XXVII - Glass Heart
"I figured it all out." Nagpalitan kaming magkakapatid ng tingin nang marinig namin ang sinabi ni kuya Yohan.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ginising niya kaming lahat ng sobrang aga. Akala ko ay maghahanda kami para sa pag-alis namin papuntang Central mamaya pero narito kami sa sala, pare-parehong inaantok pa at naguguluhan. Maging si Mommy ay hindi maipagkakaila ang pagtataka, lalo pa't mas nakakagulat na naririto rin si Melissa.
"Care to elaborate, anak? I am confused here. Isn't it too early to talk about mysteries?" Halatang pagod na tanong ni Mommy. Papaano naman kasi ay ni hindi pa sumisikat ang araw. Tingin ko nga ilang oras pa lang ang tulog ni Mommy.
Napa-awang naman ang bibig ko sa gulat nang tumawa ng mahina si kuya Yohan. Pati sila Kuya at Mommy ay halatang hindi inaasahan iyon. Pagkatapos ng ilang buwan at linggo, sa unang pagkakataon, narinig ulit naming tumawa si kuya Yohan. Isang mahina ngunit sinserong tawa, tawang nagpapahiwatig ng tunay na kasiyahan.
Anong nangyayari...
"I'm still dreaming, aren't I?" Hindi naman nakalampas sa pandinig ko ang hindi makapaniwalang bulong ni kuya Hendrix kay kuya Jarvis na nanlalaki rin ang mata. Kitang-kita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang pag-irap ni kuya Yohan sa banda nila, animo'y narinig din ang tanong ni kuya Hendrix.
"Am I still sleepy or what Kuya Yohan is saying just doesn't make sense at all?" Napangiti naman ako ng palihim nang bumulong si kuya Travis sa akin. Bakas na bakas ang antok sa boses niya kaya sumandal nalang ako sa balikat niya, at niyakap siya.
"Hindi ka nag-iisa." Sagot ko na lang at humikab. Akmang ipipikit ko na sana ang mata ko nang muling magsalita si kuya Yohan, kaya binaling ko na lang ulit sa kanya ang tingin ko.
"Can you all wake up just for a few more minutes?" Maririnig ang pagpipigil ng inis dito, isang tipikal na kuya Yohan na namiss ko.
"Try mo kayang bilisan kung ano yung sasabihin mo? Para pare-pareho tayong makatulog na?" Napalingon naman si Mommy sa direksyon ni Melissa nang marinig ang sinabi nito. Isang namamangha na ngiti ang sumilay sa labi niya. At hindi rin nakaligtas sa paningin namin ang palitan ng tingin nina kuya Yohan at Melissa, kaya kahit antok na antok ako ay di ko rin mapigilang mapangiti.
"She's got a point." Ani Mommy kaya napabuntong hininga at napatango na lang si kuya Yohan. Tumikhim din muna siya bago muling nagsalita.
"I figured out what's happening to me." Otomatikong napakunot ang noo ko sa narinig. Mukhang napansin din ni kuya Yohan ang naging reaksyon namin, pero wala ring nagtangkang sumagot pa muna kaya muli na siyang nagpatuloy.
"Well, not exactly. I still don't know why the elements are in chaos, but I think I found out how to control and stop its effects on me and my ability. I have an idea now how to stop myself from hurting all of you... especially you, baby A." Kitang-kita kong napalunok siya sa mga salitang binitawan niya, lumandas din ang pagsisisi sa mga mata niya kaya tinanguan ko na lang siya, at ngitian, para ipaalam na naiintindihan ko.
"And what is it, anak? What should we do?" Rinig na rinig ko ang buhay na buhay na pag-asa sa tono ng pagtatanong ni Mommy. Alam ko, higit sa sinuman, siya ang magiging pinaka masaya kapag umayos na ang lagay at Abilities ni kuya Yohan.
Muli kaming natahimik habang nakamasid kay kuya Yohan, inaantay siyang sumagot at magpaliwanag. Napansin kong tinanguan at nginitian siya ni Melissa, bago niya kami isa isang binalingan.
"For some reason, my own Ability had seem to grow its own life and is taking over me. Darkness is something that can be found everywhere, and every bit of it triggers my Ability. It is in haywire not because of me or any of you, but because of the changes that is bound to occur in the elements. Understanding that made me realise something." Ani Kuya Yohan.
Isang ngiti ang binigay niya sa akin, bago nagpatuloy. "If I can't control the effects of the changes on my Ability, then I will adapt to it."
Napakunot ang noo ko sandali pero agad itong napalitan ng isang ngiti nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip noong una pa lang?
"That's the problem, you can't adapt to the changes. That's the main reason why you're struggling, kuya." Protesta ni kuya Travis sa tabi ko. May punto nga naman siya, pero kung tama ang iniisip ko...
Balak ko na sanang sumingit sa usapan, pero bago ko pa magawa ay natigilan na ang lahat nang magsalita si Melissa. "Hindi na siya mahihirapan, tutulungan ko siya."
Napangiti ako. Tama nga ang aking haka haka.
"I have just the right ability to help. Kaya kong tulungan si Yohan, nasubukan na rin naming i-test yung theory niya. Gumagana siya. Maaayos 'to." Halata namang gulong gulo pa rin sila Kuya sa sinasabi ni Melissa, ganoon na rin si Mommy. Hinayaan ko na lang muna silang magpaliwanag dahil mas alam ni Melissa at ni kuya Yohan ang sakop ng mga kakayahan nila.
Darkness Adaptation ang Ability ni Melissa. Nasabi niya na sa akin noon na kayang kaya niyang mag-adapt agad sa lahat ng nangyayari sa element ng darkness, kaya kahit anong mangyari ay hindi magkakaroon ng epekto sa kanya ang mga pagbabagong ito.
"Paano mo matutulungan si kuya Yohan kung ikaw lang ang hindi naaapektuhan ng pagbabago?" Rinig kong tanong ni kuya Jarvis, punong puno ito ng kyuryusidad.
Napataas naman ang isang kilay ko dahil alam ko kung paano. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang panlalaki ng mata ni Melissa, halatang kinabahan bigla.
"A-ano, b-basta ako ng bahala do'n." Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko upang pigilan ang sarili kong matawa sa biglang pamumula ngayon ni Melissa, lalo pa at napangisi rin si kuya Yohan sa naging reaksyon nito.
Hindi ko na kailangang tingnan isa isa ang mga kapatid ko para malamang nagtataka sila sa inaasal ng dalawa, pero kahit ganoon ay wala rin namang nagbalak magsalita sa kanila. Tila ba sa katahimikan na iyon ay may hinala na sila. Sa katahimikang iyon ay nakuha nila ang sagot na hinahanap nila.
Ang isang ability ay pu-pwedeng mahasa pa lalo na kung alam na alam mo na ang sariling lakas mo. Kung kontrolado mo na ang kakayahan mo, kayang-kaya mo na itong palakasin pa lalo hanggang sa abot ng kapasidad ng isipan at katawan mo. Sa tingin ko ay ganoon ang nangyayari kay Melissa– may kontrol na siya sa Ability niya kaya alam niya na sa sarili niyang kaya niyang matulungan si Kuya Yohan. Hindi ko nga lang alam sa kung papaanong paraan, pero may tiwala ako sa kanila.
Isa pa, malakas ang pakiramdam ko na higit pa sa nakikita ng dalawang mga mata ko ang nangyayari. May malaking kuwento sa likod ng engkwentrong ito. Kung ano man iyon, hahayaan ko na lang ang dalawa na magpaliwanag sa oras na handa na at gusto na nila.
"There is one thing that's bothering me though." Si kuya Yohan ang muling bumasag ng katahimikan nang magsalita siya, muling nakakunot ang noo niya at halatang may malalim na iniisip.
"What is it?" Tanong agad ni kuya Hendrix.
"One of the things I noticed is that these things that are happening to me, somehow it's tolerable when I'm here. When I'm here, my abilities doesn't get so out of control." Aniya na nagpa-isip sa akin– sa amin.
"What do you mean by that?"
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni kuya Yohan nang marinig ang tanong ni kuya Travis. Nagkibit balikat din muna siya bago sumagot.
"I don't get lost in my own Ability when I'm here. It's making me feel a lot of things, yes, but it's manageable... unlike when I'm in the Academy or out somewhere." Pansin ko namang tumingin si kuya Yohan kay Mommy nang sabihin niya iyon. Animo'y naghahanap siya ng kasagutan, at sa laking gulat ko ay ngumiti si Mommy na para bang alam niya ang sagot sa nangyayari.
"It's because Montecillo Mansion is our safe haven." Kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagpapalitan ng tingin nila Kuya, at maging kami ni Melissa ay napakunot ang noo sa narinig.
"Safe haven..." Hindi ko maiwasang maibulong ang nasa isip ko. Mukhang narinig ito ni Mommy dahil panandalian niya akong sinulyapan at tinanguan.
"The Montecillo Family always had a lot of rare abilities in every generation. Each rare abilities were treated both as a threat and a gift to anyone outside of our country... or our family at that matter. It's something that everyone wanted, and hated." Panimula ni Mommy.
"Society always thought of our family as people who are to be feared for, and also something that should be destroyed. There used to be a lot of Montecillo way back then... but they were all killed, and hunted as if they were some kind of animals." Napansinghap naman ako nang marinig ang kwento ni Mommy. Isa itong bagay na hinding hindi ko inasahan.
Kaya pala... kaya pala sobra ang pagtataka ko na ang dami daming Montecillo dati doon sa librong nabasa ko, pero ngayon... parang kami na lang ang natitira. May ganoon pa lang nangyari. May mga gusto pala na umubos ng lahi namin dati.
"Mom, why didn't we hear this before?" Katulad ko ay gulat na gulat din sila Kuya Jarvis. Hindi rin pala nila alam ang tungkol dito.
"Your Father does not like talking about it. It's something that still scares and bothers him. And that's also one of the reasons why he– why we're both so keen on making sure that you're all safe. That's the reason why the Montecillo Family aimed to be powerful enough to protect us. To make sure that such thing will never happen again." Sagot ni Mommy sa isang malungkot na boses, tapos ay isa isa niya kaming ngitian bago muling nagpatuloy sa pagku-kwento.
"Your grandparents told us before that they never thought their ancestors will be getting the power we have now. They never thought that the family would survive, not until another rare ability was born into this world." Hindi ko alam kung bakit pero tiningnan ako ng diretso ni Mommy bago siya muling magsalita.
"Ten generations ago, Xenon Montreal's great great great great great great great great grandfather was born." Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Family ni Xenon... Sampung henerasyon na ang nakakaraan.
"After what happened to the legend... after the Council was formed, only the Montecillo family gathered rare abilities. Even though the Montreal's had always been in a close relationship to the Council, never did they had rare abilities. But when they did, the Council turned their back on them... and that made them vulnerable to the attacks as well. And that's where our family butts in, knowing what it feels like to be always afraid for your life, both Xenon's and our ancestors stood up and decided that no matter what... they will protect each other." Hindi ko alam ang sasabihin ko...
Hindi ko inasahang may ganitong nakaraan ang parehong pamilya namin ni Xenon. Akala ko ang tungkol sa legend na ang simula at katapusan ng lahat, hindi pala.
"Since that day forward, the Montecillo Family decided that every generation, every single Montecillo born with a rare ability will help strengthen this ground's protection by using their Ability to create barriers for Montecillo Mansion, for the family's safe haven. Hindi man halata, pero nababalot ng protective barriers ang lugar na ito. Barriers from different kind of rare abilities, from every different Montecillo of every generations." Alam kong kitang kita na ni Mommy ang pagkamangha sa mga mukha namin, pero ayos lang. Hinding hindi, at wala rin akong balak itago ang pagkabilib ko sa mga impormasyong nalaman namin. Maging si Melissa nga ay halatang nagulantang din sa nalaman, at hindi ko rin siya masisisi doon.
"Your Father used and added his ability in here too, on the day we found out that I was pregnant with Yohan. And one day, you'll do your part too. When you're all ready." Di ako makapaniwalang may ganito pala kaming tradisyon– tradisyon hindi lang para sa sariling katuwaan namin kung hindi na rin ay para sa proteksyon namin, at sa mga susunod pang henerasyon ng pamilya namin.
"What happened when our ancestors got their power?" Tanong bigla ni Kuya Yohan, halatang interesadong interesado sa nakaraan.
"No one dared to hurt the family again, and even the Pierce Family's ancestors became one of the Montecillo's great friends." Ani Mommy at bumaling kay Melissa, na tahimik lang na nakikinig. Sinundan lang din namin siya ng tingin nang bigla siyang tumayo at lumapit kay Melissa. Isang kalmado pero punong puno ng emosyon ang ngiting ibinigay niya rito.
"So when I thought that your grandparents killed my parents, I was livid with anger. Nick felt betrayed, too, for your family used to be one of our trusted allies. Pero nagkamali rin kami, we were all played but I still want to ask you for your forgiveness, iha." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mommy.
Played? Anong ibig niyang sabihin? At sinasabi ba niyang hindi ang mga magulang nila Dana ang pumatay kanila Lola? Iyon ba ang rason kung bakit magkakampi na sila? Pero bakit hindi pa nila ipinapaalam sa lahat? May binabalak kaya sila?
Natigil naman sandali ang iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Melissa. Rinig na rinig din ang pagtataka rito.
"Po? Hindi niyo naman po kailangang mag-sorry sa akin?" Nagsalubong ang dalawang kilay niya at halatang naguguluhan. Umiling naman si Mommy at inilagay na lang sa likod ng kanyang tainga ang ilang hibla ng buhok na nakakaharang sa mukha niya.
"Sometimes, I wonder what would've happen if your family wasn't robbed of the right and privilege you should've had. If it weren't for what happened years ago, things would've been so different." Tanging kibit balikat naman ang nakuha kong sagot mula kanila Kuya nang magpalitan kami ng tingin, pare-parehong walang ideya sa kung ano ba ang ibig sabihin ni Mommy. At bago pa makasagot si Melissa ay agad na siyang niyakap ni Mommy.
"Melissa, I owe you a lot." Rinig na rinig ang boses ni Mommy sa buong sala, walang ibang nagbalak magsalita o sumabat. Nagtama rin ang paningin namin ni Melissa at kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya, kaya binigyan ko na lang siya ng isang tango at ngiti.
Pakiramdaman ko man o hindi, alam kong halo halo ngayon ang nararamdaman ni Mommy. At ganoon din si Melissa syempre, pero kahit ganoon ay masasabi ko pa ring isang bagay ang sigurado, at iyon ay ang katotohanang pareho silang nagagalak ngayon. May hindi maipaliwanag na kapayapaan ang bumabalot sa mga damdamin nila, at para sa akin ay sapat na iyong kaalaman sa oras na ito.
"Thank you for helping my son. You don't know how happy I am." Ni hindi ko na kailangang gumamit ng Ability upang maramdaman ko kung gaano kasaya ang Mommy ko, dahil bumabalot na ito sa bawat salitang binitawan niya– nag-uumapaw at nakakahawa. Alam kong nararamdaman din iyon ni Melissa lalo pa't isang ngiti rin ang maya maya'y sumilay sa labi niya, at tinugunan niya ang yakap ng Ina ko.
"Walang anuman po." Kasabay ng sagot na iyon ay ang pagtatama ng tingin namin ni Kuya Yohan. At sa nakalipas na mga buwan, ngayon ay kayang kaya kong sabihin na nakabalik na ang kapatid ko.
Magiging maayos ka na Kuya. Babalik ka na ng tuluyan sa amin, at higit ka pang lalakas dahil alam kong malalampasan mo lahat ng ito.
"Pero kayong dalawa... saan kayo nanggaling? Magdamag kayong magkasama?" Nabaling ang atensyon naming lahat nang marinig ang inosenteng tanong ni kuya Jarvis. Agad din itong sinundan ng nakakabinging tawa nina Kuya Travis at kuya Hendrix.
"Shut up, go back to sleep." Kunwari ay iritadong saway ni kuya Yohan tapos ay mabilis itong tumalikod, at naglakad paalis. Pulang pula ang tainga nito kaya naman mas lumakas pa lalo ang tawa nila Kuya. Samantalang napapangiti at iling na lang si Mommy habang nakatingin kay kuya Jarvis. Mukhang ngayon pa lang naiisip ni Kuya kung bakit ganito ang reaksyong nakuha niya sa isang simpleng tanong na binitawan niya.
Napa-iling na lang ako at tumayo na para lumapit kay Melissa, na nakayuko at pulang pula rin ang mukha. Bumaling naman sa akin si Mommy.
"Anak, can you accompany Melissa to one of our guest rooms? Itatawag ko lang sa parents niya na dito na siya matutulog. It'll be dangerous to go out there and travel at this time of night."
"Sa kwarto ko na lang siya papatulugin, Mommy. Gusto ko rin po kasi ng may kasama, ayos lang ba?" Isang tango naman ang ibinigay niya sa amin at tinapik niya ng mahina pareho ang likod namin.
"Go and take a rest. Melissa, iha, ihahatid ka na lang namin sa inyo mamaya." Binigyan na lang din kami ni Mommy ng tag-isang yakap bago siya bumaling kanila Kuya upang i-goodnight din ang mga ito, tapos ay naglakad na siya paalis ng sala at papunta siguro sa study o maari ring susundan niya si Kuya Yohan.
"Tara na, Alexandria. Inaantok na ako, kainis kasi yung Kuya mo daming pa-suspense." Natawa naman ako nang parang switch na mabilis na nawala ang kanina lang ay tila nahihiyang Melissa. Sinamaan din niya ng tingin sila Kuya na nagtatawanan pa rin, kaya napa-iling na lang din ako.
"Mauuna na kami. Good night mga Kuya." Nilingon ko na lang sila at nginitian bago ko iginaya si Melissa paalis doon, at papunta sa kwarto ko.
Sunod sunod na lang ang naging paghikab niya habang pataas kami ng hagdan, kaya napangiti na lang ako. Wala na ring nagbalak magsalita sa amin hanggang sa marating namin ang kwarto, kaya halos mapatalon ako sa gulat nang tumili bigla si Melissa.
"Makakatulog na rin sa wakas!!" Aniya at tumakbo palapit sa kama ko, sabay tumalon para humiga rito. Natawa na lang ako lalo at dumiretso na sa walk-in closet ko para kumuha ng pampalit na dami ni Melissa. Halos magkasing katawan lang naman kami, kaya paniguradong magkakasya sa kanya ang mga pajamas na mayroon ako.
"Alexandria, alam mo buti na lang dito mo ako pinatulog. Huwag kang magagalit ha? Pero masyado kasing malaki 'tong mansion niyo, parang nakakatakot! Baka mamaya nagmumulto pa rito mga ninuno ng angkan niyo." Palabas na ako ng closet nang marinig ko ang sentimento ni Melissa kaya muli nanaman akong natawa. Ibang klase talaga ang babaeng 'to, lagi ka na lang matatawa kapag kasama mo siya.
"Hindi ka naman nila sasaktan." Kitang-kita ko naman ang panlalaki ng mata niya nang iabot ko ang kinuha kong pajama. Napalinga-linga rin siya kaya napataas na lang ang kilay ko sa inasta niya. Pero hinayaan ko na lang din ito.
"Magbihis ka na para makatulog ka naman ng kumportable, alam kong pagod ka na rin." Kaso ay mukhang hindi niya ako narinig dahil patuloy pa rin siya sa pagmamasid sa paligid.
"Melissa?" Tawag pansin ko sa kanya. Nilingon naman niya ako bigla at laking gulat ko nang agad niyang hinablot ang kamay ko.
"Alexandria... samahan mo naman ako sa banyo." Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo sa narinig. Mukha ring nabasa niya ang pagtataka sa mga mata ko, dahil mabilis niyang sinundan ang sinabi niya. "Sabi mo kasi hindi naman nila ako sasaktan, pero para lang makasigurado. Alam mo na..."
Dahil sa narinig ay mas natawa na lang ako kaya umani ito ng isang matalim na tingin mula kay Melissa. Tingin ko rin ay napagtanto na niyang binibiro ko lang siya sapagkat walang pagdadalawang isip niyang kinuha ang unan at inihampas ito sa akin.
"Manang-mana sa Kuya mo!" Padabog siyang bumaba ng kama bitbit ang pajama kaya tuluyan na lang akong napahagalpak. Lalo pa at narinig ko pa ang mga pagbulong-bulong niya hanggang sa makapasok siya ng banyo.
"Yung kuya niya kunwari masungit malakas din namang mang-alaska. Tapos itong Alexandria na ito may tama rin ata sa utak. Hay ewan."
Napailing-iling na lang ako.
Siya naman mukhang may tama na talaga sa kapatid ko.
~ × ~
"Alexandria, anong iniisip mo?" Nilingon ko si Melissa nang marinig ko ang mahinang tanong niya. Halatang halata na anumang oras ay makakatulog na siya dahil halos pumipikit na rin ang mga mata niya.
"Wala naman." Pag-aamin ko. Hindi lang talaga kasi ako makatulog pa dahil masyadong nagising ang diwa ko sa lahat ng nalaman ko.
Tumango naman siya bago muling nagtanong. "Nag-aalala ka, 'no?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya, hindi dahil hindi ko alam ang sagot kung hindi ay dahil wala akong ideya kung alin ba ang tinutukoy niya.
Natatakot ako, oo, pero para sa maraming bagay. Hindi ko mabatid kung alin doon ang itinatanong niya. Bumuntong hininga ako at muli na lang bumaling sa ibang direksyon.
"Saan?" Tanong ko na lang habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Ramdam ko naman ang tingin niya sa akin, marahil ay sinusubukang basahin ang iniisip ko.
"Sa pwede mangyari sa Kuya mo?" Tanong niya kaya napakagat naman ako sa ibabang parte ng labi ko. Iniisip kung paano ko ipapahiwatig at sasabihin sa kanya ang iniisip ko.
Ang hirap isalin ng mga nararamdaman natin sa salita. Tila ba walang katapat at nararapat na mga pangungusap sa kung ano man ang mga nasa isip natin.
Pero minsan, kailangang pilitin. Hindi para sa sarili natin, kung hindi ay para sa mga taong malapit sa atin. Dahil paano tayo magkaka-intindihan kung walang gagawa ng paraan para magka-unawaan?
Dahil dito ay umupo na lang ako at muling lumingon kay Melissa. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin kaya nginitian ko na lang siya.
"Alam kong kahit hindi ko sabihin ay alam mo rin kung gaano kaimportante sa akin ang mga Kuya ko. Noong nalaman ko ang nangyayari kay Kuya Yohan, grabe ang takot na naramdaman ko. Gustong-gusto ko siyang tulungan, pero hindi ko alam kung anong gagawin ko..." Panimula ko. Tinanguan lang ako ni Melissa kaya kinuha ko iyong senyales para magpatuloy.
"Hanggang ngayon, aaminin ko, natatakot pa rin ako sa mga pwedeng mangyari sa kanya. Alam kong sinabi mo ng matutulungan mo siya, pero hindi ko maalis sa sarili ko ang mangamba."
"Pero alam mo rin ba? Kahit papaano napanatag na ang loob ko." Pag-aamin ko. Napakunot naman ang kanyang noo, nagtataka siguro sa sinabi ko kaya inabot ko na lang ang kamay niya para hawakan ito.
"Bakit?" Sa wakas ay tanong niya, kaya binigyan ko siya ng isang sinserong ngiti.
"Dahil andyan ka. Dahil kahit hindi mo sabihin, at kahit hindi magkwento si Kuya Yohan, alam kong espesyal ang pagtitiwala niyo sa isa't isa. Alam kong hindi niyo papabayaan at hahayaan na may hindi magandang mangyari sa inyo." Isang bagay na lubos kong ipinagpapasalamat. Isang bagay na buong buhay kong tatanawin bilang isang malaking utang na loob kay Melissa.
"Salamat sa pagtulong kay kuya Yohan." Umiling-iling naman siya, at agad na sumagot.
"Alam mo ngayon ko lang nalaman na mas matalino pala ako sayo." Aniya at ngumuso kaya natawa ako.
"Bakit?"
"Kasi hindi mo narerealize na hindi naman ako yung nagligtas sa Kuya mo. Nakalimutan mo atang natauhan siya dahil sa love mo para sa kanya?" Ako naman ang napakunot ang noo sa narinig. Anong sinasabi ni Melissa?
"Masyado mong minamaliit yung pagmamahal mo sa mga kapatid mo. Kahapon, noong muntik ka na masaktan ni Yohan, diba mahal mo pa rin siya? Ready ka na nga mamatay kung iyon ang ikakatuwa niya. Kitang-kita ko 'yon, Alexandria. Ramdam na ramdam ko kung gaano mo kamahal si Yohan, kaya alam ko naramdaman din yun ng Kuya mo."
"Mahal ka ng Kuya mo, alam mo 'yon diba?" Hindi ko alam pero nang sabihin iyon ni Melissa ay naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko, at napatango na lang ako.
"Pinagsisisihan niya yung mga nagawa niya. Hinding hindi niya gustong saktan ka, promise. At lahat ng ito, itong paghingi niya ng tulong sa akin para maayos ang nangyayari sa kanya? Ginagawa niya ito kasi mahal niya kayo, at ayaw na niyang may masaktan sa inyo." Wala akong maisagot kaya tumatango lang ako sa bawat salitang binibitawan niya.
"Ang weird nga kasi obvious namang ang taas ng pride ng Kuya mo. Tapos nagpapatulong sa'kin? Tsaka alam mo ba, sabi niya wag ko daw sana maramdaman na ginagamit niya ako, kasi hindi daw iyon yung intensyon niya sakin." Napangiti ako nang ngumuso siya, at di ko maiwasang mapataas ng kilay. Pinunasan ko na lang din iyong luhang tumakas sa mata ko habang nakikinig sa karugtong ng sinabi niya.
"Hindi ko masyado naintindihan pero basta sabi niya hindi daw ako naiiba sayo pagdating sa paningin niya. Ibig bang sabihin no'n kapatid din tingin niya sakin?" Gulong gulo ang mukha niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagalpak na lang ako sa tanong niya kaya kita kong mas naguluhan siya sa reaksyon ko.
Parang kapatid... Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa.
Hay Melissa, kailan mo rin kay marerealize kung ano ang nararamdaman sayo ng kapatid ko?
"Huy nakaka-bwiset ka naman! Tawa ka ng tawa d'yan!" Iritado niyang turan sabay palo sa akin ng unan, kaya imbes na matigil ay mas lumakas pa ang tawa ko. Kung kanina ay naluha ako dahil sa mga sinabi niya, ngayon ay naluluha na ako dahil sa sobrang tawa.
Sinamaan pa ako lalo ng tingin ni Melissa bago padabog na tumalikod sa akin, at nagtakip ng unan sa ulo niya. "Bahala ka nga d'yan, matutulog na ako!"
Tinakpan ko na lang din ang bibig ko, at pinipilit ang sarili kong matigil na sa pagtawa kaso ay hindi ko talaga magawa kaya bumaba na lang ako ng kama. "Sige matulog ka na, bababa lang ako para uminom ng tubig." Pagrarason ko na lang bago ako nagmadaling lumabas ng kwarto, at pinakawalan ang tawa na kanina ko pa pinipigilan. Siguro kung makikita ako ng kahit sino sa mga kapatid ko ngayon, iisipin nila nababaliw na ako.
Dumiretso na lang ako ng tuluyan sa kusina para uminom na lang talaga ng tubig, baka sakaling mahimasmasan ako kapag ginawa ko iyon. Tahimik na ang buong bahay pagbaba ko. Marahil ay nakatulog na rin sila Kuya at Mommy, isa pa ay alas dos pa lang ata ng madaling araw, kaya pagod na pagod pa silang lahat.
Hindi ko na lang pinansin ang katahimikan hanggang sa marating ko ang kusina. Mabilis na lang din akong kumuha ng maiinom, ngunit agad na napakunot ang noo ko nang may marinig ako.
"First, one's life will be harder. Encompassed by fear, she will falter."
Luminga-linga ako agad pero wala naman akong napansin na kakaiba, kaya binilisan ko na lang ang pag-inom ko. Narinig ko ba talaga iyon? O guni guni ko lang?
Ewan ko, pero masyadong pamilyar iyong boses. Alam ko narinig ko na ito dati. Alam ko kilala ko kung sino ang may-ari nito...
Posible kaya?
Umiling-iling ako at nagmadali na lang na naglakad pabalik sa kwarto. Pilit isinasantabi ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam na namumuo sa dibdib ko.
Pagdating sa kwarto ay agad kong isinara ang pinto at sumandal dito. Napakawalan ko rin ang paghinga ko na pigil ko pala kanina pa.
Pinasadahan ko na lang din ng tingin si Melissa, mukhang nakatulog na siya lalo pa't nawala na ang unan na nakatakip sa ulo niya. Lumapit na lang ako para ayusin ang kumot niya at kumpirmahing mahimbing na agad ang tulog niya. Pagod siguro.
"Salamat Melissa. Gagawin ko rin ang lahat para masigurong walang mangyayari kay Raven." Bulong ko na lang sa hangin.
Balak ko sanang matulog na rin kaso ay naramdaman ko agad ang ibang presensya sa paligid, kaya mabilis akong lumabas ng veranda ng kwarto ko. Sumilay din agad ang ngiti sa labi ko dahil kilalang-kilala ko ang may-ari ng presensya na ito.
"Xenon.." Halos malaglag ang puso ko nang inangat niya sa akin ang tingin niya. Nakasandal siya sa may railings at nakapamulsa ang kamay sa suot niyang jean jacket.
Ang gwapo...
"You're still awake." Puna niya sa isang obvious na katotohanan, kaya tumango na lang ako.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko pagsandal ko sa railings ng sliding door. Nagkibit balikat lang siya kaya tinaasan ko siya ng kilay, pero ano nga ba ang aasahan ko sa isang Xenon Montreal? Hindi naman siya sumasagot lagi sa mga tanong ko.
Hindi ko na lang ito pinansin at magtatanong na lang sana ako tungkol kay Cass, pero naunahan niya na ako roon.
"Cassandra is still the same, nothing changed since you left the Academy. She still won't talk to anyone." Bumuntong hininga na lang ako.
"Si... Arianne?" Kitang-kita ko naman ang paglandas ng inis sa mga mata niya nang banggitin ko ang pangalan ni Arianne, mukhang may galit pa rin siya rito, pero sinagot din naman niya ang tanong ko.
"She's still annoying." Agad ko siyang pinandilatan ng mata dahil sa narinig, kaya bumuntong hininga na lang siya.
"She's fine. She still hangs out with her new found friends, and they didn't do anything suspicious." Tumango nalang ako sa sagot niya, at di ko maiwasang maisip ang naging pag-uusap namin ni Shawn noong isang gabi.
Kailangan ko siyang makausap ulit kapag nakabalik na kami mula sa Central. Malakas ang kutob kong may kailangan akong malaman mula sa kanya.
"Alexandria, you're hurting me." Napukaw naman ang atensyon ko sa narinig kong sinabi ni Xenon, kaya kunot noo akong napatingin sa kanya. Anong.. ginawa ko?
Itatanong ko pa lang sana kung ano ang ibig niyang sabihin, pero ngumuso na agad siya na parang bata– isang bagay na sobrang gumulat sa akin. Ngunit hindi ko naman akalaing mas nakakagulat ang mga susunod na salitang bibitawan niya.
"Please don't think of another man when I'm here." Panandaliang napa-awang ang bibig ko dahil dito bago unti-unting nagsink-in sa isipan ko ang reaksyon niya. Nang matauhan ay agad akong napangiti at walang pag-aalinlangang lumapit sa kanya para yakapin siya.
"Hindi ko alam na seloso ka pala, Xenon." Narinig kong umismid siya at sinuklian na ang yakap ko.
"I'm not jealous, I'm just..." Pinutol niya ang pagsasalita niya, tapos ay muling bumuntong hininga kaya natawa ako. "Fine, I am." Mas hinigpitan ko na lang tuloy ang yakap ko sa kanya. Pagkatapos ay wala ng nagsalita muli sa pagitan naming dalawa.
Ewan ko, pero kuntento na ako sa yakap niya. Hindi ko alam kung gaano ko siya mamimiss sa ilang araw na pagpunta namin sa Central, pero alam ko namang hindi ako titigil sa kakaisip sa kanya. Kung mapipilit ko lang sana siyang sumama na lang, kaso buo na ang desisyon niya. Isa pa ay kilala ko si Xenon, hindi mabilis mabago ang iniisip niya lalo na kung alam niyang madami siyang kailangang gawin o asikasuhin. Hindi ko lang din mapunto, pero alam kong mayroon siyang pinaplano. Kung anuman iyon, alam kong ipapaalam niya ito sa akin pagdating ng tamang oras.
Sobrang laki ng tiwala ko kay Xenon, at alam kong ganoon din siya sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Basag ko sa katahimikan.
Mukhang nagulat siya sa tinanong ko dahil agad siyang humiwalay sa yakap ko, at tiningnan ako ng diretso sa mata. May kakaibang saya at lungkot dito. Alam ko ring nagtataka siya kung bakit ako nagtatanong.
"Bakit? Akala mo ba sila Arianne at Cassandra lang ang naiisip ko simula noong umuwi kami rito?" Hindi ko mapigilang ngumiti. Kitang-kita ko kasi sa reaksyon niya na sobra siyang natutuwa sa tinuran ko. Mukha ring wala siyang balak itago iyon dahil lumapad ang ngiti niya.
"I'm fine now that I'm with you." Aniya kaya natawa na lang ako. Xenon talaga.
"Oo nga pala, alam mo ba may nakwento sa amin si Mommy?" Nagtaka naman siya sa tinuran ko, kaya hindi na ako nagdalawang isip na isalaysay lahat ng nalaman ko tungkol sa nangyari matagal na, at sa katotohanan na protektado ang grounds ng Montecillo Mansion.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagkwento, habang siya ay tahimik lang na nakikinig sa akin. Maya maya nga ay nahihinto pa ako dahil sa akin lang siya nakatitig buong oras at kinailangan ko pa siyang sawayin, dahil na di-distract na ako sa tingin niya. Kaso ay matigas ang ulo ni Xenon kaya natagalan tuloy akong matapos sa pagku-kwento.
Ngunit hanggang matapos ako ay wala siyang imik, kaya napakunot nalang ang noo ko. "Wala ka man lang sasabihin?" Nagtataka kong tanong na mabilis niyang sinagot ng isang iling.
"I already know that story."
"Ganoon? Bakit hindi mo sakin sinabi, hindi ko na sana ulit kinwento." Nahiya ako bigla kasi baka mamaya nabobored pala siya sa pinagsasabi ko. Hindi man lang kasi nagsasalita. Malay ko naman kung alam na pala niya...
"Why would I? You looked so happy while storytelling, so beautiful." Bakit ganito 'tong lalaki na ito? Paano niya nagagawang bitawan ang mga salitang iyan ng walang pag-aalinlangan at walang warning? Hindi ito inaasahan ng puso ko, nakaka-inis. Hindi rin tuloy ako makasagot at iniwas ko na lang ang tingin ko.
"Kainis." Bulong ko na lang sa sarili ko, kaso narinig niya ata dahil natawa siya ng mahina. Inirapan ko na lang din siya dahil hiyang hiya pa rin ako sa pagpuri niya.
Hinayaan ko na lang si Xenon hanggang sa matigil siya sa pagtawa. Syempre kahit naman nahihiya ako gustong gusto ko namang naririnig na masaya siya, kaya ayos lang sa akin. Isa pa, iisipin ko na lang na naisahan niya ako at ito ang karma ko sa pang-aasar kay Melissa kanina. Iyon nga lang, sobrang gandang karma naman nito.
Nang matigil na siya sa kakatawa ay naramdaman ko agad ang kamay niya sa braso ko, habang dahan dahan akong iginagaya paharap sa kanya. "My mom told me that story when we were still young. She mentioned it to me when she learned that I grew so fond of you at such a young age."
"Do you want to know what I answered her?" Walang pag-aalinlangan akong tumango, at hindi ko maitanggi ang tuwa na naramdaman ko bigla.
"I told my Mother that even if it happened or not, I don't care. Because I know that at the end of the day, I will still aim to be your safe haven. I want to be the person who can protect you from anything and anyone, anytime of the day." Klarong klaro sa akin lahat ng sinabi ni Xenon pero bakit ganoon? Bakit mas naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko?
"And I came here tonight to make that happen." Bago pa ako makasagot ay kinuha na niya ang isang maliit na box mula bulsa ng jacket niya. Kulay itim ito at may golden linings sa gilid. Agad niya rin itong binuksan kaya napasinghap na lang ako nang makita ang laman nito.
Isang hugis puso na kwintas– gawa ito sa salamin at sa loob nito ay may kulay itim at gold na parang usok na patuloy na gumalaw, animo'y sumasayaw sa loob.
Napatulala na lang ako kay Xenon, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. At hindi na rin niya ako inantay na makasagot pa dahil agad na niyang kinuha ang kwintas mula sa lalagyan nito, tapos ay isinuot ito sa akin.
Para akong dinaluyan ng bolta-boltahe ng kuryente sa katawan nang maramdaman ko ang paglapat nito sa leeg ko. Hindi ko rin maipaliwanag ang kakaibang pagkapanatag ng loob ko. Animo'y sinasabi sa akin ng sarili ko na saan man ako magpunta, palagi kong makakasama si Xenon. Saan man ako mapadpad, bitbit ko ang pag-aalaga at proteksyong binigay niya.
Sunod ko na lang na naramdaman ang yakap niya mula sa likuran ko, at ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko. At sa mismong oras na ito, masasabi kong nakauwi na nga ako ng tuluyan.
"Thank you." Iyon na lang ang tanging nasabi ko, at hinayaan nalang namin pareho ang katahimikan na mamayani sa paligid namin. Isang katahimikang punong-puno ng nararamdaman namin, na kahit hindi man bigkasin, pareho naman naming alam.
Isang katahimikang sapat na muna sa araw na ito. Sapagkat ang dami ng mga bagay na nalaman ko ngayon. Maraming kasagutang lumutang, kasabay ng isang pag-asang tumubo sa isang patay na lupain. Pare-pareho itong nagbunga at nagbigay ng mga panibagong katanungan, pero pwede namang salubungin na lang ito lahat, diba?
Yayakapin ko na lang at ihahanda ang sarili ko sa kung ano ba ang susunod na umagang nag-aantay sa aming lahat. Sa ngayon, sa mismong oras na ito, ipapayapa ko muna ang kalooban ko sa lugar kung saan alam kong ligtas ako– sa tahanan ko.
Kung alin man iyon kay Xenon at sa Montecillo Mansion, kayo na ang bahalang humusga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top