XXXIII - Sunshine In A War
Minsan kapag humaharap tayo sa madaming pagsubok, akala natin kapag nalampasan natin iyon ay tapos na. May mga pagkakataong ganoon ang nangyayari...
Ngunit, may mga pagkakataon ding iyon palang ang simula.
Kagabi ay mabilis kaming umalis ng Montclair Estate at bumalik sa bahay na pag-aari ni Kuya Hendrix. Kinuha lang namin ang mga kagamitan namin, at kinuha rin nila Raven mga sasakyan nila. Nagpalit lang din sila ng maayos na damit, tapos ay wala na kaming sinayang na oras at bumyahe na pauwi ng Hillwood.
Sumama rin sa amin si Vivienne, at kasama niya ang ilan sa mga naiwan nilang security personnel. Narinig ko rin siyang nagbilin sa mga tauhan nila na balitaan siya kapag may nalaman sila tungkol sa Lolo at Lola niya.
Ayaw man naming umalis na, pero sa oras na ito ay iyon ang mas makakabuti. Nakakalungkot lang na nakakasama palang ulit namin si Daddy, tapos ngayon nalayo nanaman siya sa amin, pati na rin si Mommy.
"Baby A, I know it's hard. But there's no time for us to mope, we need to do our part to help our parents."
Iyon ang mga salitang binitawan sakin ni kuya Hendrix kahapon. Sinasabi niya iyon kahit na maging siya ay makikitaan ng pagod sa mata, kaya tumango na lang ako at mas piniling magpakatatag. Kung ang mga kapatid ko nga patuloy pa ring bumabangon, ganoon din dapat ako.
Pasikat na ang araw sa labas, pero kakatulog lang ni kuya Jarvis sa tabi ko. Buong gabi kasi siyang gising dahil hindi raw siya makatulog, at kinakausap lang niya sila Sir Saturn sa kabuuhan ng byahe. Nakasunod din sa sasakyan namin sila Kuya Yohan na kasama si Melissa, si Raven at ang sasakyan nila Vivienne. Naroon din si Kuya Travis, pero hinayaan ko na lang. Baka gusto lang niyang samahan si Vivienne.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay mukhang magaan ang loob nila sa isa't isa.
"Okay ka lang Miss Alexandria? Nagugutom ka ba?" Napatingin ako kay kuya Damon nang marinig ang tanong niya. Tinitingnan niya rin ako sa rearview mirror, at umiling na lang ako.
Kakaidlip lang din ni sir Saturn sa may passenger's seat, siya kasi ang nagmaneho buong gabi at kakapalit lang nilang dalawa. Nginitian na lang ako ni kuya Damon, at hindi na nagsalita pang muli kaya nangibabaw ulit ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
Ibinalik ko na lang din ang tingin ko sa labas upang pagmasdan ang mga nadadaanan naming agwat agwat na kabahayan. Sa lagay na ito ay mukhang malapit lapit na kami sa Hillwood. Naalala ko tuloy noong nasa sasakyan palang ako papunta ng Academy, si Mama Rianne pa ang kasama ko at walang wala sa isip ko na ganito ang mga kakaharapin ko.
Wala talagang permanente sa buhay ano? Iyong akala mong payapa mong buhay pwedeng-pwedeng magbago sa loob lamang ng isang segundo.
"Ano?!" Nahila ako sa kalaliman ng iniisip ko nang marinig ko ang gulat na gulat na boses ni kuya Hendrix. Maging si kuya Jarvis ay mukhang naalimpungatan, kaya pareho kaming napalingon sa kapatid naming kanina ay tulog pa.
"Bakit, Kuya?" Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo nang makita kong dumaan ang takot sa kanyang mukha. Napa-awang din ang kanyang bibig marahil ay dahil sa gulat sa kung ano man ang narinig.
"We're on our way." Iyon lang ang narinig naming isinagot niya, bago siya bumaling sa amin ni kuya Jarvis.
"Xenon called. The Academy is under attack."
Sabay ata kaming napasinghap ni kuya Jarvis sa narinig, at mukhang pati sila Sir Saturn ay nagulat. Pakiramdam ko rin ay nabingi ako bigla, at hindi ko marinig ng maayos ang ingay sa paligid ko.
Para akong natanga at nanatiling gulat habang sila Kuya Damon, ay nakikita kong may kanya-kanya ng tinatawagan, pwedeng sila kuya Yohan o ang ilan sa mga security personnel naming naiwan sa Montecillo Mansion.
Ang Academy... inaatake nanaman?
Kung kanina ay mabilis na ang pagpapatakbo nila kuya Damon, ngayon parang mas bumilis pa ang andar ng sasakyan. Nagsimula na rin akong kabahan nang mapagtantong andoon si Xenon ngayon, pati na rin sila Cassandra at Arianne.
Kapag may nangyari sa kahit sino sa kanilang tatlo, hindi ko alam ang gagawin ko.
Ang bagal na ng oras kanina, kaso mukhang mas bumagal pa ito. Sa labas din ay naririnig ko na ang sunod sunod na kulog at kidlat. Napalunok na lang din ako nang mapagtantong wala na akong Ability, pero syempre hindi iyon makakapigil para tumulong ako. Mabuti na lang at tinuruan ako nila Kuya na huwag umasa sa Ability, at nahasa ang paggamit ko ng weapons at pakikipag-combat.
"They planned this all along." Rinig kong bulong ni kuya Jarvis habang masama ang tingin sa labas.
"They waited for us to leave Hillwood, and attacked us in Central. They made sure to take away Mom and Dad so they can freely attack the Academy." Dadgag pa niya.
"Tito Stephen, no, Gabriel Morte, is going to do everything to destroy us. But for what reason?" Narinig ko ring nagsalita si Kuya Hendrix, pero hindi na ako sumagot. Napakagat na lang ako sa ibabang parte ng labi ko dahil sa inis.
Noong gabing umalis na sila Melissa, at nag-usap usap kaming lahat kasama si Daddy ay naipaliwanag niya na sa amin ang alam niya kay Tito Stephen. Sinabi ko ring alam ko na ang tungkol doon, at mukhang may ideya na sila Kuya dahil hindi na sila nagulat.
Alam na rin nila Kuya ang katungkulan ni Raven at Xenon sa mundong ito. Sa totoo lang ay matagal na rin pala nilang alam, inaantay lang nilang ako mismo ang magsabi sa kanila. Binibigyan lang nila ako ng oras, para maging handa ako. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko, dahil hindi ko alam paano tatanggapin lahat ng nalaman ko.
Hays.
"Dad said the power over the Council is a possible motive, but something just doesn't sit right in the order."
Hinayaan ko na lang sila Kuya Jarvis at kuya Hendrix na mag-usap, at nakikinig na lang ako. Iniisip ko rin kung ano ba ang bagay na hindi namin alam, bagay na pwedeng rason ni Gabriel sa lahat ng ito. Lalo pa at ayon kay Mommy, nalaman daw niya at nila Mallory na si Gabriel ang pasimuno sa pagkamatay ng Lolo at Lola ko, tapos ay naisisi lang sa mga magulang nila Dana at Alfred.
Ang gulo gulo niya.
Dati palang ay puros kasalanan na ang ginagawa niya sa pamilya namin, tapos pati ang mga Pierce nadamay. Nawalan sila ng magulang, nasira ang pangalan at pinag-isipan ng masama para sa anong dahilan?
Ngayong lumalakas na ang loob niyang kumilos, siguro ay panahon na rin para mailantad na ang lahat ng kasalanan niya. Panahon na para simulan ang totoong laban.
"The war is starting..."
Iyon din marahil ang ibig sabihin ni Daddy sa iniwan niyang sulat.
~ × ~
Ang hirap makita na ang lugar na minsan pinahalagahan mo, ngayon ay gulong-gulo nanaman. Pakiramdam ko unti-unting bumabalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari noong Hillwood Day.
Parang isang deja vu.
Ngunit kung ikukumpara, mas malala pa rin ang nangyari noon. Kaonti lang ang casualties ngayon, at halos ata lahat ng estudyanteng naririto ay sumabak sa labanan upang protektahan ang kanilang mga sarili.
Kakarating lang namin ng Academy, at halatang nahuli kami ng dating. Wala na ang mga kalaban, ang mga napatay na lang sa kanila ang andito. Hindi ko pa alam kung may namatay na estudyante o faculty staff, pero sana ay wala. Marami rami rin ang sugatan, at agad ng tumakbo si kuya Hendrix sa kanila para gamutin ang mga sugat nila.
Hindi ko naman maiwasang mapalingon sa paligid, at makaramdam ng kaba. Kanina ko pa hinahanap sila Xenon, Cassandra at Arianne pero hindi ko sila mamataan. Ang isang bagay lang na napansin ko ay ang dami ng mga security personnel ng mga Montreal sa paligid. Mukhang nagpadala ng tulong si Tito Jace, baka binalitaan siya ni Xenon.
"Baby A, I can't find Cassandra." Hinihingal si kuya Travis nang makalapit sa akin.
"Arianne, or even Axel isn't here, too." Nakasunod din sa kanya si kuya Jarvis na mukhang nalibot na ang buong Academy dahil naka-Ability mode ang kanyang mata. Ginamit niya siguro ang Enhanced Speed niya upang hagilapin si Arianne.
Napahawak nalang ako sa kanilang dalawa, nanlalambot na ang tuhod ko sa takot na baka may nangyari sa kanilang hindi maganda. Tapos pati si Xenon, hindi ko alam kung nasaan.
Mukhang napansin ni kuya Jarvis ang reaksyon ko, dahil agad niya akong pinakalma. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, at tiningnan ako ng diretso sa mata.
"Baby A, don't worry, we'll find them." Aniya kaya tumango na lang ako.
"Alexandria!" Sabay sabay naman kaming napalingon kay Melissa nang sumigaw siya. Nagmamadali siyang tumatakbo papalapit sa amin, hawak hawak ang bow niya sa kanyang kamay. Inilabas niya iyon kanina noong malapit na kami sa Academy, mukhang di niya pa rin naitatago.
"Bakit, anong problema?"
"Nakita ko si Xenon, wala siyang malay!" Para akong nilisan ng kaluluwa ko nang marinig ko ang tinuran niya, hindi na rin ako nagdalawang isip at nagtanong pa. Walang pag-aalinlangan na akong nagpatianod sa kanya samantalang sumunod naman sa amin sila kuya Travis at kuya Jarvis.
Tumakbo kami papunta sa may gilid ng class building, sa likuran ng ilang puno malapit sa may pader ng Academy.
"Xenon!" Agad akong napasinghap at napatakbo nang makita si Xenon na walang malay at naliligo ng sarili niyang dugo. Hawak hawak niya ang isang dagger sa kanyang kaliwang kamay. Mukhang nawalan siya ng malay sa pakikipaglaban.
"Kuya! Si Xenon, Kuya!" Napaluhod na lang ako sa harapan niya, at hindi ko maiwasang maluha. Agad namang lumapit sa akin sila kuya Jarvis para pakalmahin ako.
"Sssh it's okay, it's okay, we'll bring him to kuya Hendrix and he will heal Xenon. Don't cry, don't cry." Ani kuya Travis habang pinapunasan ang ilang luha na tumakas sa mata ko, tapos saka nila ni kuya Jarvis inakay si Xenon patayo at paalis. Niyakap din ako agad ni Melissa at inalalayan tumayo, hindi ko pa rin magawang magsalita at napapahikbi na lang.
Napapatingin sa amin ang ilang estudyanteng nadadaanan namin, ang ilan sa kanila ay ginagamot ng mga healer, ang ilan naman ay tinutulungan ang mga kaibigan nila. Hindi ko na lang sila pinansin at ipinirmi ko na lang ang tingin ko kanila kuya na akay akay si Xenon.
Nilakad namin ang buong field mula sa may class building, papunta sa may mga dorms dahil andoon si kuya Hendrix. Kitang-kita ang gulat sa mukha niya nang makita ang sitwasyon ni Xenon, at walang pag-aalinlangan din siyang lumapit dito.
"What happened to him?" Tanong ni kuya Hendrix, pero tanging pag-iling lang ang kaya kong isagot. Binigyan niya rin ako ng malungkot na tingin tapos ay bumaling siya kay kuya Travis.
"Travis, can you take Alexandria away from here for a while? I can't focus with her sobbing like that in front of me." Aalma naman sana ako sa sinabi ni kuya Hendrix, pero mabilis na ang naging pagkilos ni kuya Travis, at walang kahirap hirap niya akong binuhat paalis doon.
"Kuya..." Ni wala akong lakas para pumiglas, at naluha na lang ako habang palayo kami sa kinaroroonan nila.
Nang marating namin ang isang bench, at medyo nagkaroon na ng distansya sa kanila, ay ibinaba na ako ni kuya. Nag-squat din siya sa harapan ko upang maging magka-lebel kami.
"Baby A, calm down. Your emotion is in a haywire, it's too strong that even I can't handle it." May lungkot sa kanyang mata, kaya niyakap ko na lang siya. Sunod ko na lang ding naramdaman ang pagsukli niya sa yakap ko, at hinayaan na lang niya akong iiyak ang takot at pag-aalalang nararamdaman ko.
"You worry so much about that guy, but we worry about you. So please trust us, because we'll make sure he'll be okay." Nang marinig ko ang tinuran ni kuya ay agad akong napahiwalay sa pagkakayakap sa kanya, at napatingin ng diretso sa mata niya. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo dahil sa pagtataka.
"Sometimes I don't know if I want to hate Xenon cause he took your heart away from us so early, but whenever I see you happy because of him, I feel happier. We all do. So if his safety is your peace, then we will make sure to protect that peace. Trust us, alright? We're your brothers."
Alam ko sinusubukan ni kuya Travis pagaanin ang loob ko, pero bakit mas lalo akong naiiyak sa mga salitang binitawan niya? Paano ako sinuwerte ng ganito sa mga kapatid ko?
"Kuya, hindi ka magaling mag-comfort, mas lalo mo lang akong pinapaiyak." Natawa na lang si kuya Travis sa sinabi ko, tapos ay pinahid na lang niya ang mga tumakas na luha sa mata ko.
"We'll just give that award to you. Mas magaling ka sa ganyan." Napa-iling iling na lang tuloy ako sa isinagot niya, at hindi maiwasang mapangiti.
Hinayaan na lang naming balutin kami sa katahimikan pagkatapos no'n. Kung tutuusin ay hindi naman talaga tahimik dahil ang gulo ng Academy, hindi magkamayaw ang bawat isa. Pero dahil sa presensya ni kuya pakiramdam ko kayang kumalma ng sistema ko kahit sandali lang.
"Kuya, ano na ang mangyayari satin? Sa Academy? Kanila Mommy at Daddy?" Sa gitna ng katahimikan ay hindi ko maiwasang mapatanong. Ramdam ko naman ang paglingon sa akin ni kuya Travis na ngayon ay nasa tabi ko na.
"We'll survive, no matter what." Aniya at napangiti.
Sasagot na sana ako, pero hindi ko na natuloy dahil nakuha na ni kuya Hendrix ang atensyon namin pareho. Napatayo rin ako agad upang salubungin siya, at isang pagod na ngiti lang ang ginawad niya sa'kin.
"He's okay now, Sunshine. Jarvis will be driving him to Montreal Manor so he can rest properly. Hindi na siya nakapag paalam sa'yo kasi ayaw niya na mag-alala ka pa." Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib, at napayakap na lang kay kuya Hendrix, paulit-ulit na nagpapasalamat. "Thank you, Kuya."
"No need to thank me, just don't crying over that guy in front of us." Pabiro niyang sermon kaya natawa na lang ako ng mahina, at napatango.
"Now let's go, we need to find Cassandra. Sabi ni Xenon ay kaya lang siya nasugatan ng malala dahil nalingat siya nang makita niya si Cassandra na nanghihina, kaya kung nasaan man siya ngayon kailangan niya ng tulong." Pareho kaming naalerto bigla ni kuya Travis sa narinig. Ang kaninang humuhupa ng kaba ko ay nagsisimula nanaman manumbalik.
"Si Arianne, Kuya? Nabanggit din ba ni Xenon kung nasaan si Arianne?" Isang tango ang agad niyang isinagot bago nagturan, "Xenon said Arianne left the Academy with Axel and Shawn just a day after we left for Central. Kung nasaan man siya ngayon, safe siya at malayo sa nangyaring gulo. That made Jarvis feel at ease a little, so I asked him to drive Xenon home. Hahanapin lang din natin si Cassandra, at uuwi na tayo ng mansion para magplano."
"Magpapa-iwan ba dito si Kuya Yohan?" Tanong ni kuya Travis.
Umiling naman si kuya Hendrix, "no. He's just talking to the faculty staff, but after that he'll come home with us. Ang faculty muna ang bahala sa Academy, dahil nalaman ni kuya Yohan na puntirya talaga tayo ng mga kaaway, kaya kailangan nating umuwi sa mansion kung saan mas ligtas tayong lahat."
"Pero nasaan si Cassandra? Posible bang nasa dorm siya? Kasi nalibot ni kuya Jarvis ang campus kanina, hindi niya naman nakita si Cass." Tila mas lalong napaisip sina kuya Hendrix sa naging tanong ko. Sa puntong ito, mukhang mas kakailanganin naming galingan ang paghahanap sa kanya.
"Let's–"
"E-excuse m-me.." Sabay sabay naman kaming napalingon nang may nagsalita bigla sa likuran namin. Nakayuko siya at halatang nag-aalangang lumapit sa amin, pero kapansin pansin ang kulay blonde niyang buhok.
"Hello, kailangan mo ba ng tulong? Nasugatan ka ba?" Isang maaliwalas na ngiti ang agad na binigay sa kanya ni kuya Hendrix, na halata namang ikinagulat ng kapwa estudyante namin na babae. Napa-atras din siya kaya agad na itinaas ni kuya Hendrix ang kamay niya. Pansin ko rin ang ilang gasgas sa braso niya, mukhang nakipaglaban din siya kanina. May ilang talsik ng dugo sa damit niya, pero wala naman akong makitang malalim na sugat.
"Sorry, sorry, hindi kita sasaktan. Wala akong gagawin na masama, o labag sa loob mo." Ani kuya Hendrix sa isang kalmadong boses, kaya nagkatinginan nalang kami ni kuya Travis.
Umiling-iling naman ang estudyante sa harapan namin, pilit na iniiwas ang tingin niya.
"Hindi sa gano'n, s-sorry. Sasabihin ko lang sana na nakita ko si Victoria... si C-cassandra kasama niya, sumakay sila ng sasakyan kasama yung.. mga security personnel nila." Halos pahina ng pahina iyong boses niya sa bawat salitang binibitawan niya, pero kahit papaano ay nagagawa pa rin naming marinig siya.
Nagpalitan din kami ng takot na reaksyon nila Kuya sa narinig. Kung kasama ni Cass ngayon si Victoria... hindi ko alam pero sadyang hindi maganda ang pakiramdam ko. Kahit na magkapatid sila sa Ama, hindi ko pa rin kayang ipagkatiwala ang buhay ni Cass sa babaeng iyon.
"Kuya, kailangan nating puntahan si Cassandra." Hindi na kailangang lumipas ng ilang segundo bago pa kumilos si Kuya Travis. Agad na siyang tumalikod, at nagbilin. "I'm going to get Kuya Yohan. Go and get Melissa and her brother. Kuya, please also inform Vivienne at the parking lot that we're going to Cassandra's house. That's the only place I can think they'll go to."
Isang tango na lamang ang ibinigay ni kuya Hendrix kay kuya Travis, tapos ay bumaling na siya sa akin. Binigyan ko na lang din siya ng tingin na nagsasabing handa akong umalis anumang oras.
Dahil doon ay mabilis na kaming naglakad paalis ni kuya. Pero nakaka-ilang hakbang palang kami ay tumigil siya ulit, at lumingon sa babaeng nakausap namin.
"Thank you for telling us."
"Walang anuman..." Mahinang sagot niya.
"May I ask what's your name?" Bakas ang kyuryusidad sa tanong ni kuya Hendrix, pero nasa maingat na tono pa rin ito. Ayaw siguro niyang gulatin o biglain ang kausap niya dahil halatang mahiyain ito, at tila ilag sa tao.
Inangat naman ng kausap ni Kuya ang tingin niya, pero panandalian lang dahil umiwas din agad siya ng tingin. Akala namin ay hindi na siya sasagot pa, kaya naman napangiti ako nang marinig ko ang tila pabulong niyang tugon.
"N-na.. Naeva... My name is Naeva Soleil."
Ang ganda ng pangalan niya, kasingganda niya.
Soleil... Araw.
Sa gitna ng lahat ng kaguluhan at kadilimang nangyayari sa panahong ito, swerte pa rin pala ako para makakita ng araw. Hindi man kami magkakilala, pakiramdam ko naman ay isang magandang sign ang pagtatagpo namin.
Ngayong dalawang sunshine na ang nasa harapan ko, saka pa ba ako aatras sa laban na hinding hindi ko gustong ipatalo?
~ × ~
"Alam mo yang Victoria na 'yan, kahit kapatid siya ni Cassandra malalagot talaga siya sa'kin. Kapag may nangyaring masama sa pinsan ko, tapos malaman ni Tita Dana, ewan ko na lang." Kanina pa naiirita dito si Melissa habang nasa byahe kami paalis ng Academy, at papunta sa bahay nila Cassandra.
Hindi ko naman siya masisisi, kaya hinahayaan ko na lang. Isa pa, lumilipad sa kung saan ang isipan ko ngayon.
Ayon kay kuya Travis, pwedeng umuwi si Cass sa bahay nila kung kasama nila ang mga security personnel nila. Sana nga andoon siya, dahil kung waka ay hindi namin alam kung saan siya hahagilapin. Sa puntong ito, wala na kaming gana para makipagplastikan kay Tito Stephen at tanungin siya tungkol kay Cassandra, dahil baka siya pa ang mas maglalagay sa panganib sa best friend ko.
Alam kong minsan kong sinabi sa sarili ko na hindi pa handa si Cass na malaman na si Tito Stephen, ang Ama na minahal niya, ay ang siya ring totoong Ama niya. Ang Ama niya na nanakit kay Dana. Pero ngayon, mukhang kailangan na malantad ng katotohanan para mailayo namin siya at maging ligtas siya.
Kailangan ng mamulat ni Cassandra sa katotohanan na ang kaaway na lumapastangan kay Dana, at posibleng may kinalaman sa pagkamatay nina Tita Nichole ay siya ring tunay niyang Ama. Ang Tatay na nag-aruga sa kanya, at mahal na mahal niya, ay ang siya ring Tatay na kailangan niyang iwasan dahil sa dala nitong panganib.
Naalala ko ang sinabi ng pekeng Dana noon... kahit ano kayang gawin ni Gabriel, o ni Tito Stephen, para masiguro ang pagtatagumpay niya sa kung ano man ang binabalak niya. Hindi ko hahayaang pati buhay ng sarili niyang anak ay isasanggala niya.
"Alexandria, nakikinig ka ba?" Naramdaman ko ang isang tapik sa braso ko kaya nilingon ko agad ang pinanggalingan nito. Diretso ang tingin sa'kin ni Melissa, nagtatanong ang kanyang mga mata at nag-aantay ng sagot.
Hindi ko naman alam kung anong nangyayari, kaya naikunot ko na lang ang aking noo. Senyales na iyon para kay Melissa na wala sa kanila ang atensyon ko, at alam kong napagtanto niya iyon sapagkat napabuntong hininga na lang siya at umiling.
"Hay naku, nag-aalala ka pa kay Xenon 'no?" Wala akong naisagot. Isa pa ay muli na siyang nagsalita, kaya hinayaan ko na lang.
"Kung pagod ka na rin, magsabi ka lang ha? Huwag mong aabusuhin Ability mo."
Dahil sa sinabi niya ay napalingon sa amin si Vivienne na naka-upo sa may passenger's seat. Nagtama ang paningin naming dalawa, pero wala namang nagbalak sumagot sa amin. Tinikom ko na lang din ang bibig ko, at bumaling na lang sa labas. Nadadaanan namin ngayon ang Town Center at hindi magkamayaw ang mga tao sa labas. Ang iba ay tila walang pakialam, para bang isang normal na Linggo lang ito sa kanila.
Naisip ko tuloy. Alam na kaya ng ilan ang nangyari sa Academy?
Bago matapos ang araw na ito, ano pa bang pwedeng mangyari?
Anong mga pagbabago pa ba ang darating?
Iyan ang mga klase ng katanungang nasa isipan ko hanggang sa marating namin ang tapat ng gate nila Tito Stephen. Napa-ayos ako bigla ng upo nang huminto ang sinasakyan namin, at ang sasakyan nila kuya sa harapan ay ganoon din. Hindi rin namin maiwasang magpalitan ng tingin nila Melissa at Vivienne, lalo pa nang mula rito ay nakita naming bumaba sila kuya Travis at Raven ng sasakyan.
"Anong nangyayari?" Takang-taka na tanong ni Melissa. Kaso ay wala naman kaming maisagot, dahil pare-pareho naman kaming naguguluhan.
Maya maya lang ay sumunod ding bumaba si Kuya Yohan ng sasakyan. Mayroon siyang ibinulong kay kuya Travis, tapos lumingon sa gawi namin at nagsimulang maglakad papalapit sa sasakyan. Nang makalapit ay kinatok din niya ang bintana, kaya pinagbuksan namin siya agad ng pinto. Nakakunot ang noo niya, habang pabalik balik na tumitingin sa harapan.
"They're not allowing us to enter, and for some reason there's a lot of security personnel in front. This only confirms that Cassandra is inside, but this is a dirty fight waiting to happen." Tugon niya.
"Lalabanan natin sila? Paano kapag habang nilalabanan natin sila may nangyayari ng hindi maganda kay Cass?" Nag-aalalang tanong ni Melissa. Mukhang pareho kami ng iniisip. Pakiramdam ko kasi, kailangan na kailangan na kami ngayon ni Cassandra.
"That's why we're not going to ask you to fight. We'll take care of them, but there's something that the three of you needs to do." May kakaibang galit sa mga mata ni kuya Yohan, at ang kagustuhang matapos na ang araw na ito ay kitang-kita sa mga mata niya, kaya walang pagdadalawang isip akong tumango.
Kung ano man iyon, gagawin namin.
"Turn around and take a right turn at the next corner. There's an abandoned street there that can go to the side of Stephen's house. That place is usually unguarded, and there's a way there to enter the back of the house. We used to sneak out there with Cassandra during trainings before." Bilin niya habang isa-isa kaming tinitingnan.
"With what's happening now, there might be security personnel in that area. I want the three of you to be sure, so be alert and ready your weapons just incase. We'll try to enter using this front gate to distract them as well." Sunod-sunod ang mga sinasabi ni kuya Yohan habang kinukuha rin ang isang itim na bag na sa may ilalim ng upuan sa likod. Napa-awang na lang ang bibig ko nang makita kung ano ito– isang bag na punong-puno ng mga weapon.
"We are outnumbered, especially that Jarvis isn't here. Most of the Montecillo's security personnel are still in the Academy, so we'll have to take a chance here. I don't want you to look back, just keep going and make sure to get Cassandra before anything happens."
"Pero Kuya, paano kayo?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Talaga ngang mahihirapan sila ngayon, lalo pa't kakaonti lang ang security personnel na kasama namin. Karamihan din ng mga security personnel nila Xenon ay sumama pabalik sa Montreal Manor dahil marami-rami silang natamong mga sugat.
Akala ko ay sasagutin ako ng maayos ni kuya Yohan, kaya naman nagulat kami nang inangat niya ang tingin niya. Tapos ay nag-ability mode ang mga mata niya, at isang mahinang tawa ang ginawa niya bago maglabas ng isang black smoke na nagdadala ng weapon niya. Nilingon din niya ang kinaroroonan nila kuya Hendrix na nagsisimula na palang umatake ngayon.
"It's their life whom you should pray for, baby A."
Hindi ko maiwasang makaramdam ng goosebumps sa sinabi niya, at maging si Melissa ay nanlaki ang mata. Wala ng ibinigay na oras sa amin si kuya Yohan para sumagot, dahil paglingon niya ay sinarado na agad niya ang pinto.
"Now, go!" Iyon ang huling binilin niya bago tuluyang sumara ang car door, at bago naglakad papunta sa harapan. Umandar na rin agad itong sasakyan nila Vivienne, ang isa sa mga security personnel na kasama niya ang nagmamaneho.
Nang unti-unti na kaming lumalayo sa kanila, muli akong lumingon sa likod para lang makita ang preteng pakikipaglaban ng mga kapatid ko. Nakatayo pa si Raven sa ibabaw ng sasakyan, habang walang pakundangang pinapakawalan ang mga arrow niya sa iba't ibang direksyon.
Napangiti ako.
Mukha ngang kailangan kong ipagdasal ang mga buhay na walang kahirap hirap nilang tatapusin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top