Chapter 27
Chapter 27
"I'm sure okay lang si Tito," sabi ni Jana habang nagda-drive siya. I was thankful na kahit may ginagawa siya ay sinamahan niya pa rin ako. I didn't know what I'd do without her. I was so thankful for her presence in my life.
Hindi ako sumagot.
I didn't know that.
I didn't know kung okay lang si Papa. I hated that I was overthinking things na kung iyong paguusap ba namin dati ay pangitain na aalis na siya? Tangina lang kung ganon.
Huminga ako nang malalim.
No, I needed to be calm.
I needed to be level-headed now more than ever.
"Na-text mo ba si Pablo?" Jana asked.
"Yes."
"Okay," she said. "Sa tingin mo sino iyong kumuha ng video? And anong video iyong sinasabi nila?"
I remained silent because I didn't want to talk about that. Sigurado ako na wala akong sex video dahil never ako pumayag sa ganoon. Call me paranoid but I don't even take nude photos because of the fear na baka manakaw iyong cellphone ko at kung ano ang mangyari.
I was confident na walang sex video. Kung meron man, ang pinaka-naisip ko lang ay iyong sa sasakyan nung ginawa namin ni Pablo. But then again, so fucking what? He's my boyfriend. I was a fucking adult. So what if I have sex?
Some people really needed to get a life. Lalo na sa pamilya ko na mukhang obsessed sa akin.
"Jana," pagtawag ko sa kanya nang makarating kami sa hospital.
"Yes?"
"I know you love me, but please, be calm inside, okay?" sabi ko sa kanya. "Iyong safety ni Papa iyong importante sa akin ngayon. I really don't have the energy to deal with anything else right now."
Tumango siya.
Sinabi na sa akin ni Vie kung nasaan si Papa. He's still in the operating room. Pagdating namin sa waiting room sa labas ay agad na nakita ko na nandon iyong mga kamaganak namin. Nandun din si Mama at si Therese. Nakita ko kung paano napailing at nagbulung-bulungan sila.
"Bili lang ako ng coffee," sabi ni Jana pero mas ramdam ko na gusto niyang umalis dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya. Siya iyong tipo ng kaibigan na mas galit kapag inaagrabyado ka.
Walang bakanteng upuan kung hindi sa tabi ni Therese. Naglakad ako papunta roon at naupo. I just wanted to be here for Papa. Kailangan ko lang malaman na okay siya. I already sent a request for leave dahil hindi ako aalis dito hanggang hindi ko sigurado na okay talaga siya.
He's the only family I got left.
Itong mga tao sa paligid ko? They're not family. Family is someone who's always there—someone who's got your back. Hindi sila 'yon kasi sila iyong mga tao na mas gusto kang husgahan, gusto kang hatakin pababa. Sila iyong tao na pamilya ka lang kapag may gustong makuha sa 'yo. Na kapag nag-set ka ng boundaries mo, ikaw pa iyong masama.
So, no, hindi ko sila pamilya. Si Papa lang ang pamilya ko rito.
"Ang kapal lang din ng mukha mong magpakita rito," sabi ni Mama.
I remained silent. I should be the one who's mad dahil kung hindi pa sinabi ni Vie sa akin, hindi ko pa malalaman na nandito sa hospital si Papa. Hindi ko pa malalaman na bida na naman ako sa group chat ng pamilya namin.
To be completely honest, wala akong pakielam kung anuman ang sinasabi nila sa group chat na 'yon tungkol sa akin—nagkaroon lang ako ng pakielam dahil nadamay na si Papa.
"Yan ba ang ginagawa mo sa Maynila?" muling sabi ni Mama.
I didn't even have to bite my tongue to stop myself from saying anything. I had nothing left to say to them. I was just tired. I was tired from everything. My only concern was to know that my father's safe. That's all.
"Totoo ba iyong sa video?" bulong sa akin ng isa kong pinsan, pero iyong bulong niya ay sapat para marinig ng lahat dito.
"Siguro," sagot ko.
"Talaga?"
"Oo na lang," sabi ko.
May point pa ba kung sabihin ko na hindi o kung anuman? Sigurado naman ako na may pinaniniwalaan na sila. Kung anuman ang sabihin ko, hindi sila maniniwala. Ngayon pa ba? E buong buhay ko nga hindi sila nakinig sa akin—ano ang kaibahan ngayon?
"Ikaw nga 'yon?" sabi ng Tita ko.
Huminga ako nang malalim. "Hindi ko po alam. Ni hindi ko nga alam kung ano iyong pinaguusapan niyo," sagot ko sa kanya. Alam ko na hindi siya titigil sa kakatanong hanggang hindi ako sumagot at ayoko na marindi ako dahil mukhang medyo matagal pa kami rito.
Natahimik sila. Ano? Nakakahiya ba na aminin na pinanood nila kung anumang video iyong sinasabi nila? May mga asawa naman sila. 'Di naman bago sex sa kanila kung 'yun nga ang sinasabi nila. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila lahat ng ginagawa ko sa buhay ko.
Tumayo ako at pumunta sa CR. Nagsabi na si Jana kanina na sa labas lang siya dahil hindi niya kaya maupo roon nang tahimik lang. I completely understood and even told her na pwede namang bumalik na siya sa Manila. She said she'll stay hanggang makarating si Pablo rito at malaman niya na okay na si Papa.
"Hindi ka na talaga nahiya, Cerise," sabi ni Mama paglabas na paglabas ko pa lang sa CR.
Huminga ako nang malalim. Ayoko makipagtalo. Hinding-hindi naman ako mananalo sa kanya dahil matagal na siyang nagdesisyon na ayaw niya sa akin.
"Kaya pala gustung-gusto mo roon sa Maynila? Dahil ganoon ang ginagawa mo?"
Tumingin ako sa kanya. Kinagat iyong dila ko para hindi ako makasagot.
"Para kang pokpok. Nakakahiya ka."
"Okay," sagot ko.
Kumunot ang noo niya. "Ano?"
"Okay. Nakakahiya na ako. Ano ba'ng bago? Never ka namang naging proud sa akin," diretsong sabi ko sa kanya. Alam ko na hindi ko na dapat 'to sabihin. Wala naman akong mapapala. Wala namang magbabago. Pero at least nasabi ko na. At least alam niya kung ano iyong nararamdaman ko kahit wala siyang pakielam.
"Aba't—"
"Kung anumang video 'yang sinasabi niyo, baka ako nga 'yan. Pero ano naman? Matanda na ako. Kaya kong magdesisyon sa buhay ko."
"Nagmamalaki ka na!" sigaw niya sa akin.
"Bakit hindi? Lahat naman ng meron ako ngayon, pinaghirapan ko. Hindi naman ako si Therese na lahat ng luho, binibigay niyo. Kung anuman meron ako ngayon, pinagtrabahuhan ko 'yon. Wala kang ambag don, Mama."
Hindi na ako nagulat nang makaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko. Napahawak lang ako roon at ibinalik ko iyong tingin ko sa kanya.
"Ambag mo lang sa buhay ko na pinanganak mo ako. Magkano sa tingin mo 'yung halaga non, Ma? Pakisabi sa akin at ng mabayaran ko para wala na akong utang na loob sa 'yo."
Siguro ang sama kong anak kasi siya pa rin naman iyong nanay ko... Pero hindi ko naman hiniling na mabuhay sa mundo na 'to. Sana kung ayaw niya talaga sa akin, sana 'di niya na lang ako tinuloy. Kasi mas maganda 'yon kaysa 'yung lumaki ako na araw-araw kong iniisip kung ano iyong nagawa ko at bakit ayaw niya sa akin.
Napahawak siya sa dibdib niya. Sakto na dumating si Therese at ibang kamaganak namin. Alam ko na ako na naman iyong masama. Sa isip nila, hindi lang si Papa ang papatayin ko, pati na si Mama. Sawa na akong ipagtanggol ang sarili ko kaya naman iniwan ko lang sila at saka lumabas para magpahangin muna.
Paglabas ko ay agad kong nakita si Pablo na parang may hinahanap. Nang magtagpo ang mga mata namin ay mabilis siyang lumapit sa akin.
"Hey—" I said but I wasn't able to finish what I was saying because he quickly wrapped me inside his arms. My lips parted because I was able to feel relief when I felt him close to me.
Was he my comfort person now?
Meron na akong ganoon ngayon?
Hindi ako magisa lang?
"I'm sorry I took too long," he whispered apologetically.
"You didn't know that this would happen," I replied as I let myself relax in his arms.
"How's your dad?"
"Hindi ko alam. The operation's still ongoing."
"Okay," he replied.
I liked how he didn't tell me that everything's going to be fine because he didn't know that. Walang may alam kung ano ang mangyayari. I liked that he just held me in his arms and made me feel that he was there. It was enough. It was more than enough.
"Nasa labas na raw iyong doctor," sabi ko sa kanya nang mag-text sa akin si Vie. Tumingin ako sa kanya. "Can I ask for a favor?"
"Yes. Anything," sagot niya sa akin.
"Don't defend me. I just want to know that Papa's fine. That's all."
Hindi ko na sinabi sa kanya iyong nangyari kanina. Ni hindi ko nga alam kung alam niya iyong tungkol sa video. Sinabi ko lang sa kanya na nandito ako dahil inatake sa puso si Papa. Sasabihin ko naman sa kanya iyong tungkol sa video pero ni hindi ko nga alam kung ano 'yon. Wala rin akong balak panoorin. Kung meron mang dapat mahiya, sila 'yon na pinanood iyon.
"I will try hard," he said.
"Don't try, just do."
"Your family sucks," he replied.
"I know, but let's just keep our silence."
Nagbuntung-hininga siya. "Okay. I will keep my silence. I promise."
Naglakad kami pabalik sa loob. Sa hindi ko malaman na dahilan, iyong Tita ko ang kausap ng doctor tungkol kay Papa. Si Mama ay tahimik na nakikinig habang si Therese ay iyak pa rin nang iyak hanggang ngayon.
"Okay lang daw ba?" tanong ko kay Vie dahil hindi ko naabutan iyong karamihan sa sinabi nung doctor.
Tumango siya.
Fuck.
Thank God.
Sinabi ni Vie sa akin na sinabi raw ng doctor na okay na si Papa pero under observation pa rin. Critical daw iyong mga susunod na oras. Dito muna ako hanggang masigurado ko na okay siya.
"Puntahan ko lang iyong doctor," sabi ko kay Pablo. Hindi ko alam kung kakausapin ba ako nung doctor o maghahanap ako ng nurse. Gusto ko lang marinig mula sa kanila na okay si Papa. Marami din akong tanong. Kung pwede nga lang na ipalipat si Papa sa Manila. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko mas maaalagaan siya roon—hindi dahil mas magaling iyong mga doctor doon kung hindi dahil wala namang kwenta iyong mga tao rito. Pakiramdam ko ay mas maaalagaan ko si Papa kahit may trabaho pa ako.
Hinanap ko iyong doctor na kausap nila kanina. Nang makita ko siya ay halata na wala siya sa mood na kausapin ako dahil siguro pagod na rin sa operasyon pero siguro ay nakita niya iyong desperasyon sa mukha ko kaya kinausap niya pa rin ako. Pinaliwanag niya iyong ginawa nila kay Papa at kung ano iyong mga pwedeng mangyari. He patiently explained everything hanggang sa gumaan iyong loob ko kahit papaano.
Naglakad ako pabalik. Huminga ako nang malalim habang naglalakad. Mas lalong hindi ako pwedeng makipagtalo sa kanila dahil sinabi nung doctor na bawal ma-stress si Papa. Alam ko na nasstress siya kapag nagaaway kami sa bahay. Titiisin ko ngayon. Ilang araw lang naman.
"I'm sorry but I fail to understand how any of this is your business?" rinig kong sabi ni Pablo nang papalapit na ako sa waiting area.
Agad na kumunot ang noo ko at binilisan ko ang paglalakad.
"Hambog na 'to!" sabi ni Mama sa kanya. "Ang kapal ng mukha mo e ni hindi ka naman pala boyfriend talaga ni Cerise."
Napaawang ang labi ko.
What?
Una, iyong video, tapos, ito? May nakasunod ba sa amin? What the fuck was happening?
"Cerise and I are together. I don't know where you are getting this nonsense," kalmadong sabi ni Pablo pero iba na iyong mga salitang ginagamit niya. He was still trying to be calm because I asked him to be calm, but he's been very clear that he's not my family's biggest fan.
Nang papalapit na ako roon, nakita ko na nakatingin si Pablo kay Therese.
"About this video you all keep on talking about, I'm sure you know that taking a video of another person without their consent is a violation of Safe Spaces Act," sabi niya. "I'll have to talk to someone and rest assured that we'll get to the bottom of this."
Hindi ko alam kung kulang lang ba ako sa tulog o pagod na ako sa lahat ng nangyari pero kitang-kita ko iyong pamumutla ng mukha ni Therese.
Seryoso ba?
Siya iyong kumuha nung sinasabi nilang video?
How low could she go?
"Since you all are so concerned about Cerise and her 'value' as a woman, I promise you all that whoever took that video will be dealt with accordingly," Pablo said like it was a promise that he intended to keep.
**
This story is already finished on beeyotch.ph. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can email [email protected] for assistance if you want to pay via GCASH. As of the moment, credit and debit cards can be used directly when paying in the site :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top