Chapter 17

Chapter 17

'Checked your calendar yet?'

Napakunot ang noo ko nang makita ko iyong notification sa Instagram mula kay Pablo. It had been three days simula nung magkita kami sa grocery store. I could've messaged him about my availability para sa dinner date na gusto niya, but I couldn't bring myself to open the message thread dahil makikita ko na ako iyong last message.

Ugh, pride.

Also, naging busy din naman talaga ako. I wasn't lying about the part na kailangan kong i-check iyong calendar ko kung pwede ko ba siyang makita. Although technically I could meet him for dinner naman, I didn't think I'd have the energy to be mentally present. The whole anniversary issue was taking my time and energy. Work comes first bago sa kung anumang kalandian.

'I'm free tonight,' I replied to his message after kong i-check iyong calendar ko. It's gonna be tight, but I think I can make it since Friday naman iyong deadline I'd be free tonight. Ayoko naman makipagkita sa kanya tapos kalahati ng atensyon ko, nasa deadlines na naiwan ko sa opisina.

The message was seen quickly na para bang nakaabang siya roon. I chuckled at the thought of him waiting anxiously for my response. At least alam niya na ngayon iyong pakiramdam ng naghihintay sa reply.

I tapped my fingers against my desk habang nakatingin ako sa typing bubble sa may Instagram.

'Got it. I'll plan the date.'

'So, it's a date?'

'Yes, it's a date.'

'Like a proper date?'

'Yes, a proper date. I will pick you up, we'll have a nice dinner, and then I'll kiss you when I drop you off at home.'

I bit my lower lip as I read his message.

Fucking hell, the hold this guy has on me!

Kahit na sinabi ko noon na tapos na ako sa kanya, kahit na nagpaka-busy na ako sa trabaho, isang ganito niya lang e bumalik ulit iyong crush ko sa kanya na para bang high school student ako.

Hindi ako nakapag-reply dahil may pumasok sa opisina ko. I put the phone down and began discussing some of the proposed changes sa layouts namin. The discussion was long na nang matapos iyon, saka lang ako nag-reply.

'Sounds like a plan,' I replied although almost three hours ko ata siyang naiwan sa seenzone. It's not as if sadya ko naman! Bakit ba ako nagguilty?

Instead of overthinking, I decided na lumabas na lang para kumain. I'd been stuffed in the office and I needed fresh air. Kinuha ko iyong bag ko at lumabas ako para maghanap ng kakainan, pero agad akong napahinto nang makita ko si Papa na nakaupo sa may bench sa labas ng building.

"Pa?" I asked as I approached him dahil hindi ako sigurado kung siya nga ba 'yon dahil bakit naman siya mapupunta rito?

Agad na tumayo siya nang marinig ang boses ko. "Wala ka bang trabaho ngayon?" he asked.

"Lunch ko po..." I replied. "Kanina pa kayo rito?" I asked and he nodded. "Hinihintay niyo ako?" He nodded again. "Bakit hindi ka po nag-text o tumawag?"

"E baka busy ka pa," sabi niya.

I bit my lower lip. Sa mga ganitong bagay, madali talaga akong maiyak lalo na kapag connected kay Papa. Alam mo 'yon? Kasi parang sa buong pamilya namin sa Bataan, siya lang talaga iyong may pakielam sa akin. Kaya nga bwisit na bwisit ako kay Therese nung ako iyong pinasakay sa bridal car instead na si Papa.

"Dapat nag-text ka pa rin," I said as I anchored my arm with his. "Kumain ka na, Pa?"

Naglakad-lakad kami hanggang sa makapili siya ng gusto niyang restaurant. I told him na kahit saan niya gustong kumain, doon kami pupunta. Sometimes, I feel guilty. Kasi syempre tumatanda na si Papa. If I'd have it my way, syempre gusto ko na magkasama kami. Kaya lang package deal kasi. If uuwi ako, I'd have to deal with everyone else. Ayoko rin naman na papuntahin siya sa Maynila kasi matanda na siya at mapapagod siya sa byahe.

It sucks that it feels like my life has come to being all or nothing.

I told Papa to order anything he wanted. Nung una ayaw niya kasi maigsi lang daw ang lunch break ko kaya ayaw niyang ma-late ako. I had to lie na lang na tapos na iyong deadlines ko kasi gusto ko na sulitin iyong time na nandito siya.

"Pano ka pala pumunta, Pa? Nag-drive ka?"

Umiling siya. "Kinuha ni Therese iyong sasakyan."

Kumunot iyong noo ko. "Di ba may sasakyan siya?"

"Nasa pagawaan, e."

"So... kinuha niya lang 'yung sa 'yo?"

"Hayaan mo na," sabi ni Papa dahil ramdam niya na umiinit iyong ulo ko. Papa sold his old car para ipambayad sa tuition ni Therese sa college kasi na-extend siya ng isa pang taon dahil may binagsak siya. Tapos nung grumduate siya, binilhan siya ng secondhand na sasakyan para hindi siya magcocommute. Kahit secondhand 'yon, naubos iyong savings ni Papa roon. Kaya nung maayos na iyong trabaho ko, nag-loan talaga ako para mabilhan si Papa ng sasakyan. Binili ko 'yon para sa kanya tapos kukunin lang ni Therese na ganon lang?

God, bakit ba ako lang ata ang naiinis sa kanya? Ako ba iyong problema o siya?

"So, nag-commute ka, Pa?"

"Mabilis lang naman ang byahe."

No, it's not. Matagal iyong byahe. Uncomfortable. Mas lalo lang akong nabwisit sa kapatid ko talaga.

"May aayusin lang ako sa work mamaya tapos hatid kita," I told him.

"Nako, 'wag na."

"Hatid kita, Pa," sabi ko. "Wag ka na makipagtalo. Alam mo naman na matigas ulo ko."

Natawa siya nang saglit. Kung hindi lang ako kamukha ng tatay ko e iisipin ko talaga na ampon ako dahil ang sama ng trato sa akin ng pamilya ko. But sure ako na anak ako ng tatay ko. Parang mas may chance na hindi ako anak ni Mama, pero weird naman kung anak ako ng ibang babae tapos siya lang nagpalaki sa akin? Sobrang mala-teledrama naman kung ganon.

"Sige," sabi niya. "Sa bahay ka na rin matulog."

"Uwi rin ako after," I replied.

"E magcocommute na lang ako. Mapapagod ka sa byahe."

"Pa naman..." I said because I knew him enough to know kung ano ba talaga ang tunay na agenda kung bakit siya nandito. "Di naman kami nag-aaway ni Mama."

"Wala naman akong sinabi," he said, feigning innocence. Akala niya naman eepekto e sa kanya ko nakuha 'yung ganyan.

"Hatid na lang kita, ha?"

"Magusap na lang kayo ni Mama mo. Mahirap may kaaway," sabi niya sa akin.

Hindi ako nagsalita. Mabuti na lang at dumating iyong pagkain namin kasi ayoko naman na mag-rant tungkol sa mga chaka kong kamag-anak. Alam naman ni Papa 'yon. Hindi rin naman ako galit sa kanya na hindi niya ako maipagtanggol kasi isa lang siya. Ayoko rin naman na pagkaisahan siya ng mga 'yon. Lakas trip pa naman nung mga Tita ko.

After lunch, hinatid ko muna si Papa sa condo para doon siya magpahinga habang may inaayos lang ako sa work. I got a feeling na sa Bataan ako matutulog. Hirap kasing humindi sa tatay ko.

I arranged everything and left clear instruction sa mga pendings. Nag-early out ako tapos ay dumiretso na sa condo. Pagdating ko roon, naabutan ko na naglilinis si Papa. Agad akong natawa.

"Madumi ba 'yung condo ko?"

"Hindi naman. Wala lang akong magawa," he said. Ganyan siya simula nung nag-retire, e. Laging naghahanap ng gagawin. "Tapos na ba trabaho mo?"

I nodded. "Palit lang akong damit, Pa, tapos alis na tayo."

I took a quick shower and changed into comfortable clothes. I also packed an overnight bag. I charged my phone and my eyes widened nang makita ko iyong notification mula sa Instagram. Fuck. I forgot na may date nga pala ako ngayon!

'Made a reservation at 8PM. What time do you want me to pick you up?'

Fuck.

Nakatitig lang ako roon at hindi alam ang gagawin. Would it sound like I was bailing out on him? Kahit hindi naman? But magsasabi naman ako ng totoo. It's up to him if hindi siya maniniwala sa akin.

No games, sabi nga niya. I'd just be honest.

'Hey. I hate to cancel but I need to go to Bataan.'

'Bataan?' he replied quite quickly. 'I thought you're not coming back there?'

I was typing a response when I received another message from him.

'Can I call instead?'

'Okay.'

And not one more second, nakita ko na tumatawag sa akin iyong Pablo's Bar Instagram account. Up until now, it's still super weird na sa business account niya kami naguusap.

'Is everything okay?' he asked nang sagutin ko iyong tawag.

'Yes. Sorry to cancel last minute,' sagot ko kasi mukhang nahanda niya na lahat. Knowing him, for sure naka-ready na rin iyong isusuot niya. It's a shame na hindi ko makikita iyon. He looked so damn nice when he's in formal wear.

'It's fine,' sabi niya. 'Why are you going to Bataan? If you don't mind me asking.'

Pinaliwanag ko sa kanya iyong situation—na nandito si Papa at kailangan ko siyang ihatid pabalik kasi nag-commute lang siya dahil apparently kinuha nung maldita kong kapatid iyong sasakyan na ako iyong nagbayad. To think na kakatapos ko lang magbayad nung a few months ago!

'Do you want me to go with you? I can drive.'

'No, but thanks for the offer,' I said, truly appreciating the offer from his part. 'I think I'll stay the night there. Gusto niya na magusap kami ni Mama.'

'Okay.'

'Thanks for the offer,' I repeated. 'And sorry for cancelling again.'

'It's fine.'

'Take a raincheck?'

'Definitely. Tell me the next time you're free.'

'I will.'

'Drive safely.'

'I will. Have a nice night at work.'

'Yeah, hopefully.'

'May you get people drunk.'

I heard his chuckle. Damn, ang gwapo talaga, e. 'That's the goal.'

Why was it so hard to say goodbye? Ang weird. Totoo pala talaga iyong it's not about how long you know someone, noh? Minsan, when you know, you know. Kahit sa amin ni Pablo, hindi ko pa naman talaga clearly know.

I mean, if hindi dumating si Papa, I felt like I would've known tonight. Mukha namang sasabihin ni Pablo sa akin... maybe. Or if not, I would ask him myself. Busy kami pareho. At least cut to the chase na sana.

'So... bye,' I said.

'See you later,' was his reply.

'You definitely will,' sagot ko bago pinatay iyong tawag dahil narinig ko iyong katok ni Papa sa pinto.

Papa volunteered to drive dahil pagod ako sa trabaho daw. Pumayag na ako since tinatamad din naman ako. Weirdly enough, walang masyadong traffic. I was counting on it pa naman na ma-stranded kami para sana gabi na kami makarating para tulog na sila Mama.

Pagdating namin sa bahay, napakunot ang noo ko nang makita ko si Therese na katabi ni Mama sa sofa habang nanonood ng movie.

"Bakit ka nandito?" I asked dahil 'di ba kasal na siya? So bakit siya nandito?

"Bakit hindi? Bahay niya naman 'to?" sagot ni Mama sa akin.

My lips parted. I was asking an innocent question. Bakit nga ba ulit ako nandito? Why was I torturing myself when I could've been in a nice dinner right now with a really hot man?

Therese looked at me like she was mad at me. Ano na naman ang problema ng isang 'to? Ngayon ko nga lang siya ulit nakita after nung kasal niya.

I bit my tongue.

"May dala kaming pagkain. Maghapunan na tayo," Papa said, trying to diffuse the situation.

Tumayo si Mama at pumunta sa kusina. Naiwan si Therese at ako sa salas. She was looking at me, not saying anything. Medyo nakakapanibago dahil usually ay marami siyang comment sa buhay ko.

"Kinuha mo pala 'yung sasakyan ni Papa," I said, unable to hold myself back. At least wala si Mama para kampihan siya.

"Sira sasakyan ko," she replied. The tone wasn't the usual gentle voice. Mukhang ito ang totoong tono niya. Who would've known?

"Bakit 'di mo gamitin 'yung sa asawa mo?"

She looked at me like she's upset. "Seryoso ka ba, Ate?"

Kumunot ang noo ko. "Seryoso saan? Na gamitin mo sasakyan ni Leo? Oo naman? Bakit naman ako mag-jojoke sa ganon?" napipikon na tanong ko sa kanya kasi wala naman kaming audience para magpaawa siya ngayon.

"Pagkatapos mong sirain iyong kasal namin?"

My lips parted. "Are you fucking kidding me?"

"Paano magiging maayos iyong kasal namin kung alam ko na hindi ka pa rin nakaka-move on, Ate?"

Oh, fuck.

Bakit ito na naman?!

"Baliw ka ba?" seryosong tanong ko sa kanya. "Seryoso, Therese, nasisiraan ka na ba ng bait? Naalog ba utak mo? O baka bobo ka lang talaga since birth kaya kahit simpleng concept ng moving on e hindi mo maintindihan?"

Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla kong maramdaman na may humampas sa likod ko and once again, I was fucking reminded kung bakit hindi ako dapat pumunta rito.

Ni hindi ko naintindihan iyong sinasabi ni Mama. All I knew was that she was protecting her daughter once again. At this point, I would not consider myself as her daughter anymore. Kasi kung anak niya ako, bakit ganito? Mukha akong outsider sa sarili kong pamilya dapat.

I left nang bitawan niya ako.

Diretso akong naglakad palabas.

My eyes were clouded with tears. Ni hindi ako makapasok sa sasakyan ko dahil naiwan ko iyong susi sa loob. Naiwan ko pati cellphone ko. Ayokong bumalik doon. Naglakad lang ako kahit hindi ko alam kung saan ako papunta.

"Cerise..."

Napahinto ako nang makita ko iyong sasakyan ni Leo. He got out of the car and walked towards me. The expression his face told me that he knew what happened. Of course he knew—we'd been friends for so long. Alam niya iyong sitwasyon ko sa bahay.

And I knew it was wrong and I shouldn't have done this... but I was just so fucking pissed off and felt so... unwanted... and unloved... that I just hugged him and let myself cry. 

**
This story is already at Chapter 27 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #beeyotch