XXXVIII - Powerful Being
Happy Valentine's Day, mi luvs! I hope you feel my love through this chapter haha~ Enjoy your day! ♡
~ ♡ ~
"He's unconscious... like ten years ago... when we thought you died, Alexandria. Except this time.. he is unconscious because the bond is broken."
"He's unconscious... like ten years ago... when we thought you died, Alexandria. Except this time.. he is unconscious because the bond is broken."
"He's unconscious... like ten years ago... when we thought you died, Alexandria. Except this time.. he is unconscious because the bond is broken."
"He's unconscious... like ten years ago... when we thought you died, Alexandria. Except this time.. he is unconscious because the bond is broken."
Para akong nabibingi sa sinasabi ni Tito Jace. Hindi ko matanggap. Hindi ko maintindihan... kaya ito at tanging pag-atras lang ang magawa ko hanggang sa makalabas ako ng kwarto ni Xenon.
Simula nang narinig nila ang sigaw ko, at pinuntahan nila kami ni Xenon sa may hammock, pakiramdam ko ay parang hangin na lang na dumaan ang bawat sandali. Parang bumilis ang takbo ng oras sa paligid ko hanggang sa napagtanto ko na lang na nasa loob na kami ng beach house, at pilit akong hinihila palayo ni kuya Travis sa pagkakayakap ko kay Xenon. Pigil pigil ako nila kuya Jarvis sa buong oras na sinusubukan ni kuya Hendrix na gamitin ang Healing Ability niya kay Xenon, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay wala itong nagagawa. Hindi siya gumigising at walang nangyayari sa kanyang kahit anong gawin nila.
Hanggang sa dumating si Dana at sinabi niya sa'ming nakita niyang mangyayari 'to kani-kanina lang, isang desisyong matagal ng pinag-isipan ni Xenon– ang ibalik sa akin ang lakas na ibinigay ko sa kanya bilang proteksyon niya noon. Ang putulin ang bond na nagkokonekta sa aming dalawa.
At ngayon... Ang marinig ito mula kay Tito Jace...
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Para akong hindi makahinga at naninikip ang dibdib ko. Imposibleng mangyari 'yon, hindi pwedeng masira ang bond kasi kapag nangyari iyon... mawawala siya. Hindi pwede.
"Hindi pwede..." Nasabi ko na lang nang makalapit sa'kin si kuya Hendrix, at kinulong niya ako sa isang yakap. Napa-upo na lang din ako sa sahig dahil hindi ko na kayang tumayo, nanlalambot na masyado ang paa ko.
"Hindi pwede, Kuya. Hindi ko kailangan ng proteksyon, tumayo lang siya ulit dyan." Paulit-ulit kong inihahampas ang kamay ko sa sahig, umaasang aalis ulit sa katawan ko iyong simbolo ng bond namin ni Xenon at babalik ulit sa kanya. Pero tanging pananakit ng kamay lang ang nakuha ko, at ang mahigpit na paghawak sakin ni kuya Hendrix, pati na rin ni kuya Yohan na ayaw ng bitawan ang kamay ko para siguro hindi ko na ito maihampas.
"Sunshine, please stop doing that." Naririnig ko ang pagsusumamo sa boses ni kuya Hendrix, pero hindi ko kayang sundin ito. Lalo na kung alam kong may isang buhay nanaman na nanganib dahil sa akin.
"Hindi ko na kaya, ayoko na. Ayoko ng maging si Alexandria. Ayoko na Kuya, ibalik niyo na lang ako sa dati kong buhay. Ayoko na ayoko na ng lahat ng 'to, hindi ko na kaya!" Para na siguro akong baliw dito na umiiyak habang sumisigaw, pero wala akong pakialam.
Ayoko na. Pagod na ako sa kapalarang nag-aantay sa akin. Hindi ko ito ginusto.
"Hindi ko naman ito hiniling, Kuya. Gusto ko lang maging masaya, bakit kailangan mangyari 'to? Masyado bang malaki ang kabayaran sa bagay na hinihingi ko? Ayoko na, Kuya, pagod na pagod na ako." Nawalan na lang din ako ng lakas na magpumiglas at hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak sa yakap nila kuya Hendrix at kuya Yohan. Hinayaan ko na lang silang maging suporta ko ngayong hinding hindi ko kaya ang pagguho ng mundo ko.
"Bakit nila ako pinaparusahan ng ganito, Kuya. Gusto ko lang naman maging maayos na ang lahat." Sa bawat tawa ba at masasayang araw ay may sisingilin sila sa akin? Una si Mama Rianne, sunod sila Tita Aleece na nadamay lang, ang paglayo nila Cassandra at Arianne, sila Mommy at Daddy. Ngayon pati si Xenon.
Kung sino man ang may hawak ng buhay ko, ng buhay namin... isang sumpa ba ang pagiging masaya? Isang sumpa na bawat halakhak ay hihingi ng luha?
"Pagod na ako.." Alam kong ilang beses ko ng sinabi na pagod na ako. Ayoko na sa lahat ng responsibilidad na inakay sa balikat ko... Pero ngayon, hindi ko na ito kayang sarilinin. Kaya sa harapan ng mga kapatid ko, ni Tito Jace, nila Cassandra, Dana, Melissa, Raven at Vivienne, gusto kong paulit-ulit na sabihin ito.
"We know baby A, we know." Parang lumalabas lang din sa kabilang tainga ko ang mga salitang binibitawan ni kuya Yohan. Selfish ba ako kung ayaw ko munang makinig ngayon, at gusto ko ako naman muna ang marinig nilang lahat?
Ang sama sama ko ba kung gusto kong isara ang sarili ko sa bawat isa ngayon? Kahit isang araw lang..
"Pagod na pagod na ako." Pagod na akong lumaban, pagod na akong sumubok ng sumubok, pagod na akong dalhin lahat ng problemang 'to, pagod na akong makitang unti-unting nawawala o lumalayo sa akin ang mga napalapit ng tao sa buhay ko. Pagod na akong umiyak.
"Sssh, you no longer need to fight, Sunshine. Kuya will fight your battles for you, rest for now. Okay?" Narinig ko ang mahinang pagpapatahan at bulong sakin ni kuya Hendrix, bago ko naramdaman ang unti-unti niyang paggamit ng Ability niya sa akin.
Ang nakangiti niyang mukha ang huli kong nakita bago ako tuluyang magpadala sa antok at pagod na humihila sa akin.
~ × ~
"Hey, you're awake." Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Cassandra nang idinilat ko ang mga mata ko. Sinimulan din niyang suklayin ang buhok ko gamit ang kamay niya, kaya napatitig na lang ako sa kanya.
"You had a lot on your plate, didn't you?" Tanong niya bigla kahit hindi pa ako sumasagot. Siya na lang din ang muling nagsalita, na para bang hindi niya ako kailangang antayin pang sumagot dahil alam na niya agad.
"We understand, Alexandria. You don't need to keep on pretending in front of us that you're not hurting and that you're not tired. We see it... everyday." Parang naghehele si Cass dahil sa tono ng boses niya, para niyang pinapagaan ang loob ko sa bawat salitang binibitawan niya.
"Galit ba sa'kin sila Kuya?" Hindi ko maiwasang maitanong ito, dahil sa inarte ko kanina sa harapan nila. Umiling-iling naman siya agad at ngumiti.
"Never, Alexandria. They'll never get mad at you for expressing what you feel. We all know that Xenon has been your support all this time, a person who you were able to lean on to.. and knowing that he's in a difficult state right now... it must be so hard on your part." Hindi ako makasagot sa mga sinasabi ni Cassandra sa kadahilanang hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko.
"Would you like to go to him?" Naitanong niya bigla nang mapagtanto siguro niyang hindi naman ako sasagot, pero tanging pag-iling ang nagawa ko. Hindi ko kayang puntahan ulit doon si Xenon para lang makitang wala naman siyang kamalay-malay, at hindi namin alam kung paano siya magiging maayos ulit.
Dahan-dahan na lang akong kumilos para mapa-upo ako sa higaan, at sinandal ko na lang ang ulo ko sa headboard ng kama. Tumabi rin sa'kin si Cassandra kaya yumakap na lang ako sa kanya na parang batang naghahanap ng Nanay.
"Kasalanan ko kung bakit siya ganyan, Cass." Pakiramdam ko ay kailangan ko itong sabihin at ilabas, dahil masyado ng mabigat kimkimin sa sarili ko.
"No, that's not true."
"Noong isang gabing pumunta kami sa Montreal Manor, sinabi niya sa'kin na nararamdaman niyang malapit na siyang mawala. Sabi niya, bilang Manipulator nararamdaman niyang mawawala na siya... Ako yung nagbigay sa kanya ng kapalaran niyang 'yon, hindi ko alam ang gagawin ko.." Hindi ko sinabi ang bagay na iyon kahit kanino kasi pilit kong hinihiling, pilit kong iniiwasang pag-usapan, dahil sana... sana ay hindi totoo. Sana mali lang siya.
Hindi ko naman lubos akalaing mangyayari nga talaga iyon, at agad agad pa. Ang mga bagay pala talaga ano? Kahit pilit mong iwasan, patuloy pa ring gagawa ng paraan upang kusa itong mangyari.
"Alexandria, I think you're forgetting something." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Cass lalo na at may ngiti sa kanyang labi. Magtatanong na sana ako kung ano ang ibig niyang sabihin, pero naunahan niya na ako.
"There are things that happened in the past, things you still don't remember... but you didn't plan it alone. You had someone who helped you. That person knows what happened and I think we need to know that unheard side, so we can figure out a way to save Xenon." Napa-ayos ako agad ng upo ko sa narinig. Nagpalitan din kami ng isang makahulugang tingin, bago ko sinambit ang sagot na kinumpirma niya ng isang tango.
"Dana..."
Para akong nabuhayan bigla ng loob dahil sa realisasyon na iyon. Halos magkanda-ugaga rin ako sa kakamadaling makababa ng kama, at maayos ang sarili ko, kaya naman natawa pa si Cass sa kinikilos ko. Masyado akong napokus kay Xenon, at sa nangyari sa kanya nakalimutan kong nag-aantay nga pala si Dana sa akin, at kung kailan ako handang malaman ang buong nangyari sa kanya.
"Slow down, Alexandria. She won't be going anywhere, she's just downstairs waiting for you to wake up." Hindi ko na lang inintindi ang pagsasaway ni Cassandra at nang maayos ko ang sarili ko ay inaya ko na agad siyang lumabas ng kwarto.
Nadatnan namin sila Kuya, Vivienne, sina Melissa at Raven, pati na rin sina Tito Jace at Dana na nag-uusap usap sa may sala. Andoon din sina Kuya Damon at sir Saturn na nakatayo pareho sa may pintuan, maya't maya ay nagmamasid sa labas.
"Alexandria.." Tawag ni Dana sa pangalan ko nang mapansin niya akong papalapit sa kanila. Pare-pareho tuloy silang napalingon sa akin, at binibigyan ako ng kakaibang tingin na binalewala ko na lang.
"Is everything alright, baby A?" Bakas ang pag-aalala at pagtataka ni kuya Travis sa tono ng pananalita niya. Siguro napapa-isip siya kung bakit para akong hinahabol ng tren kung makapagmadali ako.
"Handa na ako." Medyo hinihingal pa ako nang tuluyan akong makalapit sa kanila, dahil sa naging pagtakbo ko. Napakunot din ang noo ni Dana sa sinabi ko, pero mukhang nakuha rin niya ang ibig kong sabihin sapagkat tumango lang siya, bago ako sinenyasang umupo.
Dumiretso kami ni Cassandra sa upuang katabi nina kuya Jarvis at kuya Hendrix. Sa harapan namin si Tito Jace at Dana, na katabi sina Melissa at Raven. Nasa kaliwa sila Vivienne at kuya Yohan, samantalang nasa may kanan si kuya Travis.
"I'm assuming you have a lot of questions.." Panimula ni Dana na tinanguan ko lang. Ngayong bumuti-buti na siya, napansin kong para pala siyang nakakatakot. Iyon bang makikita mo ang inilalabas niyang confidence, na para bang alam niyang kayang kaya niyang makuha lahat ng atensyon sa isang kilos o salita niya lang... Ang ganda niya, at alam niya iyon. Ang powerful ng presensya niya, at kayang kaya niyang gamitin ang bagay na iyon para sa sarili niyang pangkagustuhan.
"I'll just start by telling you my story..." Ani Dana na talagang pumukaw ng atensyon naming lahat. Maging sina Sir Saturn at kuya Damon ay nasa amin nakatingin.
"It all started when our parents got accused for a crime they know nothing about. They were punished for it, and that also separated us from them." Isa-isa kaming binigyan ni Dana ng makahulugang tingin, animo'y nagpapahiwatig na alam namin kung ano ang tinutukoy niya.
Iyong nangyari sa Lola at Lolo ko, sa mga magulang ni Mommy Scarlett, at ang mga magulang nina Dana at Alfred ang pinarusahan dahil doon. Iyong kinuwento ni Xenon dati noong nagpunta kami sa may museum sa Oakwood– ang pagpapa-alis kanila Dana sa Oakwood, ang pagkasira ng pangalan nila.
"My brother, Alfred, sent me to States after that. He said my life will be better there, and that I'll be able to start a new life... away from people who looks at us disgustingly." Alam mong ang daming hindi magandang karanasan talaga ang dinanas ng mga Pierce, pero ang marinig ito ngayon kay Dana... ang maramdaman mo ang lungkot sa bawat salitang binibitawan niya.. iba pa rin pala.
"Where did you go, exactly? Did you perhaps meet Tita Nichole?" Naitanong bigla ni kuya Yohan, na agad namang inilingan ni Dana.
"Now that's the interesting part, isn't it?" Sagot niya na may malungkot na ngiti.
"I was living peacefully until Stephen... He appeared in front of me and told me he knows who killed my parents, that they didn't really took their life because they were being accused of a crime.. They were killed to shut them up. He told me he knows about it all." Napansin kong lumapit na si Sir Saturn sa likod ni Dana, at hinawakan ang magkabilang balikat nito, para siguro palakasin ang loob niya. Nagpalitan na lang kami ni Cassandra ng tingin, at patuloy na nakinig sa kinu-kwento ng Nanay niya.
"I was naive and gullible. Looking back now, it was easier for him to fool me like that because I was so young– and all I wanted was to see my parents again. And he... He took advantage of that. He's a monster in luxurious clothing, a devil hiding under a prestigious name." Madiin ang pagbabanggit ni Dana ng bawat salitang binibitawan niya, at makikita mo talaga ang galit sa kanyang mga mata. Pero nang dumapo ang tingin niya sa katabi ko ay agad itong napalitan ng panlalambot at pagmamahal.
"I wanted to end my life so many times. I didn't have the courage to face my brother again, nor did I have the strength to tell him what happened to me. I was scared and powerless... And I know that. I know that the moment I lost against Stephen, I also lost my soul to him, my freedom. And the only thing that kept me going that time was the fact that I'm going to be a mother."
"Hindi ka ba mas natakot, Tita?" Rinig kong tanong ni Melissa na inilingan naman ni Dana.
"Mas natakot? I don't think that's enough to describe how scared I felt. I was carrying an innocent baby inside me, and I know I don't have my freedom... Scared is an understatement. But you see, I love my child. She became my strength, my hope and my joy. In a world where freedom is a privilege I can't have, my child became my breathe of fresh air."
Hindi ko alam kung ako lang ba o parang nakita ko ang pangingilid ng luha ni Dana, pero iniwas kasi niya agad ang mata niya kaya di rin ako sigurado. Pansin ko ring napayuko na si Cassandra, marahil ay iniisip lahat ng sinasabi ngayon ni Dana.
"I didn't know that happiness was short-lived though... since Stephen took my child away from me. He started threatening me that he'll kill my daughter if I ever go near her. He told me he'll hurt my brother, my nephew and my niece, too. I was left with no choice... but to just watch Cassandra from afar. And to keep bottling up all those feelings inside of me."
Ang makita ang anak mo pero alam mong hindi mo siya pwedeng hawakan, o lapitan man lang... Hindi ko lubos maisip kung gaano iyon kahirap at kasakit para kay Dana.
Sinasabi niyang powerless siya, pero base sa nakikita ng dalawang mata ko... isa siya sa mga matatapang na babaeng kilala ko. Lahat ng iyon nagawa niyang lampasan, at kayanin. Lahat ng iyon pinagdaanan niya, pero tingnan mo at nakatayo pa rin siya sa dalawang paa niya ngayon. Nakakamangha..
"But I was still thankful that Nichole loved her so much, and that she raised her well. In a house where my child lives with a monster, I still feel at ease that there's someone who will do everything to protect her. So for a moment I went home to Hillwood... and imagine my surprise when a girl approached me... only to say my greatest horror in front of me." Dahil doon ay nagkatinginan kami ni Dana. Alam ko namang ako ang tinutukoy niya, dahil naaalala ko rin ang parteng iyon ng nakaraan ko.
"She knows my secret."
Dito lang ako medyo naguguluhan pa rin kasi hindi pa rin buong-buo ang lahat ng naalala ko. May mga bagay akong nakakalimutan... mga bagay na pakiramdam ko ay sobrang importante.
"I was really surprised... that a child like you knew my secret, Alexandria. Even at a young age, you were already aware that Stephen was manipulating me. You were aware of how vile and dangerous he is."
Napa-awang ang aking bibig sa sinabi ni Dana. Hindi lang ako, maging sila Cassandra na rin at napatingin pa sila sa akin.
Alam ko?
"Manipulating..." Narinig ko ang pag-uulit ni Kuya Jarvis ng salitang binanggit ni Dana, kaya nabaling din sa kanya ang tingin ko, bago ko ito muling ibinalik kay Dana.
"Dana... Nalaman kong minamanipula ka ni Tito Stephen? Siya... marunong magmanipula?" Napatango tango naman si Dana sa sinabi ko, hindi nagbago ang reaksyon sa kanyang mukha na para bang inaasahan talaga niyang hindi ko maaalala ang bagay na ito.
"Stephen is the Manipulator, Alexandria. I don't know how Xenon became the Manipulator, too, and that's something that we still need to find out. But, I assure you that what I'm telling you right now is the truth." Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila Kuya, at nila Melissa... maging sila Tito Jace, kuya Damon at Sir Saturn ay halatang nagulat. Samantalang ako, napupuno lang ng mas madaming tanong ang utak ko.
Paano ko nalamang Manipulator si Tito Stephen noon? At bakit hindi ko sinabi agad kanila Daddy? Ano pa ba ang hindi ko maalala?
"Baby A and Xenon had a bond when my sister saved Xenon, and we know that's the reason why he became the Manipulator. I'm pretty sure that Alexandria never saved Gabriel, because we know he was staying in the States the whole time. How did he become a Manipulator, then?" Takang takang tanong ni kuya Yohan. Hindi ako tumitingin sa kanila dahil kung saan saan na tumatakbo ang isipan ko, pero nakikinig naman ako.
Kaya nga siguro nakuha ni Vivienne ang atensyon ko nang magsalita siya.
"What if we're wrong all this time? What if Xenon being a Manipulator doesn't have anything to do with his and Alexandria's bond?" Kung ganoon ang sinasabi ni Vivienne, at kung tama siya... Paano naging Manipulator si Xenon? At paano naging Shield si Raven?
"Of course it has nothing to do with Alexandria saving Xenon. It's all Alessandra's doing." Pare-pareho siguro kaming napakunot ang noo sa sinabi ni Dana, dahil ang gulo nito.
"And Alessandra, as we all know, is Alexandria.. So what do you mean?" Si Dana naman ang napa-awang ang bibig sa naging sagot ni Kuya Travis, bago siya natawa ng mahina at umiling-iling.
At kung akala ko ay gulong-gulo na ako sa buhay ko, mas lalo pa pala itong lalala. Mas lalo pa palang guguho lahat ng akala kong pinaniniwalaan ko dahil sa isang katotohanang narinig naming lahat. Isang katotohanang alam kong hindi lang ako ang nabigla, at mabibigla...
"You got it all wrong. Alexandria is not the Powerful Being.. And everything that's happening now, it's not her fault. Xenon and Stephen being a Manipulator doesn't have anything to do with her. All of these? They're Alessandra's doing all this time... and yes, Alessandra is very much alive in this world."
Sino... Sino si Alessandra?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top