XLIV - And Raging Storm

       Alam niyo ba ang nakakatakot kapag nakatanggap ka ng isang napaka-gandang bagay? Isang bagay na nais na nais mong makuha, tapos ay dumating sa'yo sa panahong hindi mo inaasahan?

        Ang magiging kapalit nito.

     "Mommy! Daddy!" Nangibabaw ang boses ni Melissa sa paligid nang tuluyan siyang makalapit kanila Mallory at Alfred. Napaluhod na rin siya sa sahig dahil upang daluhan ang walang malay niyang mga magulang. Sa kanyang tabi ay si Raven, na mababakasan din ng pag-aalala sa kanyang mukha katulad ng kapatid niya.

       Sa tabi nila ay kitang-kita ko rin si Vivienne na lumapit sa Lolo at Lola niya. Nakasandal sila pareho sa isang haligi, nasa may gilid na parte nitong lugar. Kumpara sa mga magulang namin ay may malay ang dalawa, ang kaso nga lang ay pareho silang may sugat sa kanilang tagiliran kaya hinang-hina sila. Pero kahit ganoon ay kitang-kita ko na pilit pa rin nilang binigyan ng ngiti ang apo nila.

       "What happened?" Takang tanong ni Vivienne habang hinuhubad ang suot niyang itim na cardigan, tapos ay pinunit niya ito at hinati sa dalawang piraso ng tela. Agad din niya itong idiniin sa may tagiliran ng Lolo at Lola niya, para siguro pigilan ang pagdurugo ng mga ito.

       Tanging pag-iling lang naman ang maisagot nila, marahil ay nahihirapan pang magsalita. Hindi na lang din muna sila pinilit ni Vivienne, kaya lumapit na rin ako agad kanila Mommy at Daddy. Malapit sila masyado sa namumuong fireball dito, at ni hindi namin alam kung ano o sino ang may gawa nito. Ngunit masasabi kong may kinalaman ito sa nakikita kong burns sa katawan ng mga magulang ko.

       "Magiging okay ba sila, Kuya?" Ni hindi ko maitago ang takot sa boses ko nang itanong ko iyon kay Kuya Hendrix na kasalukuyang ginagamit ang Healing Ability niya kanila Mom. Sinagot naman niya ako ng isang naniniguradong ngiti, kaya nakahinga ako ng maluwag.

       "We just checked the place and there's no one else here but us." Nang marinig ko naman ang boses ni Axel ay nilingon ko sila. Nakatayo sila ni Shawn sa may kaliwa namin, at kausap nila si Kuya Yohan na napabuntong hininga na lang at napahilot sa kanyan sentido.

       Hindi rin nakatakas sa paningin ko si Cass na nasa likuran nila, sa tabi niya ay si kuya Travis na halatang nangangamba na baka mag-breakdown bigla ang kaibigan ko. Pareho silang nakatingin kanila Dana, Tito Jace at Sir Saturn na dinadaluhan nina Aunt Celestia at Kuya Damon. Tiningnan nila pareho ang pala-pulsuhan ng tatlo, at pakiramdam ko ay nabunutan ako ng isang malaking tinik sa dibdib nang makita kong nakahinga rin sila ng maluwag.

       Buhay sila... Maaaring wala silang malay lahat ngayon, pero ang mahalaga ay buhay sila. Hindi mawawalan ng Mommy ulit si Cass, at hindi rin tuluyang mauulila si Xenon. Pati rin si Sir Saturn ay maayos, kaya para sa akin ay sapat na iyon.

       "Mom..." Muli namang nabaling ang aking tingin kay Mommy nang marinig ko ang mahinang pagtawag sa kanya ni Kuya Jarvis na nasa kanang tabi ko. Nanlaki rin ang aking mata at tila walang mapaglagyan ang tuwa sa puso ko nang makitang unti-unti niyang idinilat ang kanyang mata.

       "Dad..." Maging si Daddy ay tuluyang nagamot ni kuya Hendrix na nasa kaliwa ko, dahil narinig ko rin ang umusbong na tuwa sa boses niya. Kitang-kita ko rin ang pagsilay ng isang maliit na ngiti sa mukha ng Ama namin nang ibukas niya ang mga mata niya.

       Wala na kaming sinayang na oras at tinulungan agad nila Kuya na maka-upo ng maayos ang mga magulang namin. At nang pareho silang gising na gising na ay yumakap na agad kaming tatlo sa kanila.

       Naipikit ko na lang ang aking mga mata nang maramdaman ko ang yakap nila pareho.

       "Mommy... Daddy..." Pakiramdam ko ay mawawala sila ulit, kaya kahit alam kong ang higpit na ng kapit ko sa kanila pareho ay wala na akong pakialam. Gusto ko na lang makatulog sa yakap nilang dalawa at iiyak sa mga balikat nila ang lahat ng sakit, sama ng loob at pagod sa mga nagdaang araw.

       Naramdaman ko ring humiwalay na sina Kuya Hendrix at kuya Jarvis sa group hug, pero ako ay nanatili lang sa pwesto ko. Ayaw ko silang pakawalan, baka kasi mamaya nananaginip lang pala ako, tapos magising na lang ako na wala pa rin sila sa tabi ko.

        "Oh Yohan, Travis, come here." Kahit na narinig ko ang pagtawag ni Mommy sa dalawa ko pang kapatid ay ayaw ko pa ring idilat ang mga mata ko. Ang bagay na ito ay masyadong maganda na umabot na sa puntong hinding-hindi ko na ito kayang paniwalaan.

       Kapag nasanay kang puros sakit at lungkot ang nararanasan mo sa mga lumipas na araw, pakiramdam mo ay isang malaki at hindi makatotohanang pangyayari na kapag nakatanggap ka ng ganitong saya. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Gamitin ko man ang lahat ng salita na maihahalintulad sa tuwa, hindi ko pa rin maalis ang takot at pagdududa.

        "We're real, anak. We're here, we won't disappear..." Hindi ko na siguro napansin na yumakap at humiwalay na sila Kuya Travis, at na matagal na akong nakakapit sa mga magulang ko. Nakatago rin ang mukha ko sa balikat nila kaya pakiramdam ko ay para akong bata na ginigising ni Daddy nang magturan siya.

        Umiling-iling din ako dahil hindi pa talaga ako handang humiwalay sa kanila. Ayaw ko ng mawalan ulit ng magulang. Ayaw ko ng mawalay ulit sa kahit na sino sa kanila.

        "My sweetest Alexandria..." Sunod kong naramdaman ang paglingon ni Mommy at paghalik niya sa buhok ko, kasabay ng paghaplos niya sa aking likuran. Sa kanyang bawat kilos at galaw ay pakiramdam ko niyayakap ako lalo ng hangin, kaya dahan-dahan na lang akong humiwalay sa kanila. Hindi ko naman idinidilat pa ang mga mata ko kaya nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng isang kamay sa mukha ko, pinapahid palayo ang luhang naiwan dito.

        "Alfred, our children... They're safe! They're here." Mula sa distansya ay narinig ko rin ang boses ni Mallory kaya sa tingin ko ay nagamot na rin sila ni Kuya Hendrix. Alam ko ring katulad ko ay wala ng mapaglagyan ang tuwa sa puso nina Melissa at Raven.

       At sa tingin ko, katulad ko ay natatakot din sila sa magiging kapalit ng lahat ng ito.

       "Open your eyes, anak. I promise you that this isn't a dream." Mahinahon at punong-puno ng pagmamahal ang boses ni Daddy nang sabihin niya iyon, pero andoon pa rin ang kakaibang otoridad na nilalabas niya. Isang pagpapa-tunay lamang na hindi nga ako nananaginip, sapagkat siya lang naman ang nagbibigay ng ganitong aura sa amin. Iyon bang kapag nagsalita siya ay hindi mo magagawang tanggihan iyon dahil alam mong tama siya.

       Ang namumuong fireball ang unang bumungad sa akin nang tuluyan ko ng ibinukas ang mga mata ko, pero agad ko ring ibinaling ang tingin ko sa mukha ng dalawang taong mahal na mahal ko. Isang sinsero at malapad na ngiti naman ang ibinigay sa akin nila Mom at Dad, kaya naman napangiti na lang din ako.

       "Ayos lang po ba kayo? Ano pong nangyari? Pagbalik namin sa Montclair Estate, wala na po kayo roon. Dito po ba kayo dinala noong nawala kayo sa Central? Anong nangyayari dito, Mommy? Nakita niyo po ba rito si Arianne?" Alam kong para akong sirang plaka dito kung makapagtanong ng dire-diretso, pero sa tingin ko naman ay ayos lang. Lalo pa at alam ko namang lahat kami rito ay iyon ang nais malaman.

        Kitang-kita ko rin sa gilid ng mga mata kong napatingin na sa amin ang mga Pierce, tapos pati ang mga Montclair ay nasa amin na ang atensyon. Mukhang nagamot na rin ni kuya Hendrix ang Lolo't Lola ni Vivienne dahil nakatayo na sila ng maayos, at halatang hindi na umiinda ng kahit anong sakit.

       Hindi naman ako sinagot agad nila Daddy. Sa halip ay tumayo muna sila pareho at tinulungan din akong makatayo ng maayos. Lumuhod kasi ako kanina para mayakap sila ng maayos.

        Pansin ko ring inilibot ni Mommy ang tingin niya sa paligid, bago ito huminto kanila Shawn at Axel na tahimik lang na nanonood sa mga nangyayari. Tinanguan naman nila pareho si Mommy nang magtama ang mga tingin nila, kaya nginitian din sila ng Nanay ko.

        "You're here." Puna pa niya rito, na agad namang sinagot ni Axel ng, "we're looking for Arianne."

        Si Daddy naman ay tumalikod sa amin at lumapit muna kanila Sir Saturn na wala pa ring malay, at ginagamot na ngayon ni kuya Hendrix. Agad ding tumayo ng maayos si kuya Damon nang magkaharap sila, pero hinila na lang siya ni Dad sa isang man hug at tinapik ang braso nito.

       "Cassandra.. I'm so glad you're safe."  Ani Dad nang magtama ang tingin nila ni Cass. Wala ring pagdadalawang-isip na lumapit ang kaibigan ko kay Daddy at yumakap dito, kasabay ng pagtulo ng luha niya.

        "Tito, I'm sorry. I'm so sorry. This is... I'm sorry for what he did to all of you." Nagpalitan naman kami ni Mommy ng isang malungkot na ngiti dahil sa narinig naming sinabi ni Cass. Grabe ang dinadala niya, at sinisisi niya ang sarili niya dahil sa mga ginawa ni Gabriel... kahit na ang totoo ay isa rin siyang biktima rito.

        Pinisil na lang ni Mom ang kamay kong hawak niya, kaya tumango na lang ako at pinakawalan muna ang kanyang kamay upang malapitan niya si Cassandra.

       "It's not your fault, iha. His crimes aren't yours to shoulder, and no one here is blaming you. We're not mad and we will never abandon you." Mahinahong sagot ni Dad, kaya kitang-kita kong napatango na lang si Cass bago bumaling kay Mommy na kakalapit lang sa kanila, tapos ay yumakap din siya rito.

       "I'm sorry, Tita."

       "Don't ever apologize for something you didn't do. You did nothing wrong, my dearest Cassandra. We're the one who's sorry for being unable to protect you enough." Hindi ko maiwasang mapangiti na lang sa nakikita ko.

        Oo at matatagalan pa bago tuluyang maghilom ang sugat sa loob ng puso at isipan ni Cass. Ilang beses pa niyang sisisihin ang kanyang sarili. Maraming beses pa siyang paulit-ulit na aatakehin ng takot. Pero nagpapasalamat na lang akong andito na ulit siya sa amin, at na sa pagkakataong ito ay mararamdaman niya na ulit ang pagmamahal na ipinagkait sa kanya sa nakaraang mga buwan.

        At kapag gumising na muli si Dana, pupunuin niya na ang puwang na nararamdaman ni Cassandra. Umaasa akong balang araw, pareho silang mabubuo muli. Pareho silang tuluyang makakabangon ulit sa lahat ng nangyari sa kanilang mag-Ina.

       "Dad, I'm sorry to interrupt but... why aren't they waking up?" Pare-pareho naman kaming napatingin at napalapit kanila Dana nang marinig ang sinabi ni kuya Hendrix. Wala na iyong mga sugat sa katawan nila, pero kahit na ginamitan na rin sila ng Healing Ability ni kuya ay wala pa rin silang malay.

        Agad ko ring hinawakan ang kamay ni Cass nang makalapit ako sa tabi niya. Hindi na ako nagulat na nanginginig at ang lamig nito, dahil sa mga matapa lang niya ay kitang-kita na rin ang takot para sa buhay ni Dana.

        "Don't worry, it is natural. That's the effect of what happened to them. They're at their weakest state, and it will probably take them days to regain their strengths." Kunot noo rin akong napatingin kay Daddy nang marinig iyon, at alam kong hindi lang ako ang naguluhan sa narinig.

       "Ano pong nangyari sa kanila?" Nag-aalalang tanong ni Melissa habang nakatingin din sa Tita niya. Binalingan naman siya ng Daddy niya, at ito na ang sumagot.

       "They were being drained of their Ability. We got here on time to stop it, but they wil still need time to heal. With all those stolen energies from their bodies, there's a possibility that they won't come back strong again... And that they'll have just enough strength for them to live." Napasinghap naman kami sa narinig, at agad din kaming nakatinginan ni kuya Jarvis. Doon pa lang ay alam na namin na pareho ang tumatakbo sa isipan namin.

       Ibig sabihin... Sinusubukan din silang tanggalan ng Ability. Katulad noong mga nakita namin sa Girdwood. At alam naming lahat na kapag tuluyang nawala ang Ability ng isang tao, kamatayan ang nag-aantay sa kanila. Kung iyon ang nangyari kanila Tito Jace, mukha ngang matatagalan bago nila mabawi ang mga lakas nila.

       "How is that even possible? How can they do that?" Ang tanong ni kuya Yohan ay ang tanong na gumugulo rin sa utak ko, pero hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Alam kong lahat kami ay gulong-gulo na rin sa lahat ng nangyayari.

       Ilang oras pa lang ang lumilipas, pero pakiramdam ko nanaman ay dumaan na kami sa maraming buwan dahil sa dami ng mga nagaganap.

       "Nick, Scarlett, Alfred, Mallory... you can answer all of your children's questions later, but for now..." Nang magsalita at pumagitna si Aunt Celestia sa aming lahat ay itinuro niya ang malaking fireball na nasa harapan naming lahat. Hindi rin maiwasang magsalubong ng kilay ko nang makita na tila parang mas lumakas, at lumaki ito.

       Pinaningkit ko rin ang mga mata ko nang mapansing tila may kakaiba sa loob o sentro nito.

        "That is Arianne Arabella." Tuluyan ng napa-awang ang aking bibig nang sabihin iyon ni Mallory. Diretso ang tingin niya sa fireball, at mababakas dib ang pag-aalala sa mga mata niya. Isang patunay na sobrang lala ng sitwasyon kung pati siya ay makikitaan na ng pangamba.

        "What... Do I... What do you mean... Did she? Did my sister do this?" Punong-puno ng katanungan hindi lamang ang boses ni Vivienne, kung hindi ay pati na rin ang kanyang mga mata habang nakatingin sa fireball na sinasabi nilang si Arianne.

       "No, apo. Your sister... Just like Jace, Dana and Saturn... She's being drained of Ability, too." Ang Lola ni Vivienne ang sumagot at nagbitaw sa amin ng isang katotohanang hindi namin alam kung paano tatanggapin, o iintindihin.

       Pati si Arianne?! Hindi... Hindi pwede...

        Tuluyan namang napa-upo na si Vivienne kaya agad siyang dinaluhan ng Lolo at Lola niya. Naiiwas ko rin ang aking tingin nang makita kong unti-unting tumulo ang luha niya, at napa-awang ang kanyang bibig, pero walang lumalabas na pag-iyak dito. Animo'y nawalan siya bigla ng lakas upang gumawa ng kahit anong tunog, at sa tingin ko ay iyon ang pinaka-masakit na pag-iyak sa lahat.

        Sakto namang paglingon ko ay dumapo ang tingin ko kanila Axel at Shawn na natulala rin sa fireball na nakikita namin. Napaluhod din si Axel, bakas na bakas ang takot at gulat sa mukha niya, at paulit-ulit siyang nagsasalita ng mga bagay na nakaka-durog din ng puso.

       "No, no, this can't be... I can't lose another sister again..." Niyakap na lang din siya ni Shawn nang magsimula na siyang humikbi. At nagulat na lang din kaming lahat nang biglang umalingaw-ngaw sa buong lugar ang iyak ni Vivienne na halatang naipon at hinugot mula sa kailaliman ng pagkatao niya.

      "No, this cannot happen! There must be a way. I'll use my gift, tell me, what I should do!" Marahas niyang pinunasan ang mga luha niyang sunod-sunod na tumutulo gamit ang likuran ng palad niya, at bago pa man siya mapigilan ng Lolo at Lola niya ay agad na siyang tumayo at tumakbo papunta sa fireball.

       Mabilis na nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata, at kapansin-pansin na nag-iba na ito. Kung dati ay kulay orange ito dahil sa Invisibility Ability niya, ngayon ay nangingibabaw na ang kulay clear green dito dahil sa Water Ability na alam kong kamakailan niya lang naisipan gamitin.

        "Vivienne, no!" Mabuti na lang ay agad na nagamit ni Mommy ang Ability niya, at gamit ang hangin ay inilayo niya agad si Vivienne sa fireball na nais niyang pasukin. Sunod-sunod din ang naging pagsinghap namin nang makitang mas dumoble ang laki nito, at tila ba mas lalong nagbaga ang apoy nito.

       "What did just happen..."

       "Did that..."

       Narinig ko pa ang pagkomento pareho ni Kuya Yohan, at pati na rin ni Raven na kanina pa walang kaimik-imik man lang. Mukhang hindi na rin niya napigilan ang sarili dahil sa nangyari.

       "I'm sorry, Vivienne. We already tried that. Even Mallory and Alfred who both have Fire Ability already tried stopping this but it only kept on getting bigger." Alam kong awang-awa si Mommy sa nangyayari ngayon kay Vivienne, lalo pa't pati sila ay sinubukan na palang iligtas si Arianne.

       "Apo, kung sakaling natuloy ang paglapit mo rito, lahat tayo ay pare-parehong mawawalan ulit ng malay dahil sa magiging impact nito. That's what happened to the four of them when they tried." Dagdag pa ng Lolo ni Vivienne kaya lalo na lang siyang naiyak. Lumapit din sa akin sina Cass at Melissa at parehong kumapit sa braso ko habang nakatingin sa fireball kung nasaan si Arianne. Namumuo ang luha sa mga mata nila.

       "There's nothing more that we can do." Ani Mrs. Montclair habang yumayakap sa apo niya.

        Sasagot na sana ako, pero bago ko pa magawa ay pare-pareho na kaming nagulat nang magsalita si kuya Jarvis. Bukod sa katotohanang kanina pa siya walang imik, iba rin ang kapangyarihang inilalabas ngayon ng aura niya.

       "No. There will always be a way. I'm not accepting this." Kasunod ng mga salitang ito ay ang mabilis na paglabas at pagpalibot ng Lightning Energy sa katawan ni kuya Jarvis. Walang pag-aalinlangan din siyang humakbang ng dire-diretso papalapit sa fireball.

      "Jarvis!" Napasigaw na din sina Daddy at Mommy nang makita ang ginagawa ng anak nila, pero sadyang ayaw magpapigil ni Kuya. Napatakip na lang din ako ng aking bibig nang makita kong unti-unti na siyang tumatamo ng mga burns sa balat niya sa bawat paglapit niya rito.

      "Kuya!" Maging ako ay hindi na maiwasang mapasigaw dahil sa takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko rin ay mabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko na rinig na rinig ko na ngayon.

       "No.. Jarvis.." Ramdam ko rin ang paghigpit ng hawak sa akin nina Cassandra at Melissa. At kung kanina ay napupuno ng boses ng bawat isa ang lugar sa subok nilang pagpigil kay Kuya, ngayon naman ay agad itong napalitan ng isang malakas na sigaw na mismong si Kuya Jarvis ang may gawa.

       "I will never give up on her!" Iyon ang mga salitang binitawan niya bago siya tuluyang makalapit sa fireball na nagkukulong kay Arianne, at pare-pareho na lang kaming iniwanan ng kaluluwa sa sunod na nasaksihan.

       Mula sa katawan ni Kuya Jarvis ay lumabas ang napakalakas na Lightning Strike, saktong sakto sa oras na tumama ng tuluyan ang balat niya sa nagliliyab na apoy. Dahil sa pagdikit dalawang elementong ito ay agad na kumalat ang Lightning Energy ni Kuya Jarvis sa fireball, hanggang sa tuluyan nitong sakupin at lamunin ang fireball. Lumikha pa ito pareho ng napakalakas na enerhiya na umabot hanggang sa kisame nitong lugar, at ganoon na lang ang aming gulat nang tuluyang nasira ang kisameng ito. Nagkaroon din ng pagyanig sa paligid dahil sa nangyari, at nagbagsakan ang nasirang kisame mula sa taas. Dahil dito ay agad na ginamit nila Mommy at Daddy ang Ability nila para patigilin at harangin ang mga sementong bumabagsak dito ngayon. May mga cloud formation na nabuo sa itaas ng bawat isa samin para protektahan kami, tapos natigil din sa ere ang mga pira-pirasong semento na ito. Mas lalo namang hindi nagpa-awat ang Lightning Energy na inilalabas ni Kuya Jarvis. Sa halip na humina ay umabot pa ito sa mismong kisame sa taas, hanggang sa tuluyang masira ang bubong nitong establisyemento.

       "Oh my gosh..." Tanging naibulalas ni Melissa nang mula rito sa underground space na kinaroroonan namin ay kitang-kita na ang pagkasira ng kisame, mga haligi at bubong na nasa itaas namin. Umabot na rin hanggang sa langit ang energy na inilalabas ni Kuya Jarvis, kaya sobrang liwanag na ng lugar hindi katulad kanina. Yung kulay pula na parang fireball energy na nakita ko rin kanina sa labas na bumabalot sa paligid ay kapansin-pansin na nawawala na, na para bang kinaklaro ito ng lakas ni kuya. Animo'y sinisira niya ang hindi niya gustong kalangitan, at pinapalitan ito ng sarili niyang lakas.

       "Kuya..."

       Iyon na lang din ang tanging lumabas sa bibig ko nang tuluyang mawala ang Lightning Energy na inilalabas ni Kuya Jarvis, at napalitan ito ng malakas na pag-ulan. Ngunit ang ulan na ito ay bumuhos lang sa mismong parte kung nasaan ang fireball. Animo'y pinapatay ang apoy na nagdudulot ng paghihirap ni Arianne.

       Kinilabutan naman ako bigla nang marinig ang isang pamilyar na boses sa aking isipan, kasabay ng unti-unting pagkawala ng bumabalot kaninang fireball kay Arianne. Iyong fireball na pinasok ni Kuya, at binalot ng sarili niyang Lightning Energy.

"She who holds the Flame shall burn in someone else's game.

From the Sky you'll bathe in her tears, and thou shall feel the Lightning's fears.

When healed she will calm the raging storm, and only then you'll feel her love in Fire's form."

       At nang tuluyan itong mawala kasabay ng pagtigil ng ulan, ay nakita na lang namin si Kuya Jarvis na nakatayo sa gitna nito. Naging kulay blondish white ang kanyang buhok, at may ilang hibla dito na naging kulay dark blue– ang parehong kulay ng Lightning Energy na pinawalan niya kanina. Isang bagay na umani ng pagkamangha mula sa aming lahat.

       Ngunit ang tuluyang nagpatigil ng paghinga naming lahat ay ang makita siyang walang kasugat sugat, at sa kanyang kamay ay ang walang malay na si Arianne. Agad din kaming humakbang papalapit sa kanila, at hindi ko maiwasang maluha sa saya nang idinilat bigla ni Arianne ang kanyang mata. Isang ngiti rin ang sumilay sa labi niya bago nagbitaw ng mga salitang nagkumpirma sa hinala ko.

       "Sabi ko na sky mo 'yon, e. It's the safest sky kasi, my only safe sky."

     Spirit Element is complete. Fire and Lightning, too. Five more to go.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top