XXVI - Light On You

       May mga katahimikang masarap pakinggan at mayroon ding mga katahimikang lubos na nakakabahala. Hindi rin mawawala ang mga katahimikang napupuno ng pag-aakala; pag-aakalang balang araw ay magiging mabuti rin ang lahat. Mga pag-aakalang matatapos na lahat ng pighati at mga problema.

       Sa mga nakalipas na araw, alam ko namang mapanganib na katahimikan ang nararanasan namin. Ngunit hindi ko naman lubos maisip na may natutulog ding mas malaking trahedya rito. Isang bagay na hindi namin inasahan kahit kailan.

       Hanggang kailan ba dapat maghirap ni Cass? Hanggang kailan siya dapat masaktan?

       Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko bago ko isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga kapatid ko. Tahimik lang na nagmamaneho si kuya Jarvis, isang bagay na unti-unti ay nakakasanayan ko na. Simula naman kasi nang bumalik si Arianne sa Academy ay palagi na siyang ganyan, palaging walang imik at hindi na nagsasalita. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, pakiramdam ko mas mahirap na basahin ang iniisip niya kumpara sa iniisip ni kuya Travis. Tapos, si Kuya Travis naman sa tabi niya kanina pa nakakatakot ang mukha. Sobrang seryoso, ni hindi rin makausap. Kung hindi ko lang alam ang rason kung bakit siya ganyan, iisipin ko ng hindi na siya ang kuyang nakilala ko... kaso hindi, alam na alam ko– alam na alam naming lahat kung bakit nagkakaganyan si kuya Travis.

       Alam namin dahil iyon din ang nararamdaman namin: pag-aalala, galit at takot.

       Hindi ko maiwasang mapa buntong hininga na lang ng paulit-ulit. Ramdam ko namang napatingin sa'kin si kuya Hendrix, na nasa tabi ko, kaya nilingon ko rin siya. Kapansin-pansin din ang pagod sa kanyang mukha, pero nagawa pa rin niya akong bigyan ng isang tipid na ngiti. Walang imik niya na lang din akong pinasandal sa balikat niya, tapos ay ibinigay sa akin ang car pillow na yakap yakap niya kanina.

       "Take a rest, Sunshine. Gigisingin ka na lang namin kapag nasa bahay na tayo." Aniya kaya tumango na lang ako, at sinunod ang gusto niya.

       Wala na akong lakas humindi, at isa pa ay ramdam na ramdam ko rin ang kapaguran. Hindi man ako makakatulog talaga, pwede ko naman sigurong ipahinga ang utak ko sandali kakaisip.

       "Cassandra will be fine, we'll do everything we can to help her. Don't worry..." Iyon ang huli ko na lang na narinig mula kay Kuya Hendrix bago ko ipikit ang mga mata ko, at muli kaming binalot ng nakakabinging katahimikan.

       Hindi ko rin maiwasang maalala ulit ang mga nangyari simula kagabi, hanggang kanina. Sabi ko sa sarili ko ay ititigil ko muna ang pag-iisip, ngunit di ko rin pala magawa.

        Paano ko gagawin kung sa tuwing pipikit ako ay ang paghingi ng tulong ni Cass ang paulit-ulit na tumatatak sa isip ko? At ang nangyayari sa kapatid ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin mahanapan ng paliwanag? Bakit ba ganito kahirap ang mga bagay?

       "Alexandria, help me..."

        Ang hirap kapag naglalaban ang nararamdaman mo. May parte sa aking natutuwa dahil dito natulog si Cass sa dorm, ngunit napakalaki rin ng parte sa aking nasasaktan dahil hanggang sa pagtulog ay tumatangis siya. Hanggang sa pagtulog, ito siya at humihingi ng tulong.

        Pinunasan ko na lang ang mga luhang tumakas sa nakapikit niyang mga mata, at pinakiramdaman ang tanging lakas na alam kong meron ako. Maya maya lang ay naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng mata ko, kasabay ng agad kong pagkonekta sa mga kapatid ko at kay Xenon.

       "Tulungan niyo ako..." Iyon na lang ang mensaheng pinadala ko sa kanila, dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. At mas lalong hindi ko alam kung paano maipaparamdam sa kanila ang paninikip ng dibdib ko sa nangyayari ngayon kay Cassandra.

       Hindi ako tanga para hindi maisip na nanganganib ang buhay ng best friend ko. Ngunit natatakot ako– natatakot akong baka sa huli ay wala naman akong magawa.

        Sa maikling oras na nag-aantay ako sa mga kapatid ko ay naka-upo lang ako sa tabi ni Cass, hawak hawak ang kamay niya at paulit-ulit na humihiling na sana ay matapos na ang lahat ng ito. Siguro'y masyado akong nababagabag ng nangyayari na ni hindi ko man lang naramdamang nakapasok na pala sa dorm sila Kuya, at Xenon. Nagulat nalang ako nang naramdaman ko ang kamay ni kuya Travis sa kanang balikat ko, at doon lang ako napalingon sa kanila.

       "What happened?" Naglalaro ang iba't ibang emosyon sa kanyang mga mata, pero nangingibabaw dito ang pag-aalala kaya napaluha na lang ako at napailing.

       "Hindi ko alam, Kuya." Pag-aamin ko. Sa gilid ng aking mata ay kitang kita ko ang paglapit din nila Kuya Hendrix sa tabi ni Cassandra, maging si kuya Yohan ay tila nagulat sa nakikita niya. Si Xenon naman ay tahimik lang na nakasandal sa pinto ng dorm, nakakunot ang noo at tila may malalim na iniisip.

       "It's okay, baby A. Don't cry." Halos pabulong na sagot ni kuya Travis habang pinapahid ang mga tumakas na luha sa mata ko. Walang lakas na lang akong napatango, at bumaling muli kay Cassandra na ngayon ay ginagamitan na ng ability ni Kuya Hendrix.

       Binalot kami ng nakakabingi at tensyonadong katahimikan habang sinusubukang gamutin ni kuya Hendrix si Cass. At kahit hindi ko na tingnan isa isa ang mga kapatid ko, alam kong lubos ang pag-aalala nila kay Cassandra. Dahil ano man ang sabihin ninuman, malapit at pamilya pa rin ang turing naming lahat kay Cass. Hindi magbabago iyon.

       "She's still not waking up. What are you doing, Hendrix?" Singit bigla ni kuya Yohan, halatang naiinis na dala ng lubos na pag-aalala. Sinamaan naman siya ng tingin ni kuya Hendrix kaya napapikit na lang ako. Huwag niyong sabihin sa aking mag-aaway pa sila dito? Sa ganitong sitwasyon?

       "Stop it, both of you. Cassandra doesn't need another stress from you." Idinilat ko naman ang mata ko at binigyan si kuya Jarvis ng isang matipid na ngiti dahil sa sinabi niya. Alam kong minsan lang siya pumagitna sa away ni kuya Hendrix at kuya Yohan, kaya naman nagpapasalamat akong naisipan niya ng sawayin ang dalawa bago pa lumala ang sitwasyon.

       Tatanungin ko naman na sana si kuya Hendrix kung bakit nga ba tila hindi pa rin maayos ang lagay ni Cassandra, pero bago ko pa magawa ay nakuha na agad ni Xenon ang atensyon naming lahat.

       "Something is off..." May kakaibang diin ang mga salita niya habang pinapaningkitan ng mata ang walang malay na si Cassandra.

       "What is it?" Walang pag-aalinlangang tanong ni kuya Travis bilang sagot sa tinuran ni Xenon. Pare-pareho kaming nag-aantay ng isasagot ni Xenon, at ng kung ano ang nasa isip o napapansin niya. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nakuha na agad ni Cassandra ang atensyon naming lahat.

        "Go away!" Malakas siyang napasinghap at napabangon, tapos ay bigla siyang sumigaw dahilan para pare-pareho rin kaming mapa-atras. Napatayo rin ako mula sa pagkaka-upo at parang batang nagtago sa likuran nina kuya Jarvis at kuya Travis nang makita ang kakaibang galit sa mata ni Cassandra.

        "Stay away from me." Aniya habang isa isa kaming tinitingnan kaya napakapit na lang ako sa braso ni kuya Travis. Bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata niya, at kung tutuusin sa unang tingin ay tila ba maayos na siya pero hindi. Kahit di ko gamitin ang Ability ko, alam kong may mali pa rin sa kanya. Kaso paano ko siya lalapitan? Kung mas nakakatakot pa siya kay Arianne dahil sa galit na bumabalot sa mga mata niya?

        Ano ang nagawa namin para tingnan niya kami ng ganyan?

       "Cassandra... It's okay, we're here to help." Si Kuya Hendrix ang unang sumubok na lumapit sa kanya, binibigyan siya nito ng isang ngiti– ngiting nagpapahiwatig ng pag-uunawa at pag-aalala. Ngiting may pagpapahalaga.

        Akala ko ay kakalma na ito pero taliwas na taliwas sa inaasahan ko ang nangyari. Itinulak kasi ni Cass si kuya Hendrix at mabilis itong tumayo paalis sa higaan, at papunta sa pinto. Akmang lalabas na sana ito pero mabilis din siyang napigilan ni kuya Travis na hinawakan siya sa braso. Kahit nakatalikod ako sa kapatid ko ay alam kong puno ng pag-aalala ang mga mata niya nang magturan siya, "what's happening to you?". At ganoon din ang namuong pighati sa mga mata niya nang walang pag-aalinlangang tumalikod si Cass, pagkatapos marahas na inalis ang kamay ni kuya Travis sa braso niya. Padabog din siyang lumabas ng pinto at iniwan kaming gulat lahat. Gulat... at gulong gulo.

       "You can never help someone if they doesn't want it." Hindi pa nga kami nakakapagsalita sa nangyari ag umalingaw-ngaw na ang mga salitang binitawan ni kuya Yohan sa loob ng dorm room ko, tapos ay walang gana rin itong lumabas.

        Isang malalim na buntong hininga na lang din ang ginawa ko bago ako tuluyang napa-upo sa nilisang higaan ni Cass. Sa pagkakataong ito ay ramdam na ramdam ko na ang pagod, at takot.

        Takot sa isang katotohanang ngayon ko lang napagtanto.

        May punto si kuya Yohan nang sabihin niyang hindi namin matutulungan si Cassandra, dahil siya mismo ay ayaw magpatulong. Pero ako... natatakot nga ba akong ayaw niyang magpatulong? O mas ikinakatakot ko na sa likod ng katapangang ipinapakita niya ay ang best friend kong nagsusumigaw ng saklolo, pero hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin para matulungan siya?

        Ang hirap panoorin ng isang taong paulit-ulit na nadadapa kahit tuloy pa ring sumusubok. Pero mas mahirap tingnan ang isang taong unti-unting nalulunod sa harapan mo, tapos ay wala ka namang magawa.

        Sa ngayon... ganoon ang nararamdaman ko pagdating kay Cassandra.

       Gustong-gusto ko siyang tulungan, pero paano?

~ ~ ~

       "Baby A, wake up!" Hindi ko alam kung ilang minuto pa lang akong nakaka-idlip. Simula nang iniwan kami ng ganoon ni Cassandra kagabi ay hindi na ako nakatulog. Naiwan nalang ako rito, tulala at gulong gulo ang isipan. Samantalang sila kuya at Xenon naman ay pinabalik ko na sa mga dorm nila, lalo pa't hindi pa rin naman namin dapat iwanan mag-isa si kuya Yohan. Isa pa ay ginusto ko rin munang mapag-isa.

        Ang alam ko ay kakapikit ko pa lang at papunta pa lang ako sa dreamland, kaya naman laking gulat ko nang marinig ko ang nababahalang tinig ni kuya Travis. Masakit man ang ulo ay hinarap ko na lang siya at binigyan ng isang nagtatanong na tingin. "Anong nangyari, kuya?" Unti-unti ng namumuo ang pangamba sa isipan ko.

        "You're in danger." Tatlong salita lamang ito pero sobrang sapat na para mapabalikwas ako, sobrang sapat na para gapangan ako ng matinding takot sa buong katawan ko. Napa-awang na lang din ang bibig ko lalo na nang sinundan ito ni kuya Travis ng mga salitang ngayon ay ikinakatakot ko na. "Kuya Yohan is experiencing it again, and he's out to get you. We need to get you away from here."

        Walang pag-aalinlangan na akong napatayo, ni hindi na ako nag-abalang magbihis at sinuot ko na lang ang tsinelas ko para makalabas na kami agad. Inalalayan naman ako ni kuya Travis sa bawat galaw ko, hawak hawak niya ang kamay ko habang mabilis kaming tumatakbo pababa at palabas ng dorm.

        Nagulat ako nang mapansing madilim pa rin pala sa labas pero kahit papaano ay mas mabuti rin ito. Ibig sabihin lang ay tulog pa ang mga kapwa namin estudyante, at hindi nila makikita ang kung ano man ang lagay ni kuya Yohan ngayon. Sa panahon ngayon ang pagkalat ng sitwasyon, at kalagayan ni kuya Yohan ay ang isa sa mga bagay na hindi namin kailangang mangyari. Lalo na at mahigpit pa rin ang ang kapit sa amin ng Council. Baka mamaya ay kung ano pa ang gawin at isipin nila sa kapatid ko.

       "Kuya, bakit biglang natrigger si kuya Yohan? Kanina lang ay ayos pa siya." Hindi ko maiwasang maitanong habang tumatakbo kami papunta sa parking lot, kung saan sigurado akong nag-aantay na ang isa sa mga kapatid ko.

        "We have no idea, baby A. We were all just sitting quietly at the dorm, trying to analyze what's happening to Cassandra when he suddenly showed the same symptoms he had when he first attacked you. Kuya Hendrix is there, trying to stop him. Jarvis will bring you home for now while we try to calm him down."  Aniya habang maya't maya na lumilingon, marahil ay naniniguradong nasa dorm pa rin si kuya Yohan.

        Napakagat na lang ako sa ibabang parte ng labi ko at mas binilisan ko na lang ang pagtakbo. Maya't maya lang ay tuluyan na naming naabot ang parking lot. Nakatayo na si kuya Jarvis sa labas ng sasakyan niya, halatang inaantay kami. Ikinulong din niya ako agad sa isang mahigpit na yakap nang marating namin ang sasakyan niya, tapos ay bumaling siya kay kuya Travis.

       "I got her, kuya. I'll take her home safely." Tumango na lang si kuya Travis at binigyan ako ng isang naniniguradong ngiti, tapos ay tumalikod na para siguro balikan sila kuya Hendrix. Iginaya na rin ako ni kuya Jarvis papasok ng sasakyan, pero bago pa ako tuluyang makasakay ay nabulabog na kami ng isang malakas na sigaw, na sinabayan ng isang malakas na pwersang sigurado akong hindi lang ako ang nakaramdam.

       "Alexandria!" Para akong binuhusan ng isang balde ng yelo nang marinig ko ang nakakatakot na sigaw ni kuya Yohan. Napa-awang na lang din ang bibig ko at pakiramdam ko ay nilisan ako ng kaluluwa ko nang makita ko ang mata niya, at ang mga dark smokes na lumalabas sa mga kamay niya. Patuloy niya itong pinapakawalan, at kaonti na lang ay aabutin na kami nito, at mapupuno na ang buong parking lot. Kitang-kita ko rin ang pinaghalong gulat at takot sa mga mata nila kuya Travis at kuya Jarvis.

        "Kuya! Stop it!" Tila natauhan agad si kuya Travis sa nakita niya kaya mabilis din na nagbago ang kulay ng mga mata niya, samantalang ako ay para pa ring napako sa kinatatayuan ko. Alam kong ginamit niya ang Ability niya kay kuya Yohan dahil kitang-kita ko ring natigil ito sa paglalakad. Siguro ay ipinasok siya ni kuya Travis sa isang trance.

       Ang buong akala namin ay ayos na ang lahat at pansamantala muna kaming mabibigyan ng oras upang solusyunan ito, pero laking gulat namin nang makitang matauhan si kuya Yohan. Sa pagkakataong ito ay mas dumoble ang galit sa mga mata niya, kaya napatakip nalang ako sa bibig ko at napa-atras.

       "This is impossible!" Rinig kong komento ni kuya Jarvis, siguradong tinutukoy ang pagkawala ni kuya Yohan sa trance ni kuya Travis.

       "Kuya..." Iyon na lang ang naibulong ko sa hangin nang walang pag-aalinlangang tumakbo sila kuya Jarvis at kuya Travis papalapit kay kuya Yohan. Kitang-kita ko ang mabibilis na galaw nila habang iniiwasan din ang mga black smokes na pinapakawalan ni kuya.

       Para akong tanga na napako na lang sa kinatatayuan ko habang pinapanood ko ang mga kapatid kong handang gawin ang lahat para lang pigilan ang isa't isa. Sila Kuya Travis na gustong makalapit kay kuya Yohan upang pigilan siya sa mga ginagawa niya, at si Kuya Yohan na mas lalong pinag-iigting ang pwersang nilalabas niya para pigilan sila kuya Jarvis na makalapit sa kanya.

        "Don't even try to stop me, Jarvis and Travis. I won't hesitate to hurt you." Ani kuya Yohan sa pinaka malamig na boses na narinig ko, habang nakatuon sa akin ang matatalim niyang tingin. Narinig kong may isinigaw sila kuya Travis pero hindi ko na napagtanto kung ano ito, binalot na lang ng takot kay kuya Yohan ang lahat ng senses ko.

        Kailan ba matatapos ito?

       "I only want one thing here." Dugtong ni kuya Yohan at unti-unting sumilay ang isang ngisi sa labi niya, kaya napa-upo na lang ako. Tuluyan ng nanghina ang tuhod ko sa mga sunod na salitang binitawan niya.

        "Alexandria's death."

        Ipinikit ko na lang ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng luha ko para pakiramdam ang Ability ko. Sinabi ko sa sarili kong hinding-hindi ko sasaktan si kuya Yohan dahil alam kong hindi niya gusto ang mga nangyayaring ito. Pero kung magpapatuloy 'to, at pwede ng mapahamak ang iba pa naming mga kapatid... wala na akong magagawa kung hindi gamitin ang Ability ko.

       "Jarvis!" Sinusubukan ko pa lang na paganahin ang Ability ko nang mapadilat na ako agad, dahil sa narinig kong sigaw ni kuya Travis.

       "Kuya Jarvis!" Isang sigaw ang napakawalan ko nang makita kong nakahiga na sa sahig si kuya Jarvis, namimilipit at halatang binabalot ng kung anong sakit. Napapalibutan na siya ng black smokes ni kuya Yohan kaya napasinghap na lang din ako.

       "Kuya Travis!" Ni hindi pa nga ako nakakatayo para lapitan si kuya Jarvis ay muli nanamang nadurog ang puso ko nang makitang pati si kuya Travis ay unti-unti ng napapahiga sa sahig. Kitang-kita ko ang kirot na unti-unting bumabalot hindi lang sa mata niya kung hindi ay pati na rin sa buong katawan niya.

       Sa isang iglap lang ay napuno ng mga sigaw ang buong parking lot. Sigaw na nagsusumamo, humihingi ng tulong na sana... sana matapos na ang kung ano mang sakit na nararamdaman nila kuya Jarvis.

        "You're next, baby A." Hindi ko na pinansin ang sunod na sinabi ni kuya Yohan. Ibinaling ko na lang ang buong atensyon ko sa sarili ko, pilit na iniipon ang buong lakas ko.

       "Gumana ka..." Para na siguro akong ewan dito na bumubulong sa Ability ko, humihiling na lumabas na ito lahat at kontrolin na lang din ako para maligtas ko na ang mahal ko sa buhay. Ramdam ko ring mas palapit ng palapit si kuya Yohan, pero pilit ko na lang din itong hindi binibigyan ng pansin.

       Mas pinagbuti ko na lang ang pagpapakiramdam sa sarili ko, sa lahat ng lakas ko. Ginagawa ko lang ang lahat ng ginagawa ko dati sa tuwing kakailanganin kong gamitin ang kakayahan ko. Pero sa kasamaang palad ay wala pa rin akong maramdamang pagbabago. Ni hindi ko maramdaman ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko.

       "Parang awa mo na, gumana ka na." Hindi ko maiwasang maluha ng sunod sunod sa takot na hindi ko na maramdaman ang lakas ko... na hindi ko matutulungan ang mga kapatid ko.

        Bawat segundong lumilipas ay mas lumalakas ang pagtangis nila kuya Jarvis at Travis. Ni hindi ko alam kung ayos lang din ba si kuya Hendrix, kung ano nangyari sa kanya... kung ganito rin ba ang sinasapit niya sa mga oras na ito. Tapos si Kuya Yohan, sobrang lapit na niya sa akin. Kita ko rin sa gilid ng mga mata ko na itinigil na ni kuya Yohan ang pagpapalabas ng black smokes papunta sa direksyon ko, at sa halip ay napalitan na ito ng isang malaking parang bola ng enerhiya. Palaki ito ng palaki, animo'y iniipon talaga niya para isang bagsakan nalang pagtama sa akin.

       "Kailangan ka ng mga kapatid ko ngayon, parang awa mo na lumabas ka na. Ililigtas natin sila Kuya, please tulungan mo ako." Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko habang hinihigpitan ko lalo ang pagkuyom ng kamao ko, nagsusumamo sa sarili kong sana... sana gumana na ang Abilities ko at matulungan ko na ang mga kapatid ko. Ni minsan hindi ko ginustong magkaroon ng malakas na Ability, pero sa mismong oras na ito gustong gusto ko ng tanggapin ang lakas na dati rati'y kinamumuhian ko. Hindi para sa akin, kung hindi ay para sa mga kuya ko.

       "This will hurt a little, Alexandria. But once it's done, everything will be going back to the way it was." Naririnig ko ang mga salitang sinambit ni kuya Yohan, pero sa puntong ito... wala na akong pakialam. Ang tanging hiling ko na lang ay sana mapawi na ang sakit na hanggang ngayon ay dinaramdam ng mga kapatid ko.

        Gustong-gusto ko silang iligtas, pero paano ko gagawin kung mismong sarili ko ay hindi ko na kayang ibangon? Paano pa ako maniniwalang kaya kong maisalba ang mga mahal ko sa buhay kung sa sarili ko mismo ay wala na akong tiwala?

       Pinakawalan ko ang isang sumusukong buntong hininga, at inangat ang tingin ko sa kapatid kong nakatayo na ngayon sa harapan ko. Nakahanda na ang kanyang kamay upang ibato sa akin ang energy ball na naipon niya.

       "Kapag ba nagawa mo iyan Kuya, magiging maayos ka na ba? Mawawala na ba ang galit mo sa akin? Hindi mo na rin ba sasaktan ang mga kapatid natin?" Katulad ng inaasahan ay hindi niya ako sinagot pero ayos lang... nakuha ko na sa mga mata niya ang kasagutang hinahanap ko.

        Binigyan ko na lang siya ng isang tipid na tango, at ngiti. "Mahal kita, Kuya Yohan." At pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng luha mula rito.

        Siguro sa paningin ng iba ay mahina ako. Siguro ay ang tanga tanga ko para sa iba dahil hinahayaan kong ganituhin ako ng kapatid ko, kung pwede namang simula pa lang ay ginamitan ko na siya ng Ability ko. Siguro nga nagpapakahina ako, pero hindi ba pwede? Hindi ba ako pwedeng maging mahina para sa mga taong pinagkukuhanan ko ng lakas ko? Kung ang mga bagay na gagawin ko ay ikakasakit at ikakasama lang nila... bakit ko pa gugustuhing lumakas?

        Inihanda ko na lang ang sarili ko para sa kung ano man ang magiging impact ng Ability ni kuya Yohan sa akin. Ramdam ko ring unti-unti na siyang bumu-bwelo para gamitin sa akin ang nabuo niyang energy ball. Nakakatawa dahil inaasar pa ata ako ng kakayahan ko, sapagkat bawat segundo at bawat kilos niya ay sobrang linaw sa pakiramdam ko.

        "Aaaaaaaah!!" Hindi nagtagal ay naramdaman ko ng pinakawalan na ni kuya Yohan ang energy ball na inipon niya, lalo pa't umalingawngaw din ang sigaw niya sa buong parking lot.

        "Yohan! Don't!" Hindi ko alam kung niloloko ba ako ng pandinig ko dahil sunod kong narinig ang boses ni Melissa, pero hindi ko ito pinansin. Mas nangibabaw kasi ang pagsabog na narinig ko, at imbes na isang malakas na pwersa ang tumama sa akin ay ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ko ang isang mahigpit na yakap na bumalot sa akin.

       "I'm sorry." Agad kong naimulat ang mata ko nang marinig ko ang umiiyak at nasasaktang boses ni kuya Yohan, kasabay ng sunod sunod na pagtulo ng mga luha niya sa balikat ko. Nanlabo man ang mga mata ko sa sarili kong mga luha ay kitang-kita ko namang nakatayo sa likuran ni kuya Yohan sa Melissa, isang ngiti ang nasa kanyang mukha habang pinagmamasdan kami. Nginitian ko na lang din siya bago ko sinuklian ang mahigpit na yakap ng kapatid ko.

        "I'm so sorry, baby A." Nanginginig ang katawan niya dahil sa lakas ng iyak niya, pero nakakatawa dahil ramdam ko rin ang pagkalma ng damdamin niya.

        "Alam kong hindi mo iyon ginusto, Kuya. Pinapatawad kita." Sagot ko na lang habang sunod sunod na nagpapasalamat sa isipan ko.

        Kitang-kita kong unti-unting tinutulungan ni Melissa at Raven sila kuya Travis at kuya Jarvis, pero nasa iisang bagay lang nakatuon ang isip ko. Tinapik-tapik ko na lang din ang likod ni kuya Yohan na humahagulhol pa rin ng iyak sa balikat ko.

        "Magiging okay ka na, Kuya." Bulong ko na lang.

        Maaari ngang wala pa rin kaming solusyon sa kung ano man ang nangyayari sa kanya. Pero ngayon alam ko na... na kakayanin ito ng kapatid ko. Hindi lang dahil malakas siya, kung hindi dahil may isang natitirang liwanag na nagmamasid sa kanya. Isang taong parte rin ng kadiliman pero handang handang magdala ng ilaw sa nakakatakot na mundong kinakabilangan niya.

        Someone will shine a light on you, Kuya Yohan. Someone who can resist the changes of the night. Someone who adapts naturally to your darkness. Someone like Melissa.

~ ~ ~

      Hindi ko na alam kung paano namin nakayanan ang nangyaring iyon. Wala na akong ideya kung ano pa ang mga susunod na mangyayari matapos ang lahat ng kaganapan kagabi. Ang alam ko lang, nagsisimula pa lang mawindang ang buong mundo namin.

       Pagsikat na pagsikat ng araw kanina, mabilis na umalis ng Academy si Kuya Yohan. Aniya'y mas makakabuti kung uuwi siya ng mansion dahil naniniwala siyang mas ligtas siya roon. Sinamahan din siya ni Melissa at Raven pauwi kaya nakampante akong magiging maayos sila.

        Pinagpahinga ko rin muna sila Kuya Hendrix. Wala namang nangyaring masama sa kanila, pero sabi nila ay parang sobrang sakit pa rin ng mga katawan nila kaya minabuti nilang matulog muna. Sa dorm na lang din nila ako nagstay para maipagluto ko sila, lalo pa't hindi naman pupunta ng Academy si Mommy. Masyado siyang abala sa mga bagay na tinatapos niya, kaya hindi rin namin nasasabi pa ang nangyari. Mas mabuti kung pag-uwi na lang namin ito babanggitin sa kanya.

        Buong araw ko lang ding pasimpleng pinagmasdan si Cassandra kapag nabibigyan ng pagkakataon. Hindi ko maintindihan kung bakit pero tila mas naging mailap siya sa amin. Hanggang sa magising sila Kuya, at kailangan na naming umalis ay hindi man lang kami binigyang pansin ng best friend ko.

        "I will watch over her while you're gone." Kung hindi lang dahil sa mga salitang binitawan ni Xenon ay ayoko na sanang umalis ng Academy.

       Nakasalubong ko kasi siya sa parking lot noong paalis na kami. Alam kong kakabalik lang niya noong mga oras na iyon mula sa Oakwood. Matapos kasi ang kakaibang nangyari kay Cass ay binisita niya si Dana para alamin kung posible bang konektado ito sa mag-ina, at may hindi rin magandang nangyayari kay Dana. Pero aniya'y ayos naman ang lahat, kaya mas lalo akong nagtataka at napapa-isip sa dinaranas ngayon ni Cassandra.

       Sa huli ay napilit ako ni Xenon ni sumama na lang kanila Kuya. Isa pa ay kailangan din naming pumunta talaga ng Central para kay Daddy, at hindi lang dahil sa party na dadaluhan namin. Itinanong ko rin kay Xenon kung kailan sila babyahe papunta ng Central pero sinabi niya sa aking hindi sila pupunta ni Tito Jace sa Central– isang bagay pa na ipinagtaka ko pero hinayaan ko na lang siya. Naniniwala naman akong hindi niya papabayaan si Cassandra sa mga susunod na araw.

        At ito kami ngayon, pauwi sa Montecillo Mansion. Iiwan namin panandalian ang mga katanungang bumabalot sa amin, upang harapin at paghandaan ang mga bagong katanungang nag-aabang namin.

        Sa pagpunta namin sa Central, ano nga ba ang mga pwedeng mangyari?

        If everything's already messed up, what could still go wrong?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top