XXIII - Defying Destiny
Fate. Destiny.
Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako kung ano-ano ang pagkaka-iba ng mga salitang ito. Naiinggit ako sa ibang tao dahil kuhang kuha nila ang ibig sabihin ng mga ito... Pero ako, ito at pilit pa ring hinahanap ang sagot.
Naisip ko tuloy... hindi ba pwedeng magkadugtong na lang ang dalawang ito? Hindi ba pwedeng konektado na lang sila sa isa't isa?
Sabi nila, ang fate raw ay bagay na nangyayari sa atin sa present depende sa mga desisyon natin. Mga desisyon na pinipili natin mula sa mga opportunities na nakalahad sa harapan natin. Kumbaga, may iba't ibang fate na pwedeng nag-aantay sa atin, depende sa desisyong pipiliin natin. At ang destiny naman ay ang nag-aantay sa atin sa future, at ito ay naaapektuhan din ng mga desisyong napili natin. Ang consequences ng mga naging aksyon natin.
Kung ganoon... hindi ba pwedeng sabihin na sa huli... malaki pa rin ang epekto ng mga desisyon natin sa destiny natin? Sa mga bagay na nakatakdang mangyari sa buhay natin?
Ibig sabihin... pwede pa ring baliin, suwayin at baguhin ang kapalaran natin. Nasa atin ang desisyon.
"Hello?" Panimula ko nang sinagot ko ang tawag ni Melissa sa'kin. Agad ko ring inalayo ng kaonti ang cellphone sa tainga ko, dahil alam ko ng pasigaw nanaman ang magiging sagot niya sa kabilang linya.
"Alexandria!!" Napangiti naman ako at napa-iling. Sinasabi ko na nga ba at tama ako, pasigaw nanaman siyang sumagot. Kahit nga siguro sino ay alam na iyon, pero kahit ganoon ay nakakatuwa pa rin naman si Melissa. Minsan, masyado lang talagang... malakas ang boses niya.
"Ma-" Sasagot pa lang sana ako sa kanya ay hindi ko na natuloy. Mabilis na kasi niyang pinutol ang pagsasalita ko, at inunahan na ako.
"Sorry, andyan ka na ba? Papunta pa lang ako, pero malapit naman na ako. Sorry, Alexandria. Iniba kasi ng bwiset na Raven na 'yon yung orasan sa kwarto ko, akala ko tuloy maaga pa." Kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko na agad na nakasimangot siya. Malakas din ang kutob kong nanggagalaiti nanaman siya sa kapatid niya. Hay naku. Ang dalawang ito talaga.
Nagpakawala na lang ako ng mahinang tawa bago sumagot. "Ayos lang 'yon, sige na aantayin na lang kita. Mag-ingat ka."
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Melissa sa kabilang linya, pero kalaunan ay kumalma na rin siya. Ibinaba ko na lang din ang tawag pagkatapos, at bumaling na lang sa mga nagku-kwentuhang grupo ng magkakaibigan. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanila, sila kasi ang tanging grupo na nag-iingay dito sa loob ng pizza parlor. Pero kahit ganoon ay nakakatuwa rin silang panoorin, hindi ko mawari kung bakit.
"Hoy Prima Rosa, nakarami ka na ng slices a? Wala ka namang inambag sa pambili nito." Medyo napalakas ang sinabi ng isa sa kanila, iyong lalaking may kulay icy blue na buhok, kaya hindi ko maiwasang marinig ito.
Agad naman siyang binato ng tissue ng babaeng tinutukoy siguro niya, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa'kin. Pero pansin kong ang isa ring babaeng katabi niya ay may kapareho ring kulay ng buhok sa lalaking nagsalita kani-kanina lang.
"Goodness Jasper, you pesky icing. Sabi ko stop calling me that! I have a name and it's really pretty, mas maganda pa nga sa existence mo e." Natawa naman ako ng mahina sa narinig kong sagot ng babaeng nakatalikod sa akin. Bakas ang iritasyon sa boses niya, pero mahahalata mo ring hindi naman talaga siya galit sa kausap niya. Siguro ay ganoon lang talaga silang magkakaibigan.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagsiko sa kanya ng isa pang lalaki sa tabi niya, pareho naman silang may shade ng gold sa mga dark brown nilang buhok. "Ate, tone down your voice." Aniya. Magkapatid pala sila...
"Oo nga, quiet lang." Dugtong din ng katabi niyang babaeng may icy blue hair din. Umismid lang naman iyong Prima Rosa at muli pang sumagot.
"Alaska, ito kasing kambal mo! So irritating." Kambal pala sila. Ang galing naman.
"Nye nye nye." Tila mas pang-aasar pa ng lalaking may pangalang Jasper, kaya nakatanggap nanaman siya ng crumpled tissue sa mukha niya.
"Ambag ba nirereklamo mo? Hoy arte mo. Sa susunod bibilhan kita ng pizza parlor ubusin mo lahat ng paninda ha? Kung di lang kita pinsan binili na rin kita, tapos saka kita ipapatapon sa dessert. I have a lot of money kaya. I'm a Mon-" Hindi na naituloy ng babaeng inaasar ni Jasper ang sasabihin niya. Sinubuan na kasi siya agad ng isang slice ng pizza ng isa pa nilang kasama, isang babae ring kanina pa tahimik sa tabi ni Jasper. Raven black ang kulay ng buhok niya, at hindi maipagkakaila ang ganda niya.
Nagtawanan naman sila sa ginawa nito kaya pati ako ay napangiti, at napa-iling nalang. Nakakatuwa silang pagmasdan.
Bakit ko ba pinapanood ang mga 'to? Ewan ko rin. Kanina pa ako nag-iintay dito kay Melissa pero hindi naman ako naiinip. Bukod sa may panahon akong mag-isip isip sa mga nalaman namin ni Xenon kanina, nalilibang din ako sa kanila. Hindi ko naman naririnig ang usapan nila kanina, pero ewan ko... sa simpleng panonood lang sa kilos nila ay natutuwa na ako. Naaalala ko iyong panahong lagi ko ring kasama kumain sila Cassandra, Arianne at sila Kuya tapos napupuno rin ng asaran at ingay ang mesa namin.
Hays.
Iniwas ko na lang ang tingin sa grupo nila, at pinagmasdan na lang ang isang slice ng pizza na nasa harapan ko. Kanina ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Melissa, nagtanong siya kung pupwede ba kaming magkita at kumain sa labas. Pumayag naman ako dahil wala na rin akong gagawin, at nasabi niyang dito nalang daw kami kumain. Nahiya naman akong wala pa akong inoorder, kaya bumili na lang muna ako ng isang slice. Gusto ko rin kasing antayin dumating ang kaibigan ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala lang sa pagkain sa harapan ko. Napa-angat na lang bigla ang tingin ko nang maramdaman ko ang presensya ni Melissa. At hindi rin ako nagkamali dahil saktong pagtingin ko sa may pintuan ay siya ring pagpasok niya.
"Alas, here!" Narinig ko pa ang malakas na boses ng babaeng mula sa grupong pinagmamasdan ko kanina, pero hindi ko nalang ito pinansin.
"Hala Alexandria, sorry ang tagal ko." Nahihiyang tugon agad ni Melissa pagka-upong pagka-upo niya sa harapan ko, kaya binigyan ko nalang siya ng isang malapad na ngiti.
"Kanina ka pa sorry ng sorry sa'kin, ayos lang talaga." Wala naman talagang kaso sa akin kung nahuli siya ng dating, lalo pa't mukhang naisahan nanaman siya ni Raven.
Bumuntong hininga naman siya at nangalumbaba na lang sa mesa, kitang-kita ang iritasyon sa mukha niya. "Kainis talaga ang Raven na 'yon!" Pansin na pansin ang panggigigil sa boses niya kaya natawa na lang ako.
Kinuha ko na lang din muna ang atensyon ng isa sa mga staff nitong pizza parlor para i-order ng pagkain si Melissa. Mukha kasing wala pa siyang balak mamansin ng iba dahil nagihimutok pa siya sa inis sa kapatid niya. Hahayaan ko na lang muna siyang ilabas ang panggigigil niya.
Nang makabalik na ang staff na kausap ko kanina dala ang pagkain nitong kaharap ko, umayos na rin ng upo si Melissa kaya binigyan ko na lang siya ng nagtatanong na tingin. Tinanguan naman niya ako na para bang sumasagot siyang ayos na siya, kaya natawa na lang kami pareho.
"Alexandria, oo nga pala. Bakit mag-isa ka lang? Tumakas ka lang ba?" Natigilan naman ako sa pagkain nang marinig ang tanong ni Melissa, kaya umiling na lang ako agad. Sumulyap din ako sa direksyon palabas bago sumagot. "Nasa labas si Kuya Damon, nag-aantay lang." Tanging pagtango na lang ang isinagot niya sa akin.
Lumipas ang ilang minuto na walang nagsalita sa aming dalawa. Inabala ko na lang din ang sarili ko sa pagkain dahil kahit hindi magsalita si Melissa ay ramdam na ramdam ko naman ang mabigat na dinadala niya. Alam kong ito ang pumipigil sa kanyang magsalita, kaya ayoko muna siyang pangunahan. Hindi ko man mawari kung ano ito, alam ko namang hindi ito maliit na bagay lang para sa kanya.
"Yung... Kuya Yohan mo." Maya maya lang din ay narinig kong nagsalita na siya, kaya bumaling na lang ako sa kanya. Napakunot naman ang noo ko nang makitang tila nag-aalangan siyang sabihin sa akin kung ano man ito. Di rin kasi siya makatingin sa mata ko, at puros pag-iiwas ng tingin lang ang kanyang ginagawa.
"Anong mayroon kay Kuya?" Malumanay na tanong ko na lang, umaasang dudugtungan pa rin niya kung anuman ang nais niyang sabihin.
Napansin ko namang ngumuso siya, at napakamot pa sa ulo kaya napataas na lang ang kilay ko. Nag-away nanaman ba sila?
"Kasi ano... Ano bang ibig sabihin kapag..." Nag-aalangan niyang tanong.
"Kapag?"
"Yung Kuya mo kasi diba... basta kasi andoon kami sa inyo kahapon. Tapos nakausap ko kasi siya–" Nabahala naman ako bigla sa sinabi ni Melissa kaya agad kong pinutol ang pagsasalita niya.
"Bakit? May nasabi o nagawa ba siyang hindi maganda? Kung ano man iyon, ako na yung mag so-sorry. Hindi lang talaga maganda ang lagay niya nitong mga nakaraan, Melissa." Alam ko namang alam din ni Melissa ang nangyayari ngayon kay Kuya Yohan, at alam ko rin kung gaano kalaki ang epekto nito sa kapatid ko. Kaya hindi ako magtataka kung nasaktan si Melissa sa kung anuman ang nangyari.
Simula noong umuwi ako sa mansion, pilit talaga akong umiiwas sa kapatid ko para makabawas sa nararamdaman niya. Ayon din naman kanila Kuya Hendrix ay mukhang nakakatulong din iyong umuwi muna kami, at nakakapagpahinga siya. Hindi ko nga lang alam kung ano ang nangyari kahapon...
Bumuntong hininga naman si Melissa at umiling-iling, kaya napakunot na lang ang noo ko. "Hindi, hindi naman gano'n." Aniya.
"Kasi kahapon ano... sabi niya thank you raw." Bakas na bakas ang pagtataka sa kanyang mukha. Bago rin ako makapag tanong pa ay muli na niyang sinundan ang sinabi niya.
"Ang gulo kasi, alam mo 'yon? Sabi niya 'I feel safe when you're beside me', kaso no'ng sinabi niya iyon wala naman ako sa tabi niya. Nasa harap niya ako. Ano bang ibig sabihin no'n, Alexandria? Ang hirap intindihin ng kapatid mo." Napa-awang naman ang bibig ko sa narinig kong tinuran niya.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko sa narinig kaya natawa nalang ako ng malakas, ni hindi ko na pinansin ang mga taong napapatingin sa direksyon namin. Paano ba naman kasi, sino bang hindi matatawa sa sinabi nitong babaeng kaharap ko? Nahahalata ko namang espesyal si Melissa sa kapatid ko, pero ang marinig ang salitang iyon...
Tapos itong kaibigan ko ni hindi man lang niya napagtanto kung anong nangyari...
"Hoy alam mo ikaw iuuntog na kita sa kapatid ko, palagi niyo akong pinagtatawanan!" Imbes na matigilan ay mas lalo pa akong natawa sa pagmamaktol ni Melissa, kaya mas napalakas ang tawa ko. Sinimangutan niya nalang ako at padabog na kumain.
Tumagal pa siguro ng isang minuto ang pagtawa ko, naluha na nga ako kakatawa. Si Melissa naman ay nakanguso lang at umiirap kaya napangiti na lang ako.
"Wooh grabe 'yon a, ngayon na lang ako tumawa ng ganito kalakas sa public place." Inismiran naman ako agad ni Melissa nang marinig ang sinabi ko, kaya napakagat nalang ako sa labi ko para pigilan ang sarili ko.
"Halata nga. Ang saya mo. Masaya pagtawanan ako, Alexandria, ha?" Bumubulong bulong pa ito pero hindi ko nalang siya pinansin. Pinatong ko nalang ang siko ko sa mesa upang maipatong ang mukha sa palad ko.
"Kung ganoon... May moment pala kayo ni Kuya Yohan? Ano namang mga pinag-usapan niyo pa?" Tinaas-baba ko pa ang kilay ko upang mas lalo siyang asarin, pero tanging buntong hininga lang ang nagawa niya.
"Hindi ko na rin alam, di ako nakatulog kakaisip." Aniya at ginulo na lang ang buhok niya, dahilan para mas lalong lumapad ang ngiti ko.
"May gumugulo sa isip ni Melissaaaa..." Pakanta kong turan habang pinaglalaruan ang straw ng inumin ko. Ibinagsak naman niya ang ulo niya sa mesa kaya muntik nanaman akong matawa, mabuti nalang ay napigilan ko ang sarili ko.
"Hindi naman 'yon mangyayari kung hindi kami napunta sa mansion niyo." Rinig kong bulong niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko, tumikhim nalang din ako kasabay nang pag-angat niya ng ulo niya. Muli siyang nagpangalumbaba at pinaningkitan ako ng mata.
"Naalala mo ba? Diba andoon kami sa inyo kahapon?" Mukhang alam ko na, mukhang isa pa ito sa kanina pang gumugulo sa isipan niya. Malungkot na lang akong ngumiti at umiling.
"Hindi ko alam. Sabi ni Mommy nawalan daw ako ng malay kahapon, pero hindi ko naman maalala ang sinasabi niya. Wala akong ideya na nasa bahay pala kayo kahapon.."
Lumandas ang pagtataka sa kanyang mga mata, pero nanatili lang akong walang imik. Hindi ko rin inaalis ang tingin sa kanya, nagtatanong kung anong problema.
"Kung ganoon... wala kang maalala? Sa lahat ng nangyari kahapon?" Kahit bakas na bakas ang pagtataka sa kanyang mukha, ramdam na ramdam ko naman ang lungkot na sumisilip mula sa damdaming pilit niyang itinatago.
Isang lungkot hindi para sa akin, kundi para sa mga taong mahalaga sa kanya.
Binigyan ko nalang si Melissa ng isang malapad na ngiti, at isang tango. At kasabay nito ay ang kagustuhang itago ang katotohanan, kahit na pilit na nanunumbalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari.
"Alexandria, please save Raven." Nang muling magsalita si Mallory ay napahawak nalang ako sa ulo ko, at napa-atras lalo. Naramdaman ko rin kasi ang tila pag-ikot ng mundo ko, at ang panghihina ng tuhod ko na sinabayan ng samu't saring memorya mula sa nakaraan ko.
"Help!" Isang salitang may malalim na kahulugan, naglalaman ng samu't saring nararamdaman.
Naalala ko na... Naalala ko na kung saan ko ito narinig, kung kailan at kung mula kanino.
Isang luha na lang ang tumakas mula sa mga mata ko nang maramdaman ko ang paghila sa akin ng aking memorya, pabalik sa isang masakit na nakaraan.
"Help!" Napahawak ako sa tainga ko at napapikit nang makarinig ako bigla ng malakas na sigaw. Akala ko ay guni-guni ko lang ito, kasi wala naman akong ibang kasama... pero hindi.
"Help me! Someone help me!" Instead of stopping, the voice kept on shouting again. It's pleading again and again, like a hungry bee whispering in my ears. At kahit paulit-ulit kong pilit na wag itong pansinin, mas lalo namang lumalakas ang sakit nito. The desperation and pain of the person asking for help... I can feel it vividly in my skin, in my body, as if I was the one begging for mercy.
"What do I do?" Bulong ko na lang sa sarili ko, at napa-upo na lang. Andito kasi ako sa may back forest ng mansion, naglalaro kasi kami ng hide and seek nila Kuya... Tapos nangyari ito bigla, hindi ko alam gagawin ko. I'm sure the voice isn't one of my Kuyas, and if I want to help, I don't know how. Mommy and Daddy told me not to use my abilities because I'm still young. They said that I won't be able to control them, and it's dangerous to use abilities you can't tame.
I want to run back to our house but the pain is too much...
"Why are you crying, little Alexandria?" Napa-angat ang tingin ko bigla nang may marinig akong boses. My eyes instantly widen too when I saw who owns the soft voice.
"You're here..." The beautiful girl who looks like me. Siya yung nakita ko sa lake dati, pati na rin noong naglalaro kami ng hide-and-seek ni Chi.
"Yes, I'm here again." She smiled sweetly as her golden eyes brightened. Parehas kami ng eyes kapag naka-Ability Mode ako, pero mas bagay ito sa kanya. It's as if she's carrying herself with confidence, with strength and with immense power only she can tame.
"Can you help me go back to my Mommy and Daddy? I can't walk, I feel weak." I politely asked. Sabi nila Mommy I shouldn't talk to strangers, but I feel comfortable with her presence. She looks kind too, I'm hoping she will help me.
Hindi naman niya ako sinagot muna, at ngumiti nalang. "Is that what you really want? To go home? Or you'd rather listen to the voice you're hearing?" Napasinghap naman ako agad nang marinig ang sinabi niya.
She knows I'm hearing someone?
"Do you-?"
"Yes, Alexandria. I hear it, too. Do want to help?" She asked. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isipan ko, pero mabilis akong tumango. I know my parents doesn't want me using my abilities... but the person who owns that pleading voice... whoever it is needs help.
"I want to help.." I firmly answered making her smile. And, in just a snap of her hand, we're in a different place already.
It's not the back forest of the Montecillo Mansion... but it's a forest too. A small forest near the Town Center. Nakapunta na kami nila Kuya rito dati, pasyalan kasi ito– a park. Pero ang alam ko closed ito kapag Sunday... anong ginagawa namin dito?
"Don't get scared, you can take all of them down. Believe in your own abilities." Natigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ko ulit magsalita ang babaeng kasama ko. Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa harapan namin. She's watching a boy running, away from bad guys.
I can't help but gasped when I saw who the boy is. It's Raven Pierce, Melissa's little brother. I saw them before but he's snobby and their parents didn't want me to play with them... What is he doing here? Who are the guys who want to hurt him?
"Go now, Alexandria. And tell this to Raven..." Instead of completing her sentence, she tapped the top of my head using her hand. Napasinghap nalang ako nang marinig ko bigla ang boses niya sa isipan ko.
Nanlaki rin ang mata ko habang nakatingin sa kanya, pero ngumiti nalang siya. Unti-unti na ring nagliwanag ang paligid niya, at ramdam kong anumang oras ay mawawala na siya kaya nagtanong na ako agad.
"Who are you? What's your name?" Her smile widen before turning into a smirk.
"I am you."
Tatanungin ko pa lang sana siya kung anong ibig niyang sabihin, pero tuluyan na siyang naglaho. Nawala na lang siya na parang bula, tila naging kaisa ng hangin.
"Help me, someone help me!" Para naman akong natauhan bigla nang marinig ko ulit ang boses ni Raven. Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo nalang papunta sa direksyong tinatakbuhan nila kanina.
I felt my eyes changed its color as I hold my necklace, summoning one of my weapons that I already learned how to use. Maya maya lang ay naabutan ko sila Raven, napapalibutan siya ng five bad guys with elemental abilities, each of them are holding high-quality weapons... like the ones we have in our home. Where did they get that?
"My parents can give you money if you want it, please don't kill me." One of the bad guys was about to hurt Raven but he spoke. Akala ko magbabago ang isipan nila, pero hindi, tumawa lang kasi sila.
"Sino namang nagsabi sayong pera ang kailangan namin?" Nire-ready ko na ang bow at arrow ko para patamaan sila, pero bago pa ako makakilos ay nakita ko ng itinapat nila ang mga kamay nila kay Raven. Their hands glowed in rhythm with the painful screams of Raven. Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa nakita ko. What are they doing? They're very cruel!
Before I can think clearly, pinaulanan ko nalang sila ng mga arrows. Some of it didn't hit them and some of my arrows did. My move caught their attention. Yung ibang arrows ay tumama sa mga paa nila, kaya nahihirapan silang maglakad, pero binato naman nila ako ng mga daggers. Two of it left a scratch on my shoulders making me wince.
Pinasadahan ko rin ng tingin si Raven, at nalungkot ako nang makitang nawalan na siya ng malay. His lips are already pale, too.
"Gusto mo bang dumagdag sa collection namin? Gusto mo bang masama sa mga pangalan ng mga batang napaslang namin?" Rinig kong pang-aasar ng isa sa kanila.
Hindi na ako sumagot at isa-isa ko nalang silang sinamaan ng tingin, kasabay ng pag-summon ko sa lahat ng lakas na meron ako. Maya maya lang ay lumakas na ang hangin, kasabay ng pagkulog at kidlat. Isa isa ring gumalaw ang mga sanga sa paligid, at kitang-kita ko ang paghampas ng mga ito sa balat nila. It's leaving them with painful marks mixed with the strength of lightning, the fury of fire and the madness of raging sea.
Kung kanina ay mga sigaw ni Raven ang naririnig, ngayon ay mga sigaw na nila ang pumalit.
"That's what you deserve for killing innocent children, for taking their gift of life. You don't have any right to hurt anyone for your own pleasure, so feel my wrath. Feel my anger and die." I said in gritted teeth and after a few minutes, their lifeless body finally fell on the ground. Hindi ko nalang ito pinansin at pinuntahan ko nalang si Raven.
Napatakip naman ako sa bibig ko nang maramdaman kong unti-unti ng bumibigay ang puso at katawan niya. His heartbeats are getting fainter. Kaya hindi na ako nagdalawang isip at inilapat ko na lang ang dalawang kamay ko sa dibdib niya. Pinakiramdam ko rin ang buong lakas ko, at unti-unti itong nilipat sa kanya.
I can already feel my abilities and strength leaving my body, but I couldn't care less. Naramdaman ko namang lumalakas na ulit ang tibok ng puso niya, kaya ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.
"Live. Live for me." I whispered.
As if those words are enchantment, Raven finally opened his eyes. Nang magtama rin ang mga mata namin ay pinakawalan ko na ang mga salitang ibinilin sakin ng babae kanina.
"Raven, you can't die. You will live, and you will be my keeper. In dark times you shall protect me and in bright days you will be my guide. When the time comes for the word to fall upon us, and all lives become endangered... come back to me. Come back to me, and give me back the power of protection."
Kasabay ng pagtatapos ko ng aking pangungusap, ay ang nakita kong pagtulo ng luha niya. Isang tipid na ngiti na lang ang ibinigay ko sa kanya bago ko maramdaman ang tuluyang panghihina ng katawan ko, kasabay ng pagkawala ng lampas sa kalahati ng Abilities ko.
Sa tamang panahon... babalik ang lahat sa kung saan ito nararapat.
"Ate, sinabi kong huwag mong papalipitin si Mommy kay Peppermint!" Tila naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Raven, ng Raven na kilala ko at hindi ang batang siya... pero hindi ko dinilat ang mga mata ko.
Nararamdaman ko ang malambot na kama sa likuran ko, kaya paniguradong nasa bahay na ako. Inuwi siguro nila ako rito matapos kong mawalan ng malay kanina.
"Raven, I'm sorry. Pinigilan ko naman si Mommy, believe me. But you can't blame her, she's a Mother who's afraid of losing her son!" Sa unang pagkakataon... naramdaman ko ang kakaibang lungkot at sakit sa boses ni Melissa, animo'y hindi siya ang masiyahing babaeng kakilala ko.
"Alam mong hindi pwedeng malaman ni Peppermint kung anong katotohanan sa buhay ko, hindi niya pwedeng malaman ang bond na binigay niya sakin. Ang selfish mo naman, Ate. Ilang taon ang binigay niyang dugtong sa buhay ko, bakit kailangan pang problemahin niya kung anong mangyayari sakin?" Bubuksan ko na sana ang mata ko, at sasabat na sa kanila, pero bago ko pa magawa ay narinig ko na ang isang malakas na sampal na dumapo sa mukha ni Raven. Sinundan ito ng hikbi ni Melissa.
"Ikaw ang selfish, Raven! Ayoko ring mamroblema pa si Alexandria sa atin pero dapat din niyang malaman ang katotohanan. Hindi mo ba yon naisip? Karapatan niya 'yon. Hindi niya rin deserve na may mga bagay siyang hindi alam. At kayang kaya kitang suportahan sa lahat ng bagay na gusto mo, kahit mabigat sa loob ko ang magtago ng sikreto kay Alexandria. Pero wag mong pigilan si Mommy na makaramdaman ng takot. Sorry ha? Sorry kung gusto lang naming makasama ka pa. Sorry kung ayaw ni Mommy na mawala ang anak niya."
Tumulo na lang ang luha ko sa narinig ko, kasabay ng tunog ng pagsarado ng pintuan. Rinig ko ring bumuntong hininga si Raven at maya maya lang ay napalitan na ito ng pagtangis... Isang tahimik na paghikbi na punong-puno ng sakit. Isang paghikbing kailanman ay hindi ko inaasahang maririnig mula sa kanya.
Paghikbing ako ang may gawa. Paghikbi para sa pamilya at buhay niya... na ako pala ang sumisira.
Ngayon din ay naiintindihan ko na kung paano naging Protector si Raven... ako pala talaga ang nagbigay sa kanya ng masalimoot na kapalaran niya.
Patawarin mo ako Raven.
"Hindi ko maalala, Melissa. Sorry, wala talaga akong maalala." Iyon nalang ang nasabi ko bago ako bumalik sa pagkain, na para bang wala lang nangyari.
Kung ayaw niyong ipaalam sa akin ang katotohanan, sa kung anumang rason, naiintindihan ko. Kung iyon ang nais niyo ay pagbibigyan ko. Pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko nalang kayong masaktan at magdusa.
Marami ka ng bagay na ginawa para sakin, Melissa. Kayo ni Raven... palagi kayong andyan para sa'kin. Kung may isang bagay akong magagawa para masuklian lahat ng sayang binigay niyo sakin, at makahingi ako ng kapatawaran sa nangyayari... gagawin ko.
Kung nasa akin ang susi para patuloy na mabuhay si Raven, gagamitin ko iyon. Hindi ko hahayaang mawala sayo ang kapatid mo... sa inyo ng pamilya mo.
Ang kapalaran ng isang tao ay pwedeng magbago kung may lakas ng loob kang sirain, baguhin at baliin ito. Nasa atin ang desisyon. Nasa akin.
Babaguhin ko ang kapalaran ni Raven. Hindi ko siya hahayaang mamatay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top