|Ali-En|

Alisha's PoV

"Isa! Dalawa! Tat-"

"Ang bilis mo naman magbilang! Alam kong magaling ka sa Math pero wag mo naman ipamukha sa akin na bulalo lang utak ko pero gwapo padin!" Sabay pogi style n'ya at kumindat sa akin.

*glare*

"Eto na nga!" Sabay pout niya, yuck!

Lumayo na rin siya sa harap ko at bumalik sa upuan niya, ee paano ba naman kung makalapit masyado sa'kin halos magpalit na kami ng mukha! Tch!

"Alish-"

"Wag ka nga magpout! Baka gusto mong tasahan ko yang nguso mo?" Sabay pakita ko sa kanya ng pantasang hawak ko.

"Ang hard mo naman." Sabay tungo niya.

"Lalo na kung isang alien na tulad mo!?"

Umayos na lang siya ng pag kakaupo at may sinusulat ng kung anu-ano.

Nasaan nga ba kami? Nasa school lang naman, sa classroom na walang teacher dahil absent daw. Expected, syempre maingay yun classroom kaya hindi kami sinisipot ng ibang estudyante kase palakasan na ng sigaw. Luh~ lagi naman.

Bumuntong hininga muna ako ng pagkahaba haba at lumingon sa kaliwa ko na katabi ay si En-eng na nagsusulat pa rin.

Bumuntong hininga na naman uli ako.

"Problema mo Alisha kanina ka pa buntong ng buntong hininga ah? Masyado ba nakakasilaw yung kagwapuhan ko kaya pati ikaw, nagkakaproblema dun?" Kunot na noong tinignan niya ako.

Hindi ko pinansin ang sinabe niya.

"En-eng."

"Stephen." Saad nya.

"Gusto ko En-eng ee!" Sabay taas ko ng kilay. Pati ba naman pangalan gusto pa ipa-gwapo??

"Anu Shan Chay?" What?!

"Alisha!" Saad ko. Loko ito! Paano naging Shan Chay name ko?!

Tulog ba ako nung bininyagan uli ako?!

"Walang pakealamanan Shan Chay! Hindi ka na nasanay sa kagwapuhan ko. Ano ba kasi yun?" Tanong niya.

Inirapan ko siya.

"Hindi bagay sayo maging Dao Min Si! Over my dead gorgeous body!" I hissed.

"Woah? Talaga Shan Chay patingin nga kung malagorgeo--"

"Eh kung ito kaya ipakita ko sayo?!" Sabay pakita sa kanya ng gunting na hawak ko.

"Woah easy! Highblood naman masyado ni Shan Chay." Binalik ko na sa table ko yun gunting.

"Sabing wag mo ko matawag tawag na Shan Chay! Dahil 'di mo kamukhan si  Dao Min Si!" Kung magiging isang Shan Chay man ako di ako papatol sa ugok na ito noh! Tch! Di niya kasing level si Dao Min Si ko!

"Di ko nga kamukha. Dahil ang pangit ng Dai Mun Su mo. Yuck noh!" Bored na sagot niya habang hikab hikab pa.

"Anung Dao Mun Su?! Dao Min Si!" Pagalit na saad ko. Pati pangalan ng asawa ko binababoy!

"Tss mas pumangit lalo. Dapat pinalangan sa kanya ng mga magulang niya ay Stephen Clark para mas maganda tignan kagaya ko, gwapo." Sabay kindat niya sa akin.

"You may leave."

"Yes! Uwian na!"

"Party party!"

"Tara sa SM!"

Nang marinig ko yan ay tumayo na ako at nagligpit ng gamit.

Matapos ko ilagay sa bag ang notebook at ballpen ko ay binuhat ko na ang dalawang books at lumabas ng room.

Ano pa ba gagawin ko sa room?

Magpahangin sa super duper yolanda na bagyo dahil sa kayabangan niya?!

Tch!

"Wait for me Alisha!" Sigaw yan ng super eng-eng sa buong mundo.

Naglakad nalang ako ng mabilis at para 'di ako maabutan ng walang katapusang prenong kagwapuhan daw. Ehem!

"Hey Alisha baby! Wait mo naman yun kagwapuhan ko oh!" Sigaw pa rin niya.

See? Pati kagwapuhan daw naiiwan? Sana!

Tumakbo na ko dahil palapit na siya. Nakalabas na ko ng school na--

*screeeeech*

"Anu ba kasi pinaggagawa mo babae ka?!" Alalang tanong niya.

"I Love You." Mahinang saad ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

Sa kanyang kumikislap na mata.

"Ano?" Natatawa niyang saad pero dama pa rin ang kanyang pag-aalala.

"I love yo--"

"Dyusko iha okey ka lang ba? May masakit ba sayo? Sorry di ko namalayan may dumaan, bakit ka ba kasi tumatakbo? Dalhin na kita sa hos--" Mabilis na saad ng babae.

Nagising ako sa realidad, umayos ng pagkakatayo.

"A-a-h wag na po. Okey lang po ako." Saad ko sabay tungo.

Nakakahiya! Ano bang nangyari sa akin?!

"Sa susunod po mag-iingat na po kayo ah."

"Sige iho, sorry talaga ah. Pero nagmamadali na rin kase ako ee. Sorry."

Muntik na ko mabangga ng kotse tapos...

Tapos may humila sa akin papunta sa kabilang side at umikot hanggang sa na out of balance at...

Biglang may humawak sa waist ko at may tumitig sa aking mata. Na sobrang lapit sa akin mukha.

OMYGAWD! Nangyari yun?!

"I love you."

"I love you."

"I love you."

"I love you."

What the F?! Sinabe yun ng mapupulang labi ko?!

*woosh woosh*

Sige na hindi na mapula, maputla na -.-!

Pero nasabi ko kay Ste--

"Alisha!"

"I love you Stephen!" Bigla kong tinakpan ang bibig ko.

WTF!

"Hu-huh?"

"Sabi ko I hate you Stephen!" Palusot ko. "Kung hindi ka ba naman nagpabagyo sa sobrang hangin ng kagwapuhan mo na halos panty ko lumipad na! Di sana ako mabubundol!" Giit ko. Eto totoo ito, kung hindi ba naman magyabang!

Ngumiti lang siya.

May sinabe ba ako na ikinabaliw ng bulalo niyang utak?

"Ano pala sasabihin mo kanina Alisha?" Nakangiti pa rin siya ngayon.

"A-ahm... Kung pwede mo ba ako samahan sa park n-na lagi natin pi-pinuntahan dati nung maliliit pa tayo." Utal kong saad.

"Oh sige ba!" at sabay hawak niya sa kanan kamay ko.

Magkaholding hands kami! Shit!

Bakit ko pala sinabe yun?!

Diba dapat galit ako sa kanya?!

At dapat nahihiya ako dahil nasabihan ko siya na you-know!

Ugh!

Bakit ako ngumingiti?!

---

"A-ah e-ee."

"Shan Chay, ang alam ko muntik ka lang mabundol pero 'di ko pala alam may epekto sayo 'yun muntik na pagkabundol? Wait! Waah! Yun utak mo ba dun, naiwan sa sahi--"

*batok*

"Ano ba pinagsasabi mo?!" At.. ano ba nangyayare sa akin?!

Bakit di ko masabi sa kanya ng...,

"Hoy bakulaw na eng-eng na sobrang hangin kung magsalit--"

*clear*

Wait, ang haba naman ng paglalarawaan ko sa kanya!

"Hoy en-eng! Bakit ang ganda ng mata mo?!"

*clear*

Aish! Ang layo sa gusto kong sabihin! Tapos pinuri ko pa! Tsk! Sabaw na nga ang ulo papalakihin ko pa! Kokey?! Oh well mukha nga naman alien siya -.-!

"Alisha!"

"What?!" Inis kong saad sa kanya.

Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi pa niya tinatanggal yun kamay niya sa akin?!

Ilang minuto na kaming nakaupo sa bench sa park, pero hanggang ngayon hawak pa rin niya ang kamay ko!

"Ang lalim naman kasi ng iniisip mo, di ko tuloy matibag."

"Eh sa lalim ba naman, talagang di mo matitibag iyon dahil sabaw yan ulo mo!"

****

Stephen's PoV

"Eh sa lalim ba naman, talagang di mo matitibag iyon dahil sabaw yan ulo mo!" Awts.

Sige na!

Sabaw na ulo ko! Alien! Makulit! Bobo! Tanga! At Torpe!

Pero Mahal Pa Rin Kita Alisha Sy!

"Ang sakit mo naman magsalita Alisha baby." Sabay hawak ko sa dibdib ko na parang sinasaksak.

"The truth hurts." Bored na sagot niya.

"En-eng! Kung naiinggit ka sa makinis kong kamay dapat sinabe mo man lang agad at para bigyan kita ng tip! Hindi yun dinadama dama mo pa yun kamay ko with pisil pisil! Mukhang may pagnanasa ka sa kamay ko ee!" Ay, akala ko masusulit ko na kamay niya T^T.

Binitawan ko na siya.

Dati... nung maliliiit pa kami sobrang close ng mommy ko at mommy niya kaya maski kami ay sobrang close pero nung tumuntong kami ng elementary ay naging cold na siya sa akin. Lagi na niya ako inaaway at kung minsan lumalayo siya sa akin.

Di ko alam kung bakit, di ko alam kung may ginawa ba ako na ikina-offense niya o ikinagalit. O sadyang naiinggit na siya that time sa kagwapuhan ko T^T?

*Sigh*

Nung una ko palang siya nakita. Nalove at first sight ako~

Oh mga tsong love at first sight ito! Sa mga gwapo lang nakakarelate at nakakaexperience niyan tulad ko!

*woosh woosh*

Inggit rin ata sakin yun hangin! Tss!

Una palang kami magkita, nagandahan na ko sa kanya.

Mukha,

Boobs

At

Pwet...

Diba yummy?

Syempre hindi ganun yun, 'di ako bad boy katulad ng iba dahil...

Iba ako sa kanila...

Basta hindi ko maramdaman o ma-express that time nung tumingin siya sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama.~

Di ko alam kung kinuryente ako ng kalaro ko o sadyang biglang may nagspark sa pagitan namin?

Basta di ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa kanya nung maliliit pa kami. At kung sineswerte ka nga naman tsong, kapit bahay pa namin! Bagong lipat kumbaga!

Pero ngayon di na namin kapit-bahay dahil lumipat na siya.

Kinder to Highschool naging kaklase ko siya.

Ngayon highschool... Ngayon 2nd year highschool namin.

Alam ko na.

Alam kong hindi ko na siya crush o hinahangaan pa, na tulad ng dati ng simula kinder hanggang grade 6!

Dahil ngayon alam ko na may ibang ugali pa siya!

Masungit, highblood, sumisigaw, bungangera, snob, mataray, nananakit mapaliteral o emotional, at nakakainis!

Dahil sa side na ugali na niyan...

...ay minahal ko ang taong di ko maikakala na itong malagwapong ako ay magseseryoso sa isang tao.

"Ma-mahal kita Alisha." Saad ko. Pero hindi siya lumingon, tinitignan pa rin niya ang mga batang naglalaro.

Ang tahimik niya T^T. Ang dami ko ng kinwento pero siya? Ugh!

"Alisha." Sabay hawak ko sa kamay niya.

"What?!" Lumingon na siya.

Tignan niyo! Tignan niyo! Pangalan palang niya, sinisigawan na niya agad ako!!

Binitawan ko uli ang kamay niya at tumungo.

"Gusto kita..." Sabi ko, kasabay ng pagtingin ko sa kanyang magagandang mata. Nakita ko sa kanyang mga mata kung paano siya nagulat.

"Ay hindi pala..." Bawi ko.

E?

Bakit parang may mga apoy akong nakita sa kanyang mga mata?

"Dahil ma-mahal na ata kita..." Sabay lumingon siya sa kaliwa't kanan niya. Weird. "Alisha Sy." Bigla siya bumigay, parang biglang nagjelly yun tuhod? Pero bigla ko rin naman siya nasalo.

"A-ako?" Paiyak na saad niya.

Nagkwento ba ako ng nakakaiyak na story? Ang alam ko sinabihan ko lang siya ng 'mahal ko siya' aish, ang shunga naman nito ni Alisha •O•!

"Mahal kita Alisha Sy..." Ulit kong sabi.

"Aray! Aray!" Daing ko, pinagpapalo ba naman ako sa dibdib!

Baka matuluyan agad yun built ng abs ko!

"P*t*ng*na ka! Bakit ngayon lang?! G*go ka Stephen! Ang eng-eng mo! Bobo! Tanga!" Sigaw niya habang binubugbog yun abs ko with malutong na mura pa yan ah.

"Anong ginawa ko?" Ano ba nangyayari dito kay Alisha?

Ganito ba kung umiyak si Alisha? Sumisigaw ng malulutong na salita?

Yay! Kung magiging girlfriend ko siya magmumurahan kami ng malutong!

"P*kyu ka!!!" Sigaw niya.

Kung isumbong ko kaya si Alisha sa Values teacher namin para naman may bagsak siya ng isang subject. Kahit isang subject lang!

"*sniff* A-alam mo bang matagal na kita mahal *sniff*?!" Humina na rin ang pagpalo nya sa akin, at ano sabi niya?

"Wew?" Saad ko kasabay ng pagpunas ko ng luha niya.

"Wag mo ko ma-wew wew ah! Sabihin mo totoong mahal mo ako! Mahal mo ako! Diba?! Hindi si Carol mahal mo diba?! Hindi siya?! Kahit magkasama at nagtatawanan kayo ay hindi mo siya mahal diba?!" Giit na sagot niya na walang ka preno-preno.

"Sabihin mo!" Pagmamakaawa niya.

"Mo?" Bulong kong saad, ayoko syempre masira ang moment at ayoko pa ilibing yun kagwapuhan ko noh!

Wait...

*processing* *processing*

Ang mataray na si Alisha ay... "Nagseselos ka kay Carol?"

Si Carol na walang ginawa kung 'di patawanin ako kapag laging pinagsasalitaan ako ni Alisha ng masasama?

Si Carol na laging nandyan pag ako'y nag-iisa?

Si Carol na laging naga-advice sa akin kung ano ba dapat kong gawin o gagawin?

Si Carol na nandyan hanggang grade 1 na nandyan lagi sa aking tabi kapag lumalayo si Alisha sa 'kin?

At si Carol na todo suporta sa pag-ibig ko kay Alisha na super duper bet niya si Alisha para sa akin.

"O-obvious ba?" Sabay singhot niya.

Napangiti ako ng patago.

"Kaya ka nagkakaganyan?" Tanong ko.

Pinangsingkitan niya ako ng mga mata niya.

May nasabi ba akong mali?

"Oo! Kasi mahal kita!" At tuluyan na naman umagos ang kanyang luha.

Niyakap ko siya bigla.

"Shh..." Iyak pa rin siya ng iyak.

"Mahal kita Stephen dati pa!" Napangiti ako, hindi lang pala ako ang nagwa-gwapuhan sa akin sarili, dahil si Alisha rin pero... joke lang yun.

Mahal ako ng mahal ko!

"Alam mo bang kapag lagi siyang lumalapit sayo, alam mo bang gusto ko na siyang sabunutan sa isip ko?! At kung makatingin siya sa'yo na dapat ako lang tumitingin sa malakinang mong mata! Ay gusto ko ng kunin ang dalawang eyeballs niya?! A-at sa tuwing lagi kayong magkasama sa hallway, sa sm, sa bahay at sa kung saan-saan pa habang masayang nagkwe-kwentuhan!?" Iniistalk ako ni Alisha?! "Lagi ako napapaisip na gusto ko ng cha-chopin siya! Na kunin ang mga laman loob niya at gawin sisig!!!" Inis niyang sagot.

Binitawan ko siya sa pagkakayakap.

Kikiligin ba dapat ako?

Natawa ako ng patago dahil hindi pa kami, ay sobrang possesive na niya! Paanong hindi ako maiinlove sa tulad niya diba?

"Pinagtatawanan mo ba ako?!"

Hindi ko na mapigilang ang matawa. She looks cute pagnagseselos siya.

"Alisha, kahit anung mangyare. Kahit ano mang nakita mo. Ikaw at ikaw lang mamahalin ko hanggang una at huli. Ikaw lang honesto ito!" Sabay taas ko ng kanan kamay na nagpa-promise sa kanya. "PS: Friend ko lang si Carol, siya pa nga nagsabi sakin na wag ako tumigil na mahalin ka ee." Sabay kindat ko sa kanya.

"Ta-talaga?" Tumango ako.

"Tss! Alien!" At niyakap muli niya ako.

May biglang sumagi sa aking isipan na sinabe sa akin ni Carol ito.

"Halika Alisha may ipapakita ako sayo." At bigla ko nalang siya hinila ng tuluyan.

****

Alisha's PoV

"Ano bang inuukit mo jan?!" Inip kong sagot sa kanya. "Maggagabi na oh?!"

Ano naman kung gabi na? Atleast buong araw ko kasama ang mahal ko. Tch! Nagreklamo pa ko.

"Oh ayos na." Yes! Sa wakas ay makikita ko na kung ano man ang ginuhit niya, baka ako?

*Kilig Feels*

"A-ano yan?" Sabay turo ko sa puno na nakasulat.
"Matandang puno?"

"Baliw! Yang mga nakaguhit." Tanong ko.

"Alisha, akala ko ba hindi naiwan yang utak mo sa sahig kanina?"

"Tsk!" Gabing gabi na nangbwi-bwisit pa ren tch! "Ano nga?!"

"Di mo kaya basahin?" Bored na sagot niya. Sasagot na sana uli ako pero napaisip ako. Oo nga naman, bakit 'di ko nalang basahin diba?

Alisha? Love... Stephen?

"Ba-bakit may alien na mukha?" Tanong ko. Kase sa baba ng pangalan namin ay may drawing na alien tapos may heart na pumagitna dun.

"Aish! Alien tayong pareho! We are meant to be!" Proud na sabi niya.

E?

"Ako? Alien?! Ikaw lang kaya!" Sabay irap ko.

"Slow mo Alisha Sy! Alien... Alisha & Stephen. Ali + En = AliEn...!" Sabay kindat niya sa akin.

****

Stephen's PoV

Matapos kong iexplain, pati ren yung kung bakit sa puno ko inukit para maging palantandaan na forever na kami!

Mga tsong! Naniniwala ako sa FOREVER! Gwapo palang! Tsk forever na!

Nagulat ako dahil dali-dali niya akong niyakap ng mahigpit.

Sobra ko rin siyang niyakap ng mahigpit.

"I love you Stephen!"

"Mas mahal kita!"

"Mas mahal na mahal kita En-Eng!"

"I love you more than you love me Shan Chay."

"Super duper mahal na mahal na mahal kitaaaa Stephen Clark Yu!"

"I Can't Breath..."

"Aww. Sorry sorry Stephen. So--"

"Because You Take My Breath Away..." Bumitaw na siya sa pagyayakap sakin ng mahigpit.

"Gusto mong sapukin kita? Ngayon na?! Tumigil ka nga!" Saad niya.

"Sapok? Pwedeng kiss na lang?" Sabay ngiti ko ng malapad.

Bigla siyang namula at eto na ang chance ko~

Grab the opportunity!

Hinawakan ko ang mukha niya...

At hinalikan siya.

Ali+En~ Alien ❤ Forever~

- E N D -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top