XXIV - Fire On Fire
Maraming mga bagay sa mundo ang mahirap ipaliwanag, mga pangyayaring mahirap hanapan ng eksplenasyon. Ito ang mga bagay na minsan kailangan na lang sang-ayunan, sapagkat lagpas na sa ating pangunawa ang rason sa likod nito. Mga bagay na tatanggapin mo na lang agad sa takot na baka mawala ito sa harapan mo, at tuluyan ng ipagkait sa iyo ng mundo.
Parang katulad ngayon...
"Can... Can you come with me?" Napakurap-kurap ako ng mata nang marinig ang mahinang tanong ni kuya Yohan. Nakayuko pa siya at napakamot sa likuran ng ulo niya, pilit na iniiwas sa akin ang kanyang tingin.
"It's okay if you–" Hindi na ako nagdalawang isip, agad ko na lang na pinutol ang pagsasalita niya upang sumagot. "Sasama ako, sasamahin kita sa Academy." Kung pwede lang sigurong mapatili na ngayon sa sobrang tuwa, kanina ko pa ginawa. Pero kalma lang muna Alexandria, baka magbago pa ang isip niya.. sayang.
Napansin ko ang isang maliit na ngiti na lumandas sa labi niya, bago siya tumikhim at tumango na lang. Tumalikod na rin siya upang maglakad pababa kaya tuluyan na akong napangiti. Napakagat na lang din ako sa ibabang parte ng labi ko para hindi matawa.
Hanggang sa makarating kami sa baba at sa labas ng sasakyan niya ay wala kaming imik pareho. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto, pero hindi naman siya nagsalita kaya nagpasalamat na lang ako. Hindi ko siya masisisi kung bakit ang tahimik niya. Kung dati ay dahil alam kong ganyan lang talaga siya... Ngayon, alam kong dahil iyon sa pinagdadaanan niya.
"Anong gagawin mo sa Academy, Kuya?" Halos pabulong kong tanong. Akala ko nga ay hindi na niya ito maririnig, pero sumagot pa rin siya.
"I need to test something..." Tanging tugon niya at pinokus na lang ang tingin niya sa harapan ng daanan. Tumango nalang din ako at bumaling na lang sa labas ng bintana.
Lunes ngayon, at katulad ng napag-usapan ay sa Miyerkules kami ng gabi aalis patungo sa Central. Papasok dapat kami pero ayon kay Mommy ay huwag na lang, kaya naman nagbabad na lang ako sa training buong umaga. Pagkatapos ay nagpahinga ako saglit sa kwarto ko. Bumaba ako para sana magbasa sa library, kaso ay nakasalubong ko si Kuya Yohan.
Nang maglandas ang tingin namin sa isa't isa kanina ay walang mapaglagyan ang kaba ko, natatakot pa rin talaga akong magpakita sa kanya dahil baka may kung ano nanaman ang matrigger sa loob niya. Handa naman akong gamitin Ability ko sa kanya kapag may maling nangyari, pero mabigat pa rin sa loob ko ang gawin iyon kaya umiiwas na lang ako. Kaya naman laking gulat ko kanina nang sa halip na magalit ay tinawag pa niya ang pangalan ko.
"Alexandria..." Hindi ko alam kung tumigil ba ang pag-ikot ng mundo kanina dahil sa sobrang saya ko, o dahil sa takot. Maaari rin sigurong pareho.
"Can you accompany me to the Academy?" Iyan ang mga salitang dahan-dahang nagpalingon sa akin sa kapatid ko. Nang magkasalubong kasi kami ay para akong batang nakakita ng multo, mabilis na tumalikod at handa ng tumakbo.
Noong una ay tanging pagtulala ang nagawa ko, hindi ko magawang sumagot. Napapa-isip ako ngunit ayaw ko ring palampasin ang pagkakataon na sa wakas ay kinakausap na ako ng isang Kuya na miss na miss ko na.
May mga bagay na minsan lang ibigay ng pagkakataon, kaya kapag nariyan na sa harapan mo... Hindi ba dapat ay mabilis mo ng niyayakap?
Pwede man itong magkaroon ng consequences, dapat na lang akong maging handa... Ang mahalaga, may isang oportunidad akong hindi pinalampas.
Desisyon kasi ni Mommy na huwag muna kaming papasukin sa Academy, hindi lang dahil pupunta kami ng Central kung hindi ay dahil na rin sa kalagayan ni kuya Yohan. Mas gusto niyang nasa mansion lang ito at nagpapahinga, sa takot na may hindi nanaman magandang mangyari sa kanya. Sigurado akong mapapagalitan ako dahil imbes na sawayin si Kuya ay ito ako, sinamahan pa siya. Pero ayos lang, tatanggapin ko na lang iyon kesa naman hayaan ang kapatid kong umalis mag-isa.
Paniguradong may rason kung bakit gusto ni Kuya Yohan magpunta sa Academy. Kung kanila Kuya Travis siya nagsabi, siguradong hindi sila papayag. Ipagpipilitan niyang umalis kaya mas mabuti na itong ganito.
"Did you have fun during your training earlier?" Tila napantig ang tainga ko nang marinig ang mahinang tanong ng kapatid ko. Mabilis ko siyang nilingon at sumalubong sa akin ang panandaliang pagsulyap niya. Bakas na bakas ang kyuryusidad sa mga mata niya. Andoon din ang tunay na kagustuhang kamustahin ang araw ko, isang bagay na matagal ko ng hindi nakita at naramdaman mula sa kanya.
Isang ngiti ang iginawad ko bago ako tumango, at lumingon ulit sa labas. Tumingin din ako sa taas upang pigilan ang mga masasayang luhang nagsisimula nanamang mamuo sa mga mata ko.
Akala ko ay hindi na muling makikipag-usap si Kuya Yohan, pero mali ako. Narinig ko kasi siyang nagsalita ulit, kaya muli ko siyang nilingon.
"I saw Hendrix tripped and fell flat on the ground... it must've hurt." Hindi ko naman maiwasang matawa ng mahina nang makita ko ang pagngiwi niya. Base sa ekpresyon niya ay para bang hindi niya talaga gugustuhing mangyari sa kanya iyong nangyari kay kuya Hendrix.
Paano kasi ay naglalaro sila Kuya Jarvis at kuya Hendrix kanina habang nagte-training. Kaso ay namali ng natapakan si kuya Hendrix habang tumatakbo kaya naman natisod siya at sumalampak sa lupa. Pakiramdam ko nga ay naririnig ko pa rin ang tawanan nila Kuya hanggang ngayon.
Nakita rin pala iyon ni Kuya Yohan kanina...
"Sobrang sakit nga siguro, Kuya. Napasigaw pa nga si Kuya Hendrix." Dugtong ko na lang sa usapan para maging kumportable siya. Napapansin ko kasi ang pag-aalinlangan sa bawat salitang binibitawan niya, animo'y natatakot na hindi ko siya kikibuin o kakausapin.
Para naman akong nabawasan ng isang maliit na tinik sa dibdib nang makitang ngumiti siya ng kaonti. Kaya naman bago pa siya sumagot o muling hindi umimik ay agad na akong nagtanong.
"Alam mo ba kung anong pinaka-nakakatawa sa nangyari kanina, Kuya?" Ngiting-ngiti kong tanong. Tinaasan naman niya ako ng isang kilay bago sumagot, "what is it?"
"Pati yung mga Security Personnel na kasama namin sa training kanina natawa sa nangyari. Sinamaan sila ng tingin ni kuya Hendrix kaya tumalikod agad sila, kaso halata pa ring nagpipigil sila ng tawa kaya mas natawa na lang kaming lahat." Lumiwanag naman ang mata ko nang pagkasabi ko no'n ay natawa ng malakas si Kuya Yohan. Umalingawngaw ang masaya niyang halakhak sa loob ng kotse kaya napangiti na lang ako.
Siguro nirarason ko lang ang ayokong hayaang mag-isa si Kuya Yohan. Dahil kung tutuusin nga ay baka mas safe pa kapag siya lang mag-isa ang pumunta sa Academy. Marahil ay isang pagsisinungaling lang iyon sa sarili ko, dahil ang totoo... Kagustuhan ko lang na makasama ulit ang kapatid ko, na parang walang problema sa pagitan namin, kaya pumayag akong sumama sa kanya papunta sa Academy.
Masama ba iyon? Masama bang maghangad na sana ay maayos ulit kami?
Nakakatakot na pu-pwede kong pagsisihan nanaman itong pinili kong gawin, na malaki ang posibilidad na mali nanaman ako ng desisyon... Pero tatanggapin ko na lang. Kung mayroon man akong natutunan sa mga nangyari, iyon ay walang mangyayaring maganda kung palagi na lang akong magpapadala at magpapakain sa takot ko. Nasa punto na ako na handa na akong labagin at kalabanin lahat, sirain lahat ng nakatadhana para lang masiguro ang kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay... Kaya bakit pa ako magpapadala sa takot na namumuo sa loob ko? Sa takot sa isang bagay na ni hindi pa nangyayari?
Sobrang ikli ng buhay, kaya kung may pagkakataon akong makasama ang mga mahal ko sa buhay... Bakit papalampasin ko pa?
"Once Dad is home, and everything is well... I'll join your trainings again." Ani Kuya Yohan ng nakangiti pagkatapos niyang matawa, kaya tumango na lang ako.
Sana nga Kuya... Sana nga kapag nakasama na ulit natin si Daddy ay maging maayos na ang lahat. Sana nga maging maayos na rin ang lagay mo.
"Take a nap for now, I'll wake you up once we're there." Hindi na ako sumagot sa kapatid ko at ipinikit na lang ang mga mata ko. Naiintindihan ko kung ayaw na niyang makipag-usap, dahil ganoon naman talaga siya. Kanina ay napupuno ng pag-aalala ang damdamin ko, pero ngayon ay unti-unti ng napapanatag ang kalooban ko.
Dahil kung ano man ang nangyayari, o nagiging epekto ng mga pagbabago kay Kuya Yohan... Nakikita kong andyan pa rin ang Yohan na kilala namin, patuloy na lumalaban para hindi siya tuluyang kainin ng sarili niyang darkness.
"The embrace of the Eight shall erase the hate"
Napangiti na lang ako nang marinig ang sarili kong boses sa isipan ko. Hindi ko alam kung isa itong imahinasyon o ang introduksyon sa aking panaginip. Alinman sa dalawa, malakas ang kutob kong may dala itong magandang kahulugan.
~ × ~
"Alexandria!" Nagulantang ako sa isang malakas na sigaw dahilan para magising ako mula sa aking pagtulog. Akala ko ay sigaw iyon mula sa panaginip ko, pero nagkakamali ako.
Pagmulat na pagmulat ko ng aking mata ay bumungad sa akin ang iritadong mukha ni Kuya Yohan. Nakatayo siya sa labas ng sasakyan, hawak-hawak ang pinto at nakakunot ang noo. Bigla akong nakaramdam ng takot kaya agad akong napaupo na lang ng maayos, at napalunok.
"Kuya... May problema ba?" Sinugurado kong mahinahon lang ang pagtanong ko para mag-ingat. Malakas kasi ang kutob kong... may nagiging epekto nanaman kay Kuya Yohan ang changes sa darkness. Kanina lang ay tumatawa pa siya tapos ngayon–
Baka dapat ay hindi na lang ako natulog katulad ng gusto niya? Baka dapat mas lalo ko siyang binantayan...
"Ku–" Tatanungin ko pa lang sana ulit si Kuya kung ayos lang ba siya ay hindi ko na nagawa, pareho na kasi kaming natigilan nang marinig namin ang masiglang boses ni Melissa.
"Alexandria! Yohan! Sakto andyan na pala kayo!" Kitang-kita ko rin kung paano mabilis na lumingon si Kuya Yohan sa direksyong pinanggalingan niya. Tinanggal ko na lang din agad ang seatbelt ko upang makababa na rin ako ng sasakyan.
"Melissa, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko na lang nang makalapit siya. Sinulyapan ko rin si Kuya Yohan para tingnan kung mukha pa rin siyang iritado, pero laking pasasalamat ko nang makitang hindi na nagsasalubong ang dalawang kilay niya. Gusto ko pa sanang pakiramdaman siya kaso ay sumagot na si Melissa, kaya nawala ako sa pokus.
"Tinawagan niya ako, malapit na raw kayo." Nakangiti niyang sagot habang nakaturo kay Kuya, dahilan para mapa-awang ang bibig ko. Tinaasan ko rin ng kilay ang kapatid ko nang saglit siyang bumaling sa'kin, pero mabilis siyang umiwas ng tingin kaya napangiti na lang ako.
Tinawagan naman pala...
"Let's go." Tumikhim naman si Kuya Yohan at agad na lang na tumalikod. Gusto ko sanang tumawa, lalo pa't mukhang walang kaide-ideya si Melissa kung gaano nahihiya ngayon ang kapatid ko, at kung anong halaga niya rito... Kaso wag na lang.
Baka mamaya kapag nang-asar ako, mawala pa sa mood ang kapatid ko. Wag na lang. Ibibigay ko na lang ang saya na 'to sa kanilang dalawa.
Nagsimula ng maglakad si Kuya Yohan paalis kaya sumunod na lang din kami ni Melissa. Agad din niyang ikinawit ang kamay niya sa kaliwang braso ko, at ngiting-ngiti akong binati kaya ganoon na lang din ang ginawa ko.
"Hay Alexandria, buti na lang naisipan niyong pumunta. Pakiramdaman ko kasi mababaliw na ata ako sa sobrang boring, at sa sakit ng ulo sa kapatid ko." Nakangusong turan ni Melissa habang naglalakad kami, kaya natawa ako ng mahina.
"Ano nanamang ginawa ni Raven?" Mukhang nagpasaway nanaman ang isang iyon sa Ate niya, o pwede ring wala naman siyang ginawa at talagang iritado lang sa kanya si Melissa. Ewan ko ba sa dalawang ito, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit lagi silang nagbabangayan.
"Ano pa ba? Ayun at kung sino-sino nanaman ang nilalandi. Hindi ko nga alam kung bakit nagkakagusto sa kanya mga babae?" Gigil niyang sagot kaya mas lalo akong natawa.
"I mean– Narinig mo na ba mga banat niya? Puros kayabangan tapos ang corny pa! Alam mo hindi na nga ako magugulat kung isang araw ililipad na lang siya ng sobrang kahanginan niya." Hindi pa ako nakakasagot ay muli ng nagsalita pa si Melissa. Napatampal na rin siya sa noo niya kaya mas lumakas na lang ang tawa ko.
Wala akong galit kay Raven, pero hindi naman ako pwedeng tumutol sa sinabi ni Melissa. Totoo namang ang hangin ng kapatid niya sa katawan. Ngunit kahit ganoon ay nakakatuwa naman siya, minsan nga lang ang sarap talaga niyang ibalibag na lang.
"Kayo talagang dalawa, lagi niyo na lang kinokontra ang isa't isa." Natatawa ko na lang na sagot. Bumuntong hininga na lang din siya at ngumuso kaya napangiti na lang ako.
Malapit na kami sa may dorms nang mapansin namin ang sunod-sunod na paglabasan ng mga students mula rito. Nagbubulungan sila at tila nagmamadali, kaya nagkatinginan kami ni Melissa. May nangyari ba?
"What's happening?" Rinig kong tanong ni kuya Yohan, mukhang nagtataka rin siya kung bakit tila natataranta ang mga ito. Sinulyapan niya rin kami ng nagtatanong na tingin, marahil ay nagnanais makakuha ng sagot kay Melissa dahil siya naman itong kanina pa andito sa Academy.
"Wag mo akong tanungin, wala rin akong alam. Hindi naman sila ganyan." Sagot nitong katabi kong halatang nagtataka na rin.
"Su-" Isusuhestiyon ko pa lang sanang sundan na lang namin ang mga ito, pero bago ko pa matapos ang nais kong sabihin ay naramdaman na namin ang isang malakas na hangin– isang pahiwatig na mayroong malakas na pwersang pinakawalan sa loob ng Academy.
Agad din naming nakita ang biglaang pag-apoy ng isang malaking puno malapit sa may field, kaya nagkatinginan kami nila Kuya at Melissa. Iisa ang konklusyong namumuo sa mga isipan namin, kaya mabilis na rin kaming tumakbo papunta sa field.
May nangyayaring gulo.
Ang mga bulong-bulungan at pagsinghap ng mga kapwa namin estudyante ang unang bumungad sa amin nang marating namin ang field. Kinailangan pa naming makipagsiksikan sa kanila para makapunta kami sa harapan, at makita kung anong nangyayari. Hindi rin kasi namin marinig ang kaganapan, pero mukhang malaking gulo ang nagyayari base na rin sa dami ng tao dito.
"Hoy magsitabi nga kayo!" Natigilan naman kami ni kuya Yohan nang biglang sumigaw si Melissa. Napatingin din sa amin ang mga nasa paligid namin, gulat din sa sinigaw nitong katabi ko.
"Ang dami dami niyo rito talagang nakikinood lang kayo. Sana nagsaway na kayo, mga tsismosa! Tabi nga!" Singhal niya kaya napayuko na lang ang iba at tumabi na. Natamaan ba sila sa sinabi ni Melissa? Bakit nga ba kasi di sila umaawat? Hay naku.
"Damn, amazing woman." Nagulat naman ako nang marinig kong bumulong sa'kin si kuya Yohan kaya napanganga na lang ako. Naglakad na rin sila pareho papunta sa unahan habang naiwan akong gulat.
Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko. Sa unang pagkakataon, narinig ko gamit ang sariling tainga ko na pinuri niya si Melissa.
Bago 'yon, ha.
"Stop it, I said!" Para naman akong natauhan bigla nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Cassandra. Nanlaki rin ang mga mata ko kaya mabilis na akong tumakbo, inunahan ko na nga sila Kuya Yohan at Melissa.
Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari.
"She started it, tell her to stop then!" Pagkalapit na pagkalapit ko ay sakto namang galit na nagsalita si Axel. Kitang-kita ko rin ang galit na galit niyang mukha habang nakatingin kay... Victoria?
Kunot noo kong pinasadahan ng tingin ang sitwasyon, unti-unting nagsusulputan ang mga tanong sa isipan ko. Nakatayo sa harapan naming lahat si Victoria, may katabi siyang isang lalaki na naging kaklase ko rin sa PE Class, halatang galit din. Nasa harapan nila si Axel na nagpupuyos sa inis habang pigil pigil siya ni Shawn at Arianne.
Saglit din kaming nagkatinginan ni Cassandra na nakatayo sa pagitan nila, halatang pagod na at kanina pa nagsasaway sa kanila. Hindi nakatakas sa akin ang paghingi ng tulong sa mga mata niya.
Lalapit na sana ako sa kanila, pero bago ko pa magawang humakbang ay naramdaman ko na ang isang kamay na pumigil sa akin. Nilingon ko ito upang makita na si Raven pala ang nakahawak sa kanang braso ko. Nakakunot din ang noo niya habang umiiling sa akin, animo'y sinasabi sa aking wag na akong magtangkang makisali.
"Masyadong galit si Axel, Peppermint. 'Wag mo ng subukan." Wika niya habang nakatingin sa harapan.
Tatanungin ko na sana kung bakit, dahil ayoko namang hayaan lang si Cassandra na mamroblema sa kanila, pero bago ko pa magawa ay nagsalita na rin si Kuya Yohan na kakalapit lang sa kaliwa ko. Diretso rin ang tingin niya kay Axel, mga mata'y nagpapakita ng isang pamilyaridad.
"While I don't share the same opinion with Raven most of the time, I agree with him on this matter. Don't meddle in their business, baby A. Because if he ends up hurting you, even if it's unintentionally, we don't know what will happen to him." Aniya.
Napansin ko ring sumulyap siya sa ibang direksyon kaya sinundan ko ang tingin niya. Napakunot naman ang noo ko nang makitang si Xenon pala ang tinitingnan niya, tahimik lang itong nakasandal sa puno at nanonood sa nangyayari.
Anong ibig sabihin ni Kuya Yohan? Nakita na ba nilang nagalit dati si Axel? Mayroon bang nangyari dati?
"Why? Totoo naman yung sinabi ko, ha? Why would I stop?" Naputol lang ang pag-iisip ko nang marinig ko ang mayabang na sigaw ni Victoria. Dahil din sa ginawa ay mas lalong nainis si Axel. Balak sana niyang sugurin na si Victoria pero pinigilan siya nila Arianne at Shawn, na sinabayan din ng maotoridad na saway ni Cassandra. "Enough! All five of you will come to the Discipline's Office with me. You've already created so much chaos, wala kayong respeto sa isa't isa at sa mga kapwa niyo estudyante!"
Bakas na bakas ang pagpipigil ng galit sa tono ng pananalita ni Cass. Halatang kanina pa siya napapagod sa kanila. Nakalimutan kong Student Council President pa rin pala siya, at marami pa rin siyang responsibilidad. Hays.
Akala ko ay matatapos na ang kung anumang gulo na namamagitan sa kanila, pero mali ako. Imbes kasi na sumama na lang ay sumagot bigla si Arianne.
"Why would we listen to you? Hindi mo ba naisip na wala ka ng right and enough credibility to be the Student Council President? You're Dana's daughter, a murderer's daughter." Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Arianne. Natahimik din ang buong kapaligiran, bago ito napalitan ng pagsinghap ng ilan. Kitang-kita ko rin ang sakit na lumandas sa mga mata ni Cass, kasabay ng pag-atras niya at pagbigat ng damdamin ko.
Hindi na ako nagdalawang isip pa, at mabilis na lang akong kumawala sa pagkakahawak ni Raven sa braso ko. Wala na akong pakialam kung madamay ako sa kung ano man ang ikinakagalit ni Axel. Iyong mga salitang binitawan ni Arianne... masyadong masakit. Masyadong sobra.
Alam kong nagagalit siya sa amin hanggang ngayon, pero dapat bang dagdagan pa ng apoy ang sunog na hindi pa rin napapatay?
"Alexandria!" Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Melissa nang tumakbo ako palayo sa kanila, pero hindi ko na lang ito pinansin. Nagmadali na lang akong makalapit sa tabi ni Cass, lalo pa't walang pag-aalinlangang lumapit si Victoria kay Arianne at hinila ang buhok nito.
"You bitch!" Nangingibabaw ang malakas na sigaw ni Victoria sa paligid, na agad na sinundan ng muling pagkagulat sa karamihan. Para rin akong naestatwa nang kaladkarin ni Victoria si Arianne na mas lalong nagpalaki ng galit ni Axel. Susugurin na sana niya ito, pero laking gulat ko nang sinenyasan siya ni Arianne na huwag lumapit, at sa halip ay mabilis na nag-Ability Mode ang mga mata niya.
"Arianne!" Hindi ko na napigilang mapasigaw nang makita ang pamumuo ng isang fireball sa palad niya, at walang pakundangan itong ipinatama kay Victoria. Nagsigawan din ang mga kapwa namin estudyante na natakot at nagulat sa nangyari.
Pinakiramdaman ko naman agad ang Ability ko para pigilan sila, pero napakunot na lang ang noo ko nang tila wala akong maramdamang enerhiya sa loob ko.
Nakaka-inis, bakit ngayon pa nag-inarte itong Ability ko?
Napakagat na lang ako sa labi at napapadyak sa iritasyon nang hindi ko talaga maramdaman ang Ability ko. Pero hindi rin iyon nagtagal dahil nakita ko ang mabilis na pagbawi ng lakas ni Victoria, na para bang wala lang sa kanya ang tinanggap niyang atake mula kay Arianne.
Mabilis din siyang bumuo ng isang malaking fireball at ibinato ito sa direksyon ng kaibigan ko. Napasinghap naman ako nang makitang siguradong tatama ito kay Arianne, at pu-pwede ring maabot si Cassandra dahil tulala lang siyang nakatayo malapit sa kanila. Kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng oras at binilisan ko na lang ang takbo palapit sa kanila.
"Arianne!" Napansin ko rin ang pagkagulat sa mga mata ni Axel, at ang mabilis niyang pagtakbo palapit kay Arianne. Halos sabay lang kaming nakalapit sa kanila, at mabilis niyang hinila paalis si Arianne upang makaiwas sa atake ni Victoria.
"Cass!" Iyon din ang ginawa ko kay Cassandra. Medyo nalakasan ang paghila ko sa kanya dahilan para mapa-upo kami pareho.
"Ayos ka lang?" Agad kong tanong nang makitang lumampas sa amin ang atake ni Victoria. Dumaan ito na tila ba isang hangin lang na nais dumaplis sa mga balat namin.
Nanlaki lang naman ang mga mata ni Cass, at napa-awang ang bibig niya kaya binigyan ko na lang siya ng isang tipid na ngiti. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa nang mapansin kong nakatingin sa amin si Arianne mula sa gilid ng mga mata ko. Agad ko naman siyang nilingon para salubungin ang matatalim niyang titig.
"Wow, aren't you surrounded by amazing people, Cassandra? A murderer mother and now... Victoria? A crazy bitch? You attract danger talaga ano? Kaya pala ikaw ang pinili ni Alexandria." May diin ang bawat salitang binitawan ni Arianne, at halata ang pait sa mga ito. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at tinakpan na lang ang magkabilang tainga ni Cassandra gamit ang dalawang kamay ko.
Sinsero ko siyang tinitigan sa kanyang mata at nginitian nang makita ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Kitang-kita ko sa mga ito ang kagustuhan niyang sumagot, lumaban at makipag-usap kay Arianne pero masyado na siyang inubusan ng lakas ng loob ng mga nangyari sa kanya. Tanging takot, pagkamuhi sa sarili at kalungkutan na lang ang nararamdaman niya. Narito rin ang paghahangad na sana... sana lang... matapos na ang lahat ng ito.
"Hindi mo kasalanan ang mga ginawang kasalanan ng mga tao sa paligid mo. Hinding-hindi mag-iiba ang tingin namin sa'yo, ikaw pa rin ang Cassandra na kilala namin. Ikaw pa rin 'yan, walang sinuman ang makakasira ng totoong pagkatao mo." Kasabay ng pagtatapos ng mga salitang iyon ay ang siya namang pagpatak ng luha niya, na agad ko na lang ding pinunasan gamit ang dalawang kamay ko. Niyakap ko na lang din siya nang makita ang kapaguran sa mukha niya.
Nagulat naman ako nang niyakap niya rin ako pabalik, pero hindi ko rin napigilang mapangiti na lang.
"Alexandria, watch out!"
Mukhang masyado naman akong nadala sa nangyari, at hindi ko napansing tumayo pala si Arianne at nagbato ng sunod-sunod na fireballs sa direksyon namin ni Cassandra. Narinig ko na lang ang malakas na sigaw ni Kuya Yohan na mukhang nabigla rin sa kilos ni Arianne.
Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari, at hindi ko rin maipagkakaila ang lubos na pagkagulat sa ginawa ni Arianne. Kaya bago pa makalapit ang mga ito sa amin ay hindi ko na nagawang gamitin ang Ability ko. Animo'y nablangko na lang ang utak ko kaya niyakap ko na lang ulit si Cassandra para isangga ang katawan sa kanya.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na paglapit sa amin ng mga fireballs, at inaasahan ko na rin ang pagdampi ng mga ito sa katawan ko. Ngunit sa laking gulat ko ay imbes na pagdaing ko, ang mga pagsinghap ng mga estudyanteng walang ginagawa kung hindi manood lang, ang narinig ko. Naramdaman ko rin ang presensya sa likuran ko kaya agad akong humiwalay kay Cass upang lumingon.
"Muntik ka na do'n, Peppermint." Napa-awang na lang ang bibig ko. Ngunit iyon ay hindi dahil sa pagngisi ni Raven, o sa pag-irap ni Xenon sa kanya... kung hindi ay dahil sa nakikita ng dalawang mga mata ko.
Nasa harapan ko ngayon si Raven at Xenon, ang Shield at Manipulator... Parehong nakaharap ang bukas nilang palad sa direksyong pinanggalingan ng fireballs ni Arianne... at ang kakaibang enerhiyang nilalabas nila– Sa tingin ko ay hindi lang ako ang nagulat.
Sa kamay ni Raven ay lumabas ang tila nakakasilaw na liwanag, para itong barrier na ginawa niya para protektahan kami... At hinaluan ito ng kakaibang black smokes na nagmumula sa kamay ni Xenon... Para bang pinagtitibay pa ito.
"Woah!" Rinig na rinig ko ang mga sigawan at pagkamangha sa mga tao sa paligid, pero hindi ko ito magawang pansinin. Nakatulala lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa tuluyang maubos ang fireballs na ibinato ni Arianne, at mawala ang barrier na ginawa nila Raven.
"Thy bond will rewrite the past, enemies will be one at last."
Gusto kong magtaka nang marinig ko nanaman ang sarili kong boses sa isipan ko, pero tila ba ikinasaya ko pa ito.
Enemies...
Silang dalawa... Posible kaya...?
Napakurap naman ako, at nabalik sa huwisyo nang iabot ni Xenon ang kamay niya sa akin upang tulungan akong tumayo. Tinanggap ko na lang ito kahit naglalaro pa rin ang mga salitang iyon sa isipan ko. Nakita ko namang inalalayan din ni Raven si Cassandra na parang nanghihina at anumang oras ay mawawalan na ng malay.
"Thank you." Iyon na lang ang nasambit ko nang makatayo ako at makaharap kay Xenon. Isang tipid na ngiti naman ang isinagot niya sakin, bago niya ako inilapit sa kanya. Nakayakap ang kaliwang kamay niya sa bewang ko habang masama naman ang tingin niya kay Arianne.
"Next time, if you want to go wild do it somewhere else. You're testing my patience, Arabella." Para namang natauhan bigla sila Arianne sa narinig. Bakas na bakas kasi ang gulat sa mukha nila Axel, dahil siguro sa ginawa ni Raven at Xenon.
"Did you just call me crazy?!" Sasagot na sana si Arianne, ngunit bago pa niya magawa ay agad ng sumigaw muli si Victoria, kasabay ng pagpapakawala niya ng isang mas malakas at malaking fireball.
Ayaw bang tumigil nitong babae na 'to? Hindi ba niya nakitang muntik ng masaktan si Cassandra sa pinaggagawa nila? Wala ba siyang pakialam sa kapatid niya?!
Gagamitin ko na sana ang Ability ko para protektahan si Arianne, pero bago ko pa magawa ay nagulantang na agad kaming lahat ng isang malakas na kidlat. Dumilim din ang kalangitan, at mula rito ay may lumabas na lightning strike na mabilis na tumama sa fireball. Napa-iwas na lang kami ng tingin nang lumikha ito ng nakakasilaw na pagsabog.
"What are all of you doing? Go back to your dorms!" Napasinghap naman ako nang marinig ko bigla ang nakakatakot na sigaw ni kuya Hendrix, kaya mabilis ko itong nilingon.
Napatakip na lang ako sa bibig ko nang makita sila Kuya Jarvis na nakatayo na ngayon sa harapan namin. Mabilis namang nagsialisan ang mga estudyante, at walang reaksyon ding lumapit sa direksyon namin sila Kuya Hendrix at kuya Travis.
"Kuya..." Halos walang boses kong sambit. Inilingan nalang ako ni Kuya Hendrix at binigyan ng tingin na para bang nagsasabing kailangan naming mag-usap kaya napayuko na lang ako.
Pansin ko namang nilapitan din ni kuya Travis si Cassandra, na tuluyan ng nawalan ng malay, at binuhat ito paalis at palayo sa kaguluhang ito.
"Sa tingin mo ba talaga ay hindi namin malalaman na umalis kayo ng mansion, Sunshine?" Bulong ni kuya Hendrix habang diretso naman ang tingin niya kay Kuya Yohan na hila hila ni Melissa paalis sa field. Napalunok na lang ako.
Sinasabi ko na nga ba at lagot ako.
"Jarvis, stop scaring her." Nabaling naman ang tingin ko kay Kuya Jarvis nang tawagin at sitahin siya ni kuya Hendrix. Nakatayo lang kasi siya sa harapan namin kung saan tumama iyong lightning strike kanina, at masama pa rin ang tingin kay Victoria.
Sa huli ay umismid nalang si Kuya Jarvis bago niya inalis ang tingin kay Victoria, at pinasadahan ng tingin sila Arianne, Axel at Shawn na tumalikod na. Bakas ang pinaghalong saya at lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa kanila, at alam kong hindi lang ako ang nakapansin no'n.
Bumuntong hininga na lang din siya at mabilis ng nawala sa kinatatayuan niya. Paniguradong pupunta na lang iyon ng dorm. Hays Kuya.
"Hands off, Xenon." Hindi ko pa napo-proseso lahat ng nangyari ay nagulat na lang akong muli nang hilahin ako ni Kuya Hendrix. Sinundan ito ng mahinang tawa ni Xenon, kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
Isa rin 'to, galit na nga si Kuya Hendrix tumatawa pa siya. Hay naku. Nagpatianod na lang tuloy ako kay kuya Hendrix nang magsimula na kaming maglakad paalis doon.
Pero bago kami tuluyang makalayo ay muli kong binalingan ng tingin si Raven at Xenon, na naghiwalay din ng landas na para bang walang nangyari kanina lang.
"Thy bond will rewrite the past, enemies will be one at last."
Hindi ko mapigilang mapangiti at umasa.
Mukhang magagawan ko ng paraan na sa huli... wala sa kanila ang mawawala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top