XLIII - In Fire's Form

       Para kaming sasabak sa isang malaki at walang kasiguraduhang gyera, kahit na hindi pa naman talaga iyon ang pupuntahan namin. Pero ano nga bang alam namin? Wala rin naman talaga kaming kaide-ideya kung anong nag-aantay sa amin.

       Pinasadahan ko na lang ng tingin ang mga kasama ko na abalang ihanda ang kanilang mga sarili dito sa sala ng cabin ni Aunt Celestia. Tahimik na nag-aayos ng kanilang knife holster sina Shawn at Axel, tinutulungan din nila ang isa't isa na masigurong nakakabit ito ng maayos, tapos ay isa isa ng inilagay ang mga throwing knives dito. Nasa may tabi rin nila si Raven na tahimik lang na pinaglalaruan ang isa sa mga arrows niya, animo'y malayo ang iniisip. Sa kaharap naman niyang upuan ay nakasandal lang sina kuya Travis at kuya Hendrix sa couch, at nakapikit ng mata. Alam ko namang hindi sila tulog kahit na ganyan ang ginagawa nila.

        Andito naman sa tabi ko sina Cassandra at Melissa na parehong nakasandal sa magkabilang balikat ko, at umiidlip. Hindi raw kasi sila makatulog ng maayos kakaisip kay Arianne kaya hinahayaan ko na lang muna sila na mamahinga sandali. Sinda kuya Yohan at kuya Jarvis naman ay nakatayo malapit sa may bintana ng cabin. Mukhang nag-uusap silang dalawa, kaso hindi ko naman iyon maririnig kaya ibinaling ko na lang din kay Vivienne ang tingin ko. Nakasandal siya sa may pader at nakatingin sa kawalan habang pinaglalaruan ang dagger niya sa kanyang dalawang kamay. Kung tama ang pagkakatanda ko, iyan yung dagger na ibinigay sa kanya ni Tito Favian noon. Ang dagger na may pagkaka-pareho sa Ability weapon ni Arianne.

       Paniguradong hindi na siya makapag-antay na makasama at mailigtas ang kapatid niya. Isang bagay na naiintindihan naming lahat, dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo, itinulak man siya palayo ni Arianne, sa huli ay nananaig pa rin ang pagmamahal niya rito.

       "Ready?" Pare-pareho naman kaming naalerto nang marinig namin ang boses ni Aunt Celestia. Kitang-kita ko rin ang paglingon nina kuya Yohan, pati na rin ang pag-ayos ng upo nila Kuya Hendrix. Lumapit na rin sa amin si Vivienne, kaya dahan-dahan ko na ring ginising itong dalawang katabi ko.

       "Are we going now?" Mababakas ang lubos na pangamba at pagka-inip sa boses ni Vivienne nang itanong niya iyon kay Aunt Celestia. Hindi ko rin tuloy maiwasang pasadahan ng tingin si kuya Jarvis– walang reaksyon sa kanyang mukha pero punong-puno naman ng emosyon ang kaniyang mga mata.

       Hindi naman agad sumagot si Aunt Celestia, at sa halip ay dumiretso na lang sa may gitna naming lahat. Isa-isa rin niya kaming binalingan ng tingin, bago nagtugon.

       "Before we go, I need all of you to promise me that you will stick to the plan. Save Arianne and leave. Lalaban lang kayo kapag may nakasalubong kayong kaaway, pero hangga't maaari ay kailangan niyong kumilos agad. We'll be entering an enemy's lair, and quite frankly, none of us is prepared enough to go on war. Kaya kapag nailigtas at nakuha na natin si Arianne Arabella, aalis na tayong lahat. Are we clear?"

       May kakaibang otoridad sa boses ni Aunt Celestia. Hindi na ito katulad kahapon na tila ba nakikipaglaro siya sa amin. Sobrang seryoso rin ng kanyang mga mata, marahil ay dahil nag-aalala rin siya sa kung anong mga pwedeng mangyari ngayong araw na ito. Pare-pareho naman kaming tumango na lang, dahil alam naman naming tama siya. Mayroon lang muna kaming sapat na lakas sa ngayon para iligtas si Arianne, pero ang harapin si Stephen o makipag-digma sa mga tauhan niya ay hindi pa namin kakayanin. Lalo pa't hanggang ngayon ay wala kaming ideya kung ano ba talaga ang pinaplano niya, at kung gaano kalakas ang kapangyarihang taglay niya.

       "Get Arianne out, stick together and protect each other, then leave. Crystal clear." Nang isagot iyon ni Axel, kahit na hindi ko siya kilalang lubos, ay ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang maisagawa ng maayos ang gagawin namin ngayong araw na ito. Napansin ko ring nagkatinginan sila ni kuya Jarvis dahil doon, tapos ay tumango na lang. Animo'y nagsisimbolo ito ng pagrespeto nila sa presenya ng isa't isa.

       Maaaring hindi ko inaasahan na makakasama namin silang dalawa ngayon. Pero kahit ganoon ay alam kong importante rin sa kanila si Arianne. Kung ano man ang naging pagkakaibigan nilang tatlo ay wala kaming alam doon, pero hindi ibig sabihin na hindi na iyon mahalaga. Importante sa kanila ang kaibigan namin katulad ng kung paanong lubos na mahalaga rin siya sa amin. Minsan, iyon lang ay sapat ng rason para isantabi na muna ang mga hindi magandang pagkaka-unawaan.

       "Now, one more thing, I already got a call from one my trusted personnel... Ngayon ngayon lang ay kinumpirma niya sa aking hindi ganoon karami ang bantay doon. Hindi na natin aantayin na dumami pa iyon, lalo na't bawat segundo ay mahalaga. At isa pa, hindi ko pwedeng isangkalan ang mga buhay ninyo dahil malalagot naman ako sa mga magulang niyo. So, to make sure that we arrive there on time and increase the chances of succeeding, I'll be needing all of you to hold hands." Kunot noo naman akong napatingin kay Aunt Celestia dahil sa sinabi niya. Akala ko kasi ay nagbibiro siya, pero hindi pala. Sapagkat tanging seryosong reaksyon ang ipinapakita niya sa amin.

       "Don't tell me...?" Hindi na naituloy ni kuya Yohan ang nais niyang itanong, dahil agad na siyang inunahan ni Aunt Celestia.

       "Yes, I'll be teleporting all of you to where Arianne is." Ngumisi ito at hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang pagkamangha.

       Alam ko naman ng may Psionic Ability si Aunt Celestia kahit noong Auntie Fe pa lang ang pagkakakilala ko sa kanya, pero namamangha pa rin ako sa narinig ko. Hindi ko akalaing kaya rin niya kaming isama sa paggamit niya ng Teleportation Ability niya.

       "Wow..." Bulong sa'kin ni Melissa kaya napangiti na lang ako sa aking isipan. Hindi ko siya masisisi dahil maging ako man ay namamangha rin.

       Bukod sa Teleportation Ability ay mayroon ding Telekinesis Ability si Aunt Celestia– iyong Ability na katulad ng kay Shawn. Kung kaya naman malelebel bilang Psionic Ability ito.

        Ang Psionic Ability ay dalawa o higit pang koleksyon ng Abilities na may kinalaman, o nasa ilalim ng Psychic o Mental Abilities. Mga kakayahang may kinalaman sa paggamit ng kanilang isipan upang mapagana ito. Nasa ilalim pa rin ito ng tinatawag na Basic Abilities, pero hindi ko talaga maintindihan kung paano naging basic iyon. Oo nga't maraming tao ang may ganoong kakayahan, pero tingin ko naman ay hindi pa rin dapat maliitin ang mga ito. Dahil kaonting pag-aaral at pagtitibay lang ay nagiging makapangyarihan din ito, tulad na lang ni Aunt Celestia at Shawn.

       Tila nabalik naman ako sa wisyo nang maramdaman ko ang paghawak ni Cassandra sa kamay ko, di ko tuloy maiwasang lingunin siya. Papaano kasi ay napahigpit ang hawak niya sa'kin, marahil ay kinakabahan. Sinuklian ko na lang ito ng isang ngiti, na tinanguan naman niya bago siya magturan.

       "Let's go save our girl." Rinig na rinig ang mga salitang ito sa buong lugar, at sa gilid ng mga mata ko'y kitang-kita ko rin ang paghahawak ng kamay ng bawat isa. Naramdaman ko na lang din ang hawak ni Melissa sa kaliwang kamay ko bago ko kami tuluyang makaramdam ng kakaibang enerhiya.

       "See you, my dearest Alexandria."

        Napakunot naman ang noo ko nang tila may narinig akong kakaibang tinig sa isipan ko, pero hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ito. Baka epekto lang ng pagteteleport, kaya hindi ko na lang pinansin. Napapikit na lang din ako ng mata nang pakiramdam ko ay malapit ng mawala ang kakaibang enerhiya na tila humihila sa aming lahat.

       "Holy..." Agad akong napadilat ng aking mata nang marinig ko ang boses ni kuya Hendrix. Sinundan din ito ng pagsinghap ng iba pa naming kasama, kaya naman talagang nakakapagtaka.

       Nanlaki na lang din ang aking mata nang mapagtanto ko kung bakit iyon ang naging reaksyon nila. Bakit nga naman hindi kung pagdilat na pagdilat pa lang ng iyong mata ay bubungad na sa'yo agad ang kakaibang enerhiyang bumabalot sa paligid. Para itong isang malaking bola ng apoy na naglalabas ng sobrang liwanag, tapos idagdag mo pa ang tila nakakatakot na aura na inilalabas ng buong lugar.

       Hindi ko alam kung nasaan kami eksakto, pero base sa dami ng puno sa paligid ay masasabi kong nasa isang tagong lugar ito. Wala rin akong makuhang ibang detalye dahil nga nakakasilaw din ang paligid. At kung saan nanggagaling ang enerhiyang iyon ay hindi ko rin alam. Tapos ay isang malaking parang warehouse lang ang makikita sa lugar. Napapalibutan ito ng mga tauhang halatang nagulat sa biglaang pagsulpot namin.

       "I'll meet all of you inside, I'll try to get a leg up in finding my sister." Bago pa kami makasagot ay agad ng naging invisible sa paningin namin si Vivienne. Aakalain mo ring may dumaan na malakas na hangin sa kinakatayuan namin dahil bigla na lang nawala si kuya Jarvis sa kinakatayuan niya.

       "Like hell you'll leave me waiting here. I've been patient enough." Iyon na lang ang huling narinig namin mula sa kapatid ko bago siya tuluyang nakalayo gamit ang Enhanced Speed niya. Hindi na rin nagkaroon pa ng pagkakataon ang mga kaaway na nakabantay sa harapan para umatake, o kahit i-activate man lang ang mga ability nila, sapagkat kasabay ng pag-alis ni Kuya Jarvis ay ang sunod-sunod na lang na pagtama ng lightning bolts sa kanila.

       "Oh yeah, he's mad alright." Rinig kong komento ni Aunt Celestia bago tumalikod sa amin, at humarap sa kabilang direksyon.

       "Now go and follow them, I'll hold the fort with the Pierce siblings." Tangi niyang tugon, kaya binigyan ko na lang ng tag-isang tango at ngiti sina Melissa at Raven. Sinuklian lang nila itong dalawa ng pagkindat, kaya kahit papaano ay nabawasan ang takot at pag-aalala na nararamdaman ko.

       Napag-usapan na kasi nila kanina na habang hinahanap at kinukuha namin si Arianne sa loob, sila naman ay mananatili rito sa labas. Para kung sakaling may dumating pang kaaway ay mapigilan agad nila itong tatlo ni Aunt Celestia.

       Wala na ring nag-antay sa aming sumagot pa, at pare-pareho na lang kaming tumakbo papasok ng establisyementong nakikita namin. Si Kuya Yohan at Kuya Hendrix naman ay nag-iba ng direksyon nang malapit na kami. Dahil katulad ng napag-usapan ay sila ang bahala sa paligid, para kung sakaling may ibang daanan mula sa likod, o kung saan man ay malalaman nila.

       Parang otomatikong humigpit ang hawak ko sa dalawang short dagger na pinagamit sa akin ni Kuya Travis nang makapasok na kami. Inaasahan kong may makakasalubong kaming kalaban, pero ganoon na lang ang pagkabigla ko nang isang nakakabinging katahimikan ang bumungad sa amin. Akala ko rin ay isang open space agad ang makikita namin, pero mali pala ako.

       Isang mahaba at maliwanag na hallway ang sumalubong sa amin, at ganoon na rin ang pagtataka ko nang makita sina Kuya Jarvis at Vivienne na parehong natigilan. Nakatayo lang din sila at gulat na nakatingin sa harapan kung saan makikita ang tila mga kalaban na ngayon ay wala ng buhay.

        "Jarvis, did you do this?" Bakas na bakas ang pagka-gulat sa boses ni kuya Travis nang bitawan niya ang tanong na iyon. At kahit makikita man na naguguluhan at gulat pa rin si kuya Jarvis sa nadatnan namin, umiling-iling na lang siya at nagsimula ng maglakad.

       "Whatever this is, let's just think of it as a blessing. Now, we just need to find Arianne." Komento na lang ni Axel bago sila sumunod ni Shawn kay Kuya. Nagpalitan na lang din kami ng tingin nina Vivienne, Cass at Kuya Travis tapos ay kumilos na rin upang makasunod sa kanila.

       Hindi ko naman maiwasang lumingon ng lumingon sa likuran ko habang naglalakad kami... natatakot na baka may umatake na lang sa amin bigla. Nababalot kasi ng katahimikan ang lugar, at dahil wala akong Ability ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

        "Their wounds looks like burns." Nilingon ko naman si Kuya Travis nang sabihin niya iyon bigla. Kapansin-pansin ang pagtingin at pagpuna niya sa mga walang buhay na katawan na nadadaanan namin. Pati rin tuloy ako ay napatingin sa mga ito dahil sa mahabang marka ng pula na nasa leeg nila. Animo'y sinakal sila ng isang mahabang laso ng apoy.

       "Not all of them though. Look at these bodies here. They don't have wounds and burns... They're just dead." Puna naman ni Cassandra sa mga katawang nadadaanan niya kaya binilisan ko rin ang paglakakad para makasabay sa kanya. Nauuna kasi siya sa amin ng kaonti ni kuya Travis, habang sila Kuya Jarvis, Axel, Shawn at Vivienne naman ay medyo may kalayuan na sa amin.

       "Suffocation." Napatingin naman kami ni Cass kay Shawn nang marinig naming nagsalita siya. Bahagya niya lang din kaming nilingon matapos niyang pasadahan ng tingin ang mga mukha nilang halos magkulay violet na, tapos ay naka-awang pa ng kaonti ang mga bibig nila. Mabilisan lang iyong pagsulyap niya, tapos ay tumingin na siyang muli sa harapan bago muling nagturan.

       "They lacked oxygen in their blood, that's why they look like that. Their air supply just got cut off..." Pagkatapos din niyang sabihin iyon ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad, kaya naman nagkatinginan na lang kami ni Cassandra, bago magpatuloy.

       May kakaiba sa katahimikang ito, tapos ang haba pa nitong hallway. Pakiramdam ko ay ilang minuto na kaming naglalakad dito, at idagdag mo pang ang mga ingay na nalilikha ng bawat yapak namin ang tanging naririnig sa paligid. Kaonti na lang ay pakiramdam ko maririnig ko na rin pati ang pagtibok ng puso ko.

       There is comfort in silence... but such silence could also mean danger.

       Nang marating naman namin ang dulo nitong hall ay natigilan naman kami nang makitang isang malaking metal double-doors ang naririto. Nakasarado pa rin ito, pero mukhang hindi naman naka-lock.

       "Whatever is inside... Brace yourselves." Halos pabulong ng tugon ni Vivienne, kaya nagkatinginan naman kaming pito. Isang buntong hininga na lang din ang pare-parehong pinakawalan namin, bago itinulak ni kuya Jarvis ang pintuan para mabuksan ito.

       "Oh my gosh..." Mabilis na napasinghap si Cassandra at napa-atras pa kaya inalalayan ko agad siya, at hinawakan ang likod niya. Hindi rin niya maiwasang mapatakip ng bibig dahil sa nakita, at hindi ko siya masisisi.

        "What the hell happened here?" Hindi na rin naiwasan ni Axel na magkomento. Nagsimula rin silang maglakad at lumingon lingon sa paligid, mukhang naghahanap ng sagot sa kung ano nga ba ang nangyari sa lugar na ito.

        Inilibot ko rin ang aking paningin upang suriin ang lugar. Kung kanina ay isang mahaba at maliwanag na hallway ang tinahak namin, ngayon naman ay nasa loob kami ng isang kwarto na maihahalintulad sa isang grand hall. Walang kabinta-binata sa lugar, tapos ay gulo gulo rin ang mga mesang pinagkaka-patungan ng mga armas. Punit punit na rin ang mga kulay itim na telang naka-disenyo sa malalaking haligi rito. Kapansin-pansin din ang mga marka sa pader, na para bang tinamaan ito ng isang atake dahil mukha itong sunog, o di kaya'y tinamaan ng mahinang pagsabog.

        Pero hindi naman ang mga iyon ang dahilan kung bakit pare-pareho kaming gulong-gulo, at gulat ngayon– ang daming patay dito.

       Kung kanina ay napakarami na naming nadaanan na walang malay na katawan sa labas, tila ba dumoble ang bilang nila rito. Kapansin-pansin din na ang ilan sa kanila ay naka-uniporme pa ng katulad sa kasuotan ng mga Council Guards kaya hindi ko maiwasang mapangiwi.

        Sa gilid din ng mga mata ko ay nakita ko ang pag-iling nina kuya Jarvis at Vivienne habang pinagmamasdan ang paligid, kaya alam kong napansin din nila ang mga ito.

        Ang Council... Mga traydor.

       "Some of these men... I recognise them. They're a part of my... of...." Binigyan ko na lang si Cass ng isang mahigpit na yakap nang mapansin ko ang pagdadalawang-isip at pagkamuhi sa kanyang boses. Tinapik-tapik ko rin ang likod niya nang mapansin kong tila nanginginig siya.

       Naiintindihan ko kung anong gusto niyang iparating. Dahil nakikilala ko rin ang mga pin na suot ng ilang patay na security personnel dito. Mga pin na nagdadadala ng pagkakakilanlan nila– mga pin na nagsasaad na nagtatrabaho sila para sa Austria Family.

       Umiling-iling naman siya na para bang humihingi siya ng pasensya dahil hindi niya kayang bigkasin ang pangalan ni Stephen o Gabriel. Narinig ko rin ang pagkabasag ng boses niya nang muli siyang magsalita.

       "I'm sorry... I can't... I'm... He..."

       "Ssshh, it's okay. We understand what you mean." Sabat agad ni Kuya Travis nang tila mautal lalo si Cassandra. Bumitaw din ako agad sa pagkakayakap sa kanya nang mapansing tila bumibigat ang paghinga niya. Alam ko ring napansin iyon ni Kuya, dahil agad siyang lumapit sa tabi ni Cass at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

       "It's okay, Cassandra. He's not here. Look at me, we're the only ones here. I got you, just look into my eyes, I'm here." Ramdam na ramdam ko ang kakaibang pag-aalaga na inilalabas ng tono ng boses ni Kuya Travis nang sabihin niya ang mga salitang iyon habang nakatitig sa mga mata ni Cass.

       "I'm here, you're safe here with me." Kung anong takot ang makikita sa mga mata ng kaibigan ko ay siya namang ikinakalma ng mga titig ni Kuya. May kakaibang liwanag din sa kanyang mga mata, kaya naman kapansin-pansin ang unti-unting pagtahan ni Cass.

        "Trav..." Isang salita lamang pero sapat na para sumibol ang isang sinserong ngiti sa mukha ni Kuya. Tinanguan niya rin si Cassandra na para bang sinasabi niyang ayos lang ang lahat– ayos lang kung ano mang naging reaksyon ni Cass. Isang ngiti at pagtangong nagsasabi na kung ano man ang takot na nararamdaman niya ay importante ito, at na hindi dapat ihingi ng paumanhin. Sapagkat ang kalusugan ng emosyon at utak niya ay ang pinaka-importanteng bagay na nasa isip ngayon ng kapatid ko.

        "Hoy sandali kami lang 'to!" Nagulat naman kaming tatlo pareho nang makarinig ng isang sigaw, kaya napatingin kami agad sa unahan kung nasaan sina Kuya Jarvis, Vivienne, Axel at Shawn. Kaharap nila ngayon sina Melissa, Raven, Aunt Celestia, kuya Yohan at kuya Hendrix na pumasok mula sa side door sa may kanan. Namilog din ang kanilang mga mata, marahil ay dahil sa gulat. Mukha kasing muntik na silang batuhin ni kuya Jarvis ng kanyang Lightning Boomerang.

        "Now that's a lot of dead people." Ang komento ni Aunt Celestia ang tanging bumasag ng katahimikang sanhi ng pagka-gulat. Nagsimula na rin siyang maglakad para isa-isang tingnan ang mga ito.

       "Natapos niyo agad ang laban?" Dagdag pa ni Raven.

       Hindi naman sila pinansin ni Vivienne dahil imbes na sumagot ay nagtanong pa ito.

       "What's happening? Why are you all here? I thought you'll take care of the enemies outside?" Nakakunot din ang kanyang noo habang nagbabato ng nangku-kwestyon na tingin kanila Kuya Yohan.

       "There's no one outside. All we saw were their lifeless bodies as well." Walang pag-aalinlangang sagot ng kapatid ko kaya nagkatinginan din kami nina Kuya Trav at Cassandra. Lumapit na rin kami agad sa kinakatayuan nilang lahat, sa may sentrong parte na nitong hall.

        "Totoo 'yon. Parang yung mga kalaban kanina sa harapan lang yung natitirang buhay, kasi nung nagbabantay din kami sa harap, dumating bigla yung security personnel ni Lola–"

       Sumabat naman bigla si Aunt Celestia habang nagku-kwento si Melissa. Pero isinantabi lang ito ng kaibigan ko, kaya kapansin pansin ang kanyang pagsimangot.

         "Aunt!"

         "Langgam ka po ba, Lola? Aunt ka ng Aunt, kanina ka pa po. Anyway, basta yun na nga yung mga tauhan na pinauna niya kanina lumapit bigla sa kinakatayuan namin, tapos sabi nila wala na raw katao-tao sa paligid."

        "I don't think this is the right time to laugh, control yourself." Hindi ko alam kung saan ba ako matatawa. Sa mga sinabi ni Melissa kay Aunt Celestia, at sa naging reaksyon nito... O kay Axel na halatang nais matawa pero binulungan siya ni Shawn na kontrolin ang kanyang sarili at siniko pa siya nito. Pinagsasabihan niya pa si Axel kahit na siya mismo ay halatang napangiti sa narinig, kaya yumuko na lang siya. Sa tabi rin nila ay napa-iling na si Vivienne, at napabuntong hininga.

       Pero tama naman si Shawn, hindi naman ito ang tamang oras para matawa.

       "We also just found them like this. Lifeless. We haven't even encountered any alive enemy." Turan na lang ni Kuya Travis habang nakatingin kay kuya Jarvis. Pakiramdam ko tuloy ay nararamdaman niya ang emosyon ngayon ni Kuya Jarvis, at kung ano man iyon... mukhang hindi ito maganda.

       Pansin kong napatango-tango naman si kuya Hendrix sa sinabi ni Kuya Travis, tapos ay saka sumagot.

      "Aunt Celestia's security team and Damon is still searching the perimeter. Pero bago kami pumasok dito ay wala na talaga kaming naaninag kahit isang anino man lang. Balak na sana namin kayong sundan sa may front door, kaso ay may nakita kaming isang pinto sa likuran. We thought we'd check it out, so we're just surprised it led us here as well."

       Hindi na ako magtataka na ninais pa rin i-double check ni Kuya Damon ang lugar imbes na sumama na kanila Kuya. Ganyan naman siya lagi, gusto niya nasisiguro palaging ligtas ang lugar kung nasaan kami. Kahit kaninang umaga ay dapat kasabay namin siyang pumunta dito, pero hindi sya pumayag. Nagpresenta agad siya na sasama siya sa mga mauuna ritong security personnel ni Aunt Celestia upang makasiguro na makakalkula agad niya ang mga sunod niyang magiging galaw.

       "I think we can conclude here that this hall is a dead end."

       Natahimik naman ang lahat matapos iyon sabihin ni Kuya Yohan. Isa-isa na lang din silang nagpalitan ng nagtatakang tingin. May halo ito ng pangamba... dahil kung sinasabi nilang wala ng ibang mapupuntahan sa lugar na ito... Ang ibig sabihin...

        "Are you telling me that my sister isn't here? Her life is still in danger and we don't know where she is!" Hindi ko maiwasang mapapikit nang marinig ko ang pag-aalala sa boses ni Vivienne. Tumaas din ang boses niya nang sabihin iyon, at alam ko na sinusubukan na lang niyang magpakatatag.

       "No offense meant, Miss Hillock, but you said Arianne will be here. Where is she?"

        Sunod kong narinig ang boses ni Shawn. Gusto ko na rin sanang magtanong, pero bago ko pa magawa ay nakaramdam naman ako ng lamig sa buong batok ko, na para bang may bumulong dito o may nakatingin sa akin. Agad tuloy akong lumingon para makita kung ano itong pakiramdam ko na 'to.

       "This is the place that my informant gave me!"

       "E sino ba informant mo, Lola? Mali naman yung sinabi niya sayo, nasayang pa oras natin. Hindi pa natin alam kung nasaan si Arianne, kawawa naman 'yon."

       "Ate.."

       "Your sister is right, Raven."

        "O tingnan mo, kahit si Yohan nag-agree."

       Naririnig ko pa ang mga sunod-sunod nilang naging sagutan, at palitan ng salita, pero hindi ko ito magawang pagtuunan ng pansin muna. Hindi rin maiwasang magsalubong ng dalawang kilay ko nang makita ang isang kakaibang liwanag na tumakas mula sa crack ng pader sa may dulo. Malapit iyon sa pintuang pinasukan namin kanina, at natatakpan din ng haligi, pero sigurado ako sa nakita ko.

       "Are you really our ally? Do you really want to help us find Arianne? Kasi sa nangyaring ito, parang hindi."

       "Are you questioning me?!"

       Sinubukan kong lingunin ang mga kasama ko para sana itanong kung nakita ba nila iyong liwanag na nakita ko, pero masyado silang abala sa pagsasagutan. Gusto ko na silang sawayin pero may nag-uudyok sa aking tingnan kung ano man iyong nakita ko, kaya naman iniwan ko na lang sila. Humakbang at naglakad na lang ako agad papunta sa parteng nakita ko, at napasinghap naman ako agad nang makita ang dulo ng isang mahabang gown na parang nababalot noong liwanag na nakita ko. Agad itong nawala doon sa crack ng pader, na para bang pumasok ito roon kaya mas binilisan ko na lang ang paglalakad.

       Ilang hakbang na lang ay makakalapit na ako rito, pero bago ko pa magawang humakbang ulit ay naramdaman ko na agad ang isang kamay na pumigil sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa aking pala-pulsuhan, animo'y nagpapahiwatig ng pag-aalala sa aking kinikilos.

       "Are you alright, Sunshine?" Napalingon naman ako agad nang marining si Kuya Hendrix. Diretso ang tingin niya sa akin, at tama ang hinala ko. Bakas na bakas ang pag-aalaa sa kanyang mga mata, siguro'y napapa-isip kung bakit ako lumalakad papunta rito sa dulo.

       Binigyan ko naman siya ng isang tango at ngiti para ipakitang ayos lang ako. Mula rito sa kinakatayuan namin ay maririnig pa rin ang pagbabangayan nila sa may gitna ng hall, pero hindi ko na lang ito ipinansin. Itinuon ko na lang kay Kuya ang atensyon ko, tapos ay itinuro ko sa kanya ang crack na napansin ko. Ang haba nito dahil mula sa may kisame hanggang sa sahig umaabot ang crack, para bang tinamaan ito ng isang napakalaking bagay.

       "May napansin kasi ako dyan kanina, parang energy ata. Ang liwanag, Kuya. Pero nawala iyon dyan sa may crack na 'yan." Napakunot naman ang noo ng aking kapatid sa sinabi ko. Napa-isip din siguro siya kung ano ba iyon, kaya naman tinanguan na lang niya ako at sinagot ng, "okay, we'll check it out. But stay close to me."

       Hindi na ako umangal sa kagustuhan ng kapatid ko at sumunod na lang sa kanya. Kinapa-kapa rin niya ang pader nang makalapit kami ng tuluyan dito.

        "Woah!" Kung kanina ay naririnig pa namin ang bangayan ng mga kasama namin, ngayon ay mukhang natahimik at natigilan din sila nang marinig ang sigaw namin pareho ni Kuya Hendrix. O pwede ring nakuha ang atensyon nila ng biglaang pagliwanag nitong pader na nasa harapan namin.

       Nang inilapat kasi ni Kuya ang kamay niya rito ay may lumabas na liwanag doon sa crack na hinawakan niya, tapos ay agad itong kumalat sa buong pader. Hindi ko nga maiwasang mapa-iwas ng tingin ng kaonti dahil nakakasilaw ito.

        "What is that..." Aakalain mong bulong iyong tanong ni Cass nang tuluyan silang makalapit sa amin, dahil sa gulat at pagka-mangha. Pansin ko ring nakasunod na sa kanila si Kuya Damon, tapos ay sinusuri naman ng mga security personnel ni Aunt Celestia ang kabuuan nitong hall.

       "A passageway." Nakuha ni Kuya Travis ang atensyon naming lahat nang sumagot siya, kaya sinundan din namin ang tingin niya. Tuluyan na ring humupa iyong liwanag na bumabalot sa pader kanina, kaya ngayon ay kitang-kita na namin ang tila isang daanan na nasa likod nung crack na napansin namin. Tuluyan na ring nawala at nasira iyong parte ng pader na iyon, kaya ngayon ay may daanan na.

        Kumpara sa hallway kanina, itong secret passageway na nakita namin ay mukhang lumang luma na, tapos tanging ang mga torches lang na nakasabit sa pader ang nagsisilbing ilaw.

        Bago pa may makapagsalita sa amin, o makapag-react man lang, ay pare-pareho na lang kaming nagulat nang mabilis na nawala si Kuya Jarvis sa kinatatayuan niya. Halos mapatay din ang mga apoy ng torches dahil sa hangin na dala niya nang gamitin niya ang kanyang Enhanced Speed papasok.

       "Jarvis! Damn it!" Napamura na lang si Kuya Yohan sa inis dahil alam naman naming lahat na nakalayo na ang kapatid ko, at hindi na siya maririnig nito. Ang usapan ay hindi kikilos ng basta basta si Kuya Jarvis pero hindi ko naman siya masisisi. Masyado na siyang naging pasensyoso, at alam kong sobra sobra na ang pag-aalala niya kay Arianne.

       "Let's go, we can't let him go alone." Iyon na lang din ang tanging sinabi ni Kuya Yohan matapos niyang magpakawala ng isang buntong hininga. Wala na rin kaming sinayang na oras at agad na kaming tumakbo papasok nitong passageway. Mabuti na lang at may kalakihan din ito kaya hindi naman mahirap kahit na ang dami namin.

        Hindi ko alam kung ilang minuto ba naming tinakbo ang kahabaan nitong lugar, pero napansin kong pababa ang daanan nito. Wala rin kami nadaanan na ibang passageway na lilikuan, kaya dire-diretso lang ang naging direksyon namin. Pero kahit isang direksyon lang ito ay medyo pakurba ang mga pader, na para bang spiralling passageway itong tinatahak namin.

       Pare-parehas naman kaming natigil sa pagtakbo nang marating namin ang dulo, at bumungad ang isang malaking space. Sa tingin ko ay kasinglaki ito ng hall na napuntahan namin, o kung tama ang hinala ko ay nasa ilalim kami ngayon ng hall na iyon.

        "Oh my Gosh!" Tanging nasambit ni Melissa nang makita namin ang isang malaking bola ng apoy sa gitna na tila lumalaki pa ng lumalaki pa kada minuto.

       Pero ang higit na gumulat sa aming lahat ay ang mga taong nakita namin na nakabulagta sa sahig, at walang malay. Nakalapit na rin sa kanila si Kuya Jarvis at sinusuri sila.

       Isa-isa na ring tumakbo papalapit sa kanila ang mga kapatid at kaibigan ko, pati na rin sina Axel, Shawn, Aunt Celestia at kuya Damon.

        Napuno ng boses ang lugar dahil sa mga nag-aalalang tanong ng lahat, pero pakiramdam ko ay nabingi na lang ako at na-estatwa. May kakaibang galak na namumuo sa puso ko, tila nagpupumilit kumawala.

       Andito sila... Andito silang lahat.

       Sina Tito Jace, Dana, Sir Saturn... Ang mga magulang nina Melissa at Raven, pati na rin ang Lolo at Lola ni Vivienne...

       "Mommy... Daddy.." At pati ang mga magulang namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top