06:30

Jason Paolo Santiago:
Sorry, di na ako makakapasok.
Sorry kung kinukulit lang kita
lagi these past few weeks. Hindi
na kita ulit kukulitin. Sorry kung
matagal na kitang kilala at ini-stalk.
Tutal hindi na naman tayo magkikita,
sasabihin ko na ang lahat ng gusto
kong sabihin. Nakilala kita sa mga
mutual friends natin. Natutuwa ako sa
mga post mo. Sabihin mo nang baliw at
imposible pero nagkagusto na ako agad
sayo kahit di pa kita nakikita in person.
Saktong lilipat ako sa school niyo kasi
lumipat kami ng bahay at yun yung
pinakamalapit na school. Grabe ang saya
ko nung nakita kita nung enrollment kaso di
mo naman ako nakita pero okay lang. Naging
close naman tayo nung magkaklase na tayo.
Sayang lang kasi di na tayo magkaklase. Wag mo
akong kakalimutan ah! Okay lang kahit di mo
rin ko gusto. Basta. Pakabait ka!

Jason Paolo Santiago:
Baka di na rin pala ako makapag-online. Wala
kasing signal sa bago naming nilipatan. Ingat
ka palagi ha!

18:30

Vicky Jane Arnedo:
HOYHOYHOY

Vicky Jane Arnedo:
Kauuwi ko lang school!

Vicky Jane Arnedo:
Pinagsasabi mo? Hoy!

Vicky Jane Arnedo:
Napatawad na kita bilang stalker lol
tutal naging friends naman tayo

Vicky Jane Arnedo:
Matagal pa ba bago ka
mag-online ulit?

Vicky Jane Arnedo:
Kasi

Vicky Jane Arnedo:
Gusto rin kita

Vicky Jane Arnedo:
Sksksksksksksk

Vicky Jane Arnedo:
Ewan ko

Vicky Jane Arnedo:
Taena

Vicky Jane Arnedo:
Mag-reply ka naman!

Vicky Jane Arnedo:
Aksksksnxksoxspxmxm



✔️Seen 8:00PM





─────♡;

Gusto niyo ba ng happy or sad na ending?

05-18-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top