XXXIV - No Sympathy

        Katulad ng mga sinabi ni kuya Yohan ay ni wala ngang makikitang tao, o sasakyan sa kalyeng nilikuan namin. Bukod din kasi sa kakaonti lang talaga ang mga bahay sa lugar na ito, tapos agwat agwat pa, ay hindi naman napapadpad ang mga tao rito. Siguro mabuti na rin iyon at mahirap na kung madadamay pa sila.

         "I guess we'll walk from here." Ani Vivienne nang huminto kami sa dulo ng kalye. Isa na kasi itong dead end, isang mataas na pader na lang. Puros na rin matataas na damo ang nasa kanan namin, pero sa tingin ko ay doon kami dadaan dahil maging sa kaliwa namin ay isa ring dead end.

        "Maiwan ka rito, ihanda mo lang ang sasakyan para kapag nakalabas kami aalis tayo agad." Rinig kong bilin ni Vivienne sa driver na kasama niya bago ako tuluyang makababa. Naabutan ko naman si Melissang sinusuri ang paligid habang inihahanda ang bow at arrow niya.

        Ang dalawa pang security personnel na kasama namin ay hawak hawak na rin ang mga dagger nila, at naka-Ability mode na ang mga mata nila.

        Enhanced Strength pareho ang kakayahan nila.

        Tirik na tirik ang araw, pero ni hindi ako makaramdam ng init dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Naghahalo ang takot at galit sa loob ko habang humihigpit ang hawak ko sa dalawang dagger na ibinigay sa akin ni Raven kagabi.

        Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ni hindi ko ito magawang bitawan, o iwanan. Siguro'y natatakot na akong wala akong magagamit na weapon, o masusummon na weapon anumang oras ko gusto.

       "Let's go." Pag-aaya ni Vivienne nang magtama ang tingin namin, kaya tumango na lang ako. Siya ang unang naglakad papasok sa matataas na damo, sa tabi niya ang isa sa mga security personnel nila, tapos nakasunod kami ni Melissa sa kanya. Nasa likuran naman namin ang isa pang security personnel na kasama namin.

        "Sabi ni Yohan may daanan dito, diba? Baka andito lang yun malapit sa may pader, kaya wag tayong masyadong gumitna." Suhestiyon ni Melissa.

        Mga ilang minuto rin siguro kaming lakad lang ng lakad, hanggang sa marating namin ang parte ng lugar na ito kung saan wala ng matataas na damo. Wala rin namang daanan dito o pintuan, pero kapansin-pansin ang malaking punong nakatanim dito. Sinundan ko naman ng tingin ang mga sanga nito, at napangiti nang mapansing ang isa sa mga ito ay umaabot sa itaas ng pader.

        "Sa tingin ko ay alam ko na kung saan tayo dadaan." Naramdaman kong napatingin sa'kin sila Vivienne at Melissa sa sinabi ko, tapos ay sinundan din nila ng tingin ang mga mata ko.

        "That's possible. Yohan never said it's a door. Sabi niya lang ay may paraan, mukhang iyan nga iyon." Rinig kong komento ni Vivienne.

       "Hmm, kung gano'n ako na lang mauunang aakyat. Titingnan ko kung safe ba." Presenta ni Melissa kaya napalingon kami sa kanya. Isang mapaglarong ngiti ang nasa labi niya, tapos binigyan niya kami ng nagtatakang tingin.

        "What?" Asik niya.

        "Paano kapag nakita nila, mapapahamak ka." Umiling-iling naman siya sa sinabi ko, tapos ay pinaglaruan ang bow sa kamay niya.

         "Sa dami ng dahon ng puno na 'yan, hindi nila ako mapapansin dyan. At kung may kaaway mas madali ko silang mapapana para makapasok tayong lahat ng walang kahirap-hirap." Alam kong kaya niya ang sarili niya, at may punto siya kaso hindi ko talaga mapigilang mag-alala.

        Sa puntong ito, hindi ko na kaya kung may isa nanaman sa kanilang mapapahamak. Kaya naman agad ko siyang niyakap, at mukhang ikinabigla iyon ni Melissa.

        "Siguraduhin mong mag-iingat ka, kakain pa tayo ng madami pagkatapos nito." Bulong ko sa kanya.

        Naramdaman ko naman ang pagtango niya, kasabay ng kanyang pagtawa. Tapos ay humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya. Isang ngiti lang ibinigay niya sakin bago nagsimang tunalikod at umakyat ng puno.

        Sa buong oras na umaakyat siya ay tanging katahimikan ang namayani sa amin. Pare-pareho kaming nanonood lang kay Melissa na walang kahirap-hirap na naka-abot na sa may itaas. Nagawa pa niyang lumingon sa amin at kumaway-kaway kaya napa-iling nalang ako. Pati nga si Vivienne ay napansin kong napangiti.

        Maya maya lang ay pumwesto na siya sa may malaking sanga, tapos medyo mahirap na siyang hagilapin dahil sa yabong ng dahon ng puno. Ang tanging napansin lang namin sa mga sumunod na minuto ay ang walang tigil na paggalaw ng mga dahon, at ilang kaluskos. Hanggang sa bumalik ulit si Melissa sa inaapakan niya kanina, at ngiting-ngiting tumingin sa amin.

         "All clear!" Aniya sa isang seryosong boses, tapos ay kumindat bago kunwaring nagpunas ng pawis sa noo niya.

        Nagkatinginan naman kami ni Vivienne dahil sa kinilos niya, tapos bigla pa siyang tumawa. "Woooh! Tagal ko na gusto magawa yung gano'n ha. Ano, cool ba?" Parang bata na excited na tanong niya sa amin, tapos umulit pa ulit.

        "All clear, wooh!" Panggagaya niya sa sarili niya. Napa-iling nalang kami habang umaakyat.

        Melissa talaga.

        Sa mga sumunod na minuto ay naging abala kami sa pag-akyat ng puno. Nauuna pa rin si Melissa sa amin hanggang sa makatapak siya sa itaas ng pader, at sumampa ulit sa puno para naman makababa kami. Masyado kasing matayog at mataas ang pader na ito, mabuti na lang nga at nagkataong may puno rin sa kabilang parte nito, kaya hindi na kami mahihirapan bumaba.

         Hindi rin nagkamali si kuya Yohan noong sinabi niyang pu-pwedeng may mga bantay dito, dahil pagtingin ko sa ibaba ay napa-awang na lang ang bibig ko. Ang dami daming napatay na security personnel ni Melissa, at sapul lahat sa likod o dibdib nila ng pana niya. Maging ang ilang security personnel sa kalayuan ay nagawa pa niyang panaain, kaya talagang walang kalaban sa oras na ito sa paligid. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko.

        "Go to the front gate, and try to help them enter. Kami na ang bahalang maghanap kay Cassandra. If you get the chance, kill everyone in your way and make sure to prepare for an escape once they're inside." Naging sunod sunod ang pagbilin ni Vivienne sa mga security personnel na kasama niya, at walang pag-aalinlangan namang tumatango ang mga ito. Hanggang sa hindi nagtagal ay nagsi-alisan na sila.

        "Alexandria, tingnan mo o, parang may poison yung weapons nila." Tsaka lang natigil ang kakatingin ko sa paligid nang marinig ko ang pagtawag sakin ni Melissa. Naka-squat siya sa tabi ng isang napatay niya, sinusuri ito. Nilapitan ko naman siya agad, at pinunit ang isang parte ng damit ng security personnel para magamit ang tela.

         "What are you going to do with that?" Tanong ni Vivienne nang makalapit siya sa amin, pinapanood ang ginagawa ko. Ibinabalot ko kasi sa pinunit kong tela ang hawakan ng dagger ng kaaway.

        "Gagamitin ko para kapag may nakasalubong tayo, sila ang makakaramdam ng mga pinaggagawa nila." Masyadong mapanganib ang mga poison na pinaggagawa nila, ni hindi ko alam kung saan nila ito nakukuha. Walang pag-aalinlangan nila itong ginagamit sa ibang tao, kaya bakit ako matatakot na gamitin ito laban sa kanila?

        Let them have a taste of their own medicine.

       "Let's get moving, baka maabutan tayo dito ng ibang security personnel." Pagkatayo ko ay tinanguan ko na lang agad si Vivienne at mabilis na kaming tumakbo papasok sa pintuang nakita namin. Siguro ay sa kusina nila Cass ito papunta.

        Isang beses lang akong nakapunta rito ng matagal, at noon pa iyon. Noong sinurpresa namin si Cassandra. Ni hindi ko nalibot ang bahay nila, kaya hindi rin ako masyadong pamilyar sa lugar.

         Taliwas sa inaasahan namin, ni walang katao tao sa loob pagpasok namin. Mukha ring napunta kami sa may dulo ng bahay, dahil wala namang masyadong tao rito.

        "This house feels creepy." Hindi maiwasang masabi ni Melissa habang lumilinga-linga. Tinanguan ko lang siya dahil kahit isang desk at ilang gamit lang naman ang andito ay pati ako pakiramdam ko di ako kumportable.

       Napansin ko naman ang isang pinto sa may kabilang dulo, kaya agad ko itong nilapitan at dahan dahang binuksan para masilip ko kung ano ang nasa loob.

       "Sir!" Napasinghap naman ako at napa-atras agad nang makitang pumasok ang isang security personnel. Muntik ko na ring maisara ng malakas ang pinto dahil sa gulat, pero nang mahimasmasan ako ay ipinagpatuloy ko na lang ang pakikinig.

        "Anong balita?"

       "Mauubos na nila ang mga tauhan sa may gate! Wala na tayong ibang kasama dahil isinama sila ni Sir Stephen. Kailangan mo ng magdesisyon kung hahayaan na lang natin silang pumasok, o lalaban pa tayo!" Medyo naguluhan ako sandali sa sinasabi ng kakapasok lang na security personnel, pero napagtanto ko rin ito kalaunan.

        Mukhang sila kuya ang tinutukoy nila, at base sa naririnig ko ay nasa amin nga ata ang panalo sa nangyayari sa labas. Sunod sunod ang narinig kong pagmura nung tinatawag na 'Sir,' pero hindi naman nagtagal ay mabilis at padabog silang lumabas.

        Inantay ko pa ang ilang segundo, bago ko tuluyang buksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang isang maliit na opisina, ito siguro ang opisina ng head ng security personnel nila Cassandra.

        Nakuha ko naman ang atensyon nila Vivienne sa ginawa ko, at mabilis silang lumapit at sumunod. "Sa tingin ko ay makakapasok na anumang oras sila Kuya. Tamang tama dahil umalis pala si Tito Stephen, sinama daw niya mga security personnel niya."

        Kumunot ang noo ni Melissa sa sinabi ko, at napanguso rin siya. "Saan naman siya pumunta?"

       "Hindi ko alam... Pero sa ngayon, mas malaki ang pagkakataon nating makuha si Cass."

        "We should start looking for her now." Napatango nalang kami ni Melissa sa sinabi ni Vivienne. Humakbang na rin kami paalis, pero nakaka-ilang hakbang pa lang kami ay bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang security personnel.

        Halata ang gulat sa kanilang mga mata nang makita kami, tapos ay nagpalipat lipat ang tingin nila sa amin at sa pintong dinaanan namin. Bigla rin silang nag-Ability mode at naglabas ng weapons, kaya naalerto rin kami bigla.

        Nang nagsimula silang kumilos para umatake, ay nagulat naman kami pareho ni Melissa nang bigla na lang silang nawalan ng malay. At may nakasaksak ng dagger sa kanilang likod.

       "Wow..." Rinig ko ang pagkamangha ni Melissa, at napa-awang naman ang aking bibig nang nagpakita bigla si Vivienne sa harapan namin, at kinuha niya ang dalawang dagger na nakasaksak sa likod nila.

        Nawala sa isipan kong Invisibility nga pala ang pinaka-Ability niya. Kaya naman nagawa niyang mapunta sa likuran noong dalawang security personnel ng hindi siya napapansin man lang ng mga ito, o kahit namin.

        "Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Pare-pareho naman kaming napalingon sa labas nang marinig namin ang isang malakas na sigaw.

        "Cass!" Hindi ako maaaring magkamali, si Cassandra ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

        "Go and find her, both of you. I'll clear the way for you." Ani Vivienne at kitang-kita namin ang unti-unting pagkawala niya sa harapan namin, hanggang sa marinig na lang namin ang ilang sigaw sa labas. Nagpapahiwatig na may nadaanan siyang kaaway.

       Isang tango na lang ang ibinigay namin ni Melissa sa isa't isa, at mabilis na kaming tumakbo palabas. Sa bawat hakbang na ginagawa namin ay hindi namin maiwasang mapalingon, para kung sakaling may kaaway ay hindi kami mabibigla. Kaso mukhang abala talaga ang iba sa labas, at ang ilan naman ay nadaanan naming wala ng malay. Nakalaban na siguro sila ni Vivienne.

       "Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Sa kalagitnaan ng pagtakbo pataas ng hagdanan ay muli naming narinig ang sigaw ni Cassandra. Medyo malapit lang ang pinanggalingan ng boses niya, at mukhang wala siya sa kanyang kwarto katulad ng iniisip ko.

       "Saan tayo? Hindi ko alam ang mga lugar sa bahay na ito." Tanong ni Melissa, kaya napalingon naman ako sa paligid.

        "Dito tayo!" Nang makita ko ang hallway papunta sa living room nila Gabriel ay mabilis na kaming tumakbo ni Melissa papunta roon. Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong nandoon sila sa kwarto kung saan namin sinorpresa si Cassandra dati.

       "AY!"

        Mukha namang tama ang kutob ko dahil nagulat nalang kami ni Melissa nang may humarang sa amin sa daan papunta sa sala. Medyo nagulat ako pero bago pa sila makakilos, lalo pa at Elemental ang Ability nila, ay agad ko ng isinaksak ang dalawang dagger na dala dala ko sa mga leeg nila. Sinipa rin sila agad ni Melissa para tumabi sila sa daanan namin, at napaluhod na lang sila habang hawak hawak ang kanilang mga leeg, namimilipit sa sakit.

        "Ew." Nagawa pang mag-react nitong kasama ko nang magsimula silang sumuka ng dugo, pero iniwan na rin namin sila agad.

       "Alexandria, may mga security personnel na papalapit dito. Ako na ang bahala sa kanila pero puntahan mo na si Cass, baka kung anong nangyayari sa kanya." Isang seryosong tingin ang ibinigay sa akin ni Melissa, bago siya humarap sa direksyon nila at inihanda ang bow at arrow niya. Sinabihan ko na lang siyang mag-ingat siya, at tumakbo na ako papunta sa sala.

        Ganoon naman ang aking gulat, at napasinghap na lang nang makita kong nakahiga si Cassandra sa may sofa. Hindi siya mapakali, animo'y binabangugot lalo pa at nakapikit ang mga mata niya. Pero hindi iyon ang talagang gumulat sa akin, kung hindi ay si Victoria na nakatayo sa tabi niya. Nakatapat ang kamay niya sa bibig ni Cass, at may lumalabas dito na kakaibang white smoke... at kung ano man itong ginagawa niya, ito ang dahilan kung bakit parang namimilipit sa sakit ang best friend ko.

         "Layuan mo siya!" Walang pag-aalinlangan na akong tumakbo papalapit sa kanila, at hinatak ko ang buhok ni Victoria ng malakas para matigilan siya sa ginagawa niya.

        Halatang hindi niya inaasahanan ang nangyari, kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin. Tapos ay saka ako bumaling kay Cass na natigil bigla sa pagsigaw, ang putla putla niya at ang dami ng namumuong malamig na pawis sa noo niya.

         "Cassandra?" Pakiramdam ko kahit na andito lang siya sa harapan ko at hawak hawak ko na ay ang layo layo pa rin ng diwa niya.

        "Cass, andito na kami. Aalis tayo dito ha?" Yung puso ko parang isa-isang tinutusok ng karayom sa nakikita kong lagay niya. Kaya naman nang mapunasan ko ang pawis sa noo niya ay agad kong nilingon sj Victoria na nakatayo na pala, at masama ang tingin sa akin.

        "You bitch! I was almost done healing her!" Gigil na gigil niyang sigaw, tumayo rin ako at agad na naglakad papalapit sa kanya.

        "Did you forget her Aversion?! I was healing her! You ruined everything, ikaw talaga ang nagpapa–" Hindi na niya natapos ang gusto niyang sabihin dahil lumandas na ang kamay ko kanyang mukha. Sininghalan niya rin ako dahil sa natanggap na sampal.

       "How dare you!"

        "Oo, malakas talaga ang loob ko! Anong sabi mo? Ginagamot mo si Cassandra? H'wag mo akong gawing tanga, Victoria. Kailan ka pa naging healer?" Hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Kung pwede lang na isa pang sampal ginawa ko na.

       Kung sinong Powerful Being man ang pinagmulan ko, salamat pala sa pagbawi ng Ability ko. Dahil kung nasa akin lang ang kapangyarihan ko ngayon, napatay ko na siguro ang babaeng ito sa harapan ko.

        "Akala mo hindi ko alam? Sa tingin mo hindi ko kilala ang best friend ko? Sa tingin mo tatakbo siya sa akin sa gitna ng gabi kung nararamdaman naman niyang ligtas siya sa presensya mo? Hinahayaan ko lang si Cassandra dahil alam kong iyon ang gusto niya sa ngayon, pero hindi ibig sabihin no'n pwede mo na siyang saktan. Hinayaan lang kitang manatili sa tabi niya, pero hindi kita binigyan ng permiso galawin kahit isang hibla ng buhok niya!"

         Kung nakakapatay ang tingin, siguro'y kanina pa siya nakalupasay sa sahig.

       "Wala kang karapatang makialam sa'min. Incase you forgot, my sister doesn't want to be friend with you anymore." Matapang na sagot nito at umismid pa, kaya napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko sa inis.

       "Who even gave you the right to barge in my– this house?!" Asik pa nito, kaya napairap ako.

        "Ibig mo bang sabihin ay sa bahay ng Tatay mo? Akala mo hindi ko alam na nagsinungaling ka sakin na wala kang alam sa totoong pagkatao mo?! Magkapatid man kayo sa Ama, walang wala ka naman sa kalingkingan ni Cassandra!" Mukhang hindi nagustuhan ni Victoria ang narinig mula sa akin, dahil mabilis na nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Agad din siyang naglabas ng isang fireball sa kanang kamay niya, tapos sa kaliwang kamay niya ang kakaibang enerhiyang hindi ko maipaliwanag.

       "So you know huh? Edi mabuti, kung gano'n kasi hindi ko na kailangang itago saiyo ang lakas ko. Akala mo malakas ka na? Walang wala ka sa lakas ng Daddy ko, Alexandria!"

       "Do you see this power he gave to me? This is nothing compared to what he's preparing!" Itinaas niya ang kaliwang kamay niyang may kakaibang enerhiya kaya nanlaki ang mga mata ko. Iiwas pa lang sana ako, pero masyado siyang naging mabilis at ibinato na ito sakin.

        Napasinghap na lang ako nang maramdaman ang kakaibang hindi maipaliwanag na sakit na kumakalat sa buong katawan ko. Para itong pinaghalo halong tama mula sa isang dagger, bugbog sa katawan at paso gamit ang Ability. Unti-unti rin akong napaluhod dahil parang umuunti ang hangin sa katawan ko.

        Ano 'to?

        "Alexandria!" Narinig ko ang pagtawag ni Melissa sa akin, at nakita ko siya sa gilid ng mga mata ko. Abala siyang makipaglaban sa isang security personnel na may Enhanced Speed Ability. Mukhang kanina pa sila naglalaban dahil napapa-atras na siya papunta rito, paloob sa may sala.

       Hindi naman sila pinansin ni Victoria, dahil abala siya sa akin. Malawak ang ngisi sa labi niya nang lumapit siya sa akin, at walang pag-aalinlangang hinatak ang buhok ko.

       "Look who's helpless now." Mayabang at pakanta pang tanong nito. Pilit naman akong nagpupumiglas, kaso nahihirapan talaga ako kumilos dahil sa kung ano man iyong ibinato niya sa aking Ability.

       Gustong gusto ko ng dumaing sa sakit, pero hinding hindi ko iyon gagawin. Hindi ko siya bibigyan ng satispaksyon na makita akong nahihirapan.

        Kitang-kita ko naman ang dahan-dahan niyang pag-angat ng isa niyang kamay, at ang pamumuo ulit ng fireball dito.

       Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko rin si Melissa na napahiga sa sahig, mukhang nakatanggap siya ng isang atake mula sa kalaban niya ngayon.

       "Bye bye pretty face." Rinig kong sabi niya, samantalang napapikit naman ako– hindi dahil sa gagawin niya pero dahil sa nararamdaman kong sakit ng katawan.

       Ngunit inaasahan ko na rin naman ang pagtama sa akin ng fireball niya, kaya laking gulat ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

       "Leave my sister alone." Isang mahina ngunit madiin na boses na nagpadala ng kakaibang takot sa buong sistema ko.

       Kuya Travis..

       Saktong pagdilat ko ng aking mata ay nakita ko ang mahigpit na pagkakahawak ni kuya Travis sa pulsuhan ng babaeng ito, pinipigilang gamitin sa akin ang fireball niya. Nakasunod din si kuya Hendrix na agad na itinulak palayo si Victoria para mabitawan ako.

       "Are you okay?" Rinig kong tanong ni kuya Hendrix habang ginagamit sa akin ang Ability niya. Unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam ko, kaya tumango na lang ako sa kanya. Lumandas na rin ang tingin ko kay Melissa na inaakay ni kuya Yohan patayo. Ang lalaking kalaban niya kanina ay wala ng buhay sa sahig, at sa tabi nito ay ang weapon ni Kuya Yohan.

       "K-kuya, si C-cassandra." Tawag pansin ko kay Kuya Travis na masama ang tingin kay Victoria. Pagkatapos marinig iyon ay agad siyang lumingon kay Cass at lumapit dito.

       Hinawakan naman nila sir Saturn at kuya Damon ang magkabilang braso ni Victoria, para siguro hindi na ito makatakas o makagawa pa ng kahit ano.

       "Let me go!" Maririnig ang pagsigaw nito, pero wala namang pumapansin sa kanya.

       "Cassandra?" Nilingon ko sila Kuya Travis nang marinig ko ang boses niya, para ring tumalon ang puso ko nang makitang dahan-dahang binubukas ni Cass ang mga mata niya. Inalalayan din ako ni kuya Hendrix para makalapit sa kanila, kaya kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagtulo ng luha ng kaibigan ko.

        "T-trav..." Mahinang sambit niya. Nginitian naman siya ni kuya at tutulungan na sana siyang umupo, pero nagulat kami sa sunod na nangyari.

       "H-hurts... I-it h-hurts.." Umiiyak niyang tugon hanggang sa sunod sunod siyang napaubo, at lumabas ang dugo sa bunganga niya. Napasinghap ako sa nakita.

       Anong nangyayari?

       Tila nasagot ang katanungang iyon sa aking isipan nang tumawa bigla si Victoria, kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.

       "Looks like I'm still successful with what I did." Tuwang-tuwang sabi nito na nagpakunot ng noo ko.

       Dahil dito ay mabilis na lumapit si kuya Hendrix kay Cassandra at sinubukang gamitin ang Ability niya rito. Kaso hindi pa rin siya bumubuti.

       "You can take her away all you want, but my sister is already connected to me. Wherever she goes, she will suffer anytime and anywhere I want. Heal her all you want, she will still be in pain as long as it pleases me." Baliw si Victoria. Walang ibang paliwanag, sadyang may sira ang ulo niya.

      "What did you say?" Hindi ko pinansin ang tanong ni kuya Travis, dahil naglakbay agad ang isipan ko sa mga salitang binitawan ni Victoria.

       Huwag niyang sabihin sa aking... iyong ginagawa niya kanina kay Cass... Iyon ba ang tinutukoy niyang nagawa niya ng maayos? Ang maikonekta si Cassandra sa kanya?

       Kung ganoon, yung nangyayari ngayon kay Cass ay dahil gusto lang niya? Nagagawa niyang bigyan ng sakit ang kaibigan ko dahil lang kaya niya, at ikakatuwa niya?!

        Victoria... Grabe ka...

       "Can you feel my happiness, Travis? Diba Empath ka? Kayang kaya mo ng basahin ang emotions ko. Nararamdaman mo ba kung gaano ako kasaya sa nangyayari? Cassandra always had it all. She's Dad's favorite daughter. Dad chose her, and left me alone in someone else's house! I suffered so much because of her, and now it's her turn to suffer!" Sigaw nito, pero hindi siya pinansin ni kuya Travis.

        Naglakad lang papalapit sa kanya si Kuya, matalim ang tingin at walang reaksyon sa kanyang mga mata. Nang ilang hakbang na lang ang layo niya kay Victoria ay tumigil siya bigla, at nagwika.

       "You're right, I'm an Empath. But I have no sympathy, especially for someone like you." Bawat salitang binibitawan ni kuya Travis ay nagpapadala ng kakaibang takot sa'kin.

       At kung akala ko ay wala ng igagrabe iyon, mali ako.

       "You suffered so much? I don't give a damn. Suffer more." Parang umalingawngaw ang galit na boses ni kuya Travis sa buong lugar. Mas nakakatakot itong pakinggan dahil ang kalmado ng pananalita niya, pero nagsusumigaw ang galit dito.

       Napatakip din ako sa aking bibig nang ang salang kinaroroonan namin ay napuno ng kakaibang purple mist na nagmumula sa kapatid ko. Nakawala rin si Victoria sa hawak nila Sir Saturn, at napaluhod siya sa sahig, hawak hawak ang dibdib niya habang sumisigaw.

       "Aaaaaaaaaaaaah" Binalot ng iyak niya ang buong lugar, pero mas lalo lang dumami ang kakaibang enerhiyang pinapakawalan ni kuya Travis.

       "You've made a huge mistake that death won't even be enough to pay for your sins. So suffer more cause I won't let you have a quick end."

       Nakakatakot si kuya Travis. Ang bigat ng bawat salitang binibitawan niya, maski ako nakakaramdam ng sakit mula rito.

       "Once we leave this room, you will be under a lot of misery in your remaining hours. You can dream of someone saving you, but it will stay as a dream. Why? Cause in this exact moment, I am announcing your death. You'll die, Victoria. You will close your eyes, and lay helpless in here while your soul burns in your own hell. And you will never die in peace as long as I live."

        Alam niyo ba ang isang bagay na nakakatakot gawin sa isang taong punong-puno ng pagmamahal, at matiyagang iniintindi ang emosyon ng bawat isa sa paligid niya? Iyon ay ang saktan ang isang taong nagpapakalma ng lahat ng sakit na nararamdaman niya mula sa iba.

        Ganoon ang ginawa ni Victoria sa Kuya Travis ko, kaya ngayon ay kailangan niyang pagbayaran ang kasalanan niya. Lalabas na patay na ang katawan niya sa mata ng ibang tao, pero para sa aming andito at nakasaksi ng nangyari... hindi gano'n kadali iyon.

        Dahil pisikal na katauhan lang naman ang pinatay ni kuya Travis sa kanya, at ang spirit niya ay buhay na buhay pa rin. Mabubuhay siya sa trance na si Kuya Travis lang ang nakaka-alam, sa trance na punong-puno ng galit ni Kuya, sakit na kinikimkim, at pagdurusang naranasan ni Victoria. Pagdurusang paulit-ulit niyang dadanasin hanggang sa nabubuhay ang kapatid ko.

       Kamatayan? Hindi, masyadong madali iyon para kay Victoria. Mas nababagay sa kanya ang paulit-ulit na mamatay sa lugar na siya lang ang mag-isa.

       "First, one's life will be harder. Encompassed by fear, she will falter.. Scion of Emotions shall dig deep to find a way to stop her weep. He will heal the broken soul, and the Spirit will then be whole."

       Nagpalipat lipat ang tingin ko kay kuya Travis at kay Cassandra na mahimbing na ulit ang tulog, nawala na ang kaninang pag-iyak ng tulong.

       Isang Empath at Clairvoyant, dalawang Ability na nasa ilalim ng Spirit Element. Ability na hinding hindi makokontra ng kahit anong panahon o pagkakataon, dahil ito ang sentro ng lahat ng buhay, magkakaiba man ng henerasyon.

       Sa ngayon, buo na ang Spirit Element na kakailanganin ko...

       Pito na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top