XXXVII - Game Changer

        "Sa totoo lang bakit ba siya kinakabahan dyan? Hindi naman nangangain ang Tita Dana ko." Napanguso si Melissa habang tinitingnan si Cassandra na kanina pa naglalakad ng pabalik-balik sa harapan namin. Andito kami sa may patio dahil ayon kay Cass ay kailangan niya ng practice kung paano babatiin si Dana.

         "Hayaan mo na siya, syempre hindi naman kilala ni Cassandra si Dana katulad ng kung paano mo siya kilala." Nang malaman kasi ni Cass na andito pala si Dana ay bigla siyang nataranta. Sabi pa niya ay balak talaga niyang makausap si Dana, ngunit hindi niya raw akalaing ngayon iyon agad mangyayari.

        "Hmmm sabagay." Rinig kong sagot ni Melissa, tapos ay sinandal na niya ang ulo niya sa balikat ko. Pareho kaming napatingin na lang kay Cassandra na ngayon ay kinakausap na ang sarili, siguro'y pinapalakas ang loob niya.

       "Melissa, ano bang klase ng tao si Dana?" Hindi ko alam kung bakit ko ito naisipan itanong bigla. Siguro kasi iba naman ang pagkakakilala ko sa kanya, at sa pagkakakilala ni Melissa sa Tita niya.

        "Para siyang si Cassandra, sa totoo lang. Walang halong biro."

        "Talaga?" Tumango-tango ito.

        "Dati kapag nakikita namin si Tita Dana, hindi pa namin alam na may anak pala siya o na may pinagdadaanan siya, pero alam mo 'yon parang ang snob niya. Yung para siyang tao na alam lahat ng gagawin niya, marunong dalhin sarili niya, hindi palasalita pero kapag kasama kami lagi siyang natatawa. Hindi ko rin kilala si Cassandra, pero sa mga panahon na naobserbahan ko siya, hindi sila nagkakaiba." Ako naman ang napatango sa sinabi niya, dahil ganoon na ganoon nga si Cassandra noong una. Pag kasama kami ni Arianne ay nagiging maingay din siya, pero kapag nakita mo siya mula sa malayo at abala sa Student Council duties niya ay aakalain mong nakakatakot siyang lapitan. Para kasing alam niya lahat ng gagawin niya, at hindi niya papayagan ang isang pagkakamali sa paligid niya. Bukod pa roon ay ang strikto niya, kaya minsan binibiro namin siyang Nanay namin ni Arianne kasi lagi niya kami sinasaway sa mga kalokohan namin.

         "Tapos ngayon pareho din sila..." Napalingon ako kay Melissa nang marinig ko iyon. Napa-ayos na rin siya ng upo at diretsong napatingin kay Cass.

       "Pareho sila ni Tita Dana na may pinagdaanang hindi maganda, dahil lang sa pilit silang pinaglalayo ni Gabriel. Ang selfish na iyon, masunog siya ng buhay." Dahil sa sinabi niya ay napatingin din ako kay Cassandra.

        Dana at Cassandra... Grabe ang pinagdaanan nilang dalawa kay Gabriel. Pero kahit ganoon ay nagawa pa rin nilang bumangon, hindi lang para sa sarili nila kung hindi ay para na rin sa mga mahal nila sa buhay. Pareho silang malakas at matapang, mag-ina nga sila.

        "Alexandria... May tanong pala ako." Muling nakuha ni Melissa ang atensyon ko kaya agad ko rin siyang binalingan ng tingin.

        "Ano 'yon?"

         "Ganito kasi 'yon.. May kaibigan kasi ako tapos yung kaibigan ko may kaibigan siya. Tapos hindi sila magkabati ngayon kasi yung kaibigan ko naiinis siya doon sa kaibigan niya. Paano kasi yung kaibigan niya gusto na hindi sasama yung kaibigan ko sa kaibigan niya sa... Sandali nalito ako."

         Hindi ko maiwasang matawa dahil kay Melissa, pati na rin sa naging reaksyon niya.

        "Melissa, pwede mo namang sabihin na ikaw 'yon at si kuya Yohan. Wag mo na pahirapan sarili mo." Agad naman akong nakatanggap ng palo sa braso mula sa babaeng katabi ko, tapos ay yumuko pa siya at kitang-kita ko ang pamumula sa mukha niya.

         "Huy hindi! Bahala ka d'yan, pasok na nga lang ako sa loob." Mas lalo na lang akong natawa kasi ang bilis din niyang tumayo at umalis papasok sa loob ng beach house. Maging si Cassandra ay napatingin sa kanya, nakakunot ang noo.

         "Does... she have a problem?" Nagtatakang tanong ni Cass habang naglalakad palapit sa akin, kaya ngumiti na lang ako at umiling.

        "Nag-LQ lang sila ni kuya Yohan." Sumilip naman ang isang ngiti sa labi ni Cassandra sa narinig, tapos ay umupo siya sa inuupuan ni Melissa kanina upang tumabi sa akin.

        "I have missed a lot of things, didn't I?" Isang tanong na alam kong hindi naman niya hinahanapan ng sagot. Sinundan din ito ng isang buntong hininga, kaya sinandal ko na lang din ang ulo ko sa balikat niya.

        "Hindi mo naman 'yon ginusto, Cass. Isa pa, ngayon ligtas ka na. Kasama ka na ulit namin."

         "Didn't you get mad at me at all, Alexandria? I pushed you away a lot of times. I said hurtful words..." Tanong nito kaya niyakap ko na lang siya.

        "Hindi ako galit, Cass. Kasi kapag nakikita naman kita ay yung kaibigan ko pa rin ang nakikita ko. Yung taong unang nagparamdam sakin na hindi pala ako mag-isa sa Montecillo Academy. Lahat ng mga bagay na sinabi mo at nagawa mo, hindi mo man ginusto, ay parte ng pagkatao mo. Alam kong mahirap sayo na tanggapin 'yon, pero gusto kong malaman mo na ako, tanggap ko lahat ng 'yon. Kasi best friend kita."

         Minsan sadyang may mga bagay talaga na palagi mong ku-kwestyunin sa sarili mo. Para kay Cassandra iyon ang mga bagay na nagawa niya, mga bagay na nangyari sa kanya, at ang buong pagkatao niya. Masyadong mahirap iyon, kaya bakit ko pa gugustuhing dagdagan ang paghihirap niya?

        "Do you think... Dana will accept me like that?"

         Napangiti ako sa narinig.

        "Mahal kita bilang best friend, pero mas grabe magmahal ang isang Ina, Cass. Kahit ano pang nangyari, o mangyari, tanggap ka niya ng buong buo. Kung ikukumpara mo lahat ng pagmamahal namin sa'yo, mangingibabaw pa rin ng sobra yung pagmamahal ni Dana." Totoo naman talaga iyon, dahil ako mismo nakita ko kung ano ang kayang gawin ni Dana para lang masiguradong ligtas ang anak niya. Nagawa nga niyang itapon ang kalayaan niya para lang sa ikakabuti ng kaibigan ko. Para sakin, wala ng makakahigit sa pagmamahal niya kay Cassandra.

        "But what do I say to her? Do you think I should prepare something? I don't know where to start. What if I stutter in front of her?" Natawa ako hindi lang sa mga sinasabi niya, pero dahil na rin nararamdaman ko ang kaba at pagkataranta niya sa boses niya.

        "Cass, hindi ka haharap sa faculty o sa Student Council Meeting. Hindi mo kailangang maghanda ng speech, o pag-isipan ano sasabihin mo. Dahil kapag nag-usap na kayo kusa na lang naman 'yan na lalabas sa'yo." Bumuntong hininga naman siya sa sinabi ko, tapos tumango-tango na para bang napagtanto na niya ang mga bagay bagay.

        "You're right.. That's why I decided to not wait. Can you bring me to her room?" Napa-upo ako ng maayos sa narinig at napatingin din ako kay Cassandra para lang makita ang pinalidad sa mga mata niya. Isang desisyon na hindi magbabago dahil sa laki ng kagustuhang ipinapakita niya. Nakita ko na lang ang sarili kong tumatango at ngumingiti sa sinabi niya, bago ko siya inayang pumasok sa loob.

         Pagpasok namin ay nadaanan namin sila kuya Yohan, kuya Hendrix, kuya Travis at kuya Jarvis na pare-parehong abala sa paglilinis ng mga weapons nila. Nginitian lang namin sila bago kami pumanik paakyat, patungo sa kwarto sa may pinakadulo kung nasaan si Dana. Hindi ko alam kung gising na ba siya, pero sana ay oo na.

        "Bago ka pumasok sa loob... Gusto kong malaman mo na bumalik na ang mga alaala ni Dana. Bumuti ulit siya dahil nakita ka niya, kaya kung may gusto kang itanong sa kanya... Alam ko magsasagot niya na 'yon." Isang tango ang sinagot sakin ni Cassandra, tapos ay humugot din siya ng malalim na buntong hininga kaya mas napangiti na lang ako.

        Hawak hawak na niya ang doorknob nang muli siyang umatras at tumingin sa akin, kaya napakunot naman ang noo ko. Tatanungin ko na sana siya kung anong problema, pero inunahan niya na ako.

        "I'm... shy." Dalawang salitang nagpa-awang ng bibig ko dahil sa gulat. Akalain mo nga naman...

        "Bakit? Sabi nga ni Melissa hindi ka naman niya kakainin?" Hindi ko alam kung bakit ako natawa sa sinabi ko, tapos ay nakatanggap pa ako ng masamang tingin mula kay Cass. Ngunit, hindi naman iyon nagtagal dahil maging siya ay natawa na lang din.

         "I thought I- Cassandra..." Natigilan kami pareho ni Cass nang bumukas bigla ang pinto at gulat na gulat na napatingin sa amin si Dana. Napa-awang din ang bibig niya habang maluha-luhang nakatingin kay Cassandra kaya napangiti na lang ako.

        "What are you doing up? Are you okay now? Are you still feeling unwell?" Sunod sunod bigla na tanong nito, na mukhang ikinagulat ng kaibigan ko dahil lumingon siya sa akin. Tinanguan ko lang siya at nginitian para palakasin ang loob niya.

        "Do you need something, Ma Vie? Would you like to come inside?" Sa mga oras na ito hindi ko kailangan ng Ability para malaman kung gaano kasaya si Dana. Sa mga mata pa lang niya ay makikita mo na ang kagalakang nararamdaman niya. Ni hindi nga niya ata napapansin na andito ako dahil hindi niya magawang maalis ang tingin kay Cass. Nakakatuwa..

        "I'm sorry... for bothering you. I just wanted to... talk." Tanging sagot ni Cassandra na halos pabulong na. Nanlaki rin bigla ang mata niya nang abutin ni Dana ang kamay niya upang ikulong ito sa palad niya.

        "Anything you need, I'm here. Halika." Inaya ni Dana si Cass na pumasok sa kwarto nito, na agad namang tinanguan ng kaibigan ko. Nagpatianod na lang din ito kaya sinundan ko na lang sila ng tingin. Hindi ko rin magawang alisin ang ngiti sa labi ko dahil sa tuwa.

         Naiwan pa ni Dana na nakabukas ang pinto kaya nakita ko pa silang naka-upo sa dulo ng kama. Pareho silang nakatingin lang sa isa't-isa, animo'y walang pakialam sa paligid nila. Inabot ko na lang ang door knob para unti-unting isara ang pinto bago ako umalis.

         Kailangan nila ng privacy at mukhang marami-rami silang kailangang pag-usapan.

        "I don't know where to start, but I'd like to say I'm sorry." Bago ko tuluyang masarado ang pintuan ay iyon ang huli kong narinig mula kay Cassandra. May kakaibang tuwa na namuo sa loob ko dahil doon.

         Kung ano man ang mapag-uusapan nila, nasisiguro kong magiging hakbang na iyon para maging mabuti ang relasyon nila sa isa't isa. Hindi man mangyayari agad, ayos lang iyon. Marami pa silang oras para bumawi sa kanilang dalawa, at sa mga sarili nila.

        Bumaba na lang ako ng hagdan para sana maghanap ng makaka-usap, pero abala pa rin sila kuya sa mga weapons nila. Pati na roon sa mga weapons na nakuha ko sa study nila Daddy, kaya hinayaan ko na lang sila. Hindi ko rin mamataan si Vivienne, Melissa o Raven, tulog na siguro. Dumiretso na lang ako sa labas para magpahangin, kampante naman akong ligtas dito dahil nakakalat ang mga security personnel nila Tito Jace.

        Balak ko sanang maglakad-lakad lang sa may buhangin, pero namataan ko ang isang hammock na nakasabit sa dalawang puno ng niyog, kaya doon ako nagtungo. Mula rito ay makikita ang kagandahan ng buwan na tila sumasalamin sa tubig sa ibaba, na sinasamahan pa ng mahihinang hampas ng alon.

          Nakakakalma.

         Itinuon ko na lang ang tingin ko sa harapan, habang iniisip iyong napanaginipan ko kanina. Iyong pagpapakita sa akin ni Aria, iyong babaeng kasama niya. Ewan ko, hindi ko kasi maipaliwanag pero parang pamilyar iyong presensyang inilalabas niya. O baka rin namali lang ako tutal ay panaginip lang iyon.

         "Hays."

         "Ang lalim naman ng buntong hininga na yan Peppermint, baka mas malalim pa yan sa dagat ha." Agad akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Raven. Isang mapaglarong ngiti rin ang ibinigay niya sa akin, bago lumapit at tumayo sa harapan ko.

        "Akala ko tulog ka na."

        "Akala mo lang 'yon, kasi hindi mo ako hinanap. Sa iba ka kasi lagi nakatingin." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, at alam kong alam niyang naguguluhan ako pero tumawa lang siya, at ginulo ang buhok ko.

          "Anong sinasabi mo?" Hindi ko maiwasang magtaka, pero itinawa niya lang ito ulit tapos ay umiling-iling.

        "Wala naman, ano bang ginagawa mo rito?" Tinanong niya iyon habang lumilinga-linga sa paligid, hanggang sa madapo rin sa tanawin sa harapan ang tingin niya.

        "Nagpapahangin." Kaso ay mukhang hindi narinig ni Raven ang sinagot ko dahil natulala na siya sa dagat sa harapan. Kinailangan ko pa siyang tapikin ng mahina sa braso para makuha muli ang atensyon niya.

        "Ayos ka lang ba?" Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala kasi parang ang kakaiba ng mga ikinikilos niya ngayon, at sinasabi. Pero tumango naman siya, tapos ay tiningnan ako ng diretso sa mata.

         "Naalala ko lang yung isang babaeng nakilala ko." Aasarin ko pa lang sana siya, pero inunahan niya na ako. "Wag kang mag-isip ng kakaiba dyan, hindi gano'n. Tsaka kung sakali kailangan niya pa rin pumila, hindi ako nakukuha ng basta basta 'no."

          Natawa na lang ako sa kanya. Kahit anong mangyari, napakayabang pa rin talaga ng isang ito.

        "Bakit mo siya naalala?"

        "Wala naman, sabi niya kasi nanggaling daw siya sa lugar na may mas magandang buwan." Kahit parang palabiro ito madalas si Raven, nakikita ko ngayon sa mga mata niya na talagang napapaisip siya sa mismong salitang binitawan niya. Tila naglalakbay din ang isipan niya kung saan, marahil ay doon sa babaeng sinasabi niyang nakilala niya.

        "Saan 'yon?" Pagsasakay ko na lang sa mga ikinukwento niya. Baka kasi mamaya ay may problema pala ang isang ito tapos hindi niya lang sinasabi sa ate niya.

        "Hindi ko alam. Basta ang sabi niya, alam niyang may kailangan akong gawin at alam niyang gagawin ko 'yon kahit anong mangyari." Ha?

        "Ano daw iyon?" Kunot noo kong tanong dahil nagtataka na talaga ako sa mga sinasabi ni Raven. Umiling lang naman siya at tumawa, saka ako sinagot. "May kailangan daw akong ibalik na hindi naman sakin. Tapos naalala ko kinuha ko pala dati yung ballpen mo, kailangan mo pa ba 'yon? Marami ka naman sigurong ballpen."

        Napa-awang na lang ang bibig ko sa sinabi niya, at napa-irap. Akala ko naman kung ano na. Kahit kailan talaga ang Raven na 'to, hindi mo rin malaman ano tumatakbo sa isipan niya.

       "Alam mo kahit di mo sabihin alam kong ikaw lang naman laging kumukuha ng ballpen ko, kaya lagi akong nawawalan dati." Tanging malakas na tawa na lang ang isinagot niya, bago tumalikod.

        "Ewan ko sa'yo, Peppermint. Kailangan ko na ng beauty rest." Aniya at dire-diretsong naglakad paalis, kaya napa-iling na lang din ako.

         Beauty rest. Hay naku, Raven.

        Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa buwan sa harapan. Napapa-isip sa sinabi niya..

         Galing sa lugar na may mas magandang buwan.. May ganoon ba?

~ × ~

       "Hey..." Naalimpungatan ako nang may marinig akong boses, at may maramdaman akong tumatapik ng mahina sa balikat ko. Isang ngiti ang agad na sumilay sa labi ko, at napatayo rin ako agad nang makita kung sino ito.

         "Xenon!" Wala na akong pakialam kung napalakas ang sigaw ko, lalo pa't napayakap na lang ako ng mahigpit sa kanya. Ikinatawa niya ito ng mahina, pero hinayaan ko na lang.

         "Ayos ka na." Bulong ko na tinanguan niya naman. Mukhang kakagising niya lang. Kinailangan niya lang talaga ata ng sobrang habang pahinga.

         Nang humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya ay inayos naman niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaka-takip na ng mata ko. Sa sandaling ginagawa niya iyon ay nakatingin lang ako ng diretso sa kanya, sinusubukang tandaan ang bawat sulok ng kanyang mukha.

         Sa tuwing makikita ko kasi siya, pakiramdam ko lagi ay mawawala siya anumang segundo. Pakiramdam ko ay mawawala siya ng parang bula at iiwanan ako.

         "Why did you sleep here?" Naitanong niya bigla, kaya naalala ko namang andito pa rin pala ako sa may hammock. Mukhang nakatulog nga ako rito.

         "Hindi ko sinasadya. Narelax lang siguro ako sa lugar." Tanging tango lang ang isinagot niya, bago siya tumabi sa akin at bumaling din sa harapan.

         "Dad told me everything that happened. I'm sorry, I wasn't there to help and protect you." Umiling naman ako agad sa sinabi niya. Dahil kung usapang pag protekta lang naman, masyado na siyang madaming ginawa sa bagay na iyon. Kahit malayo siya ay nagawa niya akong protektahan, tapos noong wala kami ay nagawa niyang protektahan ang isang bagay na mahalaga rin sakin– ang Academy at ang mga estudyante nito.

        "Masyado ka ng madaming nagawa, Xenon. Ano ka ba.." Inabot ko na lang ang kamay niya upang ikulong ito sa dalawang palad ko. Napansin ko namang sinundan niya ito ng tingin, at may kakaibang lungkot sa mga mata niya kaya hindi ko maiwasang mapakunot ng noo.

        "May problema ka ba?" Hindi talaga mapanatag ang loob ko. Kanina ko pa nararamdaman itong hindi ko maipaliwanag na pangangamba simula nang makita ko siya.

         "I heard that Dana regained her memories. I'm so happy for you.." Tila pag-iiba niya ng usapan, kaya mas lalo akong nagtaka. Pero hindi naman muna ako sumagot, at hinayaan ko na lang siyang magsalita. Hindi ko rin naman magawang alisin ang mga mata ko sa kanya.

         "Once she tells you everything, that should lessen the pain and guilt your feeling. Once we find out the missing piece, then that will help you be at peace... and that's the only thing I want." Inangat naman niya ang tingin niya sa akin upang matingnan ako ng diretso sa mata. Sa ilang segundo ay namayani ang katahimikan sa amin, at tanging ang alon lang sa di kalayuan ang maririnig.

       "I know I told you that I kept Dana under my protection because I know how important she is to you. She's our key, the game changer we need. But more than that, I wanted to protect her so she can tell you that none of these– all the bad things you've been punishing yourself for, they're not your fault, Alexandria." Parang tumigil ang tibok ng puso ko dahil sa mga salitang binibitawan niya.

        Alam niya... Alam ni Xenon lahat ng nararamdaman ko. Alam niya ang lahat ng pagsisisi ko, ang lahat ng paninisi ko sa sarili ko, ang bigat ng konsensya ko dahil sa lahat ng nangyari. Alam niya iyon lahat, at ang gusto niya lang ay matigil iyon.

          Hindi ko alam kung bakit namumuo ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko, lalo na nang idinikit niya ang noo niya sa akin, at ipinikit ang mga mata niya. Binawi rin niya ang kamay niya sa palad ko, at siya ang kusang humawak ng kamay ko.

         Lumakas bigla ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na kaba, lalo na nang pagdilat niya ng mata niya ay naka-Ability mode na ito.

        "You should know that whatever happens, it's not your fault. You shouldn't be too hard on yourself, because you've already done enough.. More than enough to help and save people. You're one strong woman, my Alexandria. My brave girl, I trust in you always.. And I hope you trust yourself, too."

          Unti-unting inilapat ni Xenon ang labi niya sa noo ko. Sasagot na rin sana ako, pero bago ko pa magawa ay naramdaman ko na ang kakaibang sakit na namumuo sa may palapulsuhan ko, kaya agad ko itong tiningnan.

         Napa-awang na lang ang bibig ko nang makita ang pagliwanag ng palapulsuhan ni Xenon kung nasaan nakalagay iyong serpentine tattoo niya, iyong weapon na nagkokonekta sa aming dalawa. Unti-unti itong lumipat sa kamay ko kasabay ng kakaibang sakit na namumuo sa buong katawan ko, at ang dahan-dahang panghihina ni Xenon.

          "XENON!!!" Isang malakas na sigaw na lang ang napakawalan ko, at wala akong pakialam kung makakabulabog ito ng ibang tao.. Dahil ngayon sa mismong mga kamay ko ay nakasandal ang isang taong hindi nagsawang bigyan ako ng tapang at lakas ng loob. Ang isang taong laging ginagawa ang lahat para protektahan ako. Ang isang taong naging sandalan ko noong panahong hindi ko alam kung saan ako kakapit.

         "XENON!" Sunod sunod na lang ang naging pagtulo ng luha ko nang tuluyang mawala ang ilaw ng serpentine tattoo, at wala na ito sa kamay niya. Nalipat na ito ulit sa akin, at ngayon ay wala na siyang kamalay malay.

         Xenon, anong ginawa mo? Anong ibinigay mong kapalit para masiguro nanaman ang magiging kaligtasan ko...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top