XXXV - Ma Vie
Si Tito Stephen ay si Gabriel Morte, at hindi niya tunay na kapatid si Zee, o Veronica Zephie Castile.
Ang unang kasalanang nagawa ni Gabriel sa pamilya namin ay ang pagpatay o pagpapatay niya sa Lolo at Lola ko– ang mga magulang ni Mommy Scarlett.
Pagkatapos ibintang ang kasalanang nagawa niya sa mga magulang ni Dana at Alfred Pierce, patuloy siyang namuhay ng maganda bilang asawa ni Tita Nichole.
Sa gitna ng lahat ng iyon, nagawa niyang sirain ang buhay ni Dana Pierce, tapos ay kinuha pa nito si Cassandra mula sa kanya. Para ano? Para maipalabas na walang pakialam si Dana sa anak niya. Para madala si Cass sa puder niya?
Samantalang si Victoria na naging anak niya kay Tita Zee ay iniwan nila sa ibang pamilya. Hinayaan nila itong lumaking 'ampon' sa ibang tao, mapuno ng inggit at galit kay Cassandra.
Mukhang ang dami rin niyang oras sampung taon na ang nakakaraan, dahil sa hindi malamang rason ay siya rin ang nasa likod ng lahat ng killing spree noon ng mga bata. Hindi ko alam kung bakit... Pero sigurado akong siya ang may kagagawan ng mga krimeng iyon.
Naalala ko noong bumalik na sa Hillwood si Dana, dala niya hindi lang ang senyales na nagsisimula na ang lahat, hindi lang ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Cass kung hindi ay pati ang parte ng alaala ko kung saan kasama siya. Noong dumating siya ulit dito at dinala niya ako sa bahay ni Mama Rianne ay nanumbalik sa akin ang memorya ko kung saan ako ang unang lumapit sa kanya.
Sampung taon na ang nakakaraan ay nilapitan ko si Dana, dahil nalaman ko noon kung ano ang sikretong tinatago niya– si Cassandra at ang nangyari sa kanya. Ginawa kong kagamitan ang pinagdaanan niyang iyon para hingian siya ng tulong, at iyon ay ang tulungan akong magtago at paghandaan ang 'pagkamatay' ko.
Noong mga oras na iyon hindi ko pa maalala kung sino ang gumahasa sa kanya, ang taong kinakatakutan niya at ang likod sa lahat ng mga ginagawa niyang labag sa loob niya. Hindi ko pa iyon maalala, pero nang matuklasan ko ang tungkol kay Gabriel Morte ay saka ko lang napagtagpi-tagpi ang mga bagay bagay.
Kaya nakakasiguro akong si Gabriel Morte rin ang nasa likod ng killing spree na nangyari noon. At kung tama ang alaala ko... natigil ang pagpatay sa mga bata noon simula nang atakihin nila si Raven.
Si Raven ay muntik ng maging biktima ng mga tauhan ni Gabriel, pero nailigtas ko siya... at doon nagsimula ang pagkokonekta niya sa akin. Dahil sa pagligtas ko sa buhay niya ay naging Shield siya.
Ang tanong lang na gumugulo sa'kin.. Bakit siya natigil kay Raven? Anong kailangan niya noon?
May galit ba siya sa mga Pierce? Tapos sa amin, hindi ko alam kung ano ang problema niya. Tinanggap naman siya ni Daddy para kay Tita Nichole, binigyan ng posisyon bilang Head ng Hillwood... naging parte ng pamilya namin. Kaya ano ang motibo niya sa lahat ng ito?
Bakit siya umatake sa Academy noong Hillwood Day? Bakit niya kami paulit-ulit na sinubukang patayin sa pamamagitan ng pagpapadala niya ng mga tao para pagtangkaan ang buhay ko? Ang buhay ni Mommy?
Anong rason niya sa pag-aatake muli ng Academy? Sa amin noong nasa Central kami? Sa puntong ito ay hindi na nga ako magugulat kung sakaling may iba pa siyang mga kasalanan.
Nabanggit ni Victoria na malakas ang Daddy niya. Iyon ba ang habol ni Gabriel? Ang kapangyarihan?
Tapos sa lahat ng ito, kailangan pang sumabay ng kung ano man ang mayroon sa aming tatlo nila Raven at Xenon. Alam ko namang ako ang nagplano ng atakeng nangyari sa amin sampung taon na ang nakakaraan, ang atakeng naging rason para mawalay ako sa pamilya ko. Pero hindi ko naman iyon gagawin kung hindi ko alam na may nagtatangka sa buhay ko noon.
Posible bang si Gabriel din iyon? Kung oo, bakit? Anong kailangan niya sa akin?
Hays.
Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga na lang kakaisip ng mga ito. Gusto ko ng mapagtagpi-tagpi ang lahat, pero sa bawat sagot na nakukuha ko ay mayroon pang dumadagdag na katanungan.
Kung mabuti lang sana ang lagay ni Dana, siguro matagal ko ng nalaman ang mga hinahangad kong katotohanan. Kaso, ganoon pa rin naman ang lagay niya, wala pa ring pagbabago.
At ngayon, pati si Cassandra ay nalagay sa alanganin.
Gamit ang kaliwang kamay ko ay sinuklay ko na lang ang buhok niya. Ang payapa niyang natutulog habang naka-unan sa hita ko. Ganito siya simula pa nang isakay namin siya sa sasakyan, at umalis kami ng bahay nila. Akala ko nga maaabutan kami roon ni Gabriel, o kahit ni Zee, pero mukhang abala ata talaga sila. Iyong ilang security personnel na lang ang naiwan doon pag-alis namin.
"Alexandria..." Nilingon ko si Melissa nang marinig ko ang mahinang pagtawag niya sa akin. Nakaupo siya rito sa kanan ko, siya ang nasa may tabi ng window.
"Pwede bang doon muna kami sa inyo pagdating natin sa mansion niyo? Ayaw kong umuwi ng kami lang ni Raven sa bahay, tapos wala sila Mommy. Kahit wala sila ng ilang buwan dati, mas nakakalungkot ngayon kasi hindi natin alam kung nasaan sila." Nanlambot ang puso ko sa tinuran niya, kaya gamit ang kanang kamay ko ay inabot ko ang ulo niya at ipinasandal sa balikat ko. Hinahaplos ko rin ang buhok niya para kahit papaano ay maramdaman niyang pwedeng pwede niya akong sandalan.
"Kahit hanggang kailan niyo gusto. Saka wag kang mag-alala, hahanapin natin sila. Makakasama ulit natin sila." Naramdaman ko na lang ang pagtango niya, kaya hinayaan ko na lang din muna siyang mamahinga. Bumabyahe kasi kami ngayon pauwi ng Montecillo Mansion.
Muling yumakap ang katahimikan sa buong sasakyan, lalo pa at tulog ata si Vivienne sa may passenger's seat. Nakapikit lang kasi ang mata niya simula pa kanina. Nasa likuran naman namin si kuya Damon na walang imik, at nakamasid lang sa mga nadadaanan namin sa labas.
Maya maya lang ay nakita ko na ang pagliko namin papunta sa street kung asaan ang bahay namin. Wala akong ibang maisip kung hindi ang paggaan kahit papaano ng loob ko, sapagkat sa wakas ay mararamdaman naman naming ligtas kami sa lugar na iyon. Sa dami ng nangyari sa loob lang ng dalawang araw, ang magkaroon kami ng ilang oras na walang iniisip at walang kinakatakutang kaaway ay sapat na...
...at sa Montecillo Mansion namin iyon mararamdaman sa ngayon. Lalo na at alam naming kahit wala sila Mommy ay sigurado namang protektado kami roon.
Ewan ko pero nang makita ko ang gate ng mansion ay napangiti ako. Pahinga.
Naalala ko noong namatay si Mama Rianne, at naging tahanan ko ang lugar na ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon, pero kahit paano ay naramdaman kong ligtas ako rito. Ngayon, ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Ang Montecillo Mansion pa rin ang pahinga ko– ang pahinga namin.
"Baby A, go take some rest. We'll take care of Cassandra." Nadala ata ako masyado ng mga iniisip ko, ni hindi ko napansing huminto na pala kami sa tapat ng bahay. Nakababa na rin si Melissa at nakatingin sa akin, inaantay akong bumaba rin. Kaya naman tumango na lang ako kay kuya Hendrix, at dahan-dahang inalis ang pagkaka-unan ni Cass sa hita ko.
Nang magawa ko iyon ay agad namang binuhat ni kuya Hendrix si Cassandra, at pumasok na siya sa loob. Paniguradong dadalhin niya ito sa kwarto niya at gagamitan ulit ng Ability niya para masigurong ayos lang ito.
"Ate, are you okay?" Iyon ang narinig kong tanong ni Raven nang makalapit siya sa amin. Sinagot naman siya ni Melissa ng isang tango at tipid na ngiti.
"I'm okay, just tired. Ikaw dapat tinatanong ko, ako ang Ate mo." Pakiramdam ko ay naninibago akong hindi sila nag-aaway... Pero isa na rin itong patunay na sobrang mahal talaga nila ang isa't isa. Alam ko na iyon dati, pero mas malinaw na sakin ngayon.
Sila rin ang sandalan nilang dalawa.
"Tara, sasamahan ko kayo sa mga kwartong pwede niyong gamitin. Magpahinga na rin muna kayo, siguradong ipapaayos na lang nila Kuya ang hapagkainan mamaya." Kitang kita ko kasi ang pagod sa mga mata nila, kaya inaya ko na agad silang pumasok.
Hindi ko na sila inantay na sumagot, at ikinawit ko na lang ang kamay ko sa kanila para napapagitnaan nila ako, saka ko sila hinila papasok ng bahay. Bago kami tuluyang makaalis doon ay nakita ko pa si Vivienne na kinakausap ang ilan sa mga security personnel nila, pati na rin si kuya Yohan.
Humihikab na si Melissa nang iwanan ko siya sa magiging kwarto niya rito sa mansion. Katabi lang din iyon ng silid ng kapatid niya. Nakasalubong ko naman si Vivienne nang papunta na sana ako sa kwarto ko.
"Do... you plan on telling them?" Isang simpleng sagot ang binigkas niya, kaya natigilan ako. Pagharap ko sa kanya ay saka ko napansing nakalingon siya sa akin, nag-aantay ng sagot.
Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya...
Ang pagkawala ng Ability ko.
Kung pu-pwede sanang hindi sabihin na lang, para hindi na makadagdag sa iniisip nila... Kaso alam kong mas lalong makakasama kung ililihim ko iyon. Lalo na sa mga nangyayari ngayon.
"It's okay if you don't want to answer me... but let me give you an advice." Naiangat ko ang aking tingin sa kanya nang marinig iyon, kanina kasi ay napayuko na ako.
"Secrets hurt especially if it's from a family. Take it from someone with an experience."
Hindi na niya ako inantay pang sumagot, at mabilis ng naglakad paalis. Naiwan na lang akong napapa-isip kung gaano ba kasakit para sa kanya noon ang malaman ang ilang nga sikreto mula sa buhay niya... Mga sikretong hindi niya naman inasahan at ginusto.
Hay Vivienne... tingin ko ay naiintindihan na kita.
~ × ~
Kung tutuusin hindi naman mahirap sabihin kanila Kuya na wala na akong Ability. Ang nakakatakot lang ay kung ano ang pwedeng idulot nito sa amin sa mga susunod na araw.
Bukod na rin sa tama si Vivienne, alam ko rin na mas mabuti kung honest na kami sa isa't isa. Isa pa, nangako kami na wala ng secrets.
"Aria, ano bang gagawin ko?" Hinahaplos ko ang likod nitong wolf ko habang kinakausap siya. Pagkatapos kong maligo at magbihis kanina ay hindi naman ako makatulog, kaya naisipan ko na lang puntahan dito si Aria.
Nakakatawa nga kasi para siyang tuwang-tuwa noong makita ako. Nalungkot siguro siyang wala kami rito noong mga nakaraang araw.
"Wala sila Mommy at Daddy, alam naming kailangan namin sila iligtas. Hindi namin kung alam anong nag-aantay sa'min, o kung ano ang mga sunod na mangyayari... Natatakot ako."
Simula noong dumating si Aria sa buhay ko, pakiramdam ko may napaglalabasan ako ng lahat ng kinikimkim ko. May napagsasabihan ako, at ayos lang kahit hindi ako makatanggap ng sagot mula sa kanya. Iyong alam ko pa lang na may nakikinig, ayos na.
"We all are." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Yohan, kaya naman agad akong napalingon sa aking likuran.
"Kuya.." Iyon lang ang nasambit ko nang makita ang tatlong kapatid kong nakatayo. Nakasandal sila pare-pareho sa may pader, mukhang kanina pa sila nakikinig sa akin..
"You've endured so much, and you have been so strong and fearless so far, Sunshine." Nagsimulang maglakad papalapit sa akin si kuya Hendrix habang sinasabi iyon. Tapos ay huminto siya sa harapan ko, at umupo para magkasing lebel kami.
"And do you know what does it mean to be scared? It only means that what you're about to do next, or whatever happens... you'll be braver." Aniya at ginulo ang buhok ko, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at napailing-iling na lang ako. Sa bawat pag-iling na ito ay isa-isang tumutulo ang luha ko.
"Sorry Kuya, sorry." Paulit-ulit kong mutawi hanggang sa pati sila Kuya Travis at kuya Yohan ay lumapit na sa akin.
"Sorry hindi ko na kayo matutulungan, sorry hindi na ako malakas." Naramdaman ko ang kamay na yumakap sa akin, si kuya Travis ito.
"You're hurting so much, I can feel it. What's the matter, baby A?" Mahinang tanong niya na mas nagpalakas ng pag-iyak ko. Alam kong sa pagkakataong ito ay hindi ko na pwedeng ipagpaliban ang pagsasabi sa kanila ng totoo.
Kaya naman sinubukan kong pigilan ang luha ko, at isa-isa silang tiningnan. Makikita ang pag-aalala sa mga mukha nila.
Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga, bago nagwika.
"Kuya, hindi ko na maramdaman yung Ability ko. Hindi ko na magamit.. Wala na akong Ability." Bakit gano'n? Kapag nagsasabi tayo ng totoo ay gumagaan ang kalooban natin, para tayong nababawasan ng tinik sa dibdib. Pero ngayong sinabi ko ito sa kanila, tila ba mas bumigat pa ang pakiramdam ko.
Hindi naman sumagot pa muna sila Kuya, at hinayaan muna nila akong tapusin ang nais kong sabihin. "Hindi ko alam kung anong nangyari. Pero simula pa noong bago tayo umalis papuntang Central nahihirapan na akong gamitin lagi ang Ability ko... Tapos noong pumunta tayo sa Central, wala na akong maramdamang enerhiya sa loob ko."
Nang sabihin ko iyon, ay walang imik na lang akong niyakap ni kuya Yohan. Mas tumulo ang luha ko kasi hindi ko alam kung gaano na ba katagal simula noong huli kong maramdaman ang yakap niya, simula noong huling beses na hindi siya nagalit sa akin.
"You don't need to explain anything to us. We're not angry, and we will never treat you differently. You're still our baby sister, and what you said just gave us more reason to protect and take care of you." Bulong niya. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtango nila kuya Travis at kuya Hendrix.
"You've already saved us a lot of times. You cared for a lot of people, and you always put others first. Now, it's time for you to take care of yourself, Sunshine." Tugon ni kuya Hendrix.
"Lean on us from now on, too. Ask for us, call for our names and run to us when you need help." Dagdag naman ni kuya Travis.
"Tell us when you're scared, or hurt. We're your brothers, baby A. It's not just our duty to be there for you, it's something we love doing, too." Pagkasabi rin nun ni kuya Yohan ay niyakap na nila akong tatlo, kaya mas napahikbi na lang ako. Tanging pagtango-tango na lang din ang nagawa ko, kasi hindi ko alam kung anong sasabihin.
Hindi ko alam kung gaano ako naging ganito sa kaswerte sa mga kapatid ko...
Pagpapasalamat na lang ang kaya kong magawa.
~
Naglalakad ako pataas ng hagdanan nang matigilan ako dahil sa ingay na ginawa ng biglaang pagbukas ng pinto. Mabilis din akong lumingon dito, saktong-sakto lang para makita ko ang pagpasok ni kuya Jarvis. Mukhang tumakbo siya papunta rito gamit ang Enhanced Speed niya.
"Baby A!" Napalakas ang sigaw niya nang makita ako, halatang natataranta kaya napakunot ang noo ko. Bigla rin akong nakaramdam ng kaba nang mapagtantong hinatid niya si Xenon sa kanila. May nangyari bang hindi maganda?
"Kuya... anong problema?" Sakto ring lumabas mula sa kusina sila Kuya Yohan, kuya Hendrix at kuya Travis. Narinig din siguro nila ang malakas na pagbagsak ng pinto kanina noong pumasok si kuya Jarvis.
"They're coming..." Iyon pa lang ang nasasabi niya dahil hinihingal pa siya. Napaisip tuloy ako bigla. Sinong pupunta?
"Jarvis, who's coming?" Tanong ni kuya Yohan nang makalapit siya kay kuya Jarvis. Napahawak naman agad si kuya Jarvis sa balikat ni kuya, mukhang naghahanap ng suporta.
"Nakasalubong namin sila Tito Jace nung ihahatid ko sana si Xenon. Sinabi niya na nagkakagulo ngayon ang Council, at nalaman nilang si Alexandria at Xenon ang nagpatakas kay Dana. They're going to hunt us all down, and they took all of Tito Jace's rights in the Council. Papunta na sila Tito Jace dito para sunduin tayo, kailangan na nating umalis bago pa tayo maabutan ng Council." Nabitawan ko ata ang hawak kong baso dahil sunod ko na lang na narinig ang tunog ng pagkabasag nito sa sahig. Napa-upo rin ako sa hagdan dahil sa gulat.
"What are you saying, Jarvis?" Narinig kong nagtanong si kuya Hendrix, pero para na rin akong natanga. Napa-awang lang ang bibig ko sa gulat.
"Tito Stephen is leading all of his men, and the Council guards to destroy Montecillo Mansion. And if they cannot destroy this place, they will take it and claim all of our properties. Tito Jace was already kicked out of his position. They didn't take anything away, but he's banned and can never go back to the Council. For us... it seems like Tito Stephen managed to convince half of the Council to strip us all of our wealth and rights. " Sunod sunod na pagsinghap ang narinig ko, kasama na roon ang sarili kong pagkagulantang.
"Damn it!" Nangibabaw pa ang malakas na mura ni kuya Yohan, at mula sa kinauupuan ko ay nakita ko ang paghawak niya sa may sentido niya. Lumapit na rin sila kuya Travis at kuya Hendrix kay kuya Jarvis.
"Kailangan na nating umalis, Kuya." Suhestiyon ni kuya Jarvis na nag dulot ng katahimikan sa paligid. Pare-pareho kaming napatingin kay kuya Yohan, nag-aantay ng magiging desisyon niya.
Isang malalim na buntong hininga naman muna ang kanyang binitawan. Tapos ay nagsimulang magsalita, habang isa-isa kaming tinitingnan.
"I don't want to abandon our home, and leave without a fight... But in the situation we are in right now..." Tumigil ang kanyang tingin sa akin, kaya binigyan ko siya ng isang tango at malungkot na ngiti.
"We need to go." Dahil sa sinabi ni kuya ay napatango ako, at naalerto rin sila Kuya Hendrix.
"Hendrix, tell every staff and security personnel to prepare for an escape. Make sure that they'll have what they need to survive, money and protection, everything they'll be needing. We won't bring them with us, but that doesn't mean we'll leave them unprotected here." Isang tango lang ang isinagot ni kuya Hendrix sa utos ni kuya Yohan, at agad ng umalis.
"Jarvis, wake up Vivienne, Raven and Melissa. They're at the guest rooms. Inform them of what's happening and prepare our escape route. Bring Cassandra out but don't wake her up." Pagkatapos din ng pagbibilin ni kuya Yohan kay kuya Jarvis ay mabilis na itong nawala sa paningin namin. Naramdaman ko na lang ang pagdaan ng hangin sa gilid ko.
"Travis, help me strengthen the wards and protection here. So they'll at least have a hard time breaking it. And you, Alexandria, go and get what you'll be needing. Prepare yourself, we'll be leaving in a few minutes." Nang marinig ko ang sinabi ni kuya Yohan ay inunahan ko na silang umalis. Tumakbo na ako agad paakyat sa kwarto ko, at mabilis na nagbihis ng kumportableng damit.
Isinuot ko ring muli ang kwintas ko na may pangalan ko. Kanina kasi ay tinanggal ko ito. Maaari ngang wala na itong kapangyarihan, pero para sa akin ay importante pa rin ito.
Kumuha rin ako ng isang malaking bag at binitbit ito papunta sa office nila Daddy. Kung totoong aalisan kami ng lahat ng yaman at kapangyarihan na nabibilang naman talaga sa pamilya namin, kakailanganin naming maging handa pa rin.
"25820101 - That's the code of the vault in your father's office. Numbers representing yours and your brothers' initials."
Ngayon alam ko na kung bakit minsan iyong binanggit sa akin ni Mommy. Dati tinanong ko siya kung para saan iyon, sabi niya lang ay hindi namin hawak ang future. May mga bagay na pwedeng mangyari kaya dapat ay maging handa kami.
Ito na pala ang tinutukoy niya.
Napangiti na lang ako nang ilagay ko ang code. 25 para sa Y, 8 sa H, 20 sa T, 10 sa J at 1 sa A... Yohan, Hendrix, Travis, Jarvis at Alexandria...
Mas lalo namang lumapad ang ngiti ko nang makita kung ano ang laman ng vault. Mga Blood-forged weapons...
Blood-forged Weapons– naalala ko na itinuro ito sa akin dati nila Mommy at Daddy. Ibig sabihin ay mga weapons ito na nagmula sa mga ninuno namin, at pwedeng-pwede naming gamitin sapagkat naglalaman ito ng ability ng mga nauna pa naming ninuno. Agad ko ng kinuha ang lahat ng mga ito, lampas sampu rin lahat ng weapons na naririto. Ang ilan ay may M na tatak sa hawakan o blade, ang ilan ay may Ferrer na nakaukit sa blade. Galing sa pamilya ni Daddy at mga ninuno pa ni Mommy.
Sa likuran nito ay may bag ng cash na may nakalagay na label na "for our children" kaya kinuha ko na rin ito, bago muling ni-lock ang vault. Mabilis ko na ring nilisan ang study ni Daddy. Nang makasalubong ko si kuya Jarvis ay iniabot ko sa kanya ang bag na dala dala ko, tapos ay tumakbo ako papunta sa weapons room.
Wala ng mga tao roon nang dumating ako, pinaalis na siguro ni kuya Hendrix para makaligtas sila. Marami pa ring naiwan na weapons na hindi ko na ipinagtataka dahil sobrang dami naman talaga ng mga weapons dito. Hinablot ko na lang ang isang knives holder na nakita ko, bago ito pinuno ng throwing knives at isinuot sa bewang ko. Naglagay din ako ng ilang boot knives sa loob ng combat na suot ko, tapos ay isang short dagger na ini-strap ko sa aking kaliwang braso.
Nang kuntento na ako sa mga weapons na alam kong magagamit ko, ay sunod na akong nagtungo sa garden upang puntahan si Aria. Sinumggaban niya ako agad nang makita ako, pero agad din siyang umayos na para bang nararamdaman din niyang may hindi magandang mangyayari.
"Aria, alam mong gusto ka namin diba? Parte ka na ng pamilya namin... pero ngayon kailangan mo na munang pumunta sa lugar kung saan ka magiging ligtas. Kasi kami, kung saan kami sunod na mapupunta ay hindi namin alam. Hindi ka pwedeng makita ng ibang tao at pagkaka-interesan ka nila. Naiintindihan mo ba?" Inaasahan ko namang hindi talaga ako sasagutin ng isang wolf, pero gusto ko pa ring sabihin ang mga salitang iyon. Alam ko, kahit paano ay maiintindihan niya ako.
Idinikit ko na lamang ang noo ko sa noo niya, at ipinikit ang mga mata ko. Bago ko binulong ang mga salitang alam kong tuluyan ng maglalayo sa akin sa isang kaibigang nasandalan ko ng mahabang panahon.
"Go, Aria. Run and be free." Isang mahinang alulong naman ang kanyang ginawa, bago mabilis na tumalikod at tumakbo papunta sa may kagubatan. At sa bawat paglayo niya ay ang siya ring paglakas ng iyak niya.
Naiwan na lang akong nakatingin sa kawalan ng ilang minuto, bago ko maramdaman ang isang presensya sa aking likuran. At ang pagtawag ng isa pang kaibigan.
"Alexandria..." Nilingon ko si Melissa, at mababakas ang lungkot sa maliit niyang ngiti. Lumapit na lang din siya agad at niyakap ako, kaya isang mahinang pasasalamat na lang ang nasabi ko.
"Tulad ni Aria, kailangan na rin nating umalis..." Aniya kaya tumango ako. Inayos ko na lang din ang sarili ko, pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga bago muling hinarap si Melissa.
"Tara na." Yaya ko sa kanya, at naglakad na kami papasok ng bahay. Sakto namang pagdating namin ay ang siya ring pagbaba nila Raven at Vivienne ng hagdan, nakasunod sa kanila si kuya Jarvis na pasan pasan sa likuran niya ang wala pa ring malay na si Cassandra.
"Lahat ng staff at security personnel ay naka-alis na. Sinigurado kong lahat sila ay ligtas na makakauwi sa mga bahay nila, tayo na lang ang natitira rito." Pahayag ni kuya Hendrix, na tinanguan naman ni kuya Yohan. "Thank you, Hendrix. We've also strengthen the barrier already, this will buy us some time to have a great distance from the house before they come."
"Mauuna na ako sa sasakyan natin paalis dito, Kuya. Para maiayos ko na si Cassandra doon. Nakahanda na ang lahat." Nang tinanguan ni kuya Yohan si kuya Jarvis ay agad na itong umalis gamit ang Enhanced Speed niya. Tapos ay isa-isang bumaling sa amin si kuya Yohan.
"Vivienne, where are your security personnel?" Tanong niya nang magtama ang paningin nila ni Vivienne.
"I can't bring them to running with me, so I asked them to go back to Central and try to find my grandparents. I figured we'll be needing them soon... incase things turn more complicated." Aniya kaya nalungkot ako bigla. Kasi kung tutuusin ay pati sila nadadamay dito.
"Melissa, sigurado ba kayong sasama kayo sa'min? Hindi naman nila tinatarget ang pamilya niyo. Baka mas ligtas kayo kapag umuwi kayo sainyo." Hindi ko rin alam kung bakit naisipan ko iyong sabihin, lalo pa't agad akong nakatanggap ng hampas sa braso mula sa babaeng katabi ko. Sinamaan din ako ng tingin ni Raven na alam kong kanina pa nakatingin sa akin.
"Okay ka pa ba? Hindi naman kayo iiwan sa ere, 'no? Saka sa kabaliwan ng Council na 'yan, siguradong pagkatapos niyo kami naman isusunod nila. Kinuha nga nila mga magulang namin, diba?" Hindi na ako nakasagot sa kanya, dahil agad na niyang ikinawit ang kamay niya sa braso ko, tapos ay nagsimula akong hilahin papunta sa pinto. Natigilan lang kami nang sawayin siya ni kuya Yohan.
"That's not the way, woman." Binitawan naman ako ni Melissa dahil doon at agad siyang lumapit kay kuya, tapos ay ikinawit ang braso niya sa kapatid ko. Nanlaki tuloy ang mata ni kuya Yohan sa nangyari, pero wala rin naman siyang ginawa para alisin ang pagkakakapit ni Melissa.
"Sorry mali pala, o sige turo mo saan tayo dadaan." Natatawa pang sagot nito. Aalma na sana si kuya Yohan, pero pinigilan niya ang kanyang sarili at bumuntong hininga na lang. Tapos ay nagsimula ng maglakad papunta sa likuran ng bahay. Tumabi naman ako kay Kuya Hendrix at sumunod na lang kami kay Kuya Travis at Vivienne na nakasunod din kay Raven. Si Raven kasi ang nasa likod ng ate niya at ni kuya Yohan, pinaglalaruan ang isa sa mga arrows niya habang maya't mayang sinisita ang Ate Melissa niya.
Hindi na ako napapa-isip kung bakit dito kami pumupunta, kahit na nasa harapan ng bahay iyong mga sasakyan. Alam naman kasi naming hindi na namin iyon magagamit. Kamakailan ko lang din nalaman, dahil ibinahagi sakin ni kuya Travis, pero mayroong secret passageway kasi sa likod ng mansion– mali, marami pala ang secret passageway dito. Di na nga ako magtataka kung sa isa mga iyon dumaan ang mga umalis na staff at security personnel.
Nang marating namin ang dulo ng bahay, kung saan sinalubonh kami ng isang pader ay unti-unting bumukas ito, at ipinakita ang hagdan pababa. Papunta sa isang underground tunnel. Madalas ay nababalot ito ng trance upang walang maka-alam, pero dahil sa nangyayari ngayon ay binuksan siguro kanina lalo pa't nauna na rin si kuya Jarvis.
Pagpasok ng tunnel ay agad na kusang nagsindi ang mga torch na nakasabit sa dingding, at nagbigay ng liwanag sa daanan namin. Narinig ko pa ang mga komento at pagsinghap ni Melissa, pero hindi ko nalang ito pinansin. Ganoon din kasi ang reaksyon ko noong una kong nalaman ang tungkol dito. Baka nga mas malala pa.
Paglingon ko rin sa pinasukan naming pader ay wala na ito, nagsara ng muli. At ang mga torch na nadaanan na namin ay kusa ring nawawalan ng apoy, kusang namamatay kaya wala ka talagang makikita sa likod kung hindi ay kadiliman.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming walang mga imik, at naglalakad lang. Maging si kuya Hendrix sa tabi ko ay napaka-tahimik. Marahil ay pare-pareho kaming nangagamba sa kung ano ba ang mga nag-aantay sa amin. Napapa-isip kung paano na kami gagalaw sa mga sunod na araw.
Hays. Masyado mo kaming iniipit hanggang sa wala na kaming magagalawan, Gabriel.
"WOW!" Natigil lang ata ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Melissa, na sinundan naman ng mga yapak niya. Pag-angat ko ng aking tingin ay saka ko lang napansing nasa dulo na pala kami ng tunnel, at kitang-kita na ang liwanag sa labas.
Habang palapit din kami ng palapit ay nakikita ko na sila Kuya Damon at Sir Saturn na nag-aantay sa baba ng isang yate. Sa isang maliit na port kasi ang dulo ng tunnel na ito, sapagkat ang likuran ng Montecillo Mansion, o ng buong Hillwood ay karagatan din. Kaya nga halos nasa dulo ang Mansion, kung saan puros mga kagubatan na.
"Wow, your family is really something." Narinig ko pang sabi ni Vivienne kay kuya Travis nang tuluyan kaming makalabas ng tunnel. Si Melissa naman ay nauna ng tumakbo pasakay ng yate, nakasunod sa kanya si Raven tapos ay inalalayan sila ni kuya Damon. Nakikita ko na ring nakatayo si kuya Jarvis doon.
Inaantay naman kami ni kuya Yohan, at nakatayo siya sa tabi ni sir Saturn. Pareho silang tumitingin sa itaas, kung nasaan ang mansion.
"Miss Alexandria, nagpadala ako ng ilang security personnel sa dating bahay niyo para kuhanin sila Lola Clarissa. Nabilinan ko rin silang dalhin muna sila Rianne sa ligtas na lugar, upang kung sakaling may magpunta sila doon ay hindi sila mapapahamak." Agad na turan ni kuya Damon nang makalapit ako sa kanya, at inalalayan niya akong tumaas. Isang sinserong ngiti ang isinagot ko sa kanya.
"Salamat po." Alam ni kuya Damon na napalapit na rin talaga ako kanila Lola Clarissa. Isa pa, ayoko ring pati sila ay madadamay sa gulo ng pamilya namin. Bukod din doon ay alam kong pati siya ay mapalapit na ang loob sa kanila, lalo na kay Rianne. Parang maliit na kapatid na ang turing niya rito.
Nang lahat kami ay nakasakay na yate, kitang-kita ko naman ang pagbabago ng kulay ng mga mata ni kuya Travis. Ginagamit niya ang Ability niya hindi lang para itago sa mata ng ibang tao ang sinasakyan naming yate, kung hindi ay pati na rin itago ang tunnel na dinaanan namin. Pagkatapos ng ginawa niya ay nilingon niya ako at nginitian kaya sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.
Nagsimula na ring umandar ang yate palayo. Palayo ng mansion... palayo sa tahanan namin.
"One day we will come back here, baby A. And when that day comes, we'll be with Mom and Dad again. Okay?" Ani kuya Travis at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. Tumango na lang din ako.
Hindi ko inaalis ang aking tingin sa bahay naming nakatayo sa itaas. Halos bundok din pala ang kinaroroonan ng Montecillo Mansion dahil ngayong andito na kami sa baba ay parang ang taas nito masyado.
"It's starting." Rinig kong sabi ni kuya Hendrix na tumabi din sa akin. Pati sila kuya Yohan, kuya Jarvis at maging sila Vivienne ay lumapit sa amin. Pare-pareho kaming nakatingin sa Montecillo Mansion kung saan sunod sunod ang pag-ulan ng fireball at malalaking bato. May ilang mga pagsabog din kaming narinig.
Tuluyan na nilang nasira ang proteksyon ng bahay. Napa yakap na lang ako kay kuya Travis, pero hindi ko rin magawang alisin ang tingin ko sa nangyayari.
Sapagkat maari mang tumakas kami ngayon, hindi naman ibig sabihin noon ay sumusuko na kami. Minsan, sadyang may mga laban lang talagang hindi dapat ipinapalo.
Lalo na kung paghahanda ito sa isang mas malaking gyerang nag-aantay.
At kung kailan iyon, nararamdaman kong malapit na.
~ × ~
Mag-gagabi na nang marating namin itong beach house na pag-aari nila Tito Jace sa dulo ng Oakwood. Kaya lang naman kami inabot ng ganoon katagal dahil mas pinili talaga naming sa may dagat lang dumaan, lalo pa't nasa may isla rin naman ito. Sabi kasi ni kuya Jarvis ay ito ang lugar na ibinilin ni Tito na puntahan namin, dahil dito rin nila dadalhin si Xenon. Napaka-delikado naman kasi kung sa Montreal Manor pa kami pupunta, paniguradong isa iyon sa mga lugar na unang pupuntahan ng Council para hanapin kami. Mabuti na lang nga at marunong pala si sir Saturn magpa-andar ng yate. Kaya walang naging problema rin sa byahe namin.
Nakaidlip din ako saglit, pero hindi rin iyon nagtagal dahil maya't maya akong nagigising kakaisip ng mga bagay bagay. Si Cassandra naman ay wala pa rin talagang malay, at sobrang himbing lang ng tulog kaya hinahayaan lang namin siya.
Nang dumaong kami sa pampang ay nauna na kaming bumaba ni Melissa ng yate, sinalubong din kami ng ilang security personnel nila Tito Jace. Nakasunod din sa amin si Raven at Vivienne, tapos sila kuya ay nagpa-iwan pa sa yate dahil may aayusin ata sila.
Kapansin-pansin ang dalawang palapag na beach house, at ang glass walls nito sa baba. Hindi na ako magtataka kung malaki ito, hindi naman biro ang yaman nila Xenon.
Mayroon ding maliit na garden sa harapan ng bahay, at ngayon ay nakabukas na ang mga patio lights dito na mas nagpaganda ng lugar. Sa mismong daanan pa ay may mga garden floor lamps kaya hindi ka mahihirapang maglakad kahit nagsisimula ng gumabi. Dumiretso na lang kami sa may porch, sa kaliwang parte ng bahay, kung nasaan nakatayo si Tito Jace at inaantay kami.
"I'm so glad you made it here, safe and unscathed." Bati agad ni Tito nang makalapit kami, at binigyan ako ng isang yakap.
"I heard about what happened to your parents. I'm already trying to find them, but it's not that easy." Aniya at bumaling kanila Melissa, Raven at Vivienne upang batiin ang mga ito.
"Salamat po sa paghahanap sa mga magulang namin." Sagot ni Melissa, na nginitian naman ni Tito Jace. "They're not just your parents, they're my friends as well. I also want to make sure they're okay."
Nang magtama ang tingin ni Tito Jace at Vivienne, ay agad na nagpakawala ng isang tanong si Tito. "You're Vivienne, right? Favian's daughter?" Tinanguan naman siya ni Vivienne, at yumuko, mukhang nahihiya nanaman siya. Pansin ko kasi nahihiya si Vivienne tuwing nababanggit ang pangalan ni Tito Favian. Namimiss niya rin siguro ito.
"I've heard so much about you, iha. And Xenon mentioned that Arianne is your sister... Don't worry, I'm also trying to look for her. My son told me she left the Academy with her friends before the attack." Hindi naman sumagot na si Vivienne, pero pansin kong napaisip siya bigla dahil sa pagbanggit ng pangalan ni Arianne. Napangiti rin ako nang malamang kahit paano ay nasa isang ligtas na lugar si Arianne, malayo sa naging gulo sa Academy.
Tapos ay napaayos ako ng tayo, at agad na nagtanong kay Tito Jace. "Tito, si Xenon po? Ayos na po ba siya?" Para namang nabawasan ang bigat sa dibdib ko nang tumango siya, at ngumiti.
"He is okay, iha. He's still sleeping, but he was treated already. Don't worry." Aniya tapos bumaling siya kanila Raven. "Pumasok na muna kayo sa loob at magpahinga, nagpahanda rin ako ng makakain. Sigurado akong pagod kayo."
Tumango nalang sila Melissa, at dumiretso na sa loob ng bahay. Susunod din sana ako, pero pinigilan ako ni Tito Jace, kaya muli ko siyang nilingon.
"Alexandria, there's something I need to tell you about Dana. She's here with us since I can't leave her at the Estate. But last night, she had the same head ache she used to experience." Dahil sa narinig ay napatakip ako agad ng bibig, namumuo ang awa at takot sa loob ko. Noong huling beses na nagkaganoon si Dana ay noong Hillwood Day, at muntik na niyang saktan ang sarili niya.
Mukhang nabasa ni Tito Jace ang imiisip ko, dahil agad siyang umiling. "Don't worry she didn't try to hurt herself. Her head ache only occurred once, too. But she lost a few memories again after what happened, I will leave the decision to you if you want her to see Cassandra already." Napatango-tango naman ako sa sinabi ni Tito Jace, napapaisip.
Kung may mga memorya nanamang nawala kay Dana, pwedeng hindi nanaman niya maalala si Cass. Mukhang magsisimula ulit kami sa unti-unting pagpapa-alala sa kanya.
"Aaaaaaaah!" Nagulantang naman kami pareho nang makarinig kami ng sigaw mula sa loob. Panandalian kaming nagkatinginan ni Tito Jace, bago kami tumakbo papasok ng bahay.
"Tama na!"
Naabutan namin si Melissa at Raven na inaawat si Vivienne, habang si Dana ay napaupo sa sahig, hawak hawak ang pisngi niya.
"My Papa died because of you!" Umalingawngaw ang kanyang boses sa loob ng bahay. Nilapitan ko naman agad si Dana na halatang gulong gulo sa naririnig, may namumuong luha sa mga mata niya.
Nang magtama rin ang tingin namin ni Vivienne ay sinamaan niya ako ng tingin, pero hindi ko muna ito pinansin. Inalalayan ko lang muna si Dana na tumayo.
"You're the one who's keeping her? After what she did?" Nanggagalaiting tanong ni Vivienne, kaya agad akong umiling at lumapit sa kanya.
"Vivienne, hindi! Walang kinalaman si Dana sa nangyari noong Hillwood Day. Ang Dana na nakalaban natin noon ay hindi siya, kung hindi isang shape-shifter. Alam ko naguguluhan ka, di ka makapaniwala pero pangako ipapaliwanag ko ang lahat mamaya. Please, 'wag mo lang siyang saktan. Wala siyang kasalanan." Kahit magmaka-awa ako rito sa harapan niya ay ayos lang. Ayoko lang na masasaktan nanaman ulit si Dana. Masyado na siyang madaming pinagdaanan, tapos ngayon ay wala siyang maalala ng maayos.
Hindi naman ako sinagot ni Vivienne, pero iniwas na niya ang kanyang tingin. Umayos na rin siya ng tayo, at tumalikod nalang. Ikinakalma ang kanyang sarili.
"I'm sorry but I can't face her for now. I will excuse myself for a while." Pagpapa-alam niya bago naglakad palabas, hindi na inantay ang sagot namin.
Susundan ko sana siya, pero narinig ko ang mahinang turan ni Dana. Kaya napalingon ako sa kanya, at lumapit.
"What did I do? Why does she hate me like that?" Aniya at halatang naiiyak. Kaya niyakap ko na lang siya, at tinapik-tapik upang kumalma siya.
"Your aunt is really fragile right now, she's suffering a lot." Narinig ko ang boses ni Tito Jace, mukhang sila Melissa at Raven ang sinasabihan niya. Humiwalay naman ako sa pagkaka-yakap kay Dana, at sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong pumasok na si Kuya Travis buhat buhat si Cassandra.
Hindi pa sila nakikita ni Dana dahil medyo nakatalikod siya rito. Napatingin din sa amin sila Kuya Yohan, kuya Hendrix at kuya Jarvis na nakatayo sa may pinto. Dahan-dahan ding inihiga muna ni kuya Travis si Cassandra sa may sofa.
"Dana, naaalala mo ba ako? Diba binisita ka namin dati?" Tanong ko sa kanya sa isang mahinang boses. Kumunot naman ang kanyang noo, marahil ay inaalala ako, bago siya tumango at ngumiti.
"I remember you. You're... Alexandria?" Tila nag-aalangan pa niyang sagot, pero tinanguan ko pa rin siya.
"Sorry sa nangyari ha? Akala niya kasi ikaw yung hinahanap niyang tao. Wag mo na lang munang isipin yun." Napayuko naman siya, napapaisip siguro. Mukha ring gumugulo talaga iyon sa kanyang isipan.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko kay Cassandra at Dana. Sila Kuya rin ay nakatingin sa akin, inaantay kung anong gagawin ko. Kung hindi ko muna ba ipapakita si Cass sa Nanay niya, o ano.
Naalala ko noong nasa malalang sitwasyon si Dana... Ang pagmamahal niya kay Cassandra ang dahilan kung bakit kahit papaano ay nagagawa pa rin niyang lumaban sa nangyayari sa kanya. Alam kong sinabi ni Tito Jace na sumasakit nanaman ang ulo ni Dana, pero bakit malakas ang pakiramdam kong oras na para makita ni Dana ang anak niya?
Alam ko masyadong mahirap ito kung sakaling hindi niya pa rin maalala ng maayos si Cass. Pero kung iiwas ko sila sa isa't isa, wala ring mangyayari. Dahil kapag nagising si Cassandra ay makikita pa rin niya si Dana...
Kaya naman buo na ang loob ko.
"Dana, may gusto akong ipakilala sa'yo." Mula sa pagkakayuko ay napa-angat ang tingin niya sa akin, napukaw ko panigurado ang atensyon niya sa sinabi ko.
Dahan-dahan ko naman siyang iginaya paharap sa kinaroroonan ni Cass, at inaya siya papalapit dito. Pansin kong kumunot ang kanyang noo pagkalingon na pagkalingon pa lang namin. Agad din siyang natigilan at napa-singhap.
"Diana..." Rinig naming bulong niya bago mapa-upo sa gulat. Nanlaki rin ang mata ko dahil hindi ko inaasahang sa unang tingin pa lang ay maaalala agad niya ang anak niya.
Aalalayan ko na rin sana siyang tumayo, pero bago ko pa magawa ay agad na siyang tumakbo papalapit kay Cass. Umalingawngaw din ang mahina ngunit punong-puno ng pagtatanging iyak niya, lalo na nang yakapin niya ang kaibigan ko.
Sunod din niyang binitawan ang katagang nagpatulo ng luha ko.
"Ma Vie..."
Katagang nangangahulugang buhay ko. Sapagkat para kay Dana... si Cassandra ang buhay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top