Chapter 28

Chapter 28

"I'm sorry," sabi ni Pablo sa akin nang kaming dalawa na lang ang magkasama. Umuwi na pabalik sa Manila si Jana. Humingi na lang ako ng favor sa kanya para dalhin dito iyong ibang gamit ko. Ayoko kasi talagang bumalik sa Manila ng hindi ako sigurado kung okay na ba talaga si Papa. Nagsabi na rin ako sa work.

"For what?" I asked.

We were sitting on a bench outside the hospital. It was three in the morning. Tahimik na tahimik. Mas ramdam ko ngayon na nasa probinsya ako. Ngayon lang din ako nakahinga nang maayos kahit papaano.

"You asked me to not say anything," he said. "I really did try though."

I looked at him and gave him a small smile. "I know you did," I replied.

"They're the fucking worse."

"Used to it already."

"That's even worse."

"It's fine. I already cut them off anyway. If not for Papa, wala naman ako rito ngayon," I said.

"Yeah, I'm sorry about your dad."

I just gave him a small smile dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. I would prefer na pagusap namin si Papa kapag maayos na iyong kalagayan niya. Until he's in the clear, I'd rather we not discuss him kasi mas lalo lang akong mag-o-overthink.

"About what you said earlier." Tumingin siya sa akin. "Did you mean that?"

"Mean what?"

"That you'll... I don't know... deal with it accordingly?"

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o hindi. Base rin sa reaction ni Therese, hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na nagsasabi na may kinalaman siya sa video na 'yon. Ayoko siyang mapahamak dahil kapatid ko pa rin siya... pero minsan kasi kailangan niyang makita iyong consequences ng ginagawa niya para magtanda.

"Yeah, I plan to," sabi niya. "Don't you want me to?"

Hindi agad ako nakasagot.

But if it were really her, I just needed her to learn her lesson. All her life, lagi siyang kinakampihan ni Mama. She needed to know that that shit won't always fly. Matanda na siya. Hindi na nga dapat siya tinuturuan ng ganito. Dapat alam niya na 'to sa sarili niya.

"I don't know," I said. "I kinda want her to learn her lesson. Is that so bad?"

"Her?"

I shrugged. "Yeah... Is it also bad that I think it's my sister who did this?"

"Nah. She gave you plenty of reasons why you'd suspect her."

Napabuntung hininga ako. "I don't know why we ended up like this. We used to be so close."

Pablo placed his arm on my shoulders and pulled me close. He kissed the side of my head. "That's life," he said. "Sometimes, you really just outgrow people."

"Even family?"

"If they suck, yes," sabi niya. "Just because you're family doesn't give you an automatic pass to treat people like shit."

"They suck."

"Oh, God, they really do," sabi niya sa akin.

"So, what's the plan?" I asked.

"You wanna know?"

I nodded. "Distraction," I replied.

"Okay," he replied, nodding his head like he understood that I needed to be distracted at this very moment. Gusto kong pumasok na sa loob kaya lang ay pakiramdam ko magkakaroon na talaga ng gulo kapag nagkita iyong pamilya ko at si Pablo. Pablo wouldn't start a fight pero hindi ko rin siya masisi na sumagot kapag ganon na iyong sinasabi ni Mama sa kanya.

"Firstly, I have no fucking idea what video they're talking about," sabi niya sa akin. "Do you know what that is?"

Umiling ako. "No idea," sabi ko. "We don't record ourselves when we have sex, right?"

Kumunot ang noo niya. "Why are you asking me? I never asked you to record us."

I shrugged. "Just making it clear."

"I have a good memory. I don't need a video to remember all the things you do to me."

Napaawang ang labi ko. "I do to you?"

Tumango siya. "You just look respectable, but love, you are a freak in bed."

I blinked in surprise.

Natawa siya.

"See? No rebuttals because I am right."

"No, I was just shocked with the audacity," sabi ko sa kanya.

"Audacity to be honest?"

Umirap ako. "Shut up."

Tumawa siya. "I'll have my lawyer contact your sister."

Napatingin ako sa kanya. "What?"

"I won't sue her, don't worry. Just scare her a bit," he said. "Most people get scared when lawyers are involved."

"I know. Weird, though."

"Weirdly effective," sabi niya.

"Nagawa mo na ba 'to before?"

"Sometimes," sabi niya. "I don't like confrontations. If it's not something personal, I prefer my lawyer to handle my affairs. Easier that way."

Tumango ako. "Makes sense," sabi ko dahil noon ko pa napansin na non-confrontational siya na tao. Kaya nga nung nakita ko na sumagot na siya kay Mama, ang naisip ko agad ay napikon na siya kasi usually tahimik naman siya.

"In all seriousness, someone just really needs to put your sister in her place."

Napabuntung-hininga na lang ako dahil pareho kami ng naisip.

"But you really won't sue her, right?"

"No," he replied.

"Okay."

"But I can scare her, right?"

I shrugged. "I guess?"

Natawa siya. "Alright," he said. "At least I have your permission."

Umirap ako. "It was not my idea, though!"

He shrugged. "I mean, if she's not the one who spread that nasty video—whatever that is—then she'd have no reason to be scared, right?"

Napaawang ang labi ko. "Right..."

"So, if she's innocent in all this, then all will be good."

Tumango ako.

Muling kinabig ako ni Pablo palapit sa kanya at hinalikan iyong gilid ng ulo ko. We just stayed there for a while. Gusto ko na dito muna ako.

"I'm glad I'm here," he said.

"Me, too."

"I don't like confrontations, but I feel like fighting your relatives."

I chuckled at his remark. "Have it your way. Been fighting with them all my life."

"Okay. My turn, I guess?" sabi niya at hinigpitan ang yakap sa akin.

* * *

We stayed there for as long as we possibly could. After a while, we decided to go back inside dahil umalis na si Vie. Hindi na ako aasa pa sa pamilya ko na tatawagin nila ako kung may mangyari man sa loob. We're just not built like that, sadly. Sabi pa naman nila na very family-centered ang mga Pilipino—mukhang maling pamilya ang napuntahan ko.

Pagbalik namin sa loob ay sabay kaming natigilan ni Pablo nang makasalubong namin si Therese. Mukha siyang mamamatay sa kaba. Ganoon ang itsura niya.

"Ate," she called.

Pinigilan ko ang sarili ko na mapairap sa pagtawag niya sa akin ng Ate. I didn't want to waste more energy with her. Si Pablo na ang bahala sa kanya.

"Pwede ba tayong magusap?" tanong niya.

Naramdaman ko iyong pagabot ni Pablo sa kamay ko at paghawak doon. Tuwing kaharap ko si Therese o kung sinuman sa pamilya ko, pagod ang una kong nararamdaman dahil alam ko na kakailanganin ko na namang ipagtanggol ang sarili ko. Pero nang maramdaman ko iyong pagabot niya sa kamay ko? It was like I was reminded na oo nga pala, hindi pala ako magisa.

"Para saan?" tanong ko habang hawak ang kamay ni Pablo.

Tumingin siya kay Pablo na para bang natatakot siya. Bakit? Dahil sinabi ni Pablo na kung sinuman ang nagkalat ng video na 'yon ay mananagot? Sa lahat ng ginawa niyang kagaguhan sa akin, ni isang beses hindi ko maalala na nagsisi siya. Ngayon lang. Kasi ano? Kasi may consequence na iyong ginagawa niya? Hindi dati na ewan ko ba kung ano ang trip niya.

Hindi siya sumagot.

"Sige na, Ate?" she asked again.

"Kung anuman ang sasabihin mo, sabihin mo na ngayon."

"Yung tayong dalawa lang, Ate..."

"Ano ba 'yan? Bakit hindi mo masabi sa harap ni Pablo?"

Para na siyang iiyak.

Hindi ako makaramdam ng saya.

Hindi ko na rin gustong malaman kung bakit.

"Tungkol san ba kasi 'to?" I asked. "Kung hindi ka magsasalita, pupunta pa ako sa kwarto ni Papa."

Gusto ko sanang makaramdam ng awa pero kahit nang banggitin ko si Papa, wala akong nakitang pangamba o pagka-guilty sa mukha niya. Iyong sa akin, sanay na ako. Galit talaga siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Pero iyong kay Papa? Si Papa na wala namang ibang ginawa kundi mahalin siya at ibigay lahat ng luho niya? Nilang dalawa ni Mama?

Akmang aalis na kami ni Pablo nang bigla niyang hawakan iyong kamay ko. Was she really that scared sa sinabi ni Pablo na ganito siya umasta? Was she really that scared na mas inuuna niya pang isipin 'to kaysa sa tatay namin na kakagaling lang sa operasyon?

Pambihira.

Kakaiba talaga si Therese.

Tumingin siya kay Pablo. "Kuya, pwede bang iwan mo muna kami?"

"Do you want me to leave?" tanong ni Pablo sa akin.

I looked at Therese.

Lagi niya 'tong ginagawa sa akin.

Mamaya magulat na lang ako nasa sahig na 'to tapos biglang papalabasin niya sa pamilya namin na tinulak ko siya. Ang lungkot lang na kahit ano ang gawin niya, hinding-hindi na ata ako magtitiwala kasi ilang beses niya na akong ginago.

"No," I told him and then looked at Therese again. "Kung wala kang sasabihin, aalis na kami."

Bago pa man ako makalakad ay humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay sa sasabihin niya—kung iyon man nga ang sasabihin niya.

"Hindi ko sinasadya," bigla niyang sabi. "Sorry, Ate..."

"Hindi mo sinasadya ang ano? Sorry para saan?"

Nakita ko na naglalakad papunta sa amin si Leo. Nakatalikod si Therese. Hindi ko alam kung tama ba iyong ginagawa ko. Kung dapat ko bang tanungin si Therese sa nagawa niya. Kung alam ba ni Leo na ganito iyong babae na pinakasalan niya. Kung dapat ba akong makielam pa sa kanilang dalawa.

"Yung sa video..." sabi niya.

"Aling video?"

Unti-unting lumuluwag iyong pagkakahawak niya sa braso ko. Nakatingin na siya sa sahig at kitang-kita ko iyong pagtulo ng luha niya. Nakatingin si Leo sa kanya at saka akin na nakakunot ang noo. Of course ako na naman ang masama at nagpapaiyak sa kanya.

"Yung pinaguusapan nila?"

Tumango siya.

"Paano mo nakuha 'yon?" tanong ko kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong video 'yung sinasabi nila.

"Pumunta ako sa Maynila para sana makiusap na dun muna ako kasi nahihirapan ako na nandito si Leo..." sabi niya. Napatingin ako kay Leo na mukhang naguguluhan sa nangyari.

"Are you fucking kidding me? Sa tingin mo papatirahin kita sa condo ko?" natatawang sabi ko sa kanya. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin?"

Nagpunas siya ng luha pero tuluy-tuloy pa rin ang pagtulo nun. Hindi siya nagsalita. Hindi niya ako kinontra. At least alam niya sa sarili niya na gago siya sa akin.

"Ano 'yung video na sinasabi mo, Therese?" muling tanong ko sa kanya. Sigurado ako na wala siyang susi ng condo ko. Ni hindi ko nga pinalagay 'yan sa visitor's list dahil ayoko siyang makita. Sa condo ako nagpapahinga kaya bakit ko siya papapuntahin doon?

"Yung sa may parking, Ate," sabi niya habang nakatingin pa rin sa sahig. "Wala namang nakita don, Ate... Sila Tita lang kung anu-ano na iyong sinabi... Hanggang 'di ko na alam kung saan na napunta..."

Gusto kong matawa na maiyak na hindi ko maintindihan.

Parang tangina.

"Anong hindi mo alam? Bata ka ba? Sa tingin mo talaga kapag nag-send ka ng ganong video sa kanila, wala silang ibang iisipin? Magisip ka nga."

Pilit akong huminga nang malalim.

"Ako sanay na ako sa ginagawa mo sa akin. Matagal ka nang ganyan. Pero ito na nadamay si Papa? Pagdasal mo talaga, Therese, na walang mangyari kay Papa kasi sinasabi ko sa 'yo..." sabi ko at saka naramdaman ko iyong paghawak ni Pablo sa kamay ko.

Huminga ako nang malalim.

Tama na.

Bakit nagaaksaya na naman ako ng oras at lakas sa kanya?

Hindi na siya magbabago talaga.

"Let's go," Pablo said at hinawakan niya ako para makapaglakad kami. Ni hindi ako lumingon nang marinig ko iyong paguusap nila. I wasn't even interested anymore kung magbati sila, maghiwalay sila, o patuloy na magbulag-bulagan si Leo sa kanya.

His clown, his circus.

"I told you, people get scared at the mention of consequences. Sometimes, you got to scare them a bit," he said while we were walking away.

Mahina akong natawa. "Dapat pala matagal ko na siyang binantaan ng demanda."

Pablo laughed a little and then held my hand tighter. "Are you okay?" Pablo asked. I looked at him and breathed in relief. I got Jana, Papa, and him... I got people who love me for who I am. Bakit hindi ako magiging okay?


**

This story is already finished on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can email [email protected] for assistance if you want to pay via GCASH. As of the moment, credit and debit cards can be used directly when paying in the site :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #beeyotch