XXXII - A Promise
"Hello, Chi." A small smile appeared on my lips when he turned to me, his eyes widening because of surprise. Tumakbo rin siya agad palapit sa akin tapos naramdaman ko na lang na yakap niya na ako.
"Am I dreaming?" He softly asked.
"Hmm we are inside a dream, but this is really happening." Sumagot na lang ako ng totoo, dahil nasa loob naman talaga kami ng panaginip... o trance.
Humiwalay naman siya ng yakap sakin, magkasalubong na ang kanyang kilay dahil sa pagtataka.
"What do you mean?"
"We are inside a trance, like a dream." I answered, making Chi nod.
"Chi alam mo, yung huling naalala ko nasaksak ako dito." Itinuro ko ang dibdib ko na sumasakit pa rin. "It's still hurting, and that's how it's been since I woke up here."
"I remember getting a lot of cuts, too. My whole body aches. Are we trapped in this trance?" Umiling-iling naman ako sa tanong niya.
"We're not, she said we're just going to hide here first so we can heal." I can't help but pout while thinking of that lady. She appeared in front of me first before Xenon came here, and she said a lot of things. She said that after this I won't be able to go back to my life first, and that I need to stay away from them.
I can't stay away from my family. I'm going to miss Mommy, Daddy and my Kuyas.
"Who is 'she'? And why are you tearing up?" Napatingin naman ako kay Chi dahil sa tanong niya, at umiling na lang. Naluluha siguro ako dahil lang sa isipin na kailangan ko muna lumayo sa family ko.
"I don't know her, but she have beautiful golden eyes, too... like mine!" She was radiating with beauty when she spoke to me, someday I want to be like her.
"She didn't tell you her name?" Tanong ni Chi kaya napa-iling naman ako. Ang dami niya sinabi sa akin, pero hindi siya nagpakilala. Madami lang siya binilin.
"Do you trust her?" Tanong niya na tinanguan ko agad.
My Kuya Yohan told me not to trust strangers easily, that I should be careful always, but with that lady... I can't help it. It feels like I have no other choice but to believe in her.
"Once we get out of here... we'll play again, okay? Your parents and mine.. they will punish those bad guys we saw and fought with. Don't worry." Chi is sitting in front of me and I can tell by the looks of his eyes that he is hurting, too. He must've suffered a lot, and maybe he got into a lot of fights with those bad guys.
My Kuyas... Maybe they're hurting, too. I hope they're okay, I miss them already.
Pero may mga bagay muna akong kailangan gawin daw. At kailangan ko munang malayo sa kanila.
"When we wake up Chi... You will tell them that our bond broke, and that I'm dead. I know they're looking for me now cause I fell on the river from the falls... You should let my family know that you can't feel your connection to me anymore. Okay?"
Inaasahan ko naman na aayaw si Chi sa sinabi ko, pero nagulat pa rin ako sa pagtutol niya.
"No! What are talking about? We will find you, and those who hurt you... We will make them pay." Chi always look so mean because he doesn't smile, and his eyes are scary. But never did he raise his voice on me, or made fun of me, so seeing him really angry right now surprises me.
"Chi..." No, it scares me.
He's furious because of what happened, and I understand that. I am, too. But everything needs to fall on its place, so if we must endure for a little time, that's okay with me.
Kahit ibig sabihin hindi ko muna makikita si Mommy at Daddy, okay lang. Kahit hindi muna kami magkakalaro nila Kuya at mamimiss ko sila, okay lang. Ginusto ko naman ito, dapat kong tanggapin ang resulta ng mga actions ko. Kuya Hendrix said that's what strong girls do, they make decisions and they stick to it. I want to be a strong girl.
"You understand that if we tell them you're dead, you will never be with your family again. Right?" Parang biglang nawala yung nakakatakot na mukha ni Xenon, tapos humina ulit ang boses niya kaya tumango na lang ako.
"I'm sure that they will find me. I trust that, and I know you will find me too. But no matter how hard things will become, let us wait for the right timing. Okay, Chi?" He just sighed in defeat, and nodded.
"Once we heal from this trance, wait for a sign of our bond. When that sign appears, you will feel it's me. Go and talk to my Daddy, okay? Go and tell my Kuya not to worry about me. Because I don't want to hurt them, I want them to know I'm okay, but please make sure they never approach me until the time is right. My Daddy, I know he will understand. He's the best Daddy ever." My Dad and my brothers, they always keep Mommy and I safe. They always make me happy, and give me everything that I need and want. They always teach me things that will make me smarter, and I'm always amazed by them.
They will find out what I need them to find out. In their own pace and skill.
"You're going to put all of us in pain, Alexandria. Can you imagine yourself staying away from your family? Can you imagine what they will feel if they grow up far from you?"
I shook my head as tears started to fall from eyes. I can't. I know it will be agonising. Never did I wish to grow up away from them, but if I want them to live in the future and win the tragedies waiting for all of us, this is something that must be done.
"I'd rather experience this pain now, if it means that they will live a longer life. If it means all of us, especially you and my family, will be okay, then I'll choose this decision in a blink of an eye."
Xenon let out a deep sigh, before reaching for my hands. His face looks so torn now and he keeps on shaking his head as if saying that he doesn't want to agree with my decision. Alam ko naman iyon, alam ko naman na hindi dapat ako nagdedesisyon ng ganito. Pero yung babae kanina, sabi niya kung mahal ko daw sila Mommy, Daddy at Kuya, dapat ko daw sundin yung gusto niya.
Kaya 'yon ang gagawin ko.
"Remember when I told you that promises are meant to be broken? Kaya ayoko mag-promise ng kahit ano? Nalaman ko ngayon, pwede ka naman pala mag-promise basta siguraduhin mo lang na tutuparin mo." Napatingin sa akin si Xenon dahil sa sinabi ko. Hindi ko na rin siya inantay sumagot, at muli na akong nagsalita.
"What I'm about to tell you next... is a message. You can relay this to my Daddy, and let him know that it will come true. Because it's my promise, and I don't break promises."
Xenon looked confused, but he just nodded.
“History won't repeat itself,
It's a promise within thyself.
The embrace of the Eight
Shall erase the hate.
However, afore peace they will suffer
And their path shall be rougher
First, one's life will be harder,
Encompassed by fear, she will falter
Scion of Emotions shall dig deep
To find a way to stop her weep
He will heal the broken soul,
And the Spirit will then be whole.
She who holds the Flame
Shall burn in someone else's game
From the Sky you'll bathe in her tears,
And thou shall feel the Lightning's fears.
When healed she will calm the brewing storm,
And only then you'll feel her love in Fire's form.
But be wary for the battle won't be over,
In regrets and fears, thou shall hover
Worry not for you'll be watched,
By a girl whose love is unmatched
She who bleed with fears in raging sea,
The girl bearing a gift no one can see
But if death comes again to thee,
From the depths her gifts shall be free
Lastly, be consumed by the Night,
Fade away without a fight
Unbeknownst to thee, she has the sight
To you she shall bring back the Light.
Fear not the Darkness within,
Her love won't let you give in.
At last, see the end of the Fight
With the help of his binding Light
And must his warmth come to an end;
To his love, thou can still depend
Thy bond will rewrite the past,
Enemies will be one at last.”
~ × ~
"Alexandria! Wake up!"
Para akong naalimpungatan nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Vivienne. Napasinghap din ako nang pagdilat ko ng mga mata ko ay ang malalim na ilog sa ibaba ang bumungad sa akin, at ramdam ko ang bigat ng katawan ko nang mapagtantong napadapa ako sa may dulo na. Isang maling galaw at malalaglag ako sa falls sa ibaba.
"Alexandria, move carefully away from the edge!" Nang muling sumigaw si Vivienne ay saka lang ako natauhan. Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses niya para lang magulat dahil sa posisyon niya ngayon.
"Vivienne..." Masyadong naging malakas ang impact ng pagsabog na dala ng proteksyon ng kwintas na binigay ni Xenon, nakawala nga si Vivienne sa pagkakagapos, kaso ay pareho naman kaming tumalsik dahil dito. Ako ay napunta dito sa dulo nitong forest, pero siya... nakakapit na lang siya sa isang sanga, at unti na lang ay pwede na siyang mahulog sa malalim na katubigan sa ibaba.
"Vivienne, sandali lang!" Hindi na ako nagdalawang isip pa at mabilis na akong kumilos para makaalis ako sa kinaroroonan ko, madulas din ang basang lupa kaya naman iniingatan ko pa rin ang bawat galaw ko.
Mukhang ilang segundo, o ilang minuto pa lang ang nakakalipas, dahil wala pa ring dumadating tulong sa amin. Paniguradong makikita, maririnig o mararamdaman nila Kuya ang pagsabog na iyon, at siguradong anumang oras ay andito na sila. Sana lang ay hindi rin sila napapalibutan ng kaaway ngayon.
"I'm fine, just be careful!" Rinig kong bilin niya, pero hindi na ako sumagot.
Nakakatuwang isipin na halos ayaw na ayaw ko sa kanya noon, nagawa ko pa siyang sungitan, pero tingnan mo at nagagawa niyang mag-alala sa akin. Nagagawa niyang isipin ang kaligtasan ko, kahit siya naman itong mas nasa mahirap na kalagayan.
Magkapatid nga sila ni Arianne... pareho silang may mabuting puso, aminin man nila o hindi.
Nang makatayo na ako ng maayos, ay dahan-dahan na akong umatras palayo sa dulo. Mahirap na at baka madulas pa ako roon, tapos ay walang pagdadalawang-isip na akong tumakbo papunta sa kanan kung nasaan si Vivienne. Ang sangang kinakapitan niya ay parte ng isang punong nakatanim din sa may dulong bahagi, kaya naman isang maling kilos niya lang din ay pwede itong maputol.
"Papunta na ako, konting tiis na lang Vivienne!" Hindi ko maitago ang tarantang nararamdaman ko nang makita ang sitwasyon niya, lalo pa't medyo dumudulas na rin ang kamay niya sa pagkakakapit. Napalunok na lang ako at agad na nagpalinga-linga, naghahanap ng magagamit na pantulong sa kanya.
Dumapo ang tingin ko sa isang tuyo na baging, kaya nagmadali na ako para kuhanin ito. Nang masiguro kong matibay ito ay agad ko ng itinali ang isang dulo nito sa puno, tapos ang kabilang dulo ay ibinato kay Vivienne para kapitan niya.
"Abutin mo, aalalayan kita pataas." Isang tango ang ibinigay niya sa akin, bago hinawakan ang dulo ng baging. Nang makita kong hawak niya na ito at unti-unti na siyang kumikilos para maka-akyat ay saka ko naman hinawakan ang baging para hatakin ito, at tulungan siyang maka-akyat.
"Dahan dahan lang para hindi ka magkamali ng apak." Bilin ko sa kanya. Tumutungtong kasi siya sa mga naka-usling maliliit na bato para mas mapadali ang pag-akyat niya.
"Vivienne!" Kaonti na lang ay makaka-akyat na siya ng tuluyan, kaso ay biglang naputol ang baging kaya naman napasigaw ako. Tila kusa ring kumilos ang paa ko at lumapit ako sa dulo para hablutin ang kamay niya, bago pa siya tuluyang mahulog.
Napamali naman ang apak ko sa lupa, kaya agad akong nadulas. Dahil hawak hawak ko na ang kamay ni Vivienne ay nawalan ako ng balanse, at imbes na mahatak ko siya paakyat ay ako ang nahila niya pababa.
"Alexandria!" Sigaw niya nang pareho naming maramdaman ang malamig na hangin sa aming balat, at ang tila paghila sa amin ng ilog sa baba para mahulog kami.
"Vivienne!" Hindi ko maiwasang mapasigaw gamit ang lahat ng lakas ko nang makita kong nahulog na siya ng tuluyan, at tumama ang katawan niya sa malaking bato bago siya kinain ng tubig.
Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko na lang din ang pagbagsak ko sa ilog, at ang tila paghila nito sa akin papunta sa ilalim. Napapikit na lang din ako ng mata nang pumasok ang ilang memorya sa aking isipan.
"Do you want them to die, Alexandria?"
"No! Please don't let my family die."
"Then you do as I say, do you understand?"
"But I'm scared.."
"Fear won't bring you anywhere! Do you understand?"
"You're scaring me..."
"Actually you don't have much choice... It's either you do it, or I take care of everything. Now then, I can't assure your brothers' safety. Would you want that?"
"No."
"Then do it."
Ewan ko pero parang napatango na lang ako, kahit hindi na malinaw sa akin ang mga imaheng ipinapakita ng isipan ko.
"When you've done your part, find me. I'll be waiting."
"...find me, I'll be waiting."
"...find me, I'll be waiting."
Hinahabol ko ang aking paghinga nang muli kong idilat ang aking mga mata. Pero imbes na tubig ang makita ko ay nakita ko ang madilim na kalangitan sa itaas, at ang gubat na pinanggalingan namin ni Vivienne. Nararamdaman ko rin ang paglutang ko sa ere, kaya agad akong napalingon sa paligid.
"I-ikaw.." Ganoon na lang ang aking gulat nang makita kong nakapulupot sa akin ang malinaw na tubig, animo'y yakap yakap ako nito at dahan-dahan akong ibinabalik sa itaas. Sa kaliwa ko ay si Vivienne, lumiliwanag ang kanyang mata at mula sa kamay niya ay umaagos ang tubig habang nakatingin sa akin. Kinokontrol niya ito upang iligtas ako.
Napa-awang na lang ang aking bibig sa napagtanto, at naalala.
“Worry not for you'll be watched by a girl whose love is unmatched. She who bleed with fears in raging sea.. the girl bearing a gift no one can see. But if death comes again to thee, from the depths her gifts shall be free.”
Si Vivienne... gifted siya.
~ × ~
"...let him know that it will come true. Because it's my promise, and I don't break promises."
"You're going to put all of us in pain, Alexandria..."
"Raven, you can't die. You will live, and you will be my keeper. In dark times you shall protect me and in bright days you will be my guide. When the time comes for the word to fall upon us, and all lives become endangered... come back to me. Come back to me, and give me back the power of protection."
Hindi ko lubos maisip.
Ako pala ang simula ng lahat ng paghihirap nila. Ako pala ang nagbigay ng tadhana nilang ito sa kanila.
Ang nakakapagod na kapalarang nag-aantay kanila Raven at Xenon, ngayon mas lalo kong napagtatanto na ako ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Maging ang nangyayari kanila Cassandra, at Arianne... Ako ang may gawa.
Dahil ipinangako ko iyon.
"Nilalamig ka pa ba?" Nagbabadya ang mga luha sa aking mata nang iniangat ko ang tingin kay Melissa, na binabalot ako ng manipis na kumot na nakuha niya sa sasakyan.
Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya, kaya umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan ng diretso sa kanyang mata dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya. Ako ang naglagay kay Raven sa sitwasyon niya ngayon, pero anong ginagawa nilang dalawa? Ito at nagiging totoong kaibigan pa rin sa akin.
Ipinatong ko na lang ang ulo ko sa aking tuhod, at niyakap ang sarili ko. Hindi ko na magawa pang sumagot, at makisama sa usapan nila Kuya ngayon dahil na rin sa ilang memoryang nanumbalik sa akin.
Sigurado akong wala pa iyon sa kalahati ng mga pangyayari sa buhay ko. Pero kung doon pa lang sa nakita ko ay alam ko na kung gaano kalaki ang parte ko sa lahat ng nangyayari, paano ko pa kakayanin ang mga susunod pa? Paano ko bibitbitin ang bigat ng kalooban ko sa mga alaalang nag-aantay pang matuklas?
"They're the people who attacked you?" Hindi ko maiwasang mapalingon kay Vivienne nang marinig ko ang boses niya. Kausap niya sila Kuya Yohan, at parang wala lang sa kanya iyong ipinamalas niyang galing kanina.
Alam niya na gifted siya, iyon ang nasisiguro ko.
Kanina, nang maibalik ako ni Vivienne sa itaas, at sumunod din siya, ay walang nagsalita sa amin. Hindi ko na itinanong kung bakit hindi na lang niya ginamit ang Ability niya simula pa lang, lalo pa't obvious naman ang sagot. Kahit sinong nasa alanganin ay hindi talaga magagamit ang Ability nila ng maayos. Saka lang siguro nabuhay ng ang gift niya nang bumagsak siya sa ilog kanina.
Matapos din ang ilang minuto ay dumating sila Kuya kung nasaan kami, marami silang mga galos at may punit ang mga damit nila. Sila Sir Saturn ay puno pa ng talsik ng dugo, kaya doon pa lang ay nalaman na naming galing din sila sa pakikipaglaban. Hindi na namin sinabi ni Vivienne ang nangyari, pero sa tingin ko ay may ideya na sila lalo pa't basang basa kami. Inaantay ko na lang na si Vivienne ang magsabi sa kanila ng natatagong Ability niya, dahil hindi ko naman iyon karapatan. Tingin ko rin ay inaantay niya lang akong magsabi sa mga kapatid ko na... wala na akong Abilities.
"Wait a second, I know these pins. They're our family's security personnel symbol!" Rinig kong turan ni Vivienne, ang tono ng boses niya ay gulat na gulat. Pinasadahan ko naman ng tingin ang mga katawang nakabulagta sa sahig.
"Are you saying that your grandparents who sent us here... are also the people behind these attacks?" Iritadong tanong ni kuya Hendrix, na inilingan naman agad ni Vivienne.
"No, that's impossible. My grandparents won't let us get hurt."
"Oo nga, baka hindi naman, kasi sila Mommy at Daddy pinasama din kami dito. Kung hindi naman sila nagtitiwala sa mga Montclair, hindi sila papayag na masama kami ni Raven dito." Singit naman ni Melissa, tapos ay tumabi siya kay Vivienne upang tapikin ito sa likod. Animo'y kino-comfort ito, dahil halatang gulong-gulo na siya.
"There's only one way for us to get the answers we need. Let's go back to Montclair Estate." Suhestiyon ni kuya Travis, na agad namang sinang-ayunan ng lahat.
Walang ano-ano ay isa isa na silang nagsisakayan, tapos ay umayos na rin ako ng pagkaka-upo nang tumabi sila kuya Hendrix at kuya Jarvis sa akin. Mabilis akong niyakap ni kuya Hendrix, kaya ipinikit ko na lang din ang mga mata ko nang umandar na ang sasakyan. Kasabay nito ay ang unti-unting pagkawala ng lamig sa katawan ko.
Kuya Hendrix is as warm as the sun. That fact still doesn't change.
Sa buong byahe pabalik sa mansion nila Vivienne ay walang umiimik sa amin. Maging si Melissa na madalas ay masigla, halatang pagod na pagod na rin. Mukhang napalaban din sila ng grabe kanina.
Isang katanungan lang ang ayaw maalis sa isipan ko. Sabi kasi nila kuya Jarvis kanina, pagdating nila kung nasaan kami ni Vivienne ay marami silang nakitang patay sa daanan. Nagkatinginan pa nga kami ni Vivienne kasi alam naman namin pareho na hindi kami ang may gawa no'n.
Hindi rin daw sila Kuya. Kung hindi sila... sino? Sino ang pumatay sa mga kaaway na iyon?
~
Pagdating namin sa Montclair Estate, inaasahan naming buhay na buhay pa rin ang party. Pero taliwas ang nadatnan namin sa itsura ng lugar.
Ang kaninang maaliwalas na bahay ngayon ay punong-puno ng basag na mga kagamitan, at gulo gulong mga dekorasyon. Nagkalat din ang mga security personnel ng mga Montclair na nagtutulong-tulungan para ayusin ang paligid.
"Nasaan sila Lola?" Kunot noong tanong ni Vivienne sa isa sa mga house staff nila, na punong puno ng takot sa mukha. Halos maiyak na nga ito nang humarap kay Vivienne.
"And our parents?" Dagdag tanong naman ni kuya Yohan.
Umiling-iling naman ang staff na tinanong ni Vivienne, halatang takot pa rin at gulat sa kung ano man ang nangyari rito. "Ang gulo gulo po kanina, ma'am. Madami pong dumating na mga taga-Council, nagmadaling mag-alisan ang mga bisita, iyong iba nasugatan pa. Tapos sila Sir at Madam po ay isinakay sa sasakyan. Kasama iyong mga kaibigan nila."
Nakaramdam ako bigla ng takot sa narinig.
"Kaibigan? Ang Mommy at Daddy namin?!" Mababakas ang pag-aalala sa boses ni Melissa nang sumabat siya sa kanilang usapan, hawak hawak na nga siya ni Raven para siguro pakalmahin ito dahil anumang oras ay tila bubuhos na ang luha nito.
Wala naman akong magawa kung hindi manood lang, at mapakapit na lang ng mahigpit kay kuya Travis. Sila kuya Damon at sir Saturn naman ay umalis para siguro suriin ang kapaligiran.
"What does the Council want from our parents?" Isang tanong ang pinakawalan ni kuya Hendrix, tanong na hindi naman nag-aantay ng sagot dahil mukhang para lang ito sa sarili niya. Isang isiping naibulalas niya.
Kitang-kita ko namang napasalampak nalang si Vivienne sa couch, at napatulala. Si Kuya Yohan naman ay pabalik balik ang lakad, halatang malalim ang iniisip. Sina kuya Jarvis ay tahimik lang din, samantalang lumilinga linga naman si Raven sa paligid habang tinatapik-tapik ang Ate niya.
"Miss Alexandria!" Agad akong napalingon kay kuya Damon nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Tumatakbo siya papalapit sa amin, halatang galing sa labas. Hawak hawak niya ang isang maliit na piraso ng papel sa kanyang kamay.
Nang makalapit siya ay agad niya itong ibinigay sa'kin, na binasa ko naman agad. Napasinghap na lang ako sa nakita.
"Kuya... Kailangan na nating bumalik ng Hillwood." Napalingon na lang sila sa akin, at sa hawak kong papel.
Galing ito kay Daddy. Isang babala, at mensahe.
"The war is starting, go home and prepare. We will make sure to escape the Council and follow you, our children."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top