Chapter 18

Chapter 18

"Sorry," sabi ko kay Leo nang bumitaw ako sa yakap.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tumango ako habang nagpupunas ng luha. I tried to smile at him, but that smile was quick to disappear. I didn't know why I even bothered to lie to him gayong alam naman niya iyong sitwasyon sa bahay at sa pamilya namin. But I just didn't feel comfortable talking about this with him—nandyan na si Therese. Of course as her husband, he'll take her side.

"Sigurado ka?"

"Yes," sagot ko sa kanya. Huminga ako nang malalim. "Pwede favor?" I asked.

"Ano?"

"Naiwan ko kasi gamit ko. Pupunta ka naman sa bahay, 'di ba?" I asked and he gave me a small nod. "Pasabi naman kay Papa na hintayin ko siya sa may tindahan 'dun sa kabilang kanto. Padala na lang nung gamit ko kamo."

"Maglalakad ka magisa?" he asked. I nodded. "Gabi na."

"So? 'Di naman ako maliligaw," sabi ko sa kanya.

"Delikado na."

"Dito ako lumaki."

"Pero sa Maynila ka na nakatira—ang dami ng nagbago dito. Hindi na safe kagaya dati."

Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may iba pa siyang ibig sabihin doon, but I consciously chose to gloss over it. I was done with Leo. What I was not done with was the fact that people were not done talking about how I was not done with him. Paano ako makakaalis doon kung palagi nila akong hinahatak pabalik para alalahanin?

This was one of the times that I wished that my family would be one of those who just sweeps things under the rug—hindi kagaya nito na lahat gustong pagusapan kahit hindi naman na dapat pagusapan.

Umiling ako. "No, I'll be fine," sabi ko sa kanya. "Pumunta ka na 'dun."

Hindi gumalaw si Leo. Nakatingin lang siya sa akin. Napabuntung-hininga ako. Palagi na lang ganito kapag pumupunta ako sa Bataan... yet I always found myself ending in the exact same situation. Para akong bata na hindi natututo sa mga pagkakamali na nagawa ko.

"Baka may makakita pa sa atin," I said.

"Ano naman?"

"Gusto mong magaway kayo lalo ni Therese?" I asked and there was a recognition on his face na para bang natumbok ko iyong dahilan ng pagaaway nilang dalawa. I looked up and groaned because this was honestly so fucking frustrating. Like why would no one believe me na naka-move on na ako kay Leo?! Did they think na he has a magic dick na tipong hindi ko malilimutan at hahanap-hanapin ko hanggang sa mamatay ako?

"Seriously? Bakit niyo ako pinagaawayan?"

"Hindi ka namin pinagaawayan," he said.

"So bakit nasa bahay siya nila Mama instead na sa kung saan man kayong dalawa nakatira?" I asked dahil hindi ko alam kung ano ang ganap sa kanilang dalawa dahil nga wala akong pakielam. Bakit ba hindi ma-gets 'to ng kamaganak namin? Na may buhay ako sa Manila at busy ako para isipin pa silang dalawa?

Naghintay ako pero hindi nagsalita si Leo.

I shrugged. "Suit yourself," sabi ko sa kanya. Nagsimula na akong maglakad nang marinig ko iyong boses niya. I didn't stop walking, but I slowed down.

"Sabihin ko kay Papa," he said.

"Thank you."

"Problemang magasawa," he said na para bang explanation niya iyon kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin. I mean, gets ko naman. Pero kung ano ang pinagaawayan nila, hindi ba dapat ko ring malaman?

Ilang linggo pa lang sila na kasal, may ganon na agad? Hindi ba dapat honeymoon phase muna?

"Yeah... Good luck with that."

Thankfully, may mga poste naman sa daan kaya hindi ako kinabahan na maglakad. Medyo malapit lang din naman iyong pupuntahan ko. Pagdating ko roon, nakipagkwentuhan muna sa akin iyong tindera.

"Ano 'yan, Pa?" tanong ko nang may iabot sa akin si Papa na paperbag.

"Gamit mo," he said. "Saka may pagkain d'yan. Kumain ka muna."

My lips parted. Gusto ko sanang sabihin na agad na babalik na ako sa Manila, but looking at his face, I felt bad. Halata naman na naiipit siya sa aming tatlo. Ayoko siyang papiliin and never ko siyang papapiliin...

I didn't have the heart to break his heart kaya naman kumain muna ako nang tahimik. Pinuntahan ako ni Papa sa Maynila para magkausap sana kami nila Mama, pero ganoon agad ang bungad. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ngayon na tigil na muna siguro... Give it more time... Siguro...

I was looking anywhere but at his face kasi mabilis ako makonsensya when it came to him. Habang kumakain ako, kinuha ko iyong phone ko to check messages. Sana may work related emergency or anything lang to occupy a space in my mind.

'Already made an arrangement with someone to work the shift tonight, so I have nothing to do. I can just drive there to meet you. No offense, but I feel like you'll need a shoulder to cry on tonight.'

Kumunot ang noo ko nang mabasa ko iyong text ni Pablo.

'You're probably busy but heads up that I'm already on my way there. If you can't meet me, it's fine. I'll be a tourist and explore Bataan.'

The last message was hours ago. Pumunta siya rito? Dito sa Bataan? I tried to refresh our message thread, pero wala akong nabasa na bagong message mula sa kanya. Nakarating ba siya rito? But it's been hours. Kahit maabutan siya ng traffic, for sure nandito na siya ngayon.

'Hey sorry I just read your message. You're right though about the shoulder to cry on. Nandito ka na ba?'

I stared at the message na para bang ineexpect ko na bigla niyang makikita iyon at magrereply siya kung nasaan siya. But after a minute, ibinaba ko na iyong phone. Nakita ko na nakatingin sa akin si Papa.

"Bakit?" I asked.

"Babalik ka na ba?"

"Sa Maynila? Opo."

Akala ko ay kokontrahin niya ako. Instead, naupo lang siya sa tabi ko. Tumingin siya sa akin.

"Alam ko naman na umuuwi ka lang dito para sa 'kin."

Natawa ako. "Feeler ka, Papa."

Napangiti siya. "Kapag nawala ako—"

Agad akong natigilan. "May sakit ka ba, Papa?" I asked as I felt fear crawl in my system. Ramdam ko iyong panlalamig ng buong katawan ko. I couldn't even begin to imagine a life without him. Alam ko na lagi akong nasa Maynila, pero kahit nandoon ako, laging nandyan si Papa para sa akin, para suportahan ako.

I would just... I would just lose it kapag may nangyari sa kanya.

Even the thought of losing him was making it hard to breathe.

"Wala," he said. Nakatingin lang ako sa kanya habang naninikip ang dibdib ko. "Wala akong sakit," he repeated, but it wasn't enough to pacify me. "Ang akin lang, kapag nawala ako, maiintindihan ko kung hindi ka na babalik dito. Masaya ka naman sa Maynila, 'di ba?"

Hindi ako makasagot sa tanong niya.

Something didn't feel right.

Para akong masusuka.

"Pa, kung may sakit ka, sabihin mo na ngayon pa lang dahil hindi ako natutuwa sa mga ganitong surprise."

Napangiti siya at hinawakan iyong kamay ko. "Wala nga akong sakit," sabi niya. "Pasensya na rin at pinilit kitang umuwi rito. Alam ko may diperensya kayo ng Mama mo pero hindi ko alam na ganito pala... Pasensya na, anak..."

Nakatingin ako sa mga binti ko habang mabilis na nanlalabo ang paninigin ko.

"Di mo na kailangan bumalik dito. Ako na luluwas sa Maynila kapag namimiss kita."

Pinunasan ko iyong mga mata ko. "Pwede naman kita sunduin dito. Nakakapagod mag-drive..."

"Di ba't sabi mo e lalabas na iyong anniversary issue mo sa trabaho? Walang bilihan dito nung magazine mo. Kailan ba lalabas 'yon para makaluwas ako para bumili?"

Tinawanan ako ni Papa dahil umiiyak lang ako. Kahit iyong mga dumadaan sa harap ng tindahan ay napapatingin sa amin. Alam ko na iisipin nila na nagaway kami sa bahay. Alam naman nila. Maliit lang ang barangay namin. Pero wala na akong pakielam—si Papa lang naman ang inuuwian ko rito.

"Uuwi ka na ba?" sabi ni Papa nang tumahan ako.

Tumango ako. "Ayoko matulog sa bahay..."

"Uuwi ka ng ganyan? Pugto pa iyong mata mo," sabi niya. "Di ko ibig sabihin na sa bahay ka. Sa hotel ka muna matulog," dugtong niya.

"Wag na. Babayad pa ako."

"Ako magbabayad," sabi niya.

"Ang galante, Pa."

Natawa siya. "Kakakuha ko lang ulit nung sa retirement," sabi niya sa akin. Ayoko na makipagtalo kay Papa kaya pumayag na lang din ako. Bumalik siya sa bahay para kunin iyong sasakyan ko. I promised him na hindi ako babalik sa Manila at dito ako matutulog. It sounded like a good idea anyway... Pagod na ako sa trabaho, sa pagdrive papunta rito, sa pagtatalo namin ni Mama at Therese, at sa pagiyak ko kay Papa.

Pinuntahan ko lang iyong pinakaunang decent hotel na nakita ko. I checked in the cheapest room dahil si Papa ang magbabayad. I knew na kahit sabihin ko na ako lang, ipipilit niya na siya ang magbabayad.

After a resting for a while, I decided to go out dahil hindi ako makatulog. I regret not bringing my laptop with me para sana nakapag-work ako. Wala rin akong dalang sapatos para makapag-jogging or exercise. Instead, I went out to look for a convenience store para bumili ng wine or anuman para makatulog agad ako. I badly wanted to sleep para hindi na ako mag-isip pa.

"Hey," sabi ko nang magkasalubong kami ni Pablo. He was walking out of the convenience store. He was holding a paperbag shaped like a bottle.

"Apparently, we share the same brain," I commented dahil mukhang iinom din siya.

"Yeah," he replied without enthusiasm.

Umayos ako sa tayo. "You're still here pala."

He nodded. "Too tired to drive back."

"Same," sabi ko. "Papa asked me na 'wag mag-drive pauwi."

I wanted to tell him about what happened. I knew he cared enough dahil bakit pa siya pupunta rito kung wala naman siyang pakielam sa akin? He wanted to be here for me—to be the shoulder to cry on.

"Pablo—"

"Look—" he said kaya naman natigilan ako. Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo. "Clearly, I like you."

My lips parted.

"But you still have some unfinished business with your ex."

"Are you serious?"

Hindi siya nagsalita.

"You sound just like them," medyo naiirita na sabi ko dahil akala ko iba siya—ganon din pala siya. Bakit ba mas marunong sila sa nararamdaman ko?

"At one point, Cerise, if everyone's telling you the same thing, doesn't it make you wonder if maybe there's a reason why they're all thinking the same thing?"

Nakatingin lang ako sa kanya.

I couldn't believe I was hearing it from him.

After I told him kung gaano ako nafu-frustrate na walang naniniwala at nakikinig sa akin, biglang ganon na din siya?

"Surely it cannot be just a coincidence," he said.

"Or maybe you all think you know better than me."

Hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang siya sa akin.

"I like you," he said.

"You have a funny way of showing it," I snapped back.

"But I can't date you until you're over him. I can't be a rebound. I can't be someone's afterthought. And most importantly, I don't share."

Tumingin ako sa mga mata niya. "I am over him."

Bahagya siyang napailing na para bang iniisip niya kung gaano katigas ang ulo ko.

"Yeah, sure, whatever," he said as he walked past me.

"So, that's it?" tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. "Are we still going to talk? Will you ignore me again?"

"We can talk once you figure your feelings out."

"I can't do this shit with you, Pablo. You're stringing me along."

"No, I'm setting clear boundaries."

"Bullshit."

"Just finish your business, Cerise. It'll be good for you," he said before I heard his footsteps quickly fade. 

**
This story is already at Chapter 28 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #beeyotch