XLV - Origin Of The Realm
Sinusubukan ni Gabriel ang lahat para pahinain ang loob namin. Ginagawa niya ang lahat para mawala kami sa landas niya, upang mapigilan namin ang plano niya. Ginagamit niya ng walang pag-aalinlangan ang mga taong nasa paligid niya, animo'y isa lang silang bagay na kayang-kaya niyang palitan. Kung ituring niya ang mga taong ito ay parang mga basura, mabilis itapon at iwanan kapag wala ng pakinabang. Napakaraming mga inosenteng tao na nawalan ng mga mahal sa buhay, nagambala at nasaktan dahil sa mga pinaggagawa niya.
Wala siyang pagpapahalaga sa buhay ng kahit sino, bukod sa sarili niya, at iyon ang pinaka-malaking kapalpakan niya sa lahat ng ito. Tanggalin mo na lahat ng yaman at ari-arian ng isang tao, huwag mo lang ihihiwalay, sasaktan at gagamitin ang mga taong mahal nila, dahil anuman ang mangyari... at ano pa man ang maging kapalit, kakayanin at kakayanin nilang isaalang-alang ang lahat maprotektahan lang ang mga mahal nila sa buhay.
Kung ang kapalit ng lahat ng pagod, sakit, sugat at pagtangis ay ang kahit isang segundo ng kapayapaan, ngiti at tawa ng mga mahal natin sa buhay... Ano ang hindi natin kayang gawin? Hanggang saan tayo aabot upang makamit ito?
Sa tingin ko ay hanggang kamatayan.
"Mom noong isang araw pa ako n'yan iniinis ni Raven! Feeling ata niya siya yung boss–"
"Anong boss pinagsasabi mo d'yan, Ate?"
"Basta feeling niya siya ako. At ako siya? Basta! Nanggigil na ako!"
Napangiti na lang ako nang marinig ko ang pagbabangayan nina Melissa at Raven sa may tabi ng lawa. Natatawa rin sa kanila sina Alfred at Mallory habang napapagitnaan ng dalawa. Isang tawa, isang ngiti, kaonting sandali... pero pawing-pawi ang lahat ng sakit na idinulot ng mga nagdaang araw at linggo.
Masaya ako para sa kanila.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at sinuri na lang ang paligid. Ang tahimik masyado rito kaya kahit na may kalayuan naman ang distansya nila rito sa mismong cabin ay rinig na rinig pa rin ang mga boses nila.
Mayroon kasing maliit na balkonahe rito sa likuran ng cabin ni Aunt Celestia, at mayroon ding maliit at malinis ni lawa sa may dulo, kung nasaan ngayon ang mga Pierce. Ang mga puno ay hindi gaanong kataasan, kaya kitang-kita ko rin ang maganda at malinaw na kalangitan sa itaas. Tunay na nakakakalma ang kulay bughaw na mga ulap na para bang walang nangyari kaninang umaga. Hindi na rin gaanong nakakasilaw ang araw dahil hapon na, kaya parang mas lumamig na rin ang simoy ng hangin. May mga nakaposte ring mga security personnel kahit dito sa likod, kaya kampante naman akong ligtas ang lugar kung nasaan kaming lahat ngayon.
Matapos ang nasaksihan naming ginawa ni Kuya Jarvis kanina ay wala ng nakapagsalita sa amin. Tapos maging si Arianne din naman ay muling nawalan ng malay dahil sa panghihina, kung kaya naman ay ginamit na lang ni Aunt Celestia ang Teleportation Ability niya para iuwi kaming lahat dito. Alam din naming masyadong nagamit ang lakas niya roon, kaya hinayaan na muna namin siyang magpahinga pagkatapos. Walang sino man ang nagtanong sa amin, na para bang pakiramdam ko ay sa katahimikang iyon pa lang ay alam at nakuha na namin ang kasagutang hinahanap namin... o maaari ring sadyang napagod lang silang lahat sa mga naganap.
Ipinagluto ko na lang din sila kanina dahil hindi naman ako naging abala sa kahit ano. Wala rin akong natamong kahit anong sugat, at isa pa ay hindi ko naramdaman na para bang bawas na bawas ang lakas ko. Sabagay, paano nga naman mangyayari iyon kung alam ko namang wala akong Ability na kumakain ng enerhiya ko.
Pagdating din dito ay isa-isang sinuri muli ni kuya Hendrix sila Mommy, pati na rin ang mga Security Personnel ni Aunt Celestia. Maging sina Arianne, Tito Jace, Dana at Sir Saturn ay sinubukan niya muling tingnan, ngunit sadyang hindi pa rin sila nagigising. Mukha ngang kakailanganin talagang bumawi ng mga katawan nila sa mga susunod na araw.
Nang matapos naman silang kumain ay hinayaan na muna namin silang magpahinga, lalong-lalo na si Kuya Hendrix dahil alam naming gamit na gamit niya ang Healing Ability niya kanina. At kahit tahimik lang buong oras sina Shawn at Axel ay tinulungan naman nila akong magligpit at maghugas ng mga pinagkainan, kaya hinayaan ko na lang sila. Pansin ko ring maya't maya nilang sinisilip si Arianne na payapang natutulog sa kwarto ni Vivienne. Maging si Kuya Jarvis ay alam kong hindi umaalis sa tabi nila, kaya nagpalipas na lang din ako ng oras sa kwarto ni Xenon.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Itinabi na lang din namin si Tito Jace sa kanya, umaasang sana ay pareho na silang magising sa mga susunod na araw. Hindi rin namin alam pa kung ano bang nangyari kay Xenon, pero ang sabi naman ni kuya Hendrix ay ayos lang ito... Pero kung hanggang kailan, iyon ang hindi niya nasagot.
"Baby A, come here for a minute." Nagambala ang aking mga iniisip nang marinig ko bigla ang pagtawag sa akin ni Kuya Yohan. Agad na lang din akong lumingon at naglakad papasok sa may sala, matapos kong tapunan ng isang sulyap sila Raven na masaya pa ring nakikipag-kwentuhan sa mga magulang nila.
Dumiretsong upo naman ako agad sa tabi ni Cassandra na nginitian ako. Ikinawit ko rin ang kamay ko sa kaliwang braso niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Nakapagpahinga ka ba?" Naitanong ko na lang din. Ramdam ko naman ang pagtango niya, kaya hindi na lang ako sumagot. Nagpapa-salamat akong kahit papaano ay umayos na rin ang pakiramdam niya kumpara kanina. Pareho na lang din kaming bumaling kanila Kuya Travis at Kuya Yohan na naka-upo sa harapan namin.
Humugot naman muna ng isang malalim na buntong hininga si Kuya Yohan, bago siya tumayo. Hinalukipkip din niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib bago nagsimulang magpalakad-lakad sa harap naming tatlo.
"I know that the others are still resting, and I don't want to disturb them... But we need to talk about what happened today." Nagpalitan naman kami ng tingin nina kuya Trav at Cassandra. Napa-ayos na rin ako bigla ng upo dahil sa sinabi ni Kuya.
Tama siya. Masyadong maraming namuong katanungan sa isip namin nang mangyari ang mga iyon.
"We want to know more, too. Whether we like it or not, we're already involved." Sabay sabay naman kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Shawn. Mukhang kakarating lang nila, pero halatang narinig din nila ang sinabi ni kuya Yohan.
"Especially... our family." Napataas ang aking kilay nang marinig ko ang sunod na sinabi ni Shawn. Maging sila Kuya ay halatang naguluhan sa kanyang minutawi.
"What do you mean?" Bumuntong hininga naman si Axel nang marinig ang tanong ni Cass, bago lalong lumapit sa amin, at isa-isa kaming tinapunan ng tingin.
"Some of the people we saw earlier... Well, we recognize them." Mayroong kakaibang pagtataka sa boses niya, na para bang punong-puno rin siya ng katanungan ngayon.
"Sino sila?"
"They're a member of my family's security personnel..." Otomatikong napa-awang ang bibig ko, hindi lamang sa isiniwalat ni Axel kung hindi ay pati sa idinagdag na wika ni Shawn.
"And some of them are Girdwood's Local Guards... led by my Father."
Nabalot kami ng panandaliang katahimikan sa aming narinig. Ngunit agad din naman itong binasag ng kalmadong boses ni kuya Travis nang nilingon niya ang dalawa.
"What do you think about all of it, then?" Isang tanong ang pinakawalan niya. Tanong na nagbibigay ng pagkakataon upang masabi nila ang iniisip nila sa nangyari. Tanong na nagnanais alamin ang kanilang nalalaman sa mga ito. Walang bakas ng panghuhusga rito, at tanging purong kyuryusidad lamang.
"We're at lost for words." Parang isang tinik sa dibdib ang pag-aaming iyon ni Shawn. Napayuko rin siya at napakapit sa mesang malapit sa kinatatayuan niya.
"Arianne told us that Gabriel is also the person behind the killing spree that happened ten years ago... And finding out that our parents could be somehow involved in this..." Natigilan naman si Axel sa sinasabi niya, tapos ay umiling-iling at napa-ismid sa kanyang sarili. Sinundan din agad niya ang mga sinabi niya kanina, animo'y itinatama ang mga tinuran niya.
"Actually no, they look like they really are involved in this... Pero hindi dapat. Hindi ganoon ang mga magulang namin, kaya hindi ko maintindihan. They shouldn't have agreed to be involved with that devil." May diin at panggigil ang bawat salitang binitawan niya. Kung nalalasahan lang din ang salita ay masasabi kong sobrang pait nito, lalo pa't tumaas ang boses niya sa huling parte ng sinabi niya.
"How can you say so? I'm sorry to say this, Axel, but the truth is... we don't really know our parents. We think we do, but we don't know them at all." Nilingon ko na lang si Cass at inabot ko ang kamay niya nang marinig ko ang sinabi niya.
"I know you're right, but–"
Hindi naman na naituloy ni Axel ang balak sana niyang sabihin, marahil ay nagdadalawang-isip. Kaya agad na lang siyang tinanong ni Kuya Yohan– isang tanong na nagpaintindi sa akin sa pagkalitong nararamdaman nila.
"The late Eliana Blaze Carson... She was a victim of the killing spree, wasn't she? Your younger sister." Napa-awang na lang ang aking bibig nang agad na tumango si Axel. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng awa sa nakikita kong sakit sa mga mata niya.
Kaya pala... Kaya pala kanina, noong hindi pa naililigtas si Arianne, ay paulit-ulit ko siyang narinig na ayaw na niya muling mawalan ng kapatid. Parang kapatid na ang turing niya kay Arianne, kaya siguro ganoon na lang ang pangamba niya. Minsan na pala iyong nangyari sa kanya.
Muli kaming nabalot ng katahimikan. Pare-parehong hindi alam kung saan huhugot ng sasabihin, o kung ano ang mga bibitawang salita.
Sa huli, si Axel na lang ulit ang bumasag nito.
"That's why, we have no choice. We are already involved here. Whatever this is, we're in." May pinalidad sa kaniyang boses, at kahit hindi man nagsasalita si Shawn ay alam kong ganoon din ang desisyon niya. Kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata.
"Alright." Tanging sagot ni Kuya Yohan, bagi sila tinanguan. Isang pagkaka-unawaan ang nabuo sa pagitan naming lahat dahil doon, kaya umupo na lang din si Axel sa tabi ni Kuya Travis. Nanatili namang nakatayo si Shawn, pero lumapit na rin siya. Ang kanyang kamay ay nakahalukipkip sa kanyang dibdib habang nakatingin siya sa labas.
"Are we not going to call them?" Tanong niya habang nakatingin sa direksyon kung nasaan sila Raven. Kahit papaano kasi ay nakikita mula rito ang mga pigura nila.
Binalingan naman ni Kuya Yohan ang direksyong iyon, bago umiling at nagtugon. "Let them have that moment for now. Melissa... She missed her parents so much, let her be with them without worrying for a few hours."
Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang ngumiti. Lalo na nang mabilis na dinugtungan ni kuya Yohan ang winika niya.
"I mean, not just Melissa for sure, but Raven, too." Tumikhim pa siya kaya mas lalo tuloy siyang nahalata na si Melissa talaga iniisip niya. Napayuko na lang din kami ni Cass habang pasimpleng sinisiko ang isa't-isa, dahil alam kong pareho kami ng iniisip sa nangyari.
Samantalang wala namang reaksyon sina Axel at Shawn. Nagkatingin lang din sila pero wala naman silang sinabi na.
"So far, we've already confirmed that our parents, Alfred Pierce, Mallory Pierce, and Vivienne's grandparents killed all those people in that warehouse. They were also the ones who found out what Gabriel's men were doing to Dana, Tito Jace, Saturn and Arianne. But the question remains, how could they have possibly do that? And for what?" Kung anong tanong ni kuya Yohan, iyon din ang tanong sa isipan ko.
Kanina kasi ay iyon ang mga sinabi sa amin nila Daddy. Wala rin silang iba pang ibinigay na impormasyon, at hindi rin muna namin sila pinilit dahil nga napagod din sila. Umaasa akong sana ay may nalaman sila sa mga panahong nawalay sila sa amin.
"By any chance, before all of these, did your Father mention anything to you?" Kumunot naman ang noo ni Axel sa tinanong sa kanya ni kuya Travis, halatang napapa-isip, bago mabilis na umiling.
"We don't really talk about his work as Girdwood's Leader. He's always busy with it, but I did notice that he seemed busier this year. Plus, we rarely see each other in the house except during dinners." Ang Ama pala ni Axel ang lider ng Girdwood, ngayon ko lang iyon nalaman.
"Axel, there's that conversation we overheard before. Do you remember that?" Napalingon naman kami kay Shawn nang itanong niya iyon. Maging si Axel ay napa-isip sa sinabi niya, bago dahan-dahang tumango.
"That night? Yes, yes, I remember."
"What conversation?" Pakiramdam ko ay inilalabas sa tono ng pananalita ni Cassandra ang kyuryusidad na bumabalot hindi lang sa kanya, kung hindi ay pati na rin sa akin.
"I think it was nine or ten months ago? Summer just started then. Aliea, Axel and I were training and preparing for The Hunt so we had dinner afterwards at Aliea's home. We were to surprised to see that my Father and Axel's Dad were there, too. But we really didn't think much about it, because we know they're all close with each other." Panimula ni Shawn, kaya pare-pareho kaming tahimik na lang na nakinig.
"Usually after dinner, the three of us would spend time at the rooftop since it was Aliea's favorite spot. But that night, she said she wanted to sleep early so Axel and I decided to just play pool. We passed by her father's office that time, and that's where we heard a bit of what they were talking about." Naisip ko lang... Ano kayang nararamdaman ngayon nila Axel at Shawn habang binabanggit ang pangalan ni Aliea? Kasi mukhang malapit talaga silang tatlo, pero ngayon nalaman nila na kumampi ang pamilya nito kay Gabriel.
"It was more like arguing, than talking." Singit naman ni Axel na tinanguan din ni Shawn.
"We weren't able to hear all of it, but my Dad mentioned something about South Extension. He was furious about it, and Axel's Dad didn't agree, too. But Uncle Leandro, Aliea's father, insisted that it's important... and that they should try to understand and approve the topic." Dugtong pa ni Shawn na nagpakunot ng aming mga noo. Mukhang Council matter iyon lalo pa't ngayon ko lang iyon narinig.
"What's South Extension? Have you heard that before, Kuya?" Pati rin ata sila Kuya Travis ay hindi alam iyon. Maging si Kuya Yohan kasi ay agad na napailing, nagpapahiwatig na ngayon lang din niya narining ito.
"South Extension is an offer from the International Council. It's a project that the South and Central Council keeps on rejecting because it will destroy our people. I remember Consul Leandro being vocal about his support for that, saying it will improved the International Treaty between us and our neighboring countries." Pare-pareho naman kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Daddy. Seryoso ang kanyang reaksyon habang naglalakad papalapit sa amin.
"Tungkol saan po iyon, Dad?" Hindi ko maiwasang maitanong ito kahit na wala naman akong alam masyado sa kung paano ba tumatakbo ang mga bagay bagay sa Council.
"It is first important to remember that Central and South are said to be favored by The Powerful Being. And as decades passed by, even other countries lack in record when it comes to rare and elemental abilities. And for that, we are being regarded as a threat– that or they are intimidated by us. Nothing in between. And so, with matters related to international affairs, the Central and South Council stands as an independent decision body."
Ngayon ko lang nalaman na sa Central at South lang madaming may Elemental Ability, pati na rin Rare Abilities. Buong akala ko ay pati sa States marami ring mga ganito. Pero base sa sinasabi ngayon ni Daddy, mukhang hindi pala.
"But this year the International Council, which consists of leaders from different countries and states, offered us the South Extension Project. This project aims to open Girdwood to neighboring lands... expanding the community until it reaches international lands and borders." Huh... So may International Council pala pero hindi kasama ang Central at South doon. Ano 'yon, sila sila lang?
"We are against it. Because first of all, that project would mean that the International Council will lay claim on the South, starting with Girdwood. Secondly, that project is stating that there will be at least two to three families from the South that must be migrated in the countries they would choose. Why? Because they want to choose families with Elemental Abilities to join their land, hoping that one of them would marry into any of their citizen. They think that it The South has some kind of blessing, and if they have that blessing, maybe they'll also have a lot of rare and Elemental Abilities."
"That's absurd." Singhap pa ni Cassandra.
"Exactly, iha. And it was more of threat than a treaty. Because if we didn't agree, the International Council said and I quote, 'would bring chaos upon us'. I think Leandro was afraid that time that they will start a war with us. Nonetheless, that matter has been settled already. It was actually Gabriel who solved the problem." Nanlaki naman ang mga mata ko sa isinagot ni Daddy. Naramdaman ko rin ang paghawak bigla ni Cass sa kamay ko.
"When you were in the States, I sent your father the documents he'll be needing to talk with them. We were hoping to settle it properly instead of going to war, but we actually got more than what we expected. After their negotiations, the International Council stepped back and swore that they will never try to propose that project again. They didn't even ask for anything else, and insisted that they'll just leave us alone, and will never lay any claim on our lands and people again. I didn't know how Gabriel persuaded them before, but I think we know now. He must've used his Manipulation skills on them."
Hindi na ako magtataka na alam ni Dad na manipulator si Gabriel, kahit hindi pa namin nasabi iyon sa kanya kanina. Sa tingin ko'y alam niya na rin ito noong nasa Central pa lang siya, o baka noong nawalay sila sa amin. Kahit ano pa man, nagpapa salamat na lang akong kasama na namin siya ulit. Lalo na't alam ko na marami siyang nalalaman sa lahat ng ito.
"So whatever that information is, it's not helpful to us anymore. But it does make me think... Do you think our parents are also under Gabriel's manipulation? That's why they're siding with them?" Tanong ni Axel kay Dad, na agad naman niyang tinanguan.
"Yes, they are. As well as the remaining Council Members. That's the reason why we're at a disadvantage, cause even though they didn't mean to take Gabriel's side... At the end of the day, they're still at his side. And now, he's wielding their power to use against us." Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan namin pare-pareho nang marinig ito.
Sabihin na nating hindi nga ginusto ng Council na kumampi kay Gabriel. Pero ano pa rin ang sunod naming gagawin? Si Xenon na isang manipulator din ay wala pang malay. Wala rin kaming ideya sa sunod na magiging kilos ng kalaban, at kung ano ba ang pinaka-gusto niyang makuha sa lahat ng ito.
Hays. Nasaan ka na ba, Alessandra? Kailangan ko ng kasagutan.
Makikinig na lang sana akong muli sa pinag-uusapan ngayon nila Dad tungkol sa mga posible nilang gawin at sunod na plano, pero nakuha na ni Aunt Celestia ang atensyon ko. Sa gilid kasi ng mga mata ko ay napansin ko ang tahimik niyang pagdaan at paglabas ng cabin. Ni hindi rin niya kami tinapunan ng tingin o pinansin man lang, tapos ay nakakunot pa ang kanyang noo habang naglalakad ng mabilis.
Hindi ko maiwasang mapa-isip sa kinilos niyang iyon. Kung kaya naman ay nag-excuse na muna ako kanila Kuya at Dad para sundan sa labas si Aunt Celestia.
Katulad din ng aking inasahan ay nagdire-diretso siya hanggang sa labas. Hindi rin siya lumilingon man lang o namamansin kahit sa mga Security Personnel niyang bumabati sa kanya. Napansin ko ring papunta siya sa direksyon ng madilim na parte ng kagubatan, kaya mas lalo akong nagtaka. Binilinan niya kami kahapon na huwag kaming pupunta doon at delikado, pero ngayon ay mukhang dito pa siya didiretso. Dahil dito ay agad na lang ako sumunod sa kanya upang pigilan siya.
"Aunt Celestia?" Tinapik ko lang ng mahina ang balikat niya nang maabutan ko siya, kaya nagulat naman ako nang bigla siyang suminghap. Halos mapabalikwas din siya sa gulat nang lingunin niya ako.
"Aunt Celestia, ayos lang po ba kayo? Ano pong ginagawa niyo rito?" Nagsalubong lalo ang kilay ko nang napansin kong parang gulong-gulo siya sa nangyari, tapos ay hindi pa mapirma ang kanyang mga mata. Para bang nagtataka siya kung nasaan siya.
Subalit hindi naman iyon nagtagal, dahil kalaunan ay mukhang nahimasmasan din siya. Inilingan na lang din niya ako at agad na binigyan ng mapaglaro niyang ngiti.
"It's nothing, iha. No need to concern yourself with unimportant things. Pero ikaw... Ikaw ang dapat na tinatanong ko kung bakit mo ako sinusundan." Bakit parang hindi ako mapakali sa kinikilos niya? May nararamdaman akong kakaiba sa bawat pagtatama ng mga mata namin...
Para kasing mayroon siyang itinatago.
"Auntie... Auntie Fe.." Halata namang nagulat siya na tinawag ko siya sa pangalang una ko siyang nakilala. Pinagtaasan din niya ako ng kilay, animo'y nagtatanong kung bakit ko ginawa iyon.
Laging sinasabi sa akin dati ni kuya Hendrix tuwing nagte-training kami na dapat kong pagkatiwalaan ang kutob ko. Sabi niya ay laging sasabihin sa'kin ng instincts ko kung ano ang dapat, at ituturo ako nito sa tamang direksyon. Akala ko ay sa pakikipaglaban ko lang iyon magagamit, mukhang dito rin pala. Ang lakas kasi ng kutob ko ngayon, at hindi pwedeng hindi ko ito sundin.
"Auntie... Nagpakilala ka sa amin ni Mama Rianne bilang isang kaibigan at napalapit po ang loob ko sa inyo, maging ang tiwala ko ay nakuha niyo. Hindi po pala kayo ang taong sinasabi niyo, pero naiintindihan ko. Dahil ang sabi mo ay ipinadala ka ni Daddy upang masiguro ang kaligtasan ko... Kung ganoon po, bakit ni minsan ay hindi kayo napansin nila Kuya Yohan?" Kahapon ko pa ito iniisip simula nang nalaman kong siya si Aunt Celestia.
Kilala siya nila Kuya, at nasabi sa akin ng mga kapatid ko na paminsan-minsan silang dumadaan sa bahay namin sa Oakwood, upang silipin kung ayos lang ako. Kapitbahay namin doon si Auntie Fe, kaya napapa-isip ako kung paanong ni hindi man lang siya napansin ng mga kapatid ko.
"I wasn't born yesterday, Alexandria. I know how to handle, hide and protect my identity. Besides, your brothers only checked in on you once or twice a month."
Alam kong narinig ko ang lahat ng sinabi ni Auntie, pero mayroong parte roon na nagpakunot ng noo ko. Lalo pa't nagpaulit-ulit din ito sa aking isipan.
"...hide and protect my identity."
Hindi ko na gusto ang nararamdaman ko. Mas lumalakas ata ang tibok ng puso ko sa duda na naglalaro sa isip ko.
"Narinig ko ang sinabi niyo kanina, Auntie. Ang sabi mo ay may nagsabi sa'yo kung nasaan si Arianne, at nakakasiguro kang tama ang impormasyong nakuha mo. Sino iyon Auntie?" Hindi ko inalis ang diretso at seryosong tingin ko sa kanyang mata. Hindi man ako nakikisali kanina sa usapan at bangayan nila, narinig ko naman iyon kahat. At lahat ng naririnig ko ay tinatandaan ko, dahil ang mga ganitong maliliit na impormasyon ang nagdadala sakin sa tamang kasagutan palagi.
"Sino siya Auntie? Sino ang nagsabi sa'yo kung nasaan si Arianne?"
Tinapatan naman ni Auntie ang tensyong namumuo sa tinging ibinabato ko sa kanya, at hindi rin siya sumagot. Kaya pinasundan ko na lang ang tanong ko.
"O mas dapat ko po bang itanong ito..." Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga, bago tinuloy ang sinasabi ko.
"Auntie, ikaw ba si Alessandra?"
Nagulat naman ako nang walang pag-aalinlangan siyang tumawa ng sarkastiko pagkasabi na pagkasabi ko no'n. Umiling-iling din siya pero agad din itong nawala, at napalitan ng isang seryoso at walang emosyong reaksyon.
"Oh Alexandria, I can't even compare to her. Pero tama pala siya nang sabihin niya sa aking gustong-gusto mo na siyang makita ulit."
Agad akong napakunot ng noo sa winika niya. Sasagot na rin sana ako para mas malinawan ang isipan ko, pero bago ko pa magawa ay agad na niyang inilagay ang kanang hintuturo niya sa noo ko. Mabilis naman akong napasinghap nang maramdaman ko ang kakaibang pwersa na tila humahatak sa akin.
"Well then, go ahead and meet her yourself. She's been waiting for you."
Iyon ang huli kong narinig mula kay Auntie, bago ako tuluyang lamunin ng enerhiyang naramdaman ko. Napapikit na lang din ako nang masilaw ako sa liwanag na bumalot sa akin.
Hindi rin naman iyon nagtagal, sapagkat matapos lang ang ilang segundo ay naramdaman ko na ang pagtama ng mga kamay at paa ko sa lupa. Nang idilat ko rin ang aking mga mata ay nakumpirma kong napa-upo nga ako malambot na lupa rito sa gubat. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang aking sarili, 'di ko rin maiwasang mapakunot ng noo muli nang mapansin na nasa isang forest clearing ako.
"Aunt Celestia?" Sinubukan kong tawagin ang pangalan ni Auntie, pero nag-echo lang ang boses ko sa lugar. Napapalibutan ng masukat at madilim na kagubatan itong clearing, na para bang hindi lang sila naaabot ng sinag ng araw. Pero dito naman sa mismong clearing ay sobrang liwanag naman, lalo pa't kitang-kita ko rin ang kalangitan mula sa kinakatayuan ko. Wala ring kahit anong bulaklak dito, at puros puno lamang.
"Auntie?" Sinubukan ko ulit na tawagin ang taong nagdala sa akin dito, baka kasi mamaya ay tinatakot lang niya ako. Hindi ko rin maitatanggi na patuloy pa ring naglalaro sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya kanina lang.
"Well then, go ahead and meet her yourself. She's been waiting for you."
"Well then, go ahead and meet her yourself. She's been waiting for you."
Kung tama ang aking pagkaka-intindi, ibig niyang sabihin ay andito si Alessandra. Ayon din sa kanya ay inaantay ako nito, pero kahit anong paglingon ang aking gawin ay wala talaga akong maaninag na kahit isang anino man lang.
Hindi ko na rin alam kung ilang minuto na akong nakatayo rito. Baka nga segundo pa lang ang lumilipas at nababagalan lang ako sa oras– ewan, hindi na ako sigurado. Ngunit ang masasabi ko lang ay mukhang wala namang ibang tao rito.
Wala rito si Alessandra, at hindi ko alam kung bakit ako dinala dito ni Auntie. Kung papaano niya rin nagawa iyon ay hindi ko na alam. Pero dahil sa ginagawa niya ay mas lalo akong napapa-isip na baka nga siya si Alessandra.
Minsan ng sinabi sa akin ni Dana, noong bago sila nakuha ni Gabriel, na kilala ko raw si Alessandra. Ilang beses na raw siyang nagpakita sa akin. Tapos si Auntie Fe, na si Aunt Celeste pala, ay bigla bigla na lang nagpapakita ulit sa amin. Sino bang hindi magdududa sa kanya? Parang ang dami niyang alam.
Humugot na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga at napa-iling na lang. Sa tingin ko'y pinaglalaruan ni Auntie ang isipan ko. Nagsimula na lang din akong humakbang para hanapin ang daan paalis o palabas sa gubat na ito, pero bago pa man ako makalayo sa sentro ng forest clearing ay agad na akong natigilan.
Bigla rin akong nakaramdam ng kakaibang lamig ng hangin, animo'y yumayakap ito sa akin kaya napayakap ako agad sa aking sarili. Napa-awang din ang aking bibig nang may mga magaganda at makukulay na bulaklak ang unti-unting tumubo sa lupa. Mabilis itong lumago at kumalat sa buong clearing. Sinundan ko rin ito ng tingin at napasinghap na lang nang sa loob lang ng ilang segundo ay nagmukha ng magandang hardin ang kanina ay tuyo at tila patay na lupa.
Hindi pa tuluyang tumatatak sa isip ko ang nangyari ay agad na akong naalerto nang makita ang pigura ng isang puting wolf na tila dumaan mula sa mga puno. Bahagya rin itong lumingon sa akin na siya namang nagbigay ng kakaibang gulat sa buong katawan ko.
"Aria!" Hindi ko maiwasang mapasigaw.
Nagsimula itong tumakbo palayo at papasok sa masukal na gubat. Kaya naman bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko ay napag-desisyunan ko ng sundan siya.
Nakakadalawang hakbang pa lang siguro ako nang muli nanaman akong matigilan at makaramdam ng kakaibang kaba. Nanlaki rin ang aking mga mata nang makita ko ang parang white smoke na gumagapang sa paa at kinatatayuan ko.
Akala ko rin ay nagulat na ako kanina sa mga nasaksihan ko, pero mali pala ako. Dahil walang papantay sa pagkabiglang dumaloy sa dugo ko nang marinig ang isang boses na nagsalita sa aking likuran.
"Hello, my daughter. I've been waiting for you..."
Pagkalingon na pagkalingon ko ay napa-atras ako agad at napatakip sa aking bibig nang makita kung sino ito. Tanging dalawang salita na lang din ang nabitawan ko na siya namang nagpalapad ng kanyang ngiti.
"Mama Rianne..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top