XXX - Inside War

       Montclair Estate.

       Ang pinaka-malaking lupain sa Central na pag-aari ng lolo at lola ni Vivienne. Nakwento na sa amin ni Mommy na ang namatay niyang best friend na anak pala nila, ay ang siya ring Mommy ni Vivienne. Dito pala siya pumunta pagkatapos namin siyang makita noon sa Hillwood.

       Ayon din kay Mommy ay hindi naging maganda ang relasyon ng Mommy at Lola ni Vivienne. Hindi raw kasi nila nagustuhan na nabuntis ito ni Tito Favian, pero nang mamatay naman ito ay matagal na nilang gustong makasama si Vivienne. Kaso mukhang si Vivienne mismo ang ayaw.

        Ano kayang nangyari sa Girdwood at pumayag ng sumama si Vivienne sa lola't lolo niya? Ang huling mga salitang binitawan niya noong nagkita kami ay parang nagpapahiwatig na hindi maayos ang relasyon nila ni Arianne bilang magkapatid, pero sabi rin ni Daddy kagabi ay si Arianne ang nagsabi kay Vivienne na may aatake sa amin. Kaya nga hindi na ako makapag-antay na maka-usap si Vivienne para tanungin siya.

        Gusto ko ng malinawan sa lahat ng katanungan ko, pero kailangan ko munang tiisin sa ngayon ang mga kakaibang tingin ng mga tao rito. Pagpasok pa lang kasi ng pagpasok namin sa bahay nila ay nilingon na kami agad ng mga tao rito. Napahawak nga ako agad kanila Kuya dahil pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa presensya nila.

        "Most of the people here are part of the Council. They really look intimidating and they will give you a judging look, so don't let them get to you." Iyon ang ibinulong ni kuya Yohan kanina.

        "They're snobs." Dagdag din ni kuya Hendrix kaya nanahimik na lang ako at tumango. Pero hindi rin naman nagtagal ay inalis na nila ang tingin sa amin, at bumalik na sa pagku-kwentuhan. Sila Mommy at Daddy naman tinawag ng kung sino, kaya naiwan na lang akong kasama sila kuya Travis. Dumiretso na lang din kami sa may veranda nila, mukhang pare-pareho kaming hindi kumportable sa loob.

        Pinasadahan ko na lang ng tingin ang paligid. Pakiramdam ko ay sobrang liwanag ng buong lugar dahil kahit saan mapadpad ang mata ko ay punong-puno ng ilaw. Dito nga mismo sa kinatatayuan namin ay nakikita pa ang hedge maze sa di kalayuan, sa may bandang dulo nitong mansion nila. Open na open din naman itong veranda nila kaya nakikita pa rin namin ang mga ibang bisita sa loob, pati na rin sila Mommy na nakikipag-usap sa dalawang matanda na balot na balot ng magandang kasuotan. Lalo na iyong babae dahil lahat ata ng uri ng alahas ay mayroon siya.

        Ewan ko pero hindi ko maiwasang mapahawak sa kwintas na binigay sa akin ni Xenon. Napapasabi na lang ako sa isipan ko na sana andito rin siya.

        Nagtama naman ang tingin namin ni kuya Damon. Tinanguan niya lang ako at nginitian, kaya ngumiti na lang din ako pabalik. Kasama kasi namin sila ni Sir Saturn dito, nakamasid lang sila sa amin at may kaonting distansya pero alam kong hindi nila inaalis ang mga mata sa aming lima. Narinig ko kasing binilinan sila ni Daddy bago kami umalis papunta rito.

        "Anong gagawin ba natin dito?" Si kuya Jarvis ang bumasag sa katahimikang nakapaligid sa amin. Hindi naman talaga ganoon katahimik, ngunit kanina ay tanging ang mahinang musika na tinutugtog ng orchestra ang maririnig lang, pati na rin iyong mga tawanan at kwentuhan ng kung sino.

        "We're here to pretend." Mahinang sagot ni kuya Yohan habang hindi inaalis ang tingin niya sa loob, kaya napataas naman ang isang kilay ko. Nagkatinginan din kami ni kuya Hendrix, pero nagkibit balikat lang din siya.

        "Anong pretend?" Gulong gulong tanong ni kuya Jarvis na nasa tabi ko. Si kuya Travis na ang sumagot sa tanong niya habang pinaglalaruan ang isang baso ng champagne na hawak niya. "Pretend like we enjoy the company of these group of people, and also we're here since the Montclairs are a good friend to us, especially to our parents. They helped us, remember?"

        "Nakilala niyo na ba ang Lolo at Lola ni Vivienne dati?" Hindi ko maiwasang maitanong. Naisip ko lang kasi kung dati ba ay nagkasama sama na sila sa isang party...

        Umiling naman silang apat.

       "We know them by name, but we haven't met and talked to them personally." Ani kuya Hendrix.

        "Let's just see how the evening goes, and just stay together. These people are beasts, and they have it bad against our family. I'm pretty sure they will be watching us like a hawk, they'll try to find any mistake they can gossip about." Turan ni Kuya Yohan kaya hindi na kami sumagot, pero alam namin pare-pareho sa sarili naming tama siya. Isa pa, kakatapos lang ng duties ni Daddy sa Council kaya sigurado akong mainit init pa rin ang pangalan ng pamilya namin sa mga mata nila.

       "Baby A, are you feeling cold?" Napalingon naman ako kay kuya Jarvis nang marinig ang tanong niya. Napansin niya sigurong kanina ko pa niyayakap ang sarili ko, malakas din kasi ang hangin dito sa pwesto namin, tapos itong suot ko pang itim na mermaid dress ay backless kaya hindi ko maiwasang lamigin. Tinanguan ko na lang si Kuya.

       Walang pag-aalinlangan naman niyang hinubad ang coat niya, at ipinatong ito sa akin. Pare-pareho kasi silang nakasuot ng tuxedo na pina-custom made ni Mommy, pero ngayon ay naka-vest na lang siya at ang white long sleeves.

       "Okay lang ba sa'yong ipahiram 'to sa akin, Kuya? Ikaw lang ang hindi maayos ang suot na tuxedo." Puna ko sa kanya na ikinatawa niya ng mahina.

       "You're really becoming like Mom, so concerned about clothes.." Napanguso naman ako sa sagot niya. Nagsasabi lang naman.

       Humarap naman siya sa akin at inayos ang pagkakapatong ng coat niya sa akin, sinisiguradong hindi na ako lalamigin. "Baby A, wala naman akong pakialam sa mga ganyan. Bakit mas iisipin ko pa 'yan kung nakikita kong nilalamig ka?"

        Ang sweet ng kapatid ko, nasaan na napunta ang mahiyain naming Jarvis? Wala na siyang takot ngayon magsabi ng nararamdaman niya. Nakakatuwa...

       "Thank you, Kuya." Iyon na lang ang nasabi ko sa kanya, at ngitian niya na lang din ako. Tapos ay muli na siyang bumalik sa pagtingin sa malayo, kaya hindi na lang din ako nagsalita.

       "Good evening! Andito na pala kayo!" Maya maya lang ay sabay sabay kaming napatingin kay Melissa nang marinig namin ang malakas na tinig niya, sa tabi niya si Raven na mukhang pagod na pagod na sa presensya ng kapatid niya. Hula ko ay nagbangayan nanaman sila habang nasa byahe papunta rito..

        Babatiin ko na sana si Melissa, pero pare-pareho naman kaming nagulat nang biglang tumakbo si Raven papalapit sa akin. Pati sila Kuya ay nanlaki ang mga mata sa ginawa niya, lalo na't yumakap pa siya sa akin na parang bata.

        "Peppermint, ilayo mo ako rito rinding rindi na ako sa ingay ng Ate ko." Kunwari ay naiiyak pa niyang atungal. Gusto ko na sanang sumagot, kaso hindi ko na nagawa dahil hinila na siya ni kuya Hendrix palayo sa akin, tapos pumagitna sa amin si kuya Travis. Hinila rin ako ni kuya Jarvis palapit sa kanya, kaya napa-awang na lang ang bibig ko.

       "Woman, if you don't take your brother away from here, he's dead." Ani kuya Yohan na masama pa ang tingin kay Raven. Akala ko ay sasagot sa Melissa pero nagulat naman ako nang inismiran niya si kuya Yohan.

        "Tinatakot mo ba ang kapatid ko ha?!"

        "I'm just saying stop him from doing unnecessary things to my sister."

       Nagpalipat lipat naman ang tingin namin sa dalawa, at hindi maiwasang magtaka. Kung saan saan lagi napupunta ang sagutan ng dalawang 'to.

        "Unnecessary ba 'yon? Bakit ako niyakap din naman kita no'ng isang araw di mo naman ako sinaway ha! Edi dapat noon palang sinabi mo ng unnecessary pala 'yon!"

       Napa-awang na lang ang bibig ko at napa-iling. Sinasabi ko na nga ba may something sa kanila! Naku naku.

        Namula naman bigla si kuya Yohan tapos ay hinila na lang si Melissa paalis. Pero bago sila tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang binubulong bulong niya.

        "Stop revealing private moments, please."

       "Wow, those two..." Rinig kong komento ni kuya Travis at napailing-iling na lang. May ngiting namuo sa labi niya.

       Hindi ko naman maiwasang mapakunot ng noo nang makita ang pagbuntong hininga ni Raven. Walang pasabi rin siyang umalis kaya nagkatinginan na lang kaming magkakapatid.

        Magpapa-alam sana ako kanila Kuya kung pwede kong sundan si Raven, kaso ay may lumapit na sa aming isang security personnel. Hindi ko siya kilala, at mukhang hindi rin kilala nila Kuya lalo pa at lumapit din bigla sina kuya Damon at Sir Saturn. Pumwesto sila sa harapan namin na para bang sinasabi nilang sa kanila muna sila makikipag-usap bago sa amin. Kaso ay hindi naman nagpatinag iyong security personnel, dahil taas noo pa rin itong nagsalita habang nakatingin sa aming magkakapatid.

       "Mr. and Mrs. Montclair wishes to see you." Tanging turan niya bago tumalikod, at naglakad palayo. Nilingon naman kami nila sir Saturn at tinanguan, animo'y nagsasabi na pwede kaming sumunod sa lalaking iyon.

       Kumapit na lang tuloy ako kay kuya Travis nang magsimula na kaming maglakad. May ilang mga bisita rin ang napapatingin sa amin, pero bumaalik din naman sila agad sa kani-kanilang mga mundo. Sinusubukan ko ring hanapin sila Mommy kaso hindi ko na sila makita, kaya nagpatianod na lang din ako kanila Kuya at napansin kong pumasok kami sa isang kwarto, sa dulo na ng hall. Pagpasok namin sa kwarto ay may pinindot na kung ano iyong security personnel na sinusundan namin tapos biglang bumukas iyong pader at ipinakita ang isang maliwanag na hall kung saan may pinto sa dulo.

       "Cool..." Rinig kong komento ni kuya Jarvis, samantalang napa-awang nalang ang bibig ko sa pagkamangha. May secret room pala sila dito.

       "Where are you bringing us?" Habang sumusunod kami ay hindi na ata napigilan ni kuya Hendrix ang sarili, sapagkat nagbitaw na lang siya ng katanungan. Nilingon naman kami sandali ng security personnel, pero hindi niya rin kami sinagot. Nagdire-diretso lang siya, kaya wala rin kaming nagawa kung hindi sumunod na lang. Isa pa, hindi naman ako nakakaramdam ng kaba lalo pa at kasama naman namin sila kuya Damon.

       "Paano si kuya Yohan?" Malapit na kami sa may pintuan nang bumulong ako kay kuya Travis. Nagkibit balikat lang naman siya sa akin. Sa tingin ko ay balak niyang sumagot, kaso naunahan na siya ng tatlong sunod sunod na katok na ginawa nitong security personnel na kasama namin, tapos ay binuksan niya ang pinto at pinapasok kami.

       "Mommy!" Ewan ko pero para akong batang napatakbo sa pagitan ng mga magulang ko nang makita kong nasa loob din sila nitong secret room. Hindi lang sila, dahil maging sina Mallory at Alfred ay narito rin.

       "Andito na pala kayo." Rinig kong puna ni kuya Hendrix kay kuya Yohan. Nandito na rin kasi sila pagpasok namin, kasama na rin si Raven. Tapos pati iyong dalawang matandang kausap nila Daddy kanina ay nandito, at nasa tabi nila si Vivienne na tahimik lang.

        Sila ba ang lola at lolo niya? Ang mga Montclair?

       "You must be Alexandria?" Napatingin ako sa matandang babaeng katabi ni Vivienne nang sabihin niya iyon. Walang reaksyon sa kanyang mukha, pero hindi naman siya mukhang galit. Tumango na lang ako sa kanya bilang kasagutan.

       "Dad, what are we doing here?" Singit bigla ni kuya Yohan na mukhang inaantok na, kaya naman nabaling sa kanya ang mga tingin namin.

       "You're here to help the Central Council." Ang sa tingin kong lolo ni Vivienne ang sumagot. Tumayo rin siya mula sa pagkaka-upo, at kahit may edad na ay makikita mo talaga ang kakaibang otoridad na nilalabas niya.

       Hindi ko naman maiwasang mapakunot ng noo sa narinig, hindi lang ako pati na rin ang mga kapatid ko at sila Melissa. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang dagliang paglingon ni Vivienne sa lolo niya, animo'y ito rin ang unang beses niyang narinig ito.

       "Help the Central?" Takang-takang tanong ni kuya Jarvis, na tinanguan naman agad ng lolo ni Vivienne.

       "Dad, what does this mean?" Si kuya Hendrix ang sunod na nagsalita, at sa pagkakataong ito ay kay Daddy siya bumaling. Hindi maitago ang kalituhan sa kanyang mata.

        "Alexandria, Jarvis... what do you think?" Nagulat naman ako nang imbes na sumagot ay sa amin bumaling si Daddy. Nagkatinginan din kami ni kuya Jarvis, parehong gulong-gulo sa kung anong nangyayari.

       "Po?" Iyon lang ang tanging maisagot ko dahil wala talaga akong kaide-ideya kung bakit sa akin siya nagtatanong. Maging sila Melissa ay halatang naguguluhan na sa nangyayari, pero nasa amin din ang mga tingin nilang nag-aantay ng kasagutan.

        "The South Council first received reports from the both of you.. reports of dead bodies from Girdwood." Turan ni Mallory bigla na kanina pa walang imik. Akala ko ay andito lang sila para makinig, pero mukhang alam din nila kung ano ang dapat gawin. Isang bagay na hindi ko na dapat ikabigla tutal ay mukhang magiging parte ang mga anak niya ng kung ano man itong gagawin namin, kaya natural ng kasama sila ni Alfred.

       "Dead bodies from Girdwood? You mean...?" Mabilis na napalingon sa akin muli si kuya Jarvis nang mapagtanto niya kung anong karugtong ng mga sinasabi niya. Isang tango lang ang nagawa ko, dahil parehong naming alam na iyon yung araw na una naming nakita ulit si Arianne.

      "When you alerted the Council about those bodies, you also alerted them of something else... an end to the long-kept peace, or at least that's what they call it. Why? Because those dead bodies, they were killed for their abilities. They were snatched of their right to live." Pare-pareho kaming nakatingin lang kay Mommy, nag-aantay ng kung ano ang mga susunod niyang sasabihin.

        Ewan ko, pero hindi ko maiwasang mapasimangot sa narinig. Ano? Doon pa lang naalerto ang Coucil? Long-kept peace? Talaga bang iniisip nilang peaceful na peaceful ang mga nakaraang buwan sa kabila ng nangyari sa Academy? Sa kabila ng dami ng taong namatay... sa kabila ng dami ng taong nasugatan at nagbuwis ng buhay?

        Ha! Kakaiba pala ang ibig sabihin nila ng salitang peace.

        "So, the South Council... asked for Central Council's help? And now you want us to help?" Gulong-gulong tanong ni kuya Yohan, nakakunot ang kanyang noo habang nag-aantay ng sagot mula sa kung kanino man sa loob ng silid na ito.

        Nagulat naman kami ng tumawa ang lola ni Vivienne, kaya nabaling muli sa kanya ang atensyon namin. "Now that's what you think, isn't it? Well, it's what everybody else would think." Aniya na mas nagpagulo ng isipan ko.

        "The South Council is incompetent... Nick you were not a part of its decision body for the past few months, no offense." Singit bigla ni Alfred na tinanguan lamang ni Daddy.

        "Long story short, we've observed a pattern. There are a few things that are happening now that also happened before... in what we call a Legend." Tugon ng lolo ni Vivienne tapos ay napatingin siya sa akin bigla, kaya nakaramdam naman ako ng kaba.

         Sigurado naman akong hindi nila alam na ako ang Powerful Being. Pwedeng alam nga nila Mommy, pero alam kong hindi nila basta basta ibibigay ang ganoong impormasyon sa ibang tao... kaya bakit bigla akong kinabahan? Bakit tila nangungusap ang mga mata ng Lolo ni Vivienne?

        "Not exactly in the way it happened before, but who are we to say it's different? There's no telling of what really did happen in the past. After all, it's been a long time. It's just a Legend that has been passed on to generations from generations, and as much as it pains us to say this, even the Council doesn't support this story." Muling wika ng Lola ni Vivienne.

        Nakakatawa ang Council ano? Itinatanggi nila ang katotohanan ng Legend sapagkat ayaw nilang makwestyon ang Council... Tapos ngayon iyon ang ginagawa nilang basehan sa nangyayari.

        "We get that, Mr. and Mrs. Montclair. What we don't understand is that why are we getting dragged onto this?" Sabat ni kuya Hendrix. Kung kanina ay naguguluhan siya, ngayon ay parang mas gulong gulo pa siya.

       "And why the sudden mention of the so-called Legend?" Dagdag ni Raven, kaya napatingin ako sa kanya. May kakaibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko maipaliwanag, pero alam kong konektado ito sa pagbanggit ng usaping Legend.

        Aminin man niya o hindi, sabihin ko man sa kanya o hindi, alam namin pareho sa loob naming ayaw man namin o gusto... Parte kami ng Legend na iyan sa kasalukuyang panahon.

       "Because the Central Council thinks there are people who's trying to bring this story up, and getting inspiration from it to commit a crime. A rebellion." Walang kurap kurap na sagot ng Lola ni Vivienne, nakapamewang pa siya at matalim ang tingin sa kawalan. Animo'y may inaalalang pangyayari na may kinalaman dito.

        Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng isang kilay ni Vivienne. Para bang gusto niyang sumingit, pero pinipigilan lang niya ang sarili.

       "And we know that's not what it is. That's why we wanted to ask for your help. The South Council disregarded the motion as a simple crime, and doesn't want to further investigate it... The Central Council on the other hand wants to keep on digging more about this, but they don't want to believe what's actually happening. They're being close minded." Rinig kong sabi ni Daddy.

        "What exactly do you want us to do?" Sa wakas ay sabat ni Vivienne, kaya napatingin din sa kanya ang Lolo at Lola niya.

        "We're going against the Council's back and do a separate investigation on this. This party is just a show so the Council won't give much care, and won't think that you're all here for another reason." Sagot ng lolo ni Vivienne, kaya napatango naman ako.

        Kung ganoon... hindi talaga importante na umattend kami dito. Ginawa lang nila itong dahilan para madala kami sa Council, pati na rin ang mga Pierce. Inimbita ng mga Montclair lahat ng maimpluwensiyang pamilya sa party na ito para hindi magduda ang Council sa kung ano ang ginagawa namin dito.

        "How are we going to do this investigation? We don't have much time." Takang tanong ni kuya Travis.

        "Remember when I first told you that the Montclair moved the day of the party? We got an information that time that the same thing that happened on Girdwood will be happening here on Central, on this day. Kaya bago pa mangyari, kailangan na namin ang tulong niyo para ilikas ang mga taong pwedeng madamay, bago pa magsidating ang mga taong gumagawa ng krimeng ito." Si Mommy na ang sumagot sa tanong ni kuya. Wala namang sumagot sa kanila, kaya nanatili lang din akong tahimik.

       Naalala ko na dati ay lagi ni Daddy pinapadala sila kuya sa kung ano-anong mission. Kung iisipin, ito pala ang unang beses na sasama ako sa kanila...

        "When... we catch those people... what will happen to them?" Si kuya Jarvis ang bumasag ng katahimikang namuo sa aming lahat, kaya agad ko siyang nilingon. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

        Pag-aalalang alam kong para kay Arianne.

      "They should be punished." Tanging tugon ni Mr. Montclair sa isang madiin na tono. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang bahagyang pag-atras ni kuya Jarvis sa narinig, marahil ay gulat.

        Naalala ko na nabanggit ko na ito kay Daddy kagabi, dahil nag-aalala ako kung may mangyayari ba kay Arianne dahil doon sa nangyari sa Girdwood. Ang tanging isinagot niya kagabi ay, "she'll remain untouched", at ngayon ko lang ata tuluyang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Dahil base doon.. at sa kung ano man ang nangyayari ngayon, mukhang nakarating na kay Daddy ang nangyari noon pa. At mukhang hindi madadawit ang pangalan ni Arianne... Pwedeng dalawa lang iyon, wala silang mahanap na ebidensya na may kinalaman sila– maging ako hindi ko pa alam kung sila nga ba talaga ang may kagagawan noon. O pangalawa, sadyang hindi ganoon ka-importante sa South Council ang nangyari, katulad na lang ng binanggit ng Lolo at Lola ni Vivienne.

        Pero para sa Central Council... kung umabot ang problemang iyon dito... ibig sabihin ay nasa magkaka-iba silang panig. Kaso, kung kakailanganin nila Daddy ang tulong namin ay isa lang din ang konklusyon sa mga nangyayaring ito– may sariling gyerang namumuo sa pagitan ng Central at South Council.

        May mga laban na nangyayari sa labas. May mga away na nangyayari sa loob. At alam mo ba kung alin ang mas mahirap?

        Iyon ay kapag sa loob na ang nagaganap na labanan. Dahil mula dito ay unti unti ng lalala at gugulo ang mga susunod pang araw o linggo.

       Kapag nagsimula ng anayin ang loob ng isang bahay, unti-unti na itong guguho hanggang sa mapansin mo na lang na... talo ka na pala, wala ka ng matatakbuhan at huli na ang lahat.

       At iyon ang hindi pwedeng mangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top