tahimik ang buhay. 'Yon lang naman ang gusto ko.
"Saka hindi ko naman responsibilidad si Therese, Mama. Sa asawa niya kayo magsabi kung hindi kumakain o hindi lumalabas," dugtong ko.
"Naghiwalay na nga rin silang dalawa dahil sa kung anuman ang sinabi mo!"
Napaawang ang labi ko.
Wow...
After all these years, ngayon lang nakita ni Leo iyong ugali ng kapatid ko?
Umiling ako. I wouldn't let her put that blame on me.
"Kung naghiwalay man po sila, wala akong kasalanan doon," sabi ko. Muli akong huminga nang malalim. "Kung gusto niyong magabot kayo ni Pablo, okay lang naman sa akin, Mama. Pero ang akin lang, ayoko ng gulo. Pagod ako sa pagbabantay kay Papa," I continued. "Napuntahan niyo po ba si Papa? Umaalis ako roon kapag 5PM na kasi alam ko na may trabaho kayo saka sila Tita." I had to ask because I couldn't ask Papa kung may bumibisita ba sa kanya kapag wala ako. I didn't have the heart to know kung sabihin niya na wala.
"Talagang wala kang pakielam sa kapatid mo!" sabi niya. "Kapag nagpakamatay 'yon—"
"I highly doubt that she'll do that," sabi ko dahil masyadong mahal ni Therese ang sarili niya para gawin iyon. O kung gagawin man niya iyon, sigurado ako na magiiwan siya ng letter para sisihin ako sa lahat ng nangyari. "And if she'll do that, it's not my fault," dugtong ko.
Napahawak siya sa dibdib niya na para bang nahihirapan na siya sa paghinga. Tumigil ako sa pagsasalita.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Pablo na napahinto nang makita si Mama sa harap ng kwarto ko. He looked at me like he was asking me what was happening. He had this worried look on his face. I gently shook my head. I was glad that he's here, but there's no need to be on my defense... I think.
Lumapit siya sa amin. He stood by my side and held my hand. He didn't say a word, but his gesture spoke a thousand words.
Nakatingin lang si Mama sa amin. Wala siyang sinabi kung hindi iyong pagiling niya at saka pagalis. Nang hindi na siya abot ng paningin ko ay saka lang ako nakahinga nang maayos.
"Are you okay?" Pablo asked.
I nodded. "Yeah..." I replied with a smile. "Are you tired?"
Umiling siya. "Are you hungry?"
Tumango ako. "Yeah..." sabi ko kahit sa totoo lang, nawalan ako ng gana nung makita ko si Mama. But I'd been looking forward to having a nice meal with Pablo kaya kakain kami as planned.
We enjoyed a nice meal. I didn't need to ask him kung ano iyong ginawa niya sa Maynila kasi kusa niyang sinabi sa akin iyong ginawa niya. I just sat there and listened to him tell me about his day. Ganito pala iyong pakiramdam? Na kahit sobrang normal at sobrang random lang ng sinasabi niya, parang ang saya pa rin? Na makikinig ako kahit gaano pa kahaba at katagal iyong araw niya?
This must be what finding your home feels like.
It feels like... you're finally home.
"You sleepy?" I asked nang humikab siya.
"Kinda," he replied.
"You should sleep."
"But I wanna talk," he said.
"Kanina ka pa kaya nagsasalita," I said in jest.
"You could've interrupted."
I waived my hand. "Nah. I enjoyed listening," I said.
"To my random day?"
I nodded. "Yeah. I'd take your random day over my dramatic day."
"Right... How's your dad?" he asked. "Any changes?"
"He's quite stable," sagot ko. "You should sleep. I think I'll go visit him tonight," dugtong ko dahil sa dating ng paguusap namin ni Mama, mukhang ako lang talaga ang bumibisita kay Papa. Uunahin niya pa ba si Papa kung hindi kumakain iyong paborito niyang anak? Malamang hindi.
I told Pablo that I'll be back later and that I'll be there when he wakes up. Pumunta ako sa hospital. Nang maglalakad na ako papasok ay napahinto ako nang makita ko si Leo bigla. Tipid siyang ngumiti sa akin.
"Sinong dadalawin mo rito?" I asked him.
"Si Tito," he replied.
"Oh..."
Hindi ko alam ang sasabihin. Ano naman ang sasabihin ko? As far as I was concerned, whatever business we have's already done and concluded. I shouldn't concern myself with him or with him and Therese.
"Gusto ko lang humingi ng tawad."
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Nangako ako na aalagaan ko si Therese—"
I couldn't help but roll my eyes.
This again.
My god.
"Hindi mo kasalanan na hindi kumakain o hindi lumalabas si Therese, okay? Walang may kasalanan kung hindi siya. She brought this upon herself. Hinding-hindi matututo iyong isang 'yon kung laging may aako sa mga ginagawa niya."
Kumunot ang noo niya.
"Hindi kumakain si Therese?" he asked like it was a news to him. Hindi ako nagsalita. Umayos siya ng tayo. Tumingin siya sa akin. "Nakipaghiwalay muna ako kay Therese," he said. "Gusto ko lang magsorry sa Papa mo kasi 'di ko natupad iyong sinabi ko sa kanya noon nung hingin ko iyong kamay ni Therese na aalagaan ko siya kahit ano ang mangyari."
Nakatayo lang ako roon.
"Parang hindi ko na siya kilala."
"O baka kilala mo na siya noon pa kaya lang pinili mo na 'wag makita," I said.
Mapait siyang ngumiti. "Baka nga..." sabi niya. "Masama ba na mahal ko pa rin siya kahit ganon siya?" he asked and he got no response from me. "Pero ayoko na lumala pa siya. Alam ko naman na mabait si Therese... Siguro kinain lang siya ng inggit."
"So, kasalanan ko na naman?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi," sabi niya. "Wala kang kasalanan. Pero wala ring makakatulong kay Therese kung hindi ang sarili niya. Tama ka—hindi siya matututo kung laging may sasagot sa kasalanan niya," dugtong niya at saka huminga nang malalim. "Kilala ko iyong sarili ko. Mahina ako pagdating sa kapatid mo. Palagay ko mas mabuti kung maglalayo muna kami. Hindi siya magbabago kung lagi akong nasa tabi niya dahil alam ko na sasaluhin ko lang lahat ng kasalanan niya. Mas mabuti kung maghihiwalay muna kami."
Tumango ako.
"Si Mama ang sasalo sa kanya." Malungkot na napangiti siya. "Hope she realizes she's doing more harm than good."
Tumango si Leo.
Pinauna ko si Leo sa kwarto para magkaroon sila ng oras para magusap. Nang matapos sila ay ako naman ang pumunta sa kwarto ni Papa. Nagkasalubong kami ni Leo.
"Pupunta ako kay Therese," he said. "Magpapaalam ako na aalis muna ako."
"San ka pupunta?"
"May alok na trabaho sa akin," sabi niya. "Isang taon lang naman."
"Okay. Good luck."
"Babalik ako," he said. "Mahal ko talaga iyong kapatid mo."
"Okay," I said. He loves her, I never doubted that. Hindi ko nga alam kung bakit naiinggit sa akin si Therese dahil kung tutuusin, meron siya ng mga bagay na ang tagal bago ko nakuha. Bakit hindi niya makita 'yon?
He smiled at me. "Sana sa susunod na pagkikita natin, hindi na ganito."
I just gave him a small smile because if things go according to my plan, hindi na kami magkikita. I plan to cut them all from my life aside from my father.
But as fate would have it, that night, after Leo told Therese that he'll be leaving for a year, I received a text saying that my sister had a suicide attempt.
**
This story is already finished on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can email [email protected] for assistance if you want to pay via GCASH. As of the moment, credit and debit cards can be used directly when paying in the site :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top